Chapter 2

1124 Words
ELARA Kahit alam kong mahihirapan ako ay kailangan ko pa ring umaktong normal sa harap ng ina ko. Hindi niya pwedeng malaman ang kalagayan ko. Alam kong hindi ko pwedeng maitago ang pinagbubuntis ko dahil lalaki ang tiyan ko pero kailangan kong humanap ng magandang tyempo para sabihin sa kaniya ang totoo. Sigurado na akong magagalit siya kaya kailangan ko nang ihanda ang sarili ko. Maaga pa rin akong gumising gaya ng nakasanayan ko. Agad akong bumaba upang mag-almusal pero malayo pa lang ay naamoy ko na ang ginigisang bawang kaya napahinto ako dahil parang maduduwal ako. Napatakip ako ng bibig ko. “Lara, are you okay?” Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Tito Victor kasama si Mama. Agad akong ngumiti sa kaniya. “Yes po.” “Kung masama pa rin ang pakiramdam mo, pwede ka namang hindi muna pumasok ngayon. Parang namumutla ka,” nag-aalalang saad pa niya. “Hindi po. Okay lang po ako. Medyo napuyat lang po ako,” pagdadahilan ko. “Sige po, kailangan ko palang maagang pumasok ngayon kaya hindi na muna ako sasabay sa almusal.” Hindi ko na siya hinintay na sumagot at nagmamadali na akong bumalik sa kwarto ko habang ramdam ko naman ang mga mata ng ina ko na nakasunod sa akin. Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang makapasok na ako sa kwarto ko. Nagmamadali na akong nagtungo sa banyo para maligo. Sa daan na lang ako mag-aalmusal. Kaya matapos kong makaligo at magbihis ay umalis na ako. Wala akong sarili kong sasakyan kaya nag-book ng masasakyan ko. Mabilis namang dumating ang binook ko kaya nakasakay agad ako. May sasakyan ang ina ko, pero hindi ko iyong hinihiram. Alam kong hindi siya papayag. Gusto kasi niya lahat ng bagay ay paghirapan ko bago ko makuha. Hindi raw ako anak sa mayaman kaya hindi ako pwedeng magbuhay prinsesa. Alam ko naman iyon, nagpapasalamat nga ako kay Tito Victor dahil kahit hindi niya ako tunay na anak ay naging mabait siya sa akin. Pero alam ko na hindi niya ako responsibilidad kaya kahit alam kong ibibigay niya kung sakaling humiling ako, hindi ko ginagawa. Nagtungo ako sa isang karenderyang malapit sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko para pwede ko nang lakarin mamaya kapag papasok ako. Umorder ako ng tapa at itlog pero nag-request ako na huwag sinangag ang kanin. May iba ring kumakain kasabay ko. Bukas ang TV na nakalagay sa may bandang kanan ko kung saan pwedeng manood ang mga kumakain. “Yes, he is in abroad now pero we are still okay. We are very okay,” saad ng isang babaeng nakangiti sa screen. I know her. Hindi ako mahilig sa mga artista pero sikat siya para hindi ko makilala dahil kahit sa social media, kilalang-kilala siya. Pero hindi ko kilala kung sino ang boyfriend niya at wala na akong balak na alamin. That’s Karina Lane. Mukha siyang anghel habang nakangiti. Mukhang may issue tungkol sa kanila ng boyfriend niya kaya nagpapaliwanag siya ngayon. Matapos kong kumain ay nagmamadali na rin akong nagbayad at pumasok. May mga kasamahan na ako sa opisina nang dumating ako kaya agad na akong umupo sa pwesto ko para simulant ang trabaho ko. “Okay ka na ba?” Lumingon ako sa katabi kong si Yanna na inilapit pa sa akin ang upuan niyang may gulong para tanungin ako. Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Siya ang pinaka-close ko ngayon dito. Matagal na siya rito at kahit alam niyang step-dad ko ang may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuhan namin ay wala siyang pakialam kaya mas nakagaanan ko siya ng loob. Hindi gaya ng iba na ilang sa akin pero alam ko naman na pinag-uusapan ako kapag nakatalikod na ako. Ginawa kong busy ang sarili ko sa trabaho. Ayaw ko munang isipin ang problema ko. Dahil kahit alam ko na ang kalagayan ko, hindi ko pa rin alam nag gagawin ko. Yes, hindi ko ipapalaglag ang bata pero hindi ko rin alam kung paano ko ipapaalam sa lahat na buntis ako, lalo na sa ina ko. Nang sumapit ang tanghalian ay sabay kami ni Yanna na tumayo sa kinauupuan namin. Naghihikab pa siya habang naglalakad kami papuntang canteen. “Puyat ka ba?” tanong ko sa kaniya. “Oo, nag-movie marathon kasi kami kagabi ng kapatid ko. Fan na fan siya ni Katrina Lane at pati ako dinamay,” reklamo niya at pumila sa pagkain. “Maganda iyong bago niyang movie, try mo.” “Hindi ako mahilig manood ng movie,” sagot ko. Wala kasi akong time. Lalo na ngayon. Matapos naming umorder ng pagkain ay naupo na kami sa bandang gilid. Tumingin siya sa glass wall kung saan kita ang isang billboard ng beauty brand. Si Katrina Lane din ang mukhang nakalagay sa billboard. Sikat na sikat talaga siya. Iyong tipong kahit saan ka lumingon, makikita mo ang mukha niya. “Ang ganda niya,” saad pa ni Yanna habang nakatingin sa billboard na natatanaw naming dalawa. “Maganda ka rin naman,” sagot ko. Medyo chubby siya pero ang cute niya. Lalo na ay may dimple siya. Matangkad din siya kaya kahit medyo malaman siya, bagay sa kaniya. “Mas maganda pa rin siya. Alam mo ba? Ang gwapo at ang yaman ng boyfriend niya. Mas fan ako ng boyfriend niya,” kinikilig na saad ni Yanna at sumubo ng pagkain. “Artista rin?” tanong kahit hindi ako interesado. Naalala ko ang balita kanina na napanood ko sa karenderya. Umiling si Yanna. “Hindi pero mas gwapo sa mga artista,” anito at kinuha ang phone na nasa bulsa. Habang ako naman ay patuloy lang sa pagkain. Parang natatakam akong kumain ng pinya kaso wala naman noon dito kaya siguro ay bibili ako mamaya bago umuwi. “Heto. Tingnan mo dali. Ang pogi!” Ihinarap niya sa akin ang phone niya upang ipakita ang mukha ng boyfriend umano ni Katrina Lane pero bigla akong nabilaukan kaya nagmamadali akong uminom ng tubig habang marahang sinusuntok-suntok ang dibdib ko. “Okay ka lang?” nag-aalalang tanong ni Yanna kaya tumango ako sa kaniya at muling uminom ng tubig. “Seryoso ka, boyfriend siya ni Katrina?” tanong ko kay Yanna. “Oo, walang confirmation pero madalas silang makitang magkasama. Tapos may kumalat pang larawan nilang magkahalikan sila kaya obvious nang sila,” paliwanag ni Yanna. “Hindi siya artista, pero kilala siya kasi ang dami niyang followers sa social media at ang alam ko anak mayaman siya. Halata naman sa hitsura kaya nga crush ko siya.” Kinikilig pa si Yanna habang nagkukwento habang hindi naman ako mapakali sa kinauupuan ko. Biglang nanlamig ang mga kamay ko. Parang bigla akong nanliit. Dahil kilala ko ang lalaking iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. It’s him. The father of my baby.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD