Chapter 13

1612 Words
ELARA’S POV Natuwa sina Tita Celia at Papa nang malaman nila na natanggap ako sa trabaho. Kaya nang dumating ang Lunes ay sabay na kaming pumasok na dalawa. Nang dumating ako ay agad akong sinalubong ni Ashton. Pinakilala niya ako sa ibang empleyado. May tatlong palapag ang building kung saan nagtatrabaho ang lahat ng nasa opisina. Ang ikatlong palapag ay may tatlong opisina, ang opisina ng ama ni Sir Ashton, at ng Lolo niya pero madalang na raw iyong magamit at ang ikatlo ay ang opisina mismo ni Sir Ashton at Habang kaming mga secretary ay nasa may mga table sa may entrance. Bale tatlo kami, si Ate Monette, may edad na ito at siya ang assistant ng Dalawang matandang De Silva, si Kuya Mike, ang assistant naman ng ama ni Ashton. Naging maayos naman ang trabaho ko sa mga De Silva bilang secretary ni Ashton. Ayaw niyang tawagin ko siyang Sir dahil magkababata raw naman kami, pero kapag may ibang tao lalo na kapag may investor o client na pumaparito, sir ang tawag ko sa kaniya pero kapag kaming dalawa lang, Ashton lang. Mabilis din akong nakapag-adjust sa trabaho ko dahil mababait naman ang boss at mga kasama ko. Kahit na minsan ay nangangamba akong biglang susulpot si Sean sa harapan ko. “May iba ka pang pinsan, pero bakit ikaw lang ang katulong sa pamamahala ng Hacienda?” isang hapon ay tanong ko kay Ashton. Nakangiting tumingin siya sa akin. Nasa mataas na parte kami ng lupain nila kung saan kita ang halos buong De Silva’s Land. Sinama kasi niya ako habang nililibot niya ang lugar. “Well, may kaniya-kaniya silang tinahak na landas. Ryan is a Doctor, while Nyx wants to be an Attorney. Si Sean naman, he has his own business and he is living abroad kaya sa aming magpipinsan, siya ang pinakamadalang umuwi. While the girls, they are not obliged to help,” paliwanag niya at tumingin sa paligid. Napakalawak ng mga lupain ng De Silva, may farm at live stocks sila kaya masasabi ko na sila rin ang pinakamayamang pamilya sa lugar namin. Muli akong nakahinga dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin, busy ang pinsan niya at madalang ito kung uuwi. “Umuwi si Sean noong nakaraan, bago ka pumasok bilang secretary ko, pero para lang magpaalam kina Lola at Lolo dahil ang alam ko, matatagalan bago siya bumalik dahil magiging busy siya sa pinapatayo niyang hotel,” pagkukwento pa niya. “Kamukha mo siya, I mean may pagkakahawig kayong dalawa,” komento ko. Humarap siya sa akin habang magkasalubong ang mga kilay? “How did you know?” Bahagya naman akong natigilan sa sinabi niya pero agad din akong nakabawi. “Noong ininterview ako ng Lola mo, nakita ko ang malaking family picture ninyo at pinakilala niya kayo isa-isa sa akin.” Tumango-tango siya. “Yes, madalas na magpagkamalang kambal noong bata pa kami, pero hindi sabi nina Lola, mahahalata agad ang pagkakaiba naming dalawa dahil sa kulay ng mga mata namin.” Ngumiti siya sa akin. “Akala ko kilala mo siya ng personal. Hindi mo ba siya nakilala noong mga bata pa tayo?” Umiling ako. Kaya nga hindi ko inaasahan na De Silva pala ang nakabuntis sa akin dahil hindi ako pamilyar kay Sean. Siguro dahil ayon sa nalaman ko, sa ibang bansa ito lumaki. NAGPATULOY ANG MGA ARAW. Lumalaki na rin ang tiyan ko hanggang sa maging pitong buwan na ang pinagbubuntis ko. Malaki ang tiyan ko dahil triplets ang dinadala ko. Hirapan na rin akong gumalaw pero nagta-trabaho pa rin ako. Ang balak ko ay kapag eight months na ang pagbubuntis ko ako hihinto. Kaya ko pa naman ang magtrabaho, sayang kasi ang sweldo ko kung sakali. Hindi madali ang pagbubuntis ko. Lalo na may mga gabing nagigising ako na parang pinupulikat ako kaya minsan, si Tita Celia parang gusto na niyang sa tabi ko matulog. Kaya labis talaga ang pasasalamat ko sa kaniya. Iyong mga bagay na hindi ko naranasan kay Mama, hindi ko inaasahan na mararanasan ko sa ikalawang asawa ni Papa. Mahal ko ang ina ko kahit ganoon siya, pero mahal ko rin si Tita Celia. Hinahatid na rin ako ni papa kapag pumapasok ako. Medyo hirap na akong lumakad at palagi kong salo ang tiyan ko. Mabigat talaga ang pinagbubuntis ko. Bakit kasi tatlo agad sa isang putok? Pero kahit mahirap, kinakaya ko. Masaya rin ako dahil mahigit isang buwan na lang, alam kong makikita ko na sila. Medyo hirap na akong kumilos, pero dahil kailangan ko ang trabaho ko ay hindi pa ako pwedeng mag-leave. Hanggang sa magawi si Ma’am Amelia sa opisina at makita niya ako. “Malaki na ang tiyan mo, kaya mo pa bang magtrabaho? Hindi ka pa ba nahihirapan?” tanong niya sa akin. Nakaupo siya ngayon sa swivel chair at nakatayo ako sa harapan niya. Ngumiti ako. “Okay pa naman po ako.” Aalisin na ba niya ako sa trabaho? “I think mas mabuti kung magpahinga ka na muna. Napansin ko na nahihirapan ka nang kumilos at magtinayo-tayo. Kung nag-aalala ka sa trabaho mo, huwag kang mag-alala. Pwede kang bumalik kapag nakapanganak ka pa kung gusto mo,” saad niya at tumingin sa malaking tiyan ko. “Talaga po?” “Yes, mukhang hindi naman ako nagkamali sa pag-hire sa iyo. Masipag ka at tinupad mo ang sinabi mo, kaya magiging mabait ako sa iyo.” Nagpapasalamat na tumingin ako sa kaniya. “Triplets ang pinagbubuntis mo, hindi ba? Kaya mas mabuting ipahinga mo na lang muna, ayusin mo lang ang mga files para hindi mahirapan si Mike.” Tumango ako sa kaniya. Oo, kaya ko pang magtrabaho pero hirapan na talaga akong kumilos minsan lalo na kapag nagka-cramps ang mga binti ko. Nasa opisina na rin lang ako dahil hindi na ako pwedeng lumakad masyado at mabilis na akong mapagod. “Salamat po.” “Huwag mong isipin iyon. You are a good employee at naiintindihan ko ang sitwasyon mo.” Ngumiti siya habang nakatingin sa tiyan ko. “You are lucky, triplets ang magiging anak mo. Sure ako, tuwang-tuwa ang tatay ng pinagbubuntis mo.” Ngumiti ako sa kaniya at sinigurado kong mukha iyong hindi pilit. “Opo, excited na nga po siya,” pagsisinungaling ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kaniya na hindi alam ng tatay ng mga anak ko, which is ng apo niya na magkaka-triplets kami. Dahil sinabi ko sa kaniya na may asawa ako. May tatlong linggo pa sana bago ako mag-leave pero dahil sa sinabi ni Ma’am Amelia ay napaaga iyon. Ngayong sinabi niyang may babalikan pa akong trabaho pagkapanganak ko ay panatag na ako. Kaya matapos kong ihabilin kay Kuya Mike ang lahat ng trabaho ko ay nagsimula na ang leave ko. Mabuti na lang at bakasyon ngayon kaya kasama ko si Tita Celia. Talagang maalaga siya sa akin. Palagi niya akong tinatanong kung may kailangan ba ako. Habang si Mama, hindi na siya muling tumawag sa akin. Gusto ko mang tumawag sa kaniya, hindi ko magawa dahil natatakot ako. Kilala ko kasi ang ina ko. Hindi madaling mawala ang galit niya. Hanggang sa sumapit ang araw ng aking panganganak. Kita ko kung paano nataranta si Papa at Tita Celia, halos hindi na nila alam kung ano ang gagawin habang dinadala nila ako sa ospital. Nag-aagahan kami nang biglang sumakit ang tiyan ko, mabuti na lang at nakahanda na ang lahat ng gamit ko kaya mabilis iyong nadampot agad ni Tita Celia habang si Papa naman ay hindi alam kung bubuhatin ba ako palabas ng bahay, pero dahil hindi niya ako kaya ay inalalayan na lang niya ako. May kinuha siyang tricycle na hulugan, iyon ang ginagamit niya kapag hinahatid niya ako sa trabaho at iyon ang ginagamit namin papuntang ospital ngayon. “Lara, hingang malalim. Relax ka lang,” pagpapakalma sa akin ni Tita Celia na nasa may pintuan na ng tricycle. “Tita, lalabas na yata sila,” nahihirapang daing ko. “Naku, mamaya mo iiri kapag nasa ospital na tayo,” kinakabahang saad niya at bumaling kay Papa. “Andronico, bilisan mo pa pagda-drive mo!” Napahawak ako sa may upuan ko nang parang lilipad na ang tricycle sa bilis ng pagpapatakbo ni Papa. At nang makarating kami ay agad naman nang may sumalubong sa aming stretcher. Agad nila akong sinakay doon at tinakbo papunta sa delivery room. Pakiramdam ko mawawalan ako ng malay habang namimilipit sa sakit habang umiiri ako. Tatlong beses akong umiri, parang naubos ang lahat ng lakas ko. Pero lahat ng hirap at sakit ay parang biglang nawala nang marinig ko na ang mga iyak ng mga anak ko. Nanghihinang napangiti ako. Alam kong simula pa lang ito ng mas malaking responsibilidad pero handa kong gawin ang lahat upang maging isang mabuting ina. “Ang cute ng mga anak mo, Elara,” tuwang-tuwang saad ni Tita Celia habang namamasa pa ang mga mata niya. “Kamukha ko sila, anak. Ang gagwapo, halatang nagmana sa lolo,” proud na saad naman ni Papa. Napangiti ako habang nakatingin sa kanila. Kita ko ang saya sa mga mata nila. Hindi pa ako gaanong nakakabawi ng lakas ko pero nailipat na ako ng kwarto. “Anong ipapangalan mo sa kanila?” tanong ni tita Celia. Bago pa ako manganak ay alam ko na ang gender ng mga anak ko kaya nag-isip na ako ng ipapangalan sa kanila. Sabay kaming napalingon sa mga nurse na pumasok dala ang mga anak ko. Hindi ko mapigilang maiyak nang makita ko na sila. Parang lahat ng kulang sa akin ay nabuo dahil sa kanilang tatlo. “Mathew, Matheo at Mathias, iyon po ang magiging pangalan nila,” nakangiting saad ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD