ELARA’S POV
Dalawang linya…
Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatingin sa pregnancy test kit na hawak ko. Bigla akong kinabahan. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung iiyak baa ko o sisihin ang sarili ko.
Ilang beses kong tinampal ang noo ko habang hindi ko alam ang gagawin ko.
Dalawang linya, ibig sabihin ay buntis ako.
Gusto kong maiyak sa sitwasyon ko.
Paano ko sasabihin sa ina ko ang totoo? Siguradong magagalit siya. Nakikinita ko na agad ang pagkadismaya sa mukha niya.
Lalo na kapag tinanong niya ako kung sino ang ama. Wala akong maipapakilala sa kaniya. Dahil maliban sa pangalan nito na hindi pa ako sigurado kung totoo, ang alam ko ang gabing magkasama kaming dalawa ang huling araw niya sa bansa.
Kaya kung iyong sa iba, masayang malaman na buntis sila. Ako hindi, dahil hindi ko alam ang gagawin ko.
Hindi ko alam na magbubunga ang isang gabing kabaliwan ko. At ngayon, hindi ko alam kung paano ko haharapin ang sitwasyon ko. Paano ko ipapaliwanag sa ina ko ang kalagayan ko?
More than one month ago pa lang mula noong makapagtapos ako ng koliheyo, madami pa akong pangarap. Madami pa akong gustong gawin kaya wala sa listahan ko ang mabuntis.
Nanlulumong muli akong tumingin sa PT na hawak ko.
Mabilis ko iyong tinapon sa basurahan na nasa may gilid ko. Hindi pwedeng magmukmok lang ako. Kailangan ko itong harapin. Wala na akong magagawa.
Humugot ako ng malalim na hininga.
Saka ko hinamig ang sarili ko at tumayo sa pagkakaupo ko. Humarap ako sa sink at naghugas ng kamay saka ako tumingin sa salamin. Namumutla ako.
Noong una, akala ko may sakit ako dahil para akong nangangasim palagi ang sikmura sa umaga at nagduduwal ako. Pero nang malaala kong hindi pa ako nagkakaroon ay doon na ako kinabahan. Pero natatakot akong tama ang hinala ko, pero kanina ay muntik na akong mawalan ng malay sa trabaho ko kaya maaga akong umuwi at wala na akong choice kundi alamin kung tama ang hinala ko.
Lihim akong bumili ng tatlong PT para mag-test at lahat iyon ay iisa ang resulta.
Buntis ako.
Naghilamos ako saka ko pinunasan ang mukha ko at lumabas ng banyo. Pinakatitigan ko ang sarili ko sa salamin na nasa kwarto ko. Hindi pa naman mahahalata ang tiyan ko pero alam kong kapag tumagal, hindi ko na maitatago ang totoo.
Hindi ko alam ang gagawin ko, pero hindi ko pa rin kayang sabihin sa ina ko ang totoo.
Agad akong napatingin sa pinto ng kwarto ko. Lumapit ako doon at nakita ko si Melly.
“Ma’am Lara, kakain na raw po,” pagbibigay alam niya sa akin.
“Sige, baba na ako.”
Tumango siya sa akin at umalis na rin. Isa sa rules dito sa bahay ang sabay-sabay na kumain ng dinner kaya kapag hindi pa ako bumaba tuwing dinner time namin ay pinapatawag talaga ako.
Muli akong bumalik sa banyo para magbihis. Kagagaling ko pa lang sa trabaho ko. Isang linggo pa lang ako sa work ko. May-ari ng garment factory ang step-father ko at doon ako nagtatrabaho ngayon.
Nang makababa na ako ay naabutan kong nasa hapag kainan na silang lahat. Si Mama, si Tito Victor, si Maita, ang aking step-sister at ang bunsong kapatid namin na si Arwin.
Matalim ang tingin na ibinabato sa akin ni Mama. Ayaw na ayaw kasi niyang nagpapatawag pa sa pagkain. Mabilis na akong naupo sa tabi ni Maita na nakangiti sa akin. Kahit na step-sister ko siya at mas matanda ako sa kaniya ng dalawang taon ay magkasundo naman kaming dalawa. Parang tunay na kapatid na rin ang turing ko sa kaniya.
“Kumusta naman ang trabaho mo?” tanong sa akin ni Tito Victor.
“Okay naman po.”
“Sabi ay maaga ka raw umuwi kanina dahil masama ang pakiramdam mo. Kapag nahihirapan ka, sabihin mo lang sa akin.”
Napalunok ako sa sinabi niya. Ang head ko naman mismo ang nagpauwi na sa akin dahil muntik na akong bumagsak kanina. Ilanga raw na talagang masama ang pakiramdam ko, binabalewala ko lang pero may hinala na ako. Kaya kanina ay agad akong dumaan sa botika para malaman kung tama nga ang hinala ko. Ang masaklap, totoo nga kaya ngayon ay kinakabahan ako kung paano ko sasabihin sa kanila lalo na kay Mama.
“Hayaan mong mahirapan siya. Wala namang madaling trabaho ngayon, isa pa kailangan niyang masanay. Hindi pwedeng maging primadona siya sa trabaho dahil lang sa kilala niya ang may-ari,” sabat ni Mama kay Tito Victor.
“I know, pero nasa training period pa lang si Lara kaya sigurado akong marami pa siyang kailangan matutunan. Lalo na at itong si Maita, walang balak na pumasok sa kompanya, habang si Arwin naman, high school pa lang kaya matagal pa bago niya ako matulungan sa trabaho,” mahinahong paliwanag ni Tito Victor.
Sa pamilya namin si Mama talaga ang stricta. Bawal magkamali sa kaniya. Habang si Tito Vince naman, cool dad lang siya.
Alam kong si Arwin ang magmamana ng kompanya ni Tito Victor. Kung magiging parte man ako ay bilang empleyado lamang, habang si Maita, suportado ni Tito Vince ang pangarap nito na maging isang new caster.
Hindi na ako umimik at tahimik na lang akong kumain. Maayos naman ang pamilyang meron ako ngayon. Mayaman si Tito Vince at mula nang pakasalan niya si Mama ay kinuha na rin nila ako kaya lumaki akong maayos ang buhay ko. Nabibili ko kung ano ang gusto ko, iyon nga lang, hindi ko nagagawa ang gusto ko dahil nakabantay si Mama sa bawat kilos ko.
Nang matapos ang hapunan ay pinatawag ako ni Mama kaya nagtungo ako sa second living room namin na, na nasa may swimming pool.
“Nasabi ko na ito per uulitin ko. Alam kong mabait ang Tito Victor mo sa iyo, pero ayokong pa-petiks-petiks ka sa trabaho mo, Lara. Swerte ka kumpara sa ibang naghahanap ng trabaho dahil ikaw hindi mo na kailangan pang maghanap. Kaya ayusin mo,” paalala niya.
“Opo,” tanging sagot ko.
Wala na akong balak na magpaliwanag pa sa kaniya o ipagtanggol pa ang sarili ko dahil hindi naman siya nakikinig palagi sa sasabihin ko. Kapag nagpaliwanag ako, iisipin pa niya na sumasagot ako sa kaniya. Ganoon palagi kaya natuto na ako.
“Bago ka pa lang sa kompanya, kaya hindi pwedeng mag-iinarte ka. Nakakahiya sa Tito Victor mo.”
Siguro ang tinutukoy niya ay ang pag-uwi ko ng maaga dahil masama ang pakiramdam ko.
“Sorry po, hindi na mauulit.”
“Dapat lang. Tandaan mo, Lara. Hindi ka gay ani Maita. Si Maita, anak siya ng Tito Victor mo, tagapagmana siya ng kompanya.”
Alam ko naman. Alam ko naman na sa pamilyang ito, extra lang ako. Iyon ang palaging pinamumukha sa akin ni Mama. Na extra baggage niya ako, mabuti pa si Tito Victor. Minsan nga pakiramdam ko mas close pa ako sa step-father ko kaysa sa tunay kong ina.
“Naiintindihan ko po.”
Tumango siya sa akin para sabihing tapos na ang usapan namin. Agad naman akong tumayo at humakbang palayo. Agad akong nagtungo sa hagdan at umakyat. Pero nang nasa taas na ako ay nakasalubong ko si Tito Victor. May matamis na ngiti siya sa mga labi niya kaya napilitan din akong ngumiti.
“Here.”
Napatingin ako sa chocolate na inaabot niya sa akin.
“Don’t mind your mother.”
Muli niyang inalok sa akin ang chocolate kaya tinanggap ko na iyon.
“Thanks, Tito,” nakangiting saad ko.
“You’re welcome, anything for my oldest daughter.”
Biglang namasa ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Ngumiti ako sa kaniya habang pinipigilan kong bumagsak ang mga luha ko. Bigla akong naging emosyonal dahil sa sinabi niya.
Tinapik niya ako sa balikat bago niya ako nilampasan. Agad naman akong nagtungo sa kwarto ko. Napatingin ako sa chocolate na hawak ko. Ito ang paborito ko, madalas talaga niya akong bigyan nito para raw ma-boost ang happy pill ko lalo na kapag napapagalitan ako ni Mama.
Binuksan ko ang chocolate at kumuha ako ng isang bar at kinain ko iyon, pero bigla akong parang maduduwal kaya napatakbo ako sa banyo at niluwa ko sa sink ang kinain ko.
Napatitig ako sa sink matapos kong isuka ang chocolate na kinain ko. Tuluyan nang pumatak ang luha ko.
Napahawak ako sa tiyan ko. Kapag nalaman ni Mama ang totoo, siguradong magagalit siya kaya kung kailangan kong itago sa kaniya, gagawin ko.
Alam kong kasalanan ko kung bakit nabuntis ako, pero hindi ako gagawa ng panibagong kasalanan para lang mawala ang problema ko.
Extra baggage lang ako ni Mama kaya bawal akong magkamali, pero wala na akong magagawa. Nangyari na, kailangan ko na lang ihanda ang sarili ko sa galit niya oras na malaman niya ang totoo.