Chapter 5: Saved

3423 Words
— Fritzzel — "Witwew. Ang ganda sana, sadista nga lang," rinig kong bulong ni Orvil mula sa likod. Bakit sa dami ng mga estudyante rito,, sila pa ang naging ka-blockmate ko? E nakakasira ng araw ang pagmumukha ng mga chonggo na 'to! Pwede namang si Bryle na lang dito para naman may rambulan na nagaganap lagi. Isa pa 'yong si Bryle, e. Basagulero rin ang isang 'yon. "Chonggos will always be chonggos," bulong ko rin at sinadyang iparinig sa kanila. "Doggies will always be doggies. Oh, Salvadog," dugtong ko pa at nag-tap-tap na lang ng daliri ko sa desk ko. "Ayan na naman sya, o!" naiinis na yatang bulong ni Iver, nahalata ko sa boses niya. "Pang-asar talaga!" parang batang bulong naman ni Rico. "Pag ako nainis.. rereypin ko 'yan!" Otamatiko na namang tumaas ang kilay ko sa dinugtong nya. Bastos! Napatingin sa amin ang teacher namin ngayon. Tiningnan niya kaming mabuti at parang inaalam kung sinong nag-iingay kanina. Ngumiti ako nang sobrang tamis at pasimpleng itinuro ang mga nasa likod ko. "Nakatingin na naman si terror," bulong ni Gail. "Yes? Boys at the back? Any problem?" tanong ng teacher at namaywang. "s**t naman! Ba't kasi ang ingay nyo?" reklamo ni Orvil kaya napairap ako. "Quiet! Later, you'll have a three hours vacant time. Simulan niyo na ang community service nyo during your vacant time, understand?" Masungit na sabi ng teacher. "Also you Ms. Garcia. One hour community service and two hours community service for VIRGO gang." "Kainis. Baka madungisan ang guwapo kong mukha!" "Kasalanan talaga 'to ng babaeng 'yan, e!" Uy, wow! Kasalanan ko pa pala? E kung sipain ko sila isa-isa d'yan? Kapal naman ng mukha nila na sisihin ako. "Mga hunghang," bulong ko na lang at pinaikot na naman ang mata. "Yung totoo? Kailan ba mauubusan 'yan ng mga itatawag sa 'tin?" "We have our name for f**k's sake!" "Yeah. Chonggo name," bulong ko ulit. "This is bullshit. Nakakainis na talag," pagmumura ni Van na ikinangisi ko. "I like how you've being pissed off, ha." Natatawang ani ko at saglit silang nilingon para ipakita ang mapang-asar kong tingin. The bell rang kaya nagtayuan na ang lahat. Vacant time na. So, community service time? That's okay with me. Sanay naman na 'kong maglinis. Wala naman akong maid sa mansion kaya ako ang gumagawa ng lahat ng gawain, minsan kumukuha ako ng maglilinis kapag tinatamad ako. Tumayo na rin ako at inayos ang mga gamit ko. I glared first at the chonggos at my back. They glared back to me as expected. I rolled my eyes before looking away. Their face was too annoying. "s**t. Pwede naman tayong 'wag na lang maglinis, 'di ba?" may bahid ng inis sa tono na tanong ni Orvil. "Anyway, Ms. Garcia..." Bigla akong napatigil at napatingin kaming lahat sa harap. Nandito pa pala ang teacher namin! "Pakibantay ang mga 'yan. Puro kalokohan 'yan. Sabihin mo sa 'kin kapag hindi sila naglinis at dadagdagan ko pa ng another five days ang pumishment nila," bilin nito at mabilis nang lumabas. I smirked. I looked back at the chonggos with a smirk. "This is really bullshit!" napapahilamos sa mukha na sabi ni Van at padabog na kinuha ang bag niya. "May maldita pang magbabantay sa 'tin. Baka puro katarantaduhan lang gawin n'yan sa 'tin," dugtong niya pa na ikinataas ng kilay ko. "Excuse me, chonggo? Katarantaduhan ba kamo?" paninigurado ko kaya tamad siyang napatingin sa 'kin. "You're right. I will do such things that will going to piss you all." I flashed an evil smirk. "Ngisi pa lang nakakatakot na. So weird." Umiling-iling si Gail at kinuha na rin ang bag niya. "Hindi ko alam na may nag-e-exist palang ganitong klaseng babae. Nakaka-shitangina," gatong pa ni Rico at tumayo na rin. "Puro kayo reklamo, 'no?" Inirapan ko silang lima at sinuot na ang bag ko. "Kala n'yo naman ang popogi n'yo? Excuse me, kamukha lang kayo ng pwet ng aso ko," dugtong ko pa at tinalikuran na sila. "Nakailang beses na niya ba tayong tinawag ng aso or pwet ng aso?" inis na tanong ni Iver. "We are the Salvadors! Hindi dapat tayo ginaganito ng babaeng 'yan!" protesta naman ni Orvil na ikinatawa ko. "Tigil-tigilan n'yo nga ang pag-iinarte niyo, Salvadogs." Tumaas ang kilay ko nang may isang babaeng dumungaw sa pinto ng classroom namin. "Pumunta raw po kayo sa janitor's room. Doon daw ibibigay ang task nyo," mabilis nyang sabi at umalis na agad. Inunahan ko na ang mga chonggo sa paglabas. Lumiko ako sa kanan para puntahan ang janitor's room. Lumingon ako sa likod nang hindi ko naramdaman na sumusunod ang mga aso ko sa 'kin. "Hindi n'yo naman sinabi agad na gusto n'yo pala ng another five days community service," naka-cross arm na sabi ko nang lumiko sila sa kaliwa. Napakamot sa ulo ang tatlo sa kanila at bumalik para sundan ako. Very good, bulldogs. "Kasalanan mo talaga 'to, e." Nagrereklamo na naman po si Iver. Nangunot ang noo ko nang tumabi siya sa 'kin sa paglalakad at iniwan ang mga kasama nya. "Ba't ba kasi ang maldita mo? Napagtripan ka tuloy nila kahapon. Nagkaroon pa tayo ng punishment," kamot ulong dugtong niya na nagpataas sa kilay ko. So, what was he trying to say? That he was not belong with that set up yesterday? "Wow. Parang hindi sya nakikibulong sa kanila." Inirapan ko siya at mas mabilis na naglakad para unahan siya. "Hoy Iver! Nang-iwan pa talaga. 'Wag mong sabihing mas pipiliin mo ang babaeng 'yan kaysa sa 'min!?" sigaw ni Orvil. "Oh— Shut up, chonggo!" Pagpapatahimik ko sa kaniya. "You better go back there, monkey." "Ewan ko sa 'yo." Nagkamot na naman siya ng ulo at nagpahuli na ng lakad. Without knocking the door ay mabilis kong binuksan ang janitor's room. "Hello— What the actual fudge!" Napasigaw ako at mabilis na sinara ang pinto ng janitor's room dahil sa nakita ko. King ina naman! "Hoy? Ano'ng problema?" Lumapit sa 'kin ang lima at pinalibutan ako na lalo kong kinainis. Masam ko silang tiningnan at pinakitaan ng pandidiring tingin. "Lumayo nga kayo!" "Kaya pala!" Sabay-sabay kaming napatingin kay Gail nang humagalpak ito ng tawa at sinara ulit ang pinto ng janitor's room. "Bakit? Bakit? Anong meron?" Nae-excite na tanong ni Orvil at sumunod na sumilip. "Ah s**t!" Tumawa rin ang gago kaya sunod-sunod na silang sumilip pero agad silang napaatras nang lumabas ang dalawang tao mula sa loob. Nakayuko ang babae at tinatabunan ang mukha niya ng buhok niya habang ang lalaki ay ganoon din at nakaakbay sa kaniya. Gusot-gusot pa ang uniform nila at halatang nagmadaling nagbihis. Sige! Make out pa! Mga hayop. "Don't tell me na nagme-make out ang dalawang 'yon dito sa loob kanina noong pumasok si Fritzzel?" tanong ni Iver kaya napa-paypay ako sa sarili ko gamit ang kamay ko. "Gano'n na nga, dude!" natatawang sagot ni Gail at nakahawak pa sa tyan niya. "Oh, inosente naman pala ang maldita!" nakangising sabi ni Rico at inakbayan ako kaya mabilis ko siyang nasiko sa sikmura. "s**t. Amazona talaga!" mura niya at lumayo na. "Umayos-ayos nga kayo!" naiinis na sabi ko pero tinawanan lang nila 'ko. Shit? Nakakahiya siguro reaction ko kanina. Lintek na mga 'yon! Ba't kasi sa loob pa ng janitor's room nila naisipang mag-make out! Ang bababoy. Napacross-arm ako habang tinitingnan ang limang chonggo na nasa harap ko habang tumatawa pa rin sila. "Ang saya-saya nyo, a." Nagtaas ako ng kilay. "Syemp— hoy! Si Fritzzel!" "f**k!" Nagulat ako sa sunod na nangyari. May biglang yumakap sa 'kin at inupo ako. Nakarinig din ako ng sunod-sunod na pagkabasag. Napahawak ako sa braso ng yumakap sa 'kin at tumingin sa paligid. Nakita kong mga nakaupo na rin ang ma chonggo at mabilis na tumayo. Tiningnan ko kung sinong yumakap sa 'kin. It was... It was Van. Mabilis siyang tumayo at tumingin sa likuran ko. "Habulin n'yo ang mga hayop na 'yon!" sigaw niya kaya mabilis na nagtakbuhan ang apat. Tumingin ulit siya sa 'kin. "Hintayin mo kami rito. Hindi kami tatakas. May mga gago lang kaming liligpitin," mabilis niyang sabi sa 'kin at tumakbo na rin. Dahan-dahan akong napatayo. Nakita ko ang tatlong basag na paso na tumama sa pader ng janitor's room. Saan 'yan galing? May nangbato ba sa 'min kanina? Pag tumama sa 'min 'yan siguradong mawawalan kami ng malay. Pero... Did Van just save me? What did just happen? Sobrang bilis ng pangyayari. Ewan ko. Pumasok na lang ako sa loob ng janitor's room. T-in-urn-off ko ang switch ng ilaw. Kumuha rin ako ng white blanket. "What the f**k, Fritzzel?" mura ko sa sarili ko nang namalayan ko na lang na nakangiti na 'ko. s**t, anong nginingiti-ngiti ko rito? Abnormal na rin ba 'ko? Then this is bullshit. Umupo muna ako sa pinakadulo ng janitor's room at napangisi na naman. I have another pla. Good luck chonggos. Let's see kung hanggang saan ang tapang n'yo. Mga 20 minutes siguro akong naghintay sa mga chonggo bago ko narinig ang mga boses nila galing sa labas. I smirked at itinabon ang white blanket sa sarili ko na parang multo. "Hoy chonggo! Nasa'n na si Fritzzel?" rinig kong tanong ni Iver mula sa labas. "Gago! Nakiki-chonggo ka na rin?" inis na sagot ni Van. "Iniwan ko lang siya rito kanina. Sabi ko 'wag siyang aalis. Makulit talaga ang babaeng 'yon!" dugtong nya pa. "Baka nasa loob na. Tara." Napangisi na naman ako at hinanda na ang sarili ko. "f**k! Bakit ang dilim? May ilaw pa dito kanina, ha?" gulat na sabi ni Orvil. Wow, ang chonggo takot sa dilim. "Bobo? Hanapin nyo 'yung switch." Utos ni Iver. Narinig ko na rin ang mga yabag ng paa nila. "s**t. Nasa'n na ang switch?" Malapit ako sa pinto kaya dahan-dahan kong sinipa nang mahina 'yon para sumara. "Wala bang multo rito?" tanong ni Gail na ikinairap ko. Takot sa multo ang mokong! "Tanga, wala! Naniniwala ka ro'n?" sagot ni Orvil kaya itinumba ko ang walis na nasa tabi ko. Total, 'di naman nila ko nakikita. "s**t! Kala ko ba wala?" halos mag-hysterical nang tanong ni Gail. "Pwede bang manahimik kayo at hanapin n'yo na lang 'yung switch!" sigaw ni Van kaya