— Fritzzel —
Gaya ng lagi kong ginagawa, nilakad ko ulit ang daan papuntang village ng bahay ng triplets. Isang village lang naman ang layo nila sa 'kin. I'm always doing this.
Ang pamilya Caranza na ang tinuring kong pamilya. Mukhang ganoon din naman sila sa 'kin.
Nag-doorbell lang ako at pumasok na sa loob. Kilala naman ako ng guard kaya hindi niya na 'ko pinigilan.
Napairap na naman ako nang hindi ko na naman nakita ang triplets sa living room nila. Ang ibig sabihin lang niyon, mga tulog pa ang mga gaga.
"Hi, tita Cass!" bati ko sa kaniya. "Good morning po!" Nginitian niya naman ako pabalik.
"Good morning!" bati niya rin bago pumasok sa kitchen nila. "Fritzzel, p'wedeng puntahan mo muna si Sanbry sa kwarto niya? Baka kasi gising na 'yon. Kapag gising na pababain mo na rito." Tumango ako at binaba ang bag ko sa sofa nila.
Umakyat ako sa second floor ng bahay nila at pinuntahan ang kuwarto ng bunsong anak nila na si Sanbry. Mag-aapat na taon na kaming magkakaibigan ng triplets kaya kabisadong kabisado ko na ang bahay nila dahil lagi akong nandito.
Kumatok muna ako bago pinihit ang doorknob. "Sanbry?" tawag ko at pumasok na. Lumapit ako sa kama at nakitang natutulog pa siya. Ngumiti na lang ako at inayos ang kumot niya.
Ang cute-cute talaga ng batang 'to! Parang ako.
"Anong ginagawa ng isang maldita rito?" Napatingin ako bigla sa pinto nang narinig ko ang boses ni Bryle. Tinaasan ko agad siya ng kilay. "Ang aga-aga, 'yung kilay mo handa na namang magtaas-baba." Kinusot-kusot niya pa ang mata niya bago lumapit sa kama at umupo.
"Alam mo, kung nag-aayos ka na ngayon para pumasok.. natuwa pa ako— kaso hindi, e," pairap na sagot ko pero tinitigan niya lang ako. "What? Akala mo naman kung anong gagawin ko sa kapatid mo. Pinaakyat ako rito ni tita." Inirapan ko ulit siya pero tumawa lang naman ang mokong.
May nakakatawa ba?
"Did you check your famebook account?" biglang tanong niya kaya napatingin ulit ako sa kaniya. Nakakunot-noo na siya ngayon at mabilis naman akong umiling. Ano namang meron?
"Why? Wala namang kuwenta famebook account ko." Umikot na naman ang mga mata ko.
Hobby ko na talaga ang pag-irap.
"Ngayon, magkakaroon na ng kuwenta 'yan. Tingnan mo kung anong gulo ginawa mo," sagot nya kaya mabilis ko na lang kinuha ang cellphone ko.
Mukhang alam ko na kung anong meron.
I got 100 plus notifications, 54 messages and 381 friend requests.
What the f**k is this?
Napatingin ulit ako kay Bryle at nakakunot na naman ang noo niya sa 'kin.
Agad kong ch-in-eck ang notifications.
Hellera Monrage mentioned you in a comment.
Binuksan ko ang notification na 'yon at otomatiko na namang tumaas ang kilay ko sa nabasa't nakita ko.
"Transferee, binangga ang VIRGO Gang. What a bitch."
Ayan ang nasa caption ng video. Pinanood ko naman ang video. Video pala 'to ng nangyari kahapon. 'Yung pagganti ko sa mga chonggo dahil sa ginawa nila sa 'kin. Whatever.
Sino naman 'tong Hellera Monrage na 'to? Paano niya nalaman ang f*******: account ko? Okay, obvious nga naman pala dahil Fritzzel Garcia rin ang name ko rito.
Magugulat ka na lang talaga na ang dami nang views at likes ang video. Sa isang iglap ata magte-treding ako, ah. Nice one, Fritz.
1,629 likes. 921 angry reaction, 672 haha reaction, and 36 likes.
Wow. More on angry reaction ha. And I'm sure na sa 'kin galit ang mga 'yan dahil sa ginawa ko. Tiningnan ko na lang din ang comments kung saan na-mention ako.
"Welcome to Hell Fritzzel Garcia."
That mention has 756 likes. More on angry rection din.
"Nagpapansin lang ang babaeng 'yan!"
"Tsk. Kala mo kung sino para kalabanin ang mga asawa ko!" Yuck, ha.
Ilan lang 'yan sa mga nabasa kong comments. Sunod kong tiningnan ang friend requests ko. Lalong tumaas ang kilay ko nang nakita ko ang limang sunod-sunod na nasa bungad ng friend requests ko.
Van Rey Salvador
Iverson Kyle Salvador
Rico Salvador
Gail Lee Salvador
Orvil Sean Salvador
Uy! Ang mga Salvadog, nag-send ng friend request! At sunod-sunod pa talaga sila, ha? As in VIRGO. Magkakaano-ano kaya ang mga 'to? Napangisi ako at mabilis na ini-screenshot ito. Hindi ko rin in-accept at ni-delete ko lahat.
I logged out then turned off my phone before looking back at Bryle. "All settled. Whatever. Wala naman akong pake sa kanila, Bryle," pairap na sambit ko.
Napailing-iling na lang siya at pumalatak. “Ikaw pa. Kilala na kita. Ganiyan ka naman na, matagal na," masungit din na sagot niya kaya natawa na lang ako nang mahina.
Napatingin kami pareho ni Bryle kay Sanbry matapos nitong gumalaw. Umupo siya at nagkusot-kusot ng mata saka umunat-unat. Napangiti siya nang makita kaming dalawa ni Bryle.
"Hello po ate, kuya!" masayang bati niya at lumapit sa 'min.
Nagulat ako matapos niya kaming parehong inakbayan sa leeg at niyakap ang ulo namin para mahalikan kami sa pisngi.
Nanlaki tuloy ang mga mata ko. s**t. Sobrang lapit namin ni Bryle sa isa't-isa!
"Good morning po," bati niya sa 'min na ikinaikot ng mata ko. Ang batang ’to, oo!
"Good morning din." Mabilis akong lumayo at umiwas ng tingin. "Hindi ko alam na medyo marahas ka pala, baby," mataray na dugtong ko.
Because... that was too close!
Kulang na lang maghalikan na kami kanina ni Bryle.
"Ikaw talaga! Tara baba na tayo," nakangiting sabi ni Bryle at ginulo ang buhok ng kapatid. "May chocolate ka sa 'kin mamaya," nakangising bulong pa niya kaya nagtatatalon ang bata. "Hoy! Tara na."
"Aray ko! May pagkahayop ka rin, 'no?" Pinitik niya ang noo ko! Letse talaga. Mabilis na akong tumayo at inunahan silang lumabas.
"Uy! Nandito ka na pala!" nanlaki pa ang mata na sabi ni Cassidy nang nakasalubong ko sila ni Cabbry.
"Hindi, ah. Invisible lang ako 'no," nanunutyang sagot ko kaya napasimangot siya. "Bilisan n’yo ngang tatlo. Kahit kailan ang babagal n'yo. Kapag tayo na-late, patay kayo sa 'kin!"
"Akala mo talaga may pake siya kung ma-late kami o hindi," bulong ni Cabbry kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nag-peace sign naman si gaga.
Dahil nag-breakfast na ’ko ay hindi na 'ko sumabay kumain sa kanila. Nanood na lang ako ng TV sa living room habang naririnig ko pa rin ang tawanan nila sa kitchen.
Their laughs hit me. Napangiti na naman ako nang mapait.
Kung may mga magulang lang ako, nararanasan ko sana ang ganiyan kasayang pamilya. Kaso hindi, e. Pagkakamali nga lang pala ako.
"Hey."
Hindi ko nilingon si Bryle na umupo sa tabi ko. "Anong ginagawa mo rito? Bumalik ka na roon," sabi ko habang nanonood pa rin.
"I'm done eating. Iniisip mo na naman ba ang mga magulang mo?" tanong niya kaya napasandal ako sa sofa at nilingon siya. "Akala ko ba matatag ka? Bakit parang nalugi ka nang sobra diyan?" Nagkunot noo siya kaya napatawa ako nang mahina.
Ang dali niya na lang akong mabasa ngayon, ha. Sa bagay, matagal na kaming magkakaibigan.
"Abnormal." Ayun lang ang nasabi ko dahil hindi ko alam kung anong isasagot. "Hindi man lang nila ako naisipang dalawin. Ganoon na ba ’ko kawalang halaga para sa kanila?" mahinang tanong ko at napayuko.
"Hayaan mo na ang mga 'yon. Sa huli, magsisisi rin sila na pinabayaan nila ang isang katulad mo," sagot niya. Naramdaman ko na lang na inakbay niya na ang braso niya sa 'kin.
Bakit naman sila magsisisi? Ano ba 'ko? Ano ba'ng meron sa 'kin?
"Oo nga. Mga wala silang kwenta," matabang na sagot ko. Hindi ko na lang alam kung kikilalanin ko pa ba silang magulang.
"Fritzzel, why don't you live here? Welcome na welcome ka naman dito, ah?" Napatingin ako bigla sa kaniya nang sabihin niya 'yun.
Biglang tumalon ang puso ko nang narinig ko ang sinabi niya. Welcome na welcome pala ako rito. Mahal na mahal talaga nila ako, 'no? Buti pa ang mga taong hindi ko kadugo, tanggap ako.
Mabilis akong umiling at sumiksik sa kili-kili niya para sumandal. "Ayoko. 'Wag na. 'Di na kailangan. Nakakahiya," sunod-sunod na tanggi ko.
May hiya pa rin ako sa katawan.
Nilaro-laro niya ang puti kong buhok bago nagsalita. "Okay. Sabi mo, e. Basta kapag nagbago isip mo, pumunta ka lang dito, a?" Tumango na lang ako.
"Thank—"
"Aha! Sabi na nga ba crush mo si Ate Fritzzel, kuya e!"
Pareho kaming napapitlag ni Bryle at lumayo sa isa't-isa matapos sumulpot ni Sanbry sa harap namin.
"s**t! Anong pinagsasasabi mo diyan, ha?" kunot noong tanong ni Bryle sa kaniya. "May crush-crush ka nang nalalaman, ha!"
Biglang tumakbo papuntang kitchen si Sanbry kaya nagkatinginan kami ni Bryle at natawa. Baliw na batang 'yon!
"Mommy! Daddy! I saw kuya Bryle and ate Fritzzel hugging each other!"
Otomatikong tumaas ang kilay ko at nagkatinginan na naman kami ni Bryle nang narinig namin ang sigaw ni Sanbry.
Walang'yang bata 'yan.
Hugging each other daw?
Nakaakbay lang naman si Bryle sa 'kin at nakasandal lang ako sa kaniya kanina!
Sabi na nga ba, imbento ang batang 'yon.
Mabilis naglabasan sa kitchen ang pamilya Caranza at tiningnan kaming dalawa ni Bryle. Agad na tumayo si Bryle para magsalita sana pero napansin niyang seryoso ang mukha ng magulang niya pati ng dalawang kambal niya.
What's wrong with these people?
"Totoo ba 'yon, Bryle? Fritzzel?" Si tita Cass.
"May relasyon ba kayong dalawa?" Si tito Bryan naman.
"Sabi na nga ba may tinatago kayo sa 'min." Si Cabbry.
"Halata namang may gusto kayo sa isa't---"
"What the f**k?" Sabay pa kaming napamura sa sinasabi ni Cassidy. Abnormal talaga!
"Tita Cass, tito Bryan—” Napasinghap ako. "Caranza Family... 'yung totoo, anong mga pinagsasabi n'yo? Nakahithit po ba kayo?" mataray na tanong ko.
"Mom, dad. It's not what you think! Imbento lang 'yang si Sanbry. Nakaakbay lang ako kanina kay Frit—"
"Great! Lumabas din sa bibig mo!" putol sa kaniya ni Cabbry.
"What? Anong problema n'yo ro'n? Gawain ng makaibigan 'yon! To comfort each other. 'Di ba, Bryle?" Tiningnan ko siya. Matagal bago siya sumang-ayon.
"Kayo naman! Masyado kayong seryoso," natatawang sabi ni tita Cass. Awkward na napatawa na rin ang mga anak niya bago sila nagkatinginang lahat.
Ewan ko sa sa kanila! Parang mga tanga lang.
"Alis na tayo. Kung ano-ano iniisip niyo," kunot noong sabi ni Bryle at agad na kinuha ang bag ko at bag niya. "Oh!" Inabot niya sa 'kin ang bag ko. Siya na rin ang nagsuot niyon sa likod ko.
"Sus, ayaw pa kasi umamin."
"Cabbry!" taas kilay na sita ko sa kaniya. Nag-peace sign naman siya.
Ang buong akala ko'y mananahimik na ang dalawa sa kotse pero nagkakamali pala ako. Lalo nila kaming tinukso ni Bryle.
"Mga abnormal," bulong ko na lang.
We're just bestfriends. Alam naman nila 'yon. Ewan ko lang kung anong pinuputok ng butsi nila.
Kakaibang atmosphere agad ang bumungad sa 'min pagkababa namin ng kotse. Napatingin lahat sa 'min, especially sa 'kin. Mga nagbulungan sila na agad kong kinairap.
"Ayan na si malandi!"
"Nagpapapansin lang naman 'yan sa VIRGO gang para malandi nya sila."
"Itsura pa lang malandi na. Pangit naman."
Nagpantig ang tainga ko sa mga narinig ko galing sa tatlong babaeng nasa gilid ng bench malapit sa gate.
Agad akong naglakad papunta sa kanila. "Fritzzel!" Hindi ko pinansin si Bryle.
Napatayo ang mga babae nang nakalapit ako sa kanila. Mataray nila ’kong tiningnan pero mas mataray ko silang tiningnan. Tumaas ang isang kilay ko at tiningnan sila mula ulo hanggang paa.
"Alam niyo, kung magbubulungan kayo.. siguraduhin niyong hindi maririnig ng napakaganda kong tainga, ha!" pairap na sabi ko.
Ang papangit naman nila.
"Excuse me? Hindi ka maganda!"
"Bobo. Sabi ko, tainga ko. Bakit, sa tingin mo ba maganda ka? E, kamukha mo lang naman 'yung ipis na inapak-apakan ko noon," pagmamaldita ko na ikinatalim ng tingin niya sa galit pero nginisihan ko lang sila.
"Papalampasin ko pa sana ang pagtawag niyo sa 'kin ng malandi kaso tinawag n'yo rin akong pangit."
Humalukipkip ako at tumingin sa paligid. Lahat pala ay nanonood na sa 'min. Pati ang bagong dating na mga chonggo.
"Bakit? Pangit ka naman—"
"Hindi ako makapaniwalang nanggaling pa sa isang pangit ang salitang pangit," natatawang pagputol ko sa kaniya. "Kung nai-insecure ka sa kagandahan ko, 'wag kang masyadong magpahalata. Okay?" Hindi agad siya nakasagot kaya natawa na ako.
Tameme.
"At 'wag mo ring sabihing nagpapansin ako sa VIRGO gang porque hindi ka nila pinapansin. Naiintindihan mo ba 'ko?" Mas lumapit ako sa kaniya. "Ayun sila oh," sabi ko at tinuro kung nasaan ang mga chonggo.
"Mga aso ko 'yan!" Sinadya kong lakasan ang boses ko. "Hindi ako lumalandi sa mga aso," nakangising dugtong ko at lumayo na sa kaniya.
Iniwan ko siyang nakanganga roon. Sinalubong ko ang triplets na papalapit na rin sa 'kin. Napapailing-iling na lang sila kaya nagkibit-balikat na lang ako.
"Mauna na kayo. Pupunta pa ’ko ng comfort room," paalam ko at tinalikuran na sila.
Dumiretso ako sa C.R. para umihi saka lumabas. Wala pa namang bell kaya pupunta muna siguro ako sa cafeteria.
"Ayan na 'yung mayabang na babae, o."
"Grabe talaga siya. Such a bitch."
"Amazona! Transferee lang naman."
Sige, bulong pa. ’Pag hindi ako nakapagpigil, tatalsik 'tong sapatos ko sa inyo. Inirapan ko na lang sila at nag-flip hair.
Napairap na naman ako nang nakita kong makakasalubong ko na naman ang mga chonggo. Nanahimik din ang lahat. Ganito ba talaga kaabang-abang ang sagutan namin? Then, good.
Lima sila, magkakatabi-tabi pa. Isa lang ako. Maliit ang hallway. Mukhang hinaharangan talaga nila 'ko. Tsk.
"May malditang paharang harang, o," pasipol-sipol na sabi ni Gail. 'Yung shokoy.
"Uy, hi," parang natutuwa pang bati sa 'kin ni Orvil pero inirapan ko lang siya. "Kumusta ang pagiging famous? Nabuhay ba ang f*******: account mo?" tanong niya.
Humalukipkip ako at tumigil sa paglalakad dahil mukhang balak talaga nila ’kong harangan. Tumigil din naman sila.
"Oo. Ang saya nga, e," sagot ko at ngumiti. "Hindi ko nga alam kung matutuwa ba ’ko dahil in-add ako ng mga aso ko. Sunod-sunod pa talaga," dugtong ko na nagpaasim sa mga mukha nila.
Nagkatinginan silang lima sabay tingin sa mga nakikinig sa 'min.
"Sya? In-add ng VIRGO Gang?"
"Oh! That's impossible!"
"Oo nga pala, ni-delete ko ang friend requests niyo," natatawang sabi ko pa.
"s**t. Ngayon lang may tumanggi sa kaguwapuhan ko," mahanging sabi ni Rico.
"Tayo na nga nag-add, siya pa nag-inarte," gatong naman ni Iver.
"Yung totoo? Hindi ba talaga siya tinatamaan ng kaguwapuhan ko?" Napairap naman ako sa sinabi ni Gail. Saan ang guwapo?
"Maarte lang talaga ang babaeng 'yan," kunot noong huling sabi naman ni Van.
Magkakaano-ano kaya ang mga 'to? Pare-pareho kasing mahangin. Pareho rin ng apelyido. Siblings? Cousins?
"Uy, nagrereklamo ang mga Salvadog," Ngumisi ako at umirap muna. Lalo yata silang nainis dahil mas lumapit sila sa 'kin. "Oops, too close. Baka maging allergic ako niyan sa mga aso," pang-aasar ko pa.
"What the f**k, Fritzzel?" Naiinis na nga si Van dahil nalulukot na ang mukha niya.
Ang bilis naman nilang maasar, nakakatawa.
"What the f**k din, super chonggo man."
"Can you please stop! Kailan mo ba titigilang tawagin kami ng kung ano-ano? And for your information, we're not dogs and we're not yours," madiing sagot niya at mas lumapit pa sa 'kin.
Bakit lumalapit? Napakapikon naman.
"Ay talaga? Kamukha n’yo kasi 'yung aso ko, e," mapang-asar na sagot ko. "Wait.. Oo nga pala, kumusta ang sabong ng mga aso kahapon?" tanong ko. "Kayo pa naman ang manok ko roon."
"Ewan ko sa 'yo," nagsusungit nang sagot ni Van. "Mas lalo mo lang pinagulo."
"Edi magaling. Ayun naman ang gusto n'yo, 'di ba? Gulo." Umikot ang mga bata ko bago nagpatuloy sa paglakad. "Bye-bye, Salvadogs." Kumaway pa ’ko at tuluyan nang umalis.
"Sira ulo talaga ang babaeng 'yon!"
"Ano bang lahi meron siya? At hindi man lang makita ang kgwapuhan natin."
"Gago. May lahing amazona 'yon. Sadista pa."
"Bobo! Lahi ba 'yon?"
"Hindi pa tayo tapos, Miss Maldita!"
I know. I know. Sino ba may sabing tapos na?
——