Chapter 6: Trouble in Community Service

4264 Words
— Fritzzel — "Parang mas lalo ’atang sumakit ang mga sugat ko," angal ni Rico kaya tinaasan ko agad siya ng kilay. Kapal naman ng mukha niya. "Joke lang naman," pagbawi agad niya sa sinabi niya. "Kapal ng mga mukha n’yo, kayo na nga ginamot." Inirapan ko sila at isa-isa tiningnan. "Ipapainom ko talaga sa inyo 'yang betadine at alcohol," dugtong ko pa't nginuso ang betadine. "Hindi ko alam kung ano bang mas poisonous, e. Ito bang mga alcohol o 'yang babaeng 'yan?" hirit ni Orvil kaya nabato ko siya ng unan na hawak ko. "Makipag-away pa kasi kayo, 'no." Umirap na naman ako at umismid. "Gangsters are always in trouble, Fritzzel." Inirapan ko lang din si Van. Pakialam ko ba? "Concern ka ba?" nakangiting tanong ni Iver na halatang nanunukso, lalo lang tumaas ang kilay ko. "Taray talaga," bulong niya na narinig ko naman. So weird. Kanina pa ko nawiwirduhan sa Iver na 'yan. "We still have two hours vacant time para gawin ang punishment nating community service. Sakto lang sa oras na ibinigay sa inyo. Baka may balak pa kayong tumayo d'yan?" nagtataray na tanong ko at nagcross-arm sa harap nila. Sabay-sabay silang umangil at mas lalong humiga sa kama na para bang antok na antok at tamad na tamad sa buhay. Gusto ba nilang magpahila patayo? Pwes, manigas sila. Tinalikuran ko agad sila at lumapit sa pinto para lumabas na. "Hoy! Sa'n ka pupunta?" tanong ni Gail. "Kay Mrs. Reyes. I'll just tell her that you—" Napatigil ako at ngumisi nang sabay-sabay silang bumalikwas galing sa pagkakahiga. "s**t naman! Ito na nga, e." Bumusangot pa si Rico habang binuksan ko na ang pinto. "f**k!" gulat na sabi ko nang may nakasalubong ako sa paglabas. Naka-nurse uniform siya. "Uy, chonggos! May nurse pala dito." Nagtaas ako ng kilay sa babae at tiningnan siya from head to toe. "Witwew. Sexy!" "Uuwi ko 'yan!" Mga fuckboy! "Pero wala pa ring kwenta." Nanlakinang mata ng nurse sa sinabi ko. Napatingin din siya sa mga chonggos bago ako naguguluhang tinitigan. "'Yung trabaho niya, naging trabaho ng magandang ako." Mataray na tiningnan ko rin siya. Mukhang nainis naman ang nurse sa 'kin dahil sa pagkalukot ng mukha niya. "Excuse me, Miss? Mas matanda ako sa 'yo, give some respect!" may inis sa tono na sagot niya kaya napahalukipkip na naman ako. Respect, respect... ano 'yon? Deserve niya 'yon? "Ah talaga? Hindi halata sa height, e. Tsaka wala akong pake kung sino ka man. Do your responsibilities, hindi 'yung pagala-gala ka and oh—" Tumigil ako nang napansin kong gusot-gusot ang uniform niya at bukas pa ang tatlong butones nito, revealing her cleavage. "Give some respect ba ka'mo?" paninigurado ko. "Check yourself first. Paki-sure muna kung mukha kang karespe-respeto, ha? I don't think so that you are worth it for my precious respect," pagmamaldita ko pa at nagflip hair. "How dare you?" Akmang sasampalin niya sana ako nang may kamay na pumigil sa kanya. Natigilan din ako at napatitig sa kamay na 'yon bago dahan-dahang nilingon kung sino ’yon. "Don't you dare, miss." That was... Rico. I didn't expect him to do that. "Kami lang ang p'wedeng manakit sa malditang 'to. 