natahimik sila. " Sakit ng pasa ko. King inang lalaki 'yon! Sisirain pa 'ata kagwapuhan ko." Nakipag basag-ulo na naman 'tong mga 'to. Tumayo ako at nagsimula nang maglakad nang dahan-dahan papunta sa kanila. Gumawa rin ako ng nakakatakot na tunog ng paglakad ko. "Putang— Ano 'yan?" sigaw ni Gail. "King ina, multo!" "s**t! Lumabas na tayo!" "Hayop! Bakit may mumu rito?! Tara na!" "f**k! Ang iingay n'yo. Takbo na!" Bumukas ang pintuan at nagsipag-takbuhan sila palabas. Natatawang tinanggal ko ang telang nakatabon sa 'kin at humagalpak ng tawa. s**t! Ang epic nila! Halos maluha na 'ko sa kakatawa rito. Kala ko pa naman matatapang! Nakakatawa talaga ang limang chonggo na 'yon! Masarap din pala silang pagtripan. Nasa kalagitnaan ako ng masaya kong pagtawa nang narinig ko na naman ang boses nila. "Tang ina pare! May multo bang tumatawa?" Si Rico 'yon. "s**t! Mukhang naloko tayo. Papatayin ko talaga ang gagong 'yan!" Kasabay no'n ang pagbukas ng pinto. "What the f**k?! Fritzzel?" sabay-sabay na sabi nila kaya napatango-tango ako habang tumatawa pa rin. Nagpunas ako ng butil ng luha sa mata ko habang natatawa pa rin. s**t! Hindi ko mapigilan. Ang epic talaga ng reaction nila! "Can you please stop laughing?" inis na sabi ni Van. "Matapos ng ginawa ko para sa 'yo, ganito lang igaganti mo?" dugtong pa niya na ikinailing-iling ko. "Ang epic kasi. 'Kala ko pa naman matatapang kayo. Multo lang pala katapat n'yo." Natatawa pa rin ako habang masama na ang tingin nila sa 'kin. Tumikhim muna ako at pinigilan na ang pagtawa. "Anyway, take this as a thank you sa pagligtas sa 'kin." Nangunot ang noo nila at nagkatinginan. Napatigil ako sa pagtawa nang nakita kong ngumisi sila sa isa't isa. "Then, take this as a you're welcome." "Anong— f**k!" napasigaw ako nang sabay-sabay silang lumapit sa 'kin. Napaupo ako nang na-out of balance ako dahil sa biglaang paglapit nila. Halos daganan na nila 'kong lima! "f**k s**t. Stop that!" Napatawa ako nang sobrang lakas nang sabay-sabay nila 'kong kiniliti. Merong kumikiliti sa baywang ko, kili-kili, at leeg! "Di ba gusto mong tumawa? Ayan, magsawa ka!" tumatawang demonyong sabi ni Van. "Wag ka lang masyadong maingay, baka may makarinig sa labas," paalala pa nya. Gusto kong umirap pero sa puntong ito, hindi ko magawa! Nakikiliti talaga ako! "Oo na! S-Sorry naaaa! Tama na, mga hayop kayo!" natatawang sagot ko. "Okay. Tama na, hoy!" Hinabol ko ang hininga ko nang tigilan na nila ako. Pare-pareho kaming nakaupo ngayon sa sahig. Pawis na pawis na 'ko dahil sa ginawa nila! "May pagkahayop din kayo 'no?" Inis na sabi ko nang nakahinga na 'ko nang maayos. "Papatayin n'yo ba 'ko?" I asked but they just laughed! "What's wrong with these chonggos?! Sabi na nga ba, mga abnormal sila!" I murmered pero 'di pa rin sila tumigil sa kakatawa. "Wala ba kayong balak tumigil o kailangan ko pa kayong hambalusin?" naiinis na tanong ko. "Nakarma ka ngayon 'no?" nakangising tanong ni Gail na inirapan ko lang. "Skirt mo!" bigla akong napatingin sa skirt ko nang sabihin 'yon ni Van. Mabilis ko 'tong binaba dahil medyo nakataas na. Tumayo ako at kinuha ang isang walis tambo. "Hoy! Anong gagawin mo?" Binuksan ko ang ilaw at nginisihan sila. Dahil malapit lang ako sa pinto, hinarangan ko ito. "It's payback time." I smirked again. "Nakakainis kayo!" sigaw ko at pinaghahampas sila ng walis tambo. "Aray!" "s**t! 'Wag d'yan, masakit!" "Tang ina! Sabi na nga ba, mabubugbog na naman ako dito!" "Maawa ka naman sa 'min!" "Kakagaling lang namin sa away!" Orvil's words made me stop. Oo nga pala! Nakipag-away sila! "Sorry!" mabilis kong sabi at binato na ang walis tambo. "Tara sa clinic!" aya ko sa kanila at pumunta na sa pinto. Lumingon ako at otomatiko na namang tumaas ang kilay nang nakita kong nagtitinginan sila sa isa't-isa. "Ayaw niyo?" I asked. Umiling-iling sila at mabilis na sumunod sa 'kin. Lumabas kami ng Janitor's room at nagtinginan agad ang mga estudyante sa 'min. "Hala? Sila pala 'yung maingay sa loob?" "Kala ko kaaway nila 'yung girl?" "Fake news ka naman yata bes, e!" Inirapan ko na lang sila at naglakad na pero agad akong napalingon sa mga chonggo sa likod ko. Kanya-kanya nilang sinusuri ang mga sugat at pasa nila. "Hindi ko pa pala alam kung saan ang clinic. Kayo na mauna," mahinang sabi ko at tumigil sa paglakad. Napailing na lang ang iba sa kanila habang ang iba ay natawa. Damn. Be kind, Fritzzel. Just for this day. As a thank you lang para sa pagligtas sa 'yo! Okay, okay. Tama na muna ang pagmamaldita. Let them see the other side of yours. Mabait naman talaga ko, yes? Yes. Bakit parang pati ako hindi makapaniwalang mabait ako? Kidding. "Sumabay ka na lang kasi sa 'min." Hinila ako ni Iver at pinapwesto sa gitna nila ni Rico. Okay? "Hindi pa rin ako makapaniwala na siya pa nag-suggest na mag-clinic tayo!" narinig kong bulong ni Orvil kaya tumaas na naman ang kilay ko. "Ako rin, e. Effective 'ata 'yung pangingiliti natin. Naitakwil na 'yung espiritu ng kamalditahan!" natatawang sagot naman ni Gail. "Mga monggoloid," bulong ko. "Another other names!" rinig ko ring bulong ni Van. "Hindi ba talaga siya mauubusan ng mga kung ano-anong itatawag niya sa 'min?" "Uy! May isang chonggo'ng kinakausap sarili niya," pagpaparinig ko kaya napatingin silang lahat sa 'kin. "’Yung leader n’yo. Baka nababaliw na 'yan, ha. Feel free to bring him to mental." Nagkibit balikat ako kasabay ng pagtawa nila. "Baliw ka pala pare, e!" natatawang sabi ni Iver at bigla akong inakbayan. "Siya na nagsabi. Matagal na rin naman kaming naghihinala na baliw ka, e." nakangising dugtong niya. "'Yung kamay mo! Baka gusto mong lagariin ko 'yan?" Mabilis na binawi naman ni Iver ang kamay niya nang sabihin ko 'yon. "Hindi ka lang pala amazona at sadista. Brutal din." Napapailing siya hanggang sa tumigil sila sa paglakad kaya napatigil din ako. Nasa harap na kami ngayon ng pinto. May clinic na nakalagay sa pinto. Nandito na kami. Kumatok muna ako pero walang sumasagot. Tatlong beses pa 'kong kumatok pero wala pa rin. "Pasukin na natin," sabi ni Van at tinulak ako nang mahina para pangunahan ang pagpasok. Damn you, Van. "Walang nurse!" sabi ni Rico sa loob. Sinara ko naman ang pinto at sabay-sabay pa silang sumalampak sa limang kamang nandoon. Sa laki ng clinic, may sampung kama rito. Inirapan ko na lang sila at lumapit sa lagayan ng first aid kit. "Paano ba 'yan, Fritzzel... walang nurse. Sinong gagamot sa 'min?" nakangising tanong ni Orvil. Inirapan ko lang siya. "Kailan kaya titigil mata niyan sa pag-irap?" Kunot noong tanong niya na hindi ko na pinansin pa. "Ewan. Permanente na 'ata sa kaniya 'yan," sagot din ni Iver. "C'mon, Fritzzel? Ikaw na lang mag-alaga sa 'min," dugtong niya kaya napatingin silang lahat sa 'kin. Pineke ko ang matamis kong ngiti at mayamaya'y ngumisi. "As you wish," sagot ko at mabilis na hinalungkat ang mga gamit dito. "Pakisalo ng mga 'to, ha. Kapag 'di n'yo nasalo, papakain ko sa inyo 'to." Mabilis kong ibinato patalikod papunta sa kanila ang alcohol. "Aray, puta! Sa mukha ko pa tumama!" reklamo ni Van na ikinatawa ko. Nice one, Fritzzel. "Paano na ang kagwapuhan ko nito?" OA naman. "Ito pa." Binato ko ang betadine at bulak. Babato ko na rin sana ang maliit na gunting nang sabay-sabay silang sumigaw. "Hoy! Huwag! Papatayin mo ba kami?" "Ay, sorry. Hindi pala kasama 'to." Binaba ko ang gunting at lumapit sa kanila. "Akin na nga 'yan." Kinuha ko kay Gail ang bulak. "Oh!" Inabot ni Van ang alcohol. Inabot naman ni Iver ang betadine. "Parang ang sarap ipalaklak sa inyo 'to, ha," sabi ko habang binubuksan ang alcohol. "May balak pa 'ata tayong patayin nito!" Nagkamot ng ulo si Rico. Napailing na lang ako at kumuha ng bulak. Binigyan ko sila ng tig-iisang kurot ng bulak. "Sino'ng mauuna?" tanong ko. "Ako!" sabay-sabay na sagot nila na ikinataas ng kilay ko. "Dalawa lang kamay ko." "Unahin mo na 'ko. I saved you," sabi ni Van habang nakatitig sa ’kin. Napasimangot naman ang apat. Tumango ako at lumapit sa kaniya. Nilagyan ko ng alcohol ang bulak niya at hinawakan ang panga niya para iharap ang mukha n'ya sa 'kin. Sinimulan ko nang gamutin ang mga sugat n'ya. "Aray! Dahan-dahan naman!" Pigilan n'yo ko! Nababanas na 'ko dito. Kanina pa aray nang aray. "Kala ko ba matapang ka? Alcohol lang 'yan!" sabi ko at kinunotan siya ng noo. Nanahimik na lang siya at hinayaan ako sa ginagawa ko. Napalunok na lang ako habang ginagamot ang mga sugat nya. Ngayon ko lang sya natitigan nang ganito kalapit and I admit that... he was certified chonggo. Napansin kong titig na titig sa 'kin si Van at mukhang hinuhuli pa ang tingin ko kaya idiniin ko ang bulak sa sugat niya. "Aray ko, ha!" reklamo nya at tinitigan ulit ako. "Your eyes are really familiar," bulong niya na tinaasan ko lang ng kilay. "Familiar daw! Syempre, lagi ba naman tayong iniirapan! Sinong 'di makakakabisado sa mata niyan!" singit ni Iver kaya agad siyang sinamaan ng tingin ni Van. "Haha. Kidding. Uy, babe! Ako sunod, ha!" "Fuckboy! Doon ka nga," inis na sabi ni Van at tinulak ang mukha ni Iver palayo bago tumingin ulit sa 'kin. Nakatitig na naman siya sa mata ko! Ano ba'ng problema niya sa mata ko? Sa bagay, kulay abo ang mga mata ko. Siguro may half ako. Aba, ewan ko sa mga lintik na magulang ko. "Have we met before?" seryosong tanong ni Van. "Aray! Sinabi nang dahan-dahan!" inis na daing niya nang diinan ko pa lalo ang bulak. "Nagtatanong lang, e," he murmured. "'Wag mo masyadong titigan ang mata ko, baka ma-inlove ka," nakangising biro ko at tinampal ang noo niya. "Okay ka na. Ge, alis!" dugtong ko at pinagtulakan siya. Lumapit ako kay Iver para siya naman ang isunod ko. "Pamilyar talaga," rinig kong bulong pa ni Van kaya napalingon na naman ako sa kaniya. Sinabunutan niya nang bahagya ang sarili niya kaya napairap na naman ako. Abnormal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD