"Kilala niyo po ba kung sino yung babae na yun dad?"
"Hindi namin siya kilala, pero siya yung nakabungguan ng mom mo kanina sa mall. Pero kasalanan naman ng mom mo dahil hindi ito tumitingin sa dinadaanan niya kaya yun nabangga niya at siya rin ang tumulong sa amin kanina,"paliwanag ni dad sa 'kin. "Ysa ang sinabi niyang pangalan," dagdag pa niyang sabi.
"Ysa?" Bulalas ko. Tila isang malaking palaisipan ito kay Davis at hindi siya sigurado na siya nga si Ysa at si Ysaballe ay iisa. Imposibleng siya yun.
"I have to go dad, please take care of my mom and you also," magalang na sabi ko sa aking ama.
"Okay son mag iingat ka din," mabilis na tugon ng kan'yang ama.
"I will dad," tipid kong sabi.
Umalis na si Davis sa mansion ng magulang niya. Kinuha niya ang phone sa bulsa at idinial ang numero ni Iggy. Nagring agad ang phone nito saka sinagot naman niya ito agad.
"Hello boss," boses ito mula sa kabilang linya.
"Iggy I have some important thing na ipapagawa sayo. Check your email at paki imbistigahan kung ano ang kinalaman ng tatto na yan."
"Areglado boss," mabilis na tugon ng kan'yang tauhan mula sa kabilang linya.
Agad na binaba ni Davis ang tawag at sumakay na ito sa magarang sasakyan nito.
Nagtungo siya sa kaniyang kompanya upang asikasuhin ang mga hindi naasikasong negosyo nito. Pagkarating niya sa pagmamay ari nitong building ay agad naman siyang binati ng mga office staff nito. Pero diretso lang si Davis sa paglalakad.
Sumakay na siya sa kaniyang private elevator at sa hindi niya inaasahan ay may humabol pang isang babae na naka sombrero at naka facemask pa ito. May mga hawak pa itong mga bulaklak. Ngunit may nakasunod din sa kaniya na office staff ko at hinihingal pa ito nang maabutan niya ang babaeng pakay niya.
"Sir pasensiya na po kung hindi ko po siya nasabihan," hinging paumanhin ng kan'yang staff. "Ahm miss bawal po kayo dito kasi po for exclusive lang po ang puwedeng sumakay dito. Sa kabilang elevator na lang po kayo sumakay." Ang paliwanag ng isang babaeng staff.
"Ha ganun ba, pasensya na po hindi ko po alam," hinging paumanhin ni Ysa.
Nang marinig ni Davis ang boses na iyon ay pinatigil niya ang babaeng naka sombrero at facemask.
"Wait," agad na sabi ni Davis sa babaeng nakasombrero. Agad namang tumigil yung babaeng nakasombrero dahil sa maliit lang si Ysabelle ay hindi din agad niya nakilala kung sino ang kasabay niya sa mga oras na ito dahil sa tangkad ni Davis.
Lumingon si Ysabelle at tumingala kung mapag sino ang taong nagsalita. Nagulat na lang siya dahil si Davis ang nakita niya.
Kumabog ng malakas ang dibdib ni Ysabelle dahil nagkita silang muli.
"You may go now Helena," utos niya sa babaeng tauhan niya.
"Is that you Ysabelle?" Paninigurado ni Davis sa babaeng katabi niya.
Tinanggal ni Ysabelle ang sombrero nito saka yung facemask niya.
"Ako nga po sir. Pasensya na po kung dito ako dumiretso. Lilipat na lang po ako sa iba," hiya niyang tugon.
"Okay lang, you can stay here."
Tuluyan na ngang sumarado ang pintuan ng elevator.
"Anong floor ka ba hihinto?" Tanong ko sa kan'ya. Bakas sa kan'yang mukha ang pagkamahiyain.
"Sa 28th floor po," sagot agad no Ysa.
Pinindot ni Davis ang numero at doon din ang pakay niya dahil naroon ang kaniyang opisina. Nagtaka naman ito kung bakit narito si Ysabelle at doon pa mismo kung saan naroon ang kaniyang opisina.
Naamoy ni Davis ang mabangong buhok ni Ysabelle at nilanghap niyang mabuti ito. Nakakaakit sa pang amoy nito kaya naman mas lalo niya itong nagugustuhan at inilapit ng husto ang kan'yang mukha. Napapapikit na din siya habang nilalanghap niya ito.
Nagulantang na lang siya ng biglang mag ring ang phone niya at umayos na din ito sa kinatatayuan niya. Kinuha niya ito sa bulsa ng kaniyang suit at tinignan niya kung sino ang tumatawag. Si Charisse ang tumatawag kaya agad naman niya itong sinagot.
Lumayo naman ng konti si Ysabelle at sumulyap lang si Davis sa kaniya.
"Yes babe, napatawag ka?"
"Im here at your office. Im waiting for you here babe."
"Okay Im on my way babe."
Pinatay na ni Davis ang tawag at tumigil na ang elevator tanda ng nasa 28th floor na sila.
Nauna ng lumabas si Ysabelle at nagmamadali itong nagtungo sa sinasabing address kung saan niya iaabot ang mga order na bulaklak dahil nagmamadali ang customer niya sa pagbibigyan niya ng bulaklak.
Nagtaka naman itong si Davis kung bakit sa mismong opisina niya ito nagtungo.
Nang makarating na sila ay nakita sila ng secretary ni Davis. Tumayo ito upang magbigay ng galang.
"Good afternoon po sir Davis, nariyan na po si mam Charisse sa loob ng opisina niyo," bati ng aking secretary.
"Ahm excuse me," singit naman ni Ysabelle. Paki check nga po itong address na ito kung tama ba itong address na napuntahan ko."
Inabot ni Ysabelle ang papel sa babaeng secretary ni Davis at chineck niya ang address na nakasaad.
"Ahm yes mam dito nga po," agad na sabi niya.
"Puwedeng ikaw na lang po ang mag abot nito sa kaniya," utos ko dahil kailangan kong makaalis agad dito.
"Ah mam pasensiya na po. Bilin po kasi ni mam Charise na kayo daw po ang mag abot sa kaniya at naroon din po siya sa loob ng opisina ni sir Davis," malungkot nitong sabi.
Si Davis ay kanina pang nakatayo dahil sa nakikinig sa usapan ng dalawa.
"Ah sir nariyan pa pala kayo, sabay na lang po kayo ni mam ganda sa inyo. Total po iisang pinto lang po ang papasukan niyo."
Tumingin si Ysabelle sa bandang likuran nito at naroroon pa pala si Davis sa likuran niya. May pagkachismoso din pala itong CEO nila dito sabi ng kanyang isip.
Ngumiti si Ysabelle kay Davis at seryoso lang ang pagmumukha nito at nagtitigan silang dalawa ngunit si Davis ang unang umiwas at nauna na itong pumasok sa loob ng kaniyang opisina.
Sumunod naman itong si Ysabelle kay Davis ngunit sinarado agad niya ang pinto.
Kainis ka talaga Davis, napaka antipatiko mo naman. Hindi man lang ako niyayang pumasok sa loob. Kung hindi lng dahil sa costumer ko ay hindi ako pupunta dito. Malay ko bang dito siya nagtatrabaho at siya pa ang Ceo ng kompanyang ito.
Kumatok muna ako sa pinto at binuksan ko ang pintuan. Eksakto namang naabutan ko ang paghahalikan ng dalawa. Agad namang tumigil ang paghahalikan nilang dalawa nang maramdaman nila ang pagpasok ko. Ako tuloy ang nahiya dahil sa nadatnan ko ang paghahalikan nila.
"Naku mam, sir sorry po," hinging paumanhin ko. "Lalabas na lang po ako at iiwan ko na lang ang mga bulaklak sa secretary niyo po," nakayuko ang aking ulo dahil sa kahihiyan.
"No, its okay. Just stay here," tugon ni Charisse.
"So ikaw pala ang nag order ng mga bulaklak."
"Yes babe, at sayo ko ito ibibigay. Hindi naman puwede na ikaw na lang palagi ang nagbibigay ng mga bulaklak eh," malambing niyang sabi.
Lumapit si Ysabelle kay Charisse at iaabot niya sana ang mga bulaklak sa kaniya ngunit tinanggihan niya ito.
"Pakilapag na lang sa table yung mga flowers," utos niya sa 'kin.
Agad naman sinunod ni Ysabelle ang utos ni Charisse habang si Davis ay nakatingin lang kay Ysabelle.
Nang mailapag niya na ang mga bulaklak sa mesa ay nagpaalam na ito sa kanila dahil sa natetense siya sa magkasintahan. Iniisip niya tuloy na istorbo siya sa paghahalikan nilang dalawa.
Tuluyan ng umalis si Ysabelle pagka paalam niya at tinuloy ng dalawa ang naudlot nilang paghahalikan.
Matapos ang mga sandaling iyon ay naglakad ng pauwe si Ysabelle. Naglakad lakad muna siya sa park. Balak atang libutin ni Ysabelle ang buong syudad ng Maynila. Hindi na siya natatakot na mag isa kung sakali mang may magtangka sa kaniya ay kaya niyang depensahan ang sarili.
FLASHBACK
"Papa tara po doon mas marami pong mapapasyalan doon."
"Anak pagod na si papa," sagot ng tumatayong ina ni Ysabelle. "Kanina pa kayo palakad lakad ng papa mo. Magpahinga muna kayong dalawa."
"Okay lang ako Alicia. Diyan ka muna at bantayan mo ang mga gamit natin at ipapasyal ko lang itong makulit na bata."
"Yehey, thank you po papa," sabay yakap sa aking papa dahil sa tuwa.
Namasyal ang dalawang mag ama at naiwan ang kinakasama nitong si Alicia upang magbantay sa mga gamit nila. Nsa park sila sa mga oras na iyon.
Patalon talon lang itong si Ysabelle at walang kapaguran sa pamamasyal nilang dalawa. Sobrang mahal na mahal ni Lucio ang anak niyang si Ysabelle at lahat ng magustuhan nito ay ibibigay niya upang maging masaya lang ang anak niya.
Maagang naulila ang anak nito dahil maagang kinuha sa kanila ang ina ni Ysabelle. Nagpapasalamat na lang si Lucio dahil nakatagpo ito ng babaeng makakasama niya at siya rin ang tumatayong ina ni Ysabelle. Napakabuti nito kay Ysabelle at siya ang nag alaga simula noong dalawang taong gulang pa ang kaniyang anak.
Magdidilim na ng matapos ang pamamasyal nilang dalawa. Habang nagliligpit sila ng mga gamit nila ay may limang armadong kalalakihan ang lumapit sa kanila.
Umiiyak na si Ysabelle dahil sa natatakot ito sa mga armadong kalalakihan.
Tumayo ang ama ni Ysabelle at kinausap niya ang mga ito.
"Anong kailangan niyo?"
"Ikaw ang kailangan namin General Lucio Assuncion," wika ng galit na galit na isa sa armadong kalalakihan.
Kinausap muna ni Lucio ang anak nito na kanina pa umiiyak dahil sa takot.
"Anak Ysa, huwag ka ng umiyak. Ayos lang si papa. Dumito ka muna sa mama mo okay."
"Hindi sasama ako sayo, hindi kita iiwan."
"Pero Alicia, ako ang kailangan nila."
"No Lucio, hindi ko hahayaang may mangyari sayo." madiing sabi ni Alicia.
Kinausap muna ni Alicia ang anak nitong si Ysa. Tinuring niyang parang sarili niyang anak si Ysabelle. Marami ng naituro si Alicia kay Ysabelle at iyon ang gagamitin niya kapag dumating ang araw ay kakailanganin niya ito.