Chapter 4

1587 Words
Kinausap muna ni Alicia ang anak nitong si Ysa. Tinuring niyang parang sarili niyang anak si Ysabelle. Marami ng naituro si Alicia kay Ysabelle at iyon ang gagamitin niya kapag dumating ang araw ay kakailanganin niya din ito. Kitang kita lahat ni Ysabelle kung paano patayin ang dalawang mahal niya sa buhay . Duguan na ito ng masilayan ang kaniyang mga magulang at naliligo pa ito sa sariling mga dugo. Lumaban pa naman ang kaniyang ina inahan ngunit agad siya nitong pinatumba gamit ang kanilang mga baril. Napakahusay makipaglaban ang kaniyang ama at ina subalit hindi na nila kinaya dahil na din sa may edad na ang mga ito. "Papa, mama huwag niyo po ako iwan. Hagulhol na sabi ni Ysabelle. Bakit po nila ginawa sa inyo ito. Sino na po ang mag aalaga sa akin ngayon? Papa, mama mahal na mahal ko po kayo. Igaganti ko kayong dalawa. Magbabayad sila ng malaki dahil kinuha nila kayo sa akin," hagulhol kong sabi. Niyakap pa ni Ysabelle ang kaniyang papa at mama kahit duguan silang pareho. Ito na ang huling araw na makakapiling ni Ysabelle ang kaniyang mga magulang. "Ay, kawawa naman yung dalawang pinatay doon." Mga bulung bulungang naririnig ni Ysabelle sa kaniyang paligid. Unti unti na ding dumadami ang mga tao sa paligid at may mga pulis na ding rumesponde at agad na inaksyunan subalit nakaalis na ang mga armadong mga lalaki. Karumal dumal na pangyayari ang sinapit ng mag asawa kaya habang tinitignan niya ang mga ito at inilagay na ang dalawa sa kararating na ambulansiya napahakbang na lang si Ysabelle palayo sa kanila. Hindi niya na kaya pang tignan ang sinapit ng kaniyng mga magulang. Ayon sa pag iimbestiga ng mga pulis ay may mga taong nakasaksi kung sino ang may kagagawan ng pagpatay sa dalawang mag asawa. Lumapit si Ysabelle at kaniya nitong pinakinggan. Maliwanag na sinabi ng taong nakasaksi, na may mga tatto daw ito na hugis bungo na kulay pula. Iyon na lamang ang laging tumatatak sa isip ni Ysabelle. Labin dalawang taon pa lamang si Ysabelle noon ay marami na itong alam dahil sa tinuruan ito ng kaniyang ina na si Alicia. Lumaki si Ysabelle sa pangangalaga ng kaniyang tito Ronan na kapatid ni Alicia. Isa itong secret agent at isang binata. Parehong mga agent ang magkapatid at bihasa ito sa pakikipaglaban. Ngunit sa kasawiang palad ay namatay si Alicia. After 8 years "Ysabelle bangon ka na diyan," sabi ni tito Ronan. "Maaga pa naman tito eh," reklamo ko. "Tanghali na at nariyan ang lola mo. Kakausapin ka daw niya. Bakit dito ka nalang palagi kasi naglalagi kaya yan sinusundo ka na ng lola mo. May dala atang pamalo eh, papaluin ka ata niya," pagbibiro niya kay Ysabelle. "Inaantok pa ako tito," maktol ko. "Sige kung hindi ka babangon diyan hindi na kita sasamahang hanapin yang hinahunting mo," pananakot ni tito. "Kung bakit pa kasi ayaw mo pa akong pakilusin para mahanap ko na din ang mga taong pumatay sa kapatid ko." "Okay babangon na po tito. Saka huwag kang kikilos ng hindi mo ko kasama. Gusto ko ako ang papatay sa kanila," "Haist disidido ka na talaga diyan sa plano mo. Gusto mo bang madungisan ang mga kamay mo dahil lamang diyan sa pagpatay sa kanila?" "Masasama sila tito dahil buhay ng mga magulang ko ang kinuha nila kaya buhay din nila ang kapalit," gigil kong sabi. "Sige na bumaba ka na, aalis ako ngayon at nextweek pa ang uwe ko kaya masosolo mo itong bahay." "Palagi ka na lang umaalis tito," tampo kong sabi. "Siyempre kailangan talaga para sa mission may tutugisin lang kami. Saka saglit lang iyon. Ikaw na muna ang bahala dito." Lumabas na si tito sa kuwarto ko at bumaba na din ako ng para kausapin si lola. Si lola Ising siya ang tumatayong magulang ni papa. Dahil maaga ding naulila ang papa ko noong bata pa siya. Kaya si lola Ising na ang nag alaga dito na kapatid ng ina ni papa. Mabait si lola Ising kaya naman palagi niya kong binibisita dito sa bahay ni tito Ronan. Kinausap ako ni lola kung gusto ko daw pumunta ng Maynila upang samahan ito sa pagtitinda ng mga bulaklak. Agad naman akong pumayag dahil wala naman akong ginagawa dito sa mansion ni tito Ronan. Nakapagtapos na din ako sa kursong Nursing kaso iba ang gusto ng katawan ko na gawin. Sa edad na katorse anyos si Ysabelle, sinanay na siya ng tito Ronan niya kung paano depensahan ang sarili. Tinuruan din siyang humawak ng baril upang magamit niya ito kung kinakailangan. Simple, mahinhin at may mala anghel na mukha lamang si Ysabelle pero may kakayahan itong taglay kaya hindi siya basta basta na babae lamang. Marami na ding may nagtangkang manligaw sa kaniya subalit tinatanggihan niya lang ito. Kailangan niya munang tapusin ang kaniyang mission na hanapin at durugin ang mga taong pumaslang sa mga magulang niya. End of flashback Alas siyete na ng gabi ay nasa park pa din si Ysabelle. Lahat ng alaala niya sa mga magulang niya ay dito niya binubuhos lahat ng kalungkutan na nararamdaman niya noon pa man. Habang nagmamasid ito sa paligid at tinitignan ang mga batang naglalaro at nagkakasiyahan tila nakaramdam ito ng inggit at lungkot dahil nasabik siya tuloy sa magulang niya. Napayakap na lang sa sariling katawan si Ysabelle ng makaramdam ng lamig at nararamdaman niya na kasama niya ang mga magulang niya sa mga oras na ito. Nagulat na lang si Ysabelle ng may batang lalaki na nagsalita sa tabi niya at naupo ito sa tabing upuan niya. "Ate wala po