HINDI MAPALAGAY si Aliyah habang nakaupo siya sa bleacher. Sa tuwing magkakatinginan sila ni Shein habang ito ay nasa stage, hindi maiwasan ni Aliyah ang matakot. Lalo na kapag ito ay ngingisi sa kaniya. Tinuon na lang niya ang atensyon kay Celestine na alam niyang baka nakakahalata na. Huminga siya nang malalim saka tumayo. Kailangan niya muna magpahangin dahil pakiramdam niya ay nasasakal siya. Nang makalabas siya ay doon lang siya nakahinga kahit paano. Hindi niya talaga akalain na mabibisto siya ng isang babaeng hindi niya kilala pero kilala sila. "Hey!" Napalingon agad si Aliyah sa umakbay sa kaniyang balikat. Si Thomas. "Thomas, ikaw pala." "Parang ang lalim na naman ng iniisip mo. Ayos ka lang ba?" Isang buntonghininga ang tinugon niya rito saka nag-iwas ng tingin. Kahit

