Masaya namang namamasyal ang mga magulang ni Davis at Mica. Marami silang pinamiling mga damit at kahit matanda na ang mga ito sa edad na singkwenta pataas ay hindi mahahalata sa kanilang edad na sila ay matanda dahil mukhang bata pa ang mga itsura nila. Malakas pa din ang panganngatawan nila lalo na ang dad ni Davis. Alaga din sa pag gigym ang katawan nito.
Nauna nang lumabas ang mag asawa at tinunton kung saan nakapark ang kanilang sasakyan. Hindi namalayan ni Mrs. Ellison na may tao itong makakabanggaan at muntik na itong ma out balance kung hindi siya nahawakan agad ng kan'yang asawa.
"Be careful mahal, at maraming tao dito," alalang sabi nito.
"Mam sorry po, hindi ko po sinasadya," hinging paumanhin ni Ysabelle.
"Its okay iha, hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko," pagpapaliwanag ng Ginang.
Pinulot ni Ysabelle ang mga nahulog na paper bags at inabot niya ito kay Ginang Ellison.
"Salamat iha," wika ni Ginang Ellison nang maiabot sa kan'ya ni Ysabelle ang mga pinamili nila.
"Wala pong anuman Mam," magalang na sagot ni Ysabelle.
Dumiretso na ang mag asawa sa kanilang sasakyan at doon na lang nila aantayin ang magkapatid.
Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay may tatlong armadong kalalakihan ang humarang sa mag asawa. Hinawakan ng dalawang lalaki si Ginoong Ellison at ang isang lalaki ay kay Ginang Ellison. Nagsisisigaw ang mga tao dahil sa pangyayaring nagaganap sa mag asawang Ellison. Pilit nilang pinasasakay ang mag asawang Ellison sa van na kulay itim. Hindi makalaban si Ginoong Ellison dahil may nakatutok na baril sa kaniya. Nagpupumiglas din si Ginang Ellison sa lalaking humahawak sa kaniya at pinagkakalmot niya din ito.
Nakita ni Ysabelle ang mga ito kaya tinantiya na muna niya kung ilang tao ang kakalabanin niya. Dahil ayaw niyang sumugod ito kapag alanganin lalo nasa public area sila.
"Kuya pahiram muna ako ng sombrero niyo, ibabalik ko din agad kapag natapos na."
Pinahiram naman agad ng lalake ang sombrero nitong may tatak na nike at itinali ni Ysabelle ang mahaba nitong buhok.
"Kung hindi ka lang maganda hindi ko sana ipapahiram sayo eh," sabi ng lalaking may brace ang ngipin.
"Manood ka na lang kuya at huwag kang kukurap, saglit lang ito."
Agad namang sumugod si Ysabelle bago pa man nila ito ipasok ang mag asawa sa loob ng van.
Agad namang napatumba ni Ysabelle ang dalawang lalaking humahawak kay Ginoong Ellison.
"Sir tumawag na po kayo ng pulis at tatapusin ko lamang itong isa." Sinunod naman ni Ginoong Ellison ang sinabi ni Ysbelle sa kaniya.
Halos marami na ang kumukuhang video ni Ysabelle kung paano siya makipaglaban sa mga lalaking armado. Pinalakpakan pa siya ng mga tao dahil nakapanood sila ng totoong eksena.
Mukhang mahihirapan si Ysabelle sa isang ito dahil malaki ang katawan nito. Nakatutok pa kay Ginang ang baril sa ulo nito.
Nakaisip si Ysabelle ng paraan kung paano mapapatumba ang isang to mabuti na lang yung driver ng van na pagsasakyan nila sana ay nakaalis na. Iniwan ng driver ang mga kasama niya.
"Duwag!" anas ni Ysabelle. "Bakit hindi mo na lang bitawan ang Ginang at ako na lang ang harapin mo. Duwag ka ba at sa likod ka pa niya nagtatago sa laki ng katawan mo hindi mo kayang lumaban ng patas. Bitawan mo siya at ako ang harapin mo." Ngunit nginisian lang siya ng lalaki. Tila nabigo si Ysabelle at kinasa ng lalaking armado ang kan'yang baril.
"Bitawan mo ang asawa ko parang awa mo na," pagmamakaawa na sabi ng Ginoo. Halos mangulila na ito sa kalagayan ng kan'yang asawa at namumuo na ang pawis nito sa kan'yang noo.
Napansin kong nagrereflect yung salamin sa damit ng Ginang. Naalala ko pala na may maliit na salamin yung sombrerong nahiram ko. May silbi din pala itong nahiram ko sabi na lang ng isip ko.
Unti unti ko itong iniangat ang ulo ko at sabay kindat sa armadong lalaki para hindi makahalata sa binabalak ko.
Eksaktong tumama ito sa mata niya ang liwanag ng salamin na nagmumula sa sombrerong suot ko at napapikit na lang ito kasabay ng pagbitaw niya sa Ginang. Napatakbo agad ito sa kan'yang asawa at may pagkakataon na akong sumugod para matapos na ang kanilang pang hohostage sa dalawang mag asawa. Agad ko namang napatumba ang armadong lalaki nang sugurin ko siya. Kinuha ko sa kaniya ang baril at binigay ito kay Ginoo.
"Sir kayo na po bahala ang mag surrender ng mga baril nila sa mga pulis," bilin ko bago ko sila iwan.
"Salamat iha," tugon ng mag asawa sa akin. Tipid akong ngumiti bilang tugon.
"Ano ba ang pangalan mo iha?" Tanong ng Ginang.
"Ysa po Mam, sige po aalis na po ako," pagpapaalam ko. Tumalikod ako't hahakbang na sana ng may pahabol pa akong sasabihin sa kanila kaya muli akong humarap sa mag asawa. "Mag iingat na po kayo sa susunod Mam, Sir dahil hindi lang ito ang araw at baka may kasunod pa ito," nginitian nila akong dalawa.
"Ysa, bilang pasasalamat namin ay tanggapin mo sana ito." May kinuha ito sa loob ng kan'yang bag at inabot niya sa akin ang bungkos ng pera pero tinanggihan ko ito.
"Huwag na po Mam. Ayos lang po sa akin na walang anumang hinihinging kapalit. Masaya na po akong nakatulong sa kapwa. Sige po mauuna na po ako," pagpapaalam ko
"Salamat ulit iha," pag uulit nito.
"Wala pong anuman Mam," magalang kong sagot saka iniwan ko na sila na siya namang pagdating ng mga pulis. Pamilyar din sa akin ang boses ng bagong dating nang marinig ko ito at nakita ko na lang si Davis na may kasama itong babae. I think kapatid niya dahil kamukha ito ng Ginang dahil magkamukha ang mga ito.
Binalik ko na din ang sombrerong hiniram ko sa lalaki ngunit hindi na niya ito kinuha. Sa akin na lang daw.
Habang nakikipaglaban ako kanina napansin ko na lang na may tatoo ang isa nilang kasamahan. May nakaukit doong isang pulang bungo na may dalawang espadang paekis. Malakas ang kutob ko na may koneksyon ito sa pagpatay sa papa ko.
Nilisan na ni Ysabelle ang lugar at hinanap niya na ang kaniyang lola kung saan niya ito iniwan. Nakapamasyal din ang dalawa dahil maaga pa lang ay ubos na ang kanilang panindang mga bulaklak. Malaking tulong na din ito sa kanila para sa kanilang pinansyal.
Davis(POV)
Naabutan ko na lang sina mom and dad na may mga pulis na itong mga kasama at tatlong kalalakihan na nais dumukot sa magulang ko.
Ayon sa mga nakasaksi, isang magandang babae ang walang takot na nakipaglaban at mahusay itong lumaban kaya agad niya itong napatumba ang tatlo. Pinauwe ko na muna sina Mom at Dad kasama si Mica. Ako na muna ang bahalang kumausap sa tatlong mga lalaking armado.
Hindi panatatapos ang suliranin ko sa pagiging mafia. Ngunit may kailangan pa akong tapusin at iligpit sa lalong madaling panahon bago ako ikasal sa kasintahan kong si Charisse.
Sakay ako sa magara kong sasakyan at sumunod sa mobile patrol kung saan nakasakay ang mga taong gustong dumukot kay Mom at Dad hanggang sa nakarating na ko sa himpilan ng pulisya. Galit ang namayani sa aking puso dahil sa mga nangahas na gumawa nito sa magulang ko.
Sinalubong ako ang isa sa mga kakilala ko ritong pulis. "Boss kapag hindi daw po nagsalita yan kayo na daw po ang bahala," sabi ng naka unipormadong pulis.
"Okay ako na ang bahala dahil pagbabayaran nila ang ginawa nila sa magulang ko at kung anuman ang kailangan nila ay ibibigay ko huwag lang ang magulang ko," madiin kong sabi.
Iniisip ni Davis na hindi ito tungkol sa negosyo nila dahil may iba pang dahilan kaya nila ito ginawa sa kan'yang magulang.
Wingston!! madiing sigaw ng kan'yang utak.
Kilala dito si Davis ng mga kapulisan dahil kamag anak nila ang pinaka head officer nila dito.
Unang kinausap ni Davis ang isa na may pinaka malaking katawan na may pulang tatoo na bungo sa kaliwang braso nito at nakaposas ang dalawang kamay nito.
"Who are you? Sino ang nag utos sa inyo para dukutin ang mga magulang ko?" Galit kong tanong.
Ngumisi lamang ang lalaki saka niya ako matalim na tinitigan.
"Wala kang makukuhang impormasyon sa akin kahit na patayin niyo pa ako," matapang nitong sabi.
Agad namang sinuntok ni Davis sa sikmura ang lalaking may tatoo at dumura ito ng dugo sa may sahig. Tumawa lang ito at humalakhak ng malakas na nakabibingi.
"Iyon lang ba ang kaya mong gawin Mr. Davis Ellison?" Saka tumawa siya ulit ng malakas. Nagulat na lang si Davis dahil kilala siya nito.
Pinag susuntok na lang ni Davis ang lalaki sa mukha na halos duguan na ito. Walang napala si Davis kahit patayin niya pa ito sa loob ng selda. Galit na lumabas si Davis sa loob ng selda at pinunasan ang dugong kumapit sa kamao nito gamit ang wipes saka tinapon sa may basurahan.
"Ano boss kumanta po ba?" Tanong ng naka unipirmadong pulis.
"Nothing. Wala siyang inamin kahit patayin ko pa siya. Bantayan niyo na lang siyang mabuti at huwag hahayaang makatakas yan," madiing utos sa kausap niya.
"Sige po boss kami na ang bahala sa kaniya," agad na sagot ng naka unipormadong pulis.
Umalis na si Davis sa himpilan ng pulisya at dumiretso ito sa mansion ng magulang niya. Gusto niyang malaman kung sino yung babaeng tumulong sa mga magulang ni Davis dahil hindi pa niya ito nakakausap simula pa kaninang pinauwe niya ito.
Nagmamadaling pumasok sa loob ng mansion si Davis at agad naman niya itong nakita ang mga magulang nito sa ikalawang palapag ng bahay at doon nagpapahinga sa malaking sofa ang Mommy niya at ang Daddy niya na nakaupo naman sa kaliwang sofa.
Naupo sa katabing sofa si Davis habang tinitignan ang nagpapahingang Mommy nito.
"Dad what happen?" Bungad na tanong ni Davis na kararating lang.
"I don't know son, hindi namin kilala yung mga tatlong armadong mga lalaki at wala naman akong alam na may atraso kami sa iba lalo na sa mga negosyo natin. Mabuti na lang at may nagmagandang loob na tumulong sa amin na isang babae. Kung hindi dahil sa kaniya ay baka wala na kami ng Mom mo at naisakay na kami sa loob ng van na iyon."
"Kilala niyo po ba kung sino yung babae na 'yon Dad?" Tanong ni Davis sa kan'yang Daddy.