'Di ba— Aray!" Nabatukan ko siya nang wala sa oras dahil sa sinabi niya. Inirapan ko siya at nilagpasan na. "Bilisan n'yo nga mga Salvadogs!" "Ito na po, madame." Napalingon ako sa likod nang nagsipulan sila. Naaktuhan ko pa ang paghawak ni Orvil sa legs ng nurse at ang paghipo ni Rico sa pwet nito. Damn perverts! "Okay. Plus 5 days of community service," sigaw ko at naglakad na. "s**t! Tigilan n'yo nga panghihipo d'yan! Mamaya n'yo na anuhin 'yan!" Tumaas ang kilay ko sa huling sinabi ni Van. Isa pa talaga 'tong chonggo na 'to. Pare-pareho silang bastos. Naglakad na ulit kami pabalik sa janitor's room. Nauuna akong maglakad na para bang ako ang leader. Syempre, ako ang amo at sila ang mga aso ko. "Tapang talaga nito ni Fritzzel," pagbubukas ng topic ni Gail. "Hindi ka ba natatakot na isumbong ng nurse na 'yon? Mamaya bigla kang makick-out because of disrespect," tanong niya na ikinairap ko naman. "Me? Matatakot? Ha! No way." Nag-flip hair pa akk. "And who cares kung makick-out ako? I will never give a damn care," dugtong ko pa. Since I've been independent, since yaya Merdes left me, I didn't have a care at all. Wala na 'kong pake kung ano mang mangyari sa letseng buhay ko. "Halata naman. Wala ka nga ring pake kahit madami nang nagagalit sa 'yo rito," sabi naman ni Iver at na ikinatango ko. "Talaga. Ba't ko sila bibigyan ng pake kung isa lang sila sa mga klase ng peste sa buhay ko," nakangising sagot ko. "After all, mahal na mahal kasi kayo ng mga fans n'yo kaya ganyan sila magalit. Ewan ko ba kung bakit gustong gusto nila kayo, e, mga mukha lang kayong puwet ng aso." Sinulyapan ko sila saglit at nakita ko pa ang pagpikit nang mariin ni Van. "Ayan na naman siya," bulong niya na ikinatawa ko nang mahina. "Babe, ilang beses ba naming sasabihin na hindi kami mga aso?" Bigla akong inakbayan ni Rico na ikinangiwi ko. "Hindi aso? Ano kayo? Chonggo lang? Shokoy lang? Unggoy lang? Hunghang lang? Hinayupak lang? Abnormal lang?" sunod-sunod na sabi ko at siniko siya kaya napalayo siya sa 'kin. "Tanggapin n'yo na kasi na gano'n lang kayo sa paningin ko." Napairap na naman ako. "Salvadogs." "Shut it. Kailan kaya 'to mahuhumaling sa kagwapuhan ko?" mahanging sabi ni Gail at nagpogi sign pa. "Yuck! Kadiri ka, dude. Mukha kang p'wet ng aso." Napangisi naman ako sa sagot ni Orvil. "Mukhang tanggap n'yo naman na pala na mukha nga kayong p'wet ng aso," natatawang sabi ko kaya napakamot ulo si Orvil. Nang nasa tapat na kami ng Janitor's room ay kumatok na 'ko. Baka mamaya pagpasok ko meron na namang nagme-make-out doon, e. Bumukas ang pinto at lumabas ang may katandaan nang lalaki. Mukhang ito na ang janitor dahil sa uniform niya. "Kayo ba ang gagawa ng community service ngayon?" tanong niya kaya sabay-sabay kaming napatango. "Pumasok kayo." Pumasok naman kami sa loob. "Pasensya na kung medyo magulo. Nadatnan ko na lang 'tong magulo. Mukhang nay pumasok." Sabay-sabay na nagtinginan sa 'kin ang mga aso ko. Tinaasan ko sila ng kilay. Aba, alam ko namang kasali ako sa gulong 'to pero kailangan pa ba nila 'kong tingnan? Pati mga mata nila kamukha ng mata ng aso, e. "Ang mga chonggo'ng 'yan ang nanggulo kanina rito," nakangiting sabi ko sa janitor at tinuro ang mga chonggo. "What—" "Huwag na kayong umangal." Pinanlakihan ko sila ng mata. "Nakita ko silang lumabas dito kanina. Mukhang kailangan mo silang bigyan ng mas mahirap na community service for doing this." Humarap ulit ako sa janitor. "No way! Hindi—" "Hindi raw ako nagkakamali, dahil totoo ang sinasabi ko. Kita n'yo po ang mga pasa ng mga 'yan? Nag-away sila rito kanina kaya nagkagulo rito sa loob," pagsisinungaling ko pa at pasimpleng nginisihan ang mga chonggo. "Shut it! Hindi lang kami—" "Hindi lang daw sila nag-away, nakipaglandian din sila dito sa loob," pagputol ko na naman sa sasabihin nila. "Totoo ba 'yan, hija?" paninigurado ng janitor kaya napatango ako nang sunod-sunod. "Kilala mo naman siguro sila? They are the VIRGO gang. Knowing gangster... they are always in trouble," pangungumbinsi ko pa rito. Ang sarap titigan ng mga mukha nilang hindi makapaniwala na masasabi ko ito ngayon. Salubong na salubong ang mga kilay nila at ang sasama na ng tingin sa akin. "s**t! Sinunga—" "Huwag na kayong magsinungaling!" putol ko na naman. "Okay, sige, dapat ay pagdidilingin ko lang kayo ng mga halaman at pagwawalisin pero... maghuhukay na lang pala kayo ng lupa doon sa garden. At ikaw hija, ikaw na lang ang magdilig. May hose na roon," pagbibigay ng janitor ng task sa 'min. "Simulan n'yo na. Mauuna na 'ko," paalam nito at lumabas na. "Holy cow!" inis na sabi ni Van at sinamaan ako ng tingin. "Hindi ka lang pala maldita, amazona or sadista! Imbento ka rin." Natawa na lang ako sa sinabi niya at umiling-iling. "It's payback time chonggos. Para 'yan sa pangbubully n'yo sa 'kin noong nakaraan," nakangising sagot ko Kung hindi nila ako binully, hindi sana kami nandito. Wala sana kaming punishment ngayon. "The f**k? Wala ka talagang awa!" Sinamaan ko ng tingin si Iver nang pitikin niya ang noo ko. "Masakit pa ang katawan namin tapos paghuhukayin pa kami ng lupa?" naiinis na talagang sabi niya at nagpapapadyak. "Well... dagdag sakit sa katawan lang 'yan." Natawa ako bago ngumisi. "Tara na." Inunahan ko na silang lumabas. "Nakakainis ka talaga, Fritzzel! Dapat pati ikaw maghuhukay! Kainis," parang batang sabi ni Orvil na inirapan ko lang naman. "Galing mo magsinungaling!" sigaw niya pa. I know right, thank you. "Life sucks!" inis din na sabi ni Rico. "Yeah, life really sucks," bulong ko sa sarili ko at dumiretso na sa garden. Buti na lang sa garden kami. Walang masyadong pumupunta roon. Mabilis kong hinanap kung nasaan ang hose pagkarating na pagkarating namin sa garden. Ganoon din naman ang VIRGO Gang, kinuha nila ang mga dapat gamitin sa paghuhukay. Binuksan ko na ang hose at diniligan ang mga nakahilerang halaman dito. "Aray ko! Puta ka, ayusin mo naman paghuhukay mo!" Napalingon ako sa mga aso ko nang narinig ko ang sigaw ni Gail. Napatawa ako nang mahina nang nakita kong may lupa-lupa na ang likod niya. "Sorry, pre. Sinadya," nakangisi at tatawa-tawa pang sagot ni Orvil. Tawa pa siya nang tawa at inulit ang ginawa niyang pagtapon ng lupa kay Gail. "Hayop ka talaga!" sigaw na naman ni Gail at tinapunan din ng lupa si Orvil. "Aray! Mga gago kayo!" sigaw na rin ni Iver nang tamaan din siya ng lupa. Napahawak siya sa mata niya, mukhang nalagyan ang mata niya. Bahagya akong natawa at umiling-iling saka tinuloy ang pagdidilig. Naririnig ko pa rin ang sigawan ng mga chonggo. Makulit nga talaga sila kapag magkakasama sila. "Hey." Tumaas ang kilay ko at napalingon sa gilid ko. "Why are you smiling?" nakangising tanong ni Van na inirapan ko lang. "Because I'm smiling." Inirapan ko siya. "What are you doing here? You still have task to do," tanong ko pero nagkibit balikat lang siya at tiningnan akong mabuti. "Don't stare. Naaalala ko 'yung mata ng aso ko sa mga mata mo." Napaiwas siya ng tingin saglit at inis na ang ibinalik na tingin sa 'kin.. "f**k. Nakakainis ka na talaga." Ngumisi lang ako. "Gaano ba namin kamukha 'yang aso mo at lagi mo kaming tinatawag na gano'n?" "Very very close enough." Nginitian ko siya nang peke. "But your voice.. sounds like a frog, dude," natatawang dugtong ko kaya nagulo niya ang buhok niya sa inis. "Umalis ka na nga. Gawin mo na 'yung dapat mong gawin," pagtataboy ko rito at lumipat ng pwesto. "I still have question for you!" sagot nya at sinundan ako. "Answer me and I will go back there." "Ano ba kasi 'yon? Siguraduhin mong importante, ha." Tinaasan ko sya ng kilay at diniligan ulit ang mga halaman. "Your surname.. Garcia, kanino galing ang apelyidong 'yon?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya at tiningnan siyang mabuti. Hindi muna ako sumagot. "I just want to know." Ilang minuto pa ang lumipas bago ko siya inirapan at bumalik sa ginagawa ko. "You want to know?" I asked na ikinatango niya. "Then why?" dugtong na tanong ko. "Damn. Just answer my question," naiinip na sagot niya at tiningnan na naman ako nang mabuti. "Fritzzel, faster!" "La? Demanding si gago." Napairap ako. "I won't tell you. Mind your own business," final na sagot ko at lumipat ulit ng pwesto. "Damn you, woman. Mahirap bang sagutin ang tanong ko?" malakas na tanong niya at sumunod na naman sa 'kin. Natigilan ako at bumuntong hininga. Mahirap, Van. Mahirap sabihin lalo na at kay Yaya Merdes lang nanggaling ang apelyido— na hindi ko man lang puwedeng gamitin ang apelyido ng mga magulang ko. Fuck! Ni hindi ko nga alam kung anong pangalan nila. s**t naman. Ano ba kasing problema ng lalaking 'to at gusto pang malaman kung kanino galing ang apelyido ko? "You are interested, aren't you?" nakangising tanong ko imbes na sagutin siya. "Fine. I'm interested about you. Now, answer me, Fritz," seryosong sagot niya at hinagod ang medyo may pagka-gray niyang buhok. "Fritz, ha? Not bad," tatango-tangong sabi ko. "My surname? Garcia is from my yaya. Okay ka na?" sagot ko sa tanong niya. Natigilan siya at kumunot ang noo. Tinitigan na naman niya 'kong mabuti kaya napairap na naman ako at tinaas ang hose para basain siya. "What the f**k, Fritzzel?" sigaw niya nang nabasa siya. "Fritzzel!" sigaw na naman niya na kumuha sa attention ng apat pang chonggo. Natatawa lang ako habang nakatapat pa rin sa kaniya ang hose at nababasa siya ng tubig. Basang chonggo na siya ngayon. "Uy! May basang aso!" natatawang sigaw ni Gail habang tinuturo si Van. Nakahawak pa siya sa tiyan niya. Sira ulo? Ang babaw ng kaligayahan. "Sarap maligo 'no, Van?" nakangising sigaw rin ni Iver. Sobrang sama naman ng tingin sa 'kin ni Van at mukhang anytime ay kakainin ako. Ngumisi ako pero agad ding napaatras nang galit siyang lumakad papunta sa 'kin. "s**t. Nagalit ang chonggo," natatawang sabi ko at umatras nang umatras. Nang malapit na siya ay tinapat ko ulit sa kanya ang hose. "Maligo ka muna! Amoy aso ka." "f**k! f**k! Ang lamig!" nagwawalang sigaw niya at tumakbo na. Napahagalpak ako ng tawa at sumigaw rin ng, "Kambing!" Tumatawa na rin ang apat pang chonggo habang pinapanoood si Van na pinapagpagan ang sarili niya. Napaiwas ako ng tingin nang bigla niyang hinubad ang polo niya at tinapon. Tinapunan na naman niya ako ng masamang tingin kaya napangisi na naman ako. "Nice one, Fritzzel! Ginalit mo ang beast!" natutuwang sigaw ni Orvil. Napalingon ako sa piwesto nilang apat at ngumisi. I flashed a devilish smile. Napatigil silang lahat sa pagtawa nang nakita nila ako. "O-Oy! Anong binabalak mo?" nanlalaki matang tanong ni Rico at tinuro pa 'ko. Mabilis akong tumakbo papunta sa kanila. Tinakpan ko ng isang daliri ko ang labasan ng tubig sa hose para sumirit nang malakas ang tubig. "Puta! Demonya talaga ang babaeng 'yan!" sigaw ni Rico nang nabasa ko siya. "Kingina naman! Wala akong baong damit!" Si Orvil naman. "s**t! Baka pagpyestahan pa ang maganda kong katawan nito mamaya!" Ang mahanging si Gail. "Tama na, Fritzzel!" At si Iver. Kanya-kanya nilang sigaw habang nakataas ang kamay para 'di sila matamaan sa mukha ng sumisirit na tubig. "Dahil amo n'yo 'ko, pinapaliguan ko kayo para mawala ang mabahong amoy n'yo kaso lang parang gano'n pa rin, amoy aso pa rin!" sigaw ko at tinutok muli isa-isa sa kanila ang hose. Nilingon ko rin si Van. Tumaas ang kilay ko nang tumatawa na naman 'to. Wow. Kanina lang galit, ngayon tumatawa na? Bipolar! Mabilis kong itinutok ang hose sa kanya na ikinagulat niya. Napamura na naman siya nang malakas at tumakbo papunta sa 'kin. "What the—" Pare-pareho kaming napatigil nang biglang may brasong pumulupot sa leeg ko. Naibaba ko ang kamay kong may hawak sa hose. Natigilan ang mga chonggo. Noong una nagulat sila pero agad na nagseryoso. Pati si Van, natigilan sa pagtakbo. Sino namang hayop 'to? Napatingala ako nang naramdaman ko ang malamig na bagay sa leeg ko. Freak! May kutsilyo ang may hawak sa 'kin. King inang 'yan. Nasa bingit na ba 'ko ng kamatayan? No way. I won't let that happen. Si Fritzzel, mamatay? Freaking no. "Don't move or you'll die," bulong sa 'kin ng taong nasa likod ko. Lalak siya. Kilala ko ang boses niya. Boses palaka rin. Tama! 'Yung nakaaway ng mga aso ko kahapon. King ina. Hanggang dito ba naman mag aaway sila? Dapat mag-away sila kapag wala ako! "What the hell, Justine? Kailan mo ba kami titigilan?" seryosong tanong ni Van. Ah, Justine. "Justine? Kapangalan ka pala ng hunghang na baliw doon sa kanto," nakangising singit ko. "Shut up! Iniinis mo talaga 'kong babae ka, e," Mariing sabi nya at mas diniin pa ang maliit na kutsilyo sa leeg ko. "Ayun nga ang gusto ko, e. Ang mainis ka, kingkong," taas kilay na sagot ko. "Sinabi nang manahimik ka," inis na sita niya sa ’kin at hinawakan ako sa baywang. "Pagti-tripan ko lang ang mga 'yan, hindi kita sasaktan kung mananahimik ka," bulong niya sa tainga ko. Kinilabutan ako bigla sa ginawa niya. "Bakit kahit bumulong ka, ang baho pa rin ng hininga mo? Nagtu-toothbrush ka ba? O asin asin lang gamit mo?" natatawang pang-aasar ko. Bigla naman niyang pinisil ang baywang ko. "Chansing na 'yan, dude," malamig na dugtong ko. "Iba rin pala talaga 'yang babaeng 'yan boss, e." Aba! May kasama pa pala ang mokong. Ay, oo nga pala! Pito pala sila. "Bitiwan n'yo siya," seryosong utos ni Iver. "Kami ang kaaway n'yo, hindi siya." "Anong hindi sya? E walang'ya rin 'tong babaeng 'to," sagot ni Justine. Mabaho talaga ang hininga niya. Amoy imbornal na amoy patay na daga. "Nakalaklak ka ba ng imbornal? Ang baho, e." Mukhang mas lalong siyang nainis sa sinabi ko dahil diniin niya pa ang kutsilyo sa 'kin. Narinig ko namang tumawa ang iba niyang kasama kaya napangisi ako. "Look, pinagtatawanan ka ng mga alagad mong kabayo. Sometimes, friends can be a traitor, King Kong." "Puta, sinabi nang manahimik ka o papatayin kita!" "Shut up, Fritzzel!" inis na sita sa 'kin ni Van na inirapan ko lang. "Bitiwan n'yo na siya." Nagseryoso si Van pero mas hinigpitan lang ni Justine ang hawak sa 'kin. "Justine, if you're really a brave person... Why don't you just stab me right now? That's easy to do lalo na at hawak mo na 'ko," sabi ko rito. "f**k? Anong sinasabi mo diyan, Fritzzel? Baliw ka ba?" tanong ni Gail na tinaasan ko lang ng kilay at inirapan. "Wala ba talagang takot ang babaeng 'yan?" mahinang dugtong niya na narinig ko naman. "Ano na Justine? Are you afraid? Are you afraid because after this you will be known as a highschool criminal?" I asked again. "Gaano ba kalaki ang kasalanan ng mga aso ko at ganiyan ka kagalit?" "Shut it. Maganda ka, may pakinabang ka pa, kaya bakit kita papatayin agad?" pilyong sagot niya na ikinabuntong hininga ko. "Look at them, woman. They are serious. Kapag nag-aaway kami ng mga 'yan, tatawa-tawa pa sila at ngingisi-ngisi pa... but now, look at their reaction. They are really serious when it comes to you." . Anong problema nya kung seryoso ang mga chonggo? Tatanga-tanga rin pala ang lalaking 'to. "Did you get my point?" bulong na naman niya. "Look, nagbubulungan na sila. I'm sure that they are planning to get you from me. They are willing to save you." Natigilan na naman ako at napatingin sa mga aso ko. Nagbubulungan nga sila. "And I'm also planning to save myself," sagot ko at mabilis na tinakpan ng isang daliri ang hose na hawak ko para sumirit nang malakas ang tubig. Mabilis ko 'tong itinapat sa mukha niyang nasa gilid lang ng mukha ko. Nagulat siya kaya mabilis niya 'kong nabitiwan. "s**t!" mahinang bulong ko nang naramdaman ko ang pagdaplis ng kutsilyo sa leeg ko. Nadaplisan pa ang porselana kong balat! "What the hell?" sigaw ni Justine. Naalarma ang mga kasamahan niya at tatakbo na sana papunta sa 'kin nang tinapat ko rin ang hose sa kanila. "Ayan na!" Namalayan ko na lang na nakisali na ang mga chonggo at nakipagsuntukan sa pitong lalaki. May hawak pa ring kutsilyo si Justine kaya mabilis kong binaba ang hose at lumapit sa kaniya. "f**k you!" sigaw niya at lumapit din sa 'kin. Ngumiti ako nang sobrang tamis at mabilis na pinadulas ang paa ko para patirin ang paa niya. Natumba siya at napahiga kaya mabilis kong pinagsisipa ang paa niya. May takong pa naman ang black shoes ko. Kung mapupuruhan ang paa niya, hindi na sya makakatayo pa. Pasigaw siyang dumainh ang dumaing habang patuloy ako sa pag-apak sa paa niya. Tinigilan ko ang paa niya at malakas na sinapak ang mukha niya. Sasaksakin niya sana ako nang mabilis kong sinipa ang kamay niya kaya tumalsik ang kutsilyo. Kukunin niya sana ang kutsilyo dahil malapit lang sa kaniya 'yon pero mabilis ko 'tong sinipa palayo at inapakan ang kamay niya. "You messed up with a wrong woman, dude," nakangising sabi ko habang nakangiwi siya at sumisigaw na sa sakit. "Tang ina mo! Mas lalaki ka pa 'ata sa 'kin!" sigaw niya na ikinatango ko bilang pagsang-ayon. "May sasabihin ka pa ba?" tanong ko pero sumigaw lang siya sa sakit. "Okay." Mabilis kong sinuntok ulit ang mukha niya. Umagos ang dugo sa ilong niya saka siya nawalan ng malay. Lumayo ako at pinagpagan ang sarili ko. "Pre, si boss!" "s**t, bagsak na siya! Alis na tayo!" "Bilis!" Tumaas ang kilay ko nang biglang nagtakbuhan paalis ang mga alagad na kabayo nitong si Kingkong. Takot? Weak. "Fritzzel!" Tumakbo ang lima palapit sa 'kin at nakangangang tiningnan ang nakabulagta nang si Justine. "Paano mo nagawa 'yon?" . "Sabi na nga ba, engkanto ka!" "Ikaw talaga may gawa nito?" "Galing mo! Nice one." "Amazona nga talaga." "Hindi ako ang gumawa niyan. Baka 'yung anino ko," sarkastikong sagot ko na ikinabusangot nila. Napatingin naman ako sa mga pagmumukha ng mga aso ko. Ang daming pasa. "Mas lalo kayong nagmukhang aso sa itsura n'yo, mga basang aso." "Tigilan mo nga kami. Are you okay— you're bleeding!" Lumapit sa 'kin si Iver at hinawakan ako sa braso na agad kong iwinaksi. "Alam ko. Alis, lumayo ka," pananaboy sa kaniya at umirap. Tinalikuran ko sila at pinunasan ang dugong tumutulo sa leeg ko. 'Di naman masakit. Slight lang. Mahapdi pala. "Dadalhin ka namin sa cli—" "Fritzzel!" Napatigil si Van sa pagsasalita nang may sumigaw ng pangalan ko. Napalingon ako at nakita ko ang tumatakbong si Bryle papunta sa 'min. Nang nakalapit siya ay tiningnan niya agad si Justine na walang malay. "Ikaw gumawa niyan 'no? Ano na naman 'tong pinasok mo?" pagtatanong agad niya sa 'kin at hinawakan ako sa siko. "Para sa'n pa ang pag-aaral ko ng self defense kung hindi ko gagamitin?" Napailing ako. Kinunotan niya lang naman ako ng noo hanggang sa bumaba ang tingin niya sa leeg ko. "May sugat ka! Ito na nga ba ang sinasabi ko, e. Tigas talaga ng ulo mo!" sermon na naman niya. "Sounds like a boyfriend, ha." Napalingon kami pareho ni Bryle sa tumatawang si Orvil. Agad tumalim ang tingin ni Bryle sa limang aso ko nang nakita niya ang mga 'to. Huli niyang tiningnan si Van na seryoso lang na nakatingin sa 'kin pero tumingin din agad siya kay Bryle. Tumaas ang kilay ko nang tumagal ang titigan nila nang ilang minuto. "Nababakla na ba kayong dalawa?" nakahalukipkip na tanong ko at kinapa ang sugat ko. "What the f**k?" sabay na sagot nila at tumingin sa 'kin. Tinaasan ko lang sila ng kilay at umirap. Humarap ulit sa 'kin si Bryle. Ang dilim ng awra niya at mukhang galit pa. Humanda ka na Fritzzel sa sermon niyang si Bryle! "Sinabihan na kitang layuan mo na ang mga gagong 'to, 'di ba? Tingnan mo nangyari. They just brought you into trouble!" inis na sabi nito sa 'kin na tinaasan ko lang ng kilay. Galit, ah. "Wait lang, dude ha. Kami? Mga gago?" Napalingon kami kay Rico. "Oo tama ka, gago nga kami." Nakotongan siya bigla ni Iver na muntik ko nang ikatawa. "Dahan-dahan lang sa pagsasalita, pare," sabi naman ni Gail at lumapit kay Bryle pero agad akong pumunta sa harapan ni Bryle para pagitnaan sila. "Hindi naman namin alam na mangyayari 'to. At isa pa, willing kaming protektahan 'yang si Fritzzel kahit pa maldita 'yan sa 'min." Natigilan ako sa seryosong pagkakasabi ni Gail niyon. Sabay-sabay na napatango naman ang iba bilang pagsang-ayon. Talaga? "Then I can't trust you all," matapang na sagot ni Bryle. "Ano ka ba ni Fritzzel?" tanong din ni Van at lumapit sa 'min. Napatingin ako kay Bryle, natigilan siya at tumingin din sa 'kin. "Hep! Tama na. Bryle, alis na tayo," singit ko at hinawakan siya sa braso. Tumango na lang siya. "Pumunta na lang kayo sa clinic at 'wag n'yo nang ituloy 'yang community service. Hindi ko na lang din sasabihin kay Mrs. Reyes 'to." "Nice!" Sumuntok pa sa hangin si Orvil. "Puro pasa na kayo, pumunta na kayo ng clinic," ulit ko. "Sorry sa nangyari... Sorry sa lahat," huling sinabi ko. Tinalikuran ko sila at hinila na si Bryle. Napapapalatak na lang si Bryle habang hinihila ko siya. "s**t! Totoo ba 'yung narinig ko? Nag-sorry siya!" "Oo, tanga! First time." "Magpa-clinic ka na rin, Fritzzel!" I know. "Bakit ka nag-sorry? Wala ka namang kasalanan!" sabi ni Bryle na ikinairap ko. Wala siya ro'n, paano niya nasabing wala akong kasalanan? Dami ko nang kasalanan sa mga chonggo, 'no. 'Di ko nga alam kung seryoso ba si Gail sa sinabi niya kanina. Naging harmful ako sa kanila. Malabong maging seryoso ang sinabi ni Gail kanina. At 'yung nangyari kanina, nakipag-away sila dahil kaaway nila 'yon... hindi dahil sa 'kin. ——— A/N: Just a reminder... Ang istoryang ito ay hindi lang umiikot sa kakulitan, kamalditahan, katarantaduhan at katatawanan. May part na tatawa ka pero may part na iiyak ka nang sobra. May part na maiinlove ka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD