TAHIMIK AT WALANG kibuan sina Aliyah, Celestine at Lavi. Nasa loob na sila ng bahay nina Aliyah at pare-parehas na nasa sala. Nakatayo si Celestine habang may kausap sa cellphone nito habang si Lavi naman ay nilalagyan ng cream ang braso ni Aliyah na may bakat pa rin ng kamay ni Felix. Nasa likod ni Celestine nakatuon ang atensyon ni Aliyah at nang humarap ito sa kanila, nakakunot ang noo nito. Tumaas ang isang kilay ni Celestine nang makita ang ginagawa ni Lavi sa kaniya. "Sinong kinausap mo?" tanong niya sa nobya. "Si mama. Sinabi ko ang nangyari sa iyo. Pinauuwi niya ako ngayon sa bahay kasama ka... Saka si Lavi." Tumingin pa ito sandali sa kaniyang gilid. "Tatapusin ko lang ito tapos umalis na tayo." Ang tinutukoy nito ay ang paglalagay ng cream sa braso ni Aliyah. "Ayos na ba ang

