Chapter 3: Fritzzel Garcia

2386 Words
— Fritzzel — Pagkatapos ng nangyari at nang nakapag-ayos na 'ko ng sarili ko, pumasok na 'ko sa second subject namin. Nang nakita ko na naman ang VIRGO Gang ay inirapan ko sila. Ang papangit nila! I just knocked to the door then I entered the classroom without waiting for the teacher's respond. "Excuse me, miss?" Napalingon ako sa kaniya at otomatikong tumaas ang kilay ko. "Are you the transferee?" Tumango ako. "Okay, then. Introduce yourself." Napairap na naman ako at walang ganang pumunta sa harap. "I'm Fritzzel Garcia," matipid na pakilala ko at mabilis na lumakad papunta sa isang bakanteng upuan sa second to the last row, malapit sa bintana. Hindi ako mag-aaksaya ng panahong magpakilala diyan sa harap, 'no. Matapos ba naman ng napakagandang bungad sa 'kin nitong classmates ko? "Okay? Be nice to her, class." Napatingin naman sa 'kin ang lahat kaya tinaasan ko sila ng kilay. "Why? Any problem, class?" nagtatakang tanong ng teacher na ikinairap ko na naman. Sa mga aso oo, may problema. Tumayo naman ang isang lalaki. "Ma'am? Anong be nice to her? E amazona ang babaeng 'yan!" angal niya na ikinakunot ng noo ko. Nang tiningnan niya ulit ako ay tinaasan ko siya ng kilay at pasimpleng pinakita ang nakakuyom kong kamao. Ang kapal ng mukha, e. "Sabi ko nga, be nice to her," pagbawi niya at umupo na. Good. May pumalatak mula sa likod ko. Hindi ko na kailangang lumingon para tingnan kung sino ’yon. Siguradong ang leader ng mga chonggo lang 'yon na si Van. Sa likod ko lang naman sila nakaupo. As the hours passed, my day was just boring. Napaka-boring talaga sa school. Boring na nga, masisira pa araw mo dahil sa limang pwet ng aso. Nang mag-bell na as a sign na uwian na ay mabilis nagtayuan ang mga kaklase ko without saying goodbye to the teacher. Ganoon din ang VIRGO Gang na mabilis na lumabas. Naiwan akong mag-isa sa classroom at napabuntong hininga. Nakakatamad tumayo pero ginawa ko pa rin. Nangunot ang noo ko nang makita ko ang maraming estudyanteng nakadungaw sa railings ng third floor. May tinitingnan sila sa baba. May naririnig din akong sigawan at ingay sa baba but I don't mind at nagtuloy-tuloy lang sa paglakad pababa. "Uy, Fritzzel!" Biglang sumulpot ang triplets sa harap ko kaya napataas ang kilay ko sa kanila. "Uuwi ka na ba?" "Malamang." "Nood muna tayo. May action movie doon, oh," sabi ni Cassidy at hinila ako. "Seriously? Papanoorin niyo ang mga gagong 'yon?" kunot-noong tanong ni Bryle. Sino bang mga gago ang sinasabi niya? Hindi siya sinagot ng dalawa at patuloy lang akong hinila. Maraming estudyanteng nagkukumpulan pero nakisingit kami at pinagtutulak ang mga paharang-harang sa daan. "Tang ina mo! Kilalanin mo kung sinong kinakalaban mo!" Narinig ko agad ang boses palakang boses ni Van. Okay, mga gago nga. Nice one Bryle. Naabutan namin ang VIRGO Gang na may pitong lalaking kaaway. Nakikipag suntukan sila at wala man lang umaawat. Natutuwa pa nga ang lahat. "Infairness ang pogi nung Orvil!" Mabilis kong siniko si Cabbry. Abnormal ang isang 'to para mapogian sa mga 'yan. Like, ew. "Tsk. Subukan mo lang lumapit Cabbry sa mga tarantadong 'yan," sabi ni Bryle kaya napapadyak si Cabbry. Puro pasa na ang VIRGO Gang pero mas maraming pasa ang kaaway nila. Oh, five VS. seven. Exciting sana kaso nakakawalang gana ang pagmumukha nila. Nanahimik ang paligid nang may dalawang lalaking pinagtulungan si Van at pinagsisipa ito. Mukhang minamahal ng mga estudyante rito si Van, a? E bakit hindi nila tulungan? Tsk. "Akala ko naman importante." Sinadya kong lakasan ang boses ko, total tahimik ang paligid kaya narinig nilang lahat. Napatigil ang lahat at napatingin sa 'kin, pati na rin ang mga nag-aaway. Nanatili sa ere ang mga kamaong handa nang sumuntok at ang mga paang handa nang sumipa. Tumaas ang kilay ko. Nakatayo na rin si Van dahil natigilan ang dalawang pinagtutulungan siya. Nagkatinginan ang VIRGO Gang sa isa't isa pati na rin ang mga kaaway nila. Humarap ako sa triplets at nagtaas kilay. "Kung gusto niyong mapanood pa 'yang sinasabi n'yong action movie.. Sige, mauuna na 'kong umuwi," walang ganang paalam ko at naglakad na paalis. "Sino 'yan?" Narinig kong tanong sa likod. I'm sure, isa siya sa kaaway ng mga chonggo. "Mayabang, boss." Tell me, anong mayabang sa sinabi ko? Puro katangahan naman pala ang mga lalaking 'to. Hindi ko sila nilingon at pinagpatuloy lang ang lakad. "Miss!" May humawak sa balikat ko at hinarap ako sa kaniya. Puro siya pasa sa mukha kaya siguradong isa siya sa pitong kaaway ng mga aso ko. "What's your problem?" mataray na tanong ko at nilayo ang sarili sa kaniya. "Wala naman. Pero ginulo mo lang kasi ang away namin." Muntik na 'kong mapahagalpak ng tawa sa sinabi niya. Talaga lang, ha? "Are you f*****g sure? Gulo na nga, ginulo ko pa?" taas kilay at natatawang tanong ko. "Why don't you just tell me na naapektuhan kayo sa sinabi kong hindi naman 'to importante?" tanong ko pero hindi agad siya nakasagot. "Bakit? Ngayon lang ba kayo naka-encounter ng tao na hindi interesado sa mga kabalbalan n'yo?" dugtong ko at tiningnan ang mga kasamahan niya. "Iba rin pala tabas ng dila mo," mahinahong sagot niya kaya napatango ako. "Yah. I know right. Guys, stop being) an attention seeker. This is not the right place to get in trouble. Hindi na kayo bata," pairap na sagot ko at tinalikuran na ulit siya saka lumakad. "Puta, ang yabang mo, a!" sigaw niya pero 'di ko siya pinansin. Naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko pero hindi niya 'ko tuluyang nahawakan dahil may kumuha sa kamay niya at pinilipit 'yon. "Sinong may sabing puwede mo siyang hawakan?" malamig na tanong ni Bryle. Nagsilapitan na rin ang mga kasamahan ng lalaki at ang VIRGO Gang. Pumunta naman sa likod ko si Cabbry at Cassidy. Tinulak ni Bryle ang lalaki at tumabi sa 'kin. Talagang may balak pa 'kong saktan ng nga ulupong na 'to, ha. Napatingin naman ako kay Van. Seryoso siyang nakatingin sa 'kin. "Stop and shut up," he mouthed na hindi ko pinansin. "Miss, babae ka pero kaya ka naming patulan," sabi ng isang lalaking kamukha ng talampakan ng isang palaboy. Nagcross-arm ako. "Lalaki ka pero kaya rin kitang patulan," nakangising sagot ko. Marami na ring nagbubulungang mga estudyanteng nanonood. "Oops, pero hindi ko kayo papatulan ngayon. Hindi nga pala 'ko pumapatol sa hayop," mapang-asar na dugtong ko at umirap. "Punyeta. Hindi ko gusto pananalita ng babaeng 'yan, boss ha." "Dudukutin ko na mata n'yan!" "King ina mo rin 'no!" Mabilis na naglakad palapit sa direksyon namin ang kausap ko kanina pero nangunot ang noo ko nang biglang humarang sa harap namin ang mga aso ko. "Kami ang kaaway n'yo, hindi ba?" Boses ni Orvil ang narinig ko. "Huwag niyo nang patulan ang malditang 'yon." Napairap na naman ako. Epal. "Nangingialam na kasi ang babaeng 'yan!" "Ay! Malay ko bang maaapektuhan kayo sa sinabi ko, 'di ba? Anyway, gotta go. Mga aso ko na ang bahala sa inyo," paalam ko. Sabay sabay na napatingin sa 'kin ang VIRGO gang at sinamaan ako ng tingin pero tinaasan ko lang sila ng kilay at umalis na. Mabilis na sumunod sa 'kin ang triplets. Hindi na rin ako nagtangkang lumingon pa kahit naghihiyawan na ang mga nanonood. "Hindi ko alam kung naghahanap ka ba ng away o ano," kunot noong sabi ni Bryle at binuksan ang pinto sa front seat at back seat ng kotse niya. Pumasok ako sa front seat at sa likod naman ang dalawa. "Nag-e-enjoy lang ako. That's all," walang ganang sagot ko. "Nag-eenjoy, ha? Paano kung ikapahamak mo 'yan?" "Oo nga bessy." "Grabe. Natatakot na 'ko para sa'yo!" Kaniya-kaniya nilang sinabi pero umikot lang din ang mata ko sa kanila. "Wala 'kong pake. Matagal na akong walang pake sa mga mangyayari sa buhay ko. Sige na, mag-drive ka na at ihatid mo na 'ko," malamig na sagot ko at bumuntong hininga. Sabay-sabay lang silang napabuntong hininga rin hanggang sa umandar na ang kotse. "Bye! Thank you for the ride," paalam ko sa tatlo at kumaway. "Sige, bye bessy!" "Take care!" Hinintay kong mawala sa paningin ko ang kotse nila bago humarap sa walang kabuhay-buhay na mansion ko. Oo, mansion ko. Mag-isa lang ako diyan. Napangiti na lang ako nang mapait at pumasok na sa loob. Nakikisabay lang ako kina Bryle dahil wala akong kotse. Ayoko mag-aksaya ng pera para lang sa isang kotse. Puwede naman akong makisabay at mag-commute. Napakatahimik ng buong mansion nang makapasok ako sa loob. Napakalaki ng mansion na 'to pero ako lang ang nakatira rito. Umakyat agad ako sa taas sa kwarto ko at mabilis na nagpalit ng damit. Bumaba ako at pumunta sa kitchen. Imbes na kumain ng dinner ay wine ang kinuha ko at isang wine glass. Umupo ako sa bar stool ng mini bar ko at uminom. Matagal nang nagkanda-letse letse ang buhay ko simula nang iwan ako ng mga magulang ko. Iniwan nila 'ko kay Yaya Merdes. Imbes na magulang ko ang nagpalaki sa 'kin, isang yaya pa ang gumawa ng tungkulin nila. And now, she's gone. Iniwan na rin ako ni Yaya Merdes nang ma-heat stroke siya. Kinuha ko ang wallet ko at nilabas ang dalawang picture na nandoon. Picture raw ng mama at papa ko. Binigay sa 'kin 'to ni Yaya Merdes para naman daw kilala ko ang mukha ng mga magulang ko. Isang pagkakamali lang daw ako. Bunga ng isang pagkakamali. Pareho silang may kaniya-kaniyang pamilya. I'm just the result of their one night stand. Nakakalungkot. Nakakainis. Buti nga raw at hindi nagpakunan si mommy at binuhay niya 'ko pero agad niya rin akong binigay kay Yaya Merdes nang manganak siya. Uminom ulit ako ng wine at mapait na napangiti. 4 years ago.. "Hija, anak.." tawag sa 'kin ni yaya kaya lumapit ako sa kaniya. "Ang laki-laki mo na, ga-graduate ka na ng elementary! Masaya ako para sa' yo," nakangiting sabi niya kaya napangiti rin ako. Siya ang yaya ko. Kahit alam niyang masasaktan ako kapag nalaman kong wala akong magulang ay hindi niya 'ko inangkin bilang anak niya. Pinakilala pa rin niya ang sarili niya bilang yaya ko. Minsan dinadala niya ang apo niyang lalaki sa mansion na si Gio. Kasing edad ko lang siya. Ang apelyido ko namang Garcia ay galing sa apelyido ni yaya. Hindi naman daw kasi p'wedeng gamitin ko basta basta ang apelyido ng tatay ko. Tama nga naman siya. Pinaupo ako ni yaya sa tabi niya. Niyakap niya 'ko nang mahigpit. "Yaya bakit po?" tanong ko. "Matanda na 'ko, hindi ko alam kung hanggang kailan kita maaalagaan," malungkot na sabi niya. "Baka isang araw mawala na lang ako bigla at maiwan kang mag-isa." "Yaya, 'wag po kayong magsalita nang ganyan," nakayukong sabi ko. "Hindi n’yo naman po ako iiwan, 'di ba? Yaya.. 'Wag mo po akong iiwan. Natatakot po akong mag-isa." "Hindi malabong mangyari 'yon, Fritzzel. Nanghihina na ako." Umiling-iling ako at mas niyakap siya. Lumayo siya at hinarap ako sa kaniya. "Fritzzel, tandaan mo 'tong sasabihin ko, ha." Tumango ako. Kinuha niya muna ang isang brown envelope at binigay 'to sa 'kin. Nagtatakang tiningnan ko siya. "Nasa loob ng envelope na 'yan ang titulo ng mansion na 'to. Sa 'yo nakapangalan ang mansion na 'to, Fritzzel. Kapag nawala ako, iingatan mo 'to, ha? Sa' yong sa 'yo ang mansion na 'to kaya 'wag na 'wag mong ibebenta." "Talaga po, yaya?" "Oo, hija anak. Ibinigay sa' yo 'to ng mommy mo bago ka niya iniwan," nakangiting sagot niya. "Fritzzel, alam kong malaki ka na kaya intindihin mo lahat ng sasabihin ko." Tumango ulit ako. "May 5 Million pesos ka sa bangko. Iniwan naman sa' yo 'yun ng daddy mo para mabuhay ka." Napayuko ako bigla sa sinabi ni yaya. Nakakalungkot isipin na ganoon na lang ang nagawa nila para sa 'kin. Ang iwan, at magbigay ng pangangailangan. Hindi ko kailangan ng bahay o pera, aruga nila ang gusto ko. Sila ang kailangan ko. "Sana maintindihan mo ang mga magulang mo. May sarili na silang mga anak bago ka pa lumabas kaya ganoon na lang ang nangyari. Hindi ka naman nila pinabayaan, e. Alam kong ginawa nila 'yon para hindi masira ang mga pamilya nila dahil sa 'yo— pasensya na, anak. Sorry. Hindi ko sinasadyang sabihin 'yon," biglang bawi ni yaya nang humagulgol ako ng iyak. "Okay lang po. Salamat po.." "Basta tatandaan mo 'to, hindi ka nila pinabayaan.. Dahil kung pinabayaan ka nila, hindi nila 'to ibibigay sa' yo. Naiintindihan mo ba 'ko?" Tumango ako. Gusto kong maniwala. Sunod-sunod kong ininom ang wine na nasa wine glass na hawak ko. Hindi pala pinabayaan. Nagbigay nga sila ng pera at bahay, hindi man lang naman nila 'ko sinubukang dalawin. Mga walang kwenta. May dalawang million pa sa bangko. Nakuha na ni yaya ang tatlong milyon noon bago siya mamatay at itinago sa kwarto ng mansion na 'to. Sabi nya'y doon ako kumuha ng pera panggastos. Ayoko sanang galawin ang mga perang 'yon pero wala akong ibang choice. Ang perang hawak ko ngayon ay nasa magkano na lang. Hindi ko alam kung gagalawin ko pa ba ang dalawang million sa bangko. Akin nga ang mansion na 'to pero wala man lang akong kasama. Hindi ko man lang maramdaman na kasama ko ang magulang ko. Simula noong sanggol pa lang ako, si yaya na ang kasama ko. Simula nang mamatay si yaya, sarili ko na lang ang inasahan ko. Hindi ko na rin nakita pa si Gio simula nang mamatay si yaya. I used to be independent. Kala niyo ba madali? Hindi. Napatingin ulit ako sa dalawang picture na hawak ko. Kamukha ko ang nanay ko. Mas kamukha ko siya kaysa kay daddy. Hindi na 'ko mangangarap na makita pa kayo. Pinandidirihan ko kayo. Kinasusuklaman ko kayo. Baka buhayin n’yo lang ang galit ko kapag nakita ko pa kayo. Panindigan n’yo na lang ang pang-iiwan ninyo sa 'kin at 'wag nang magpakita pa. Mukhang masaya naman na kayo sa mga sarili niyong pamilya. "Nakakatawa kayo.." natatawang sabi ko habang umiiyak. Binato ko ang wine glass at sinabunutan ang sarili ko. Dahil sa inyo kaya ako nagkakaganito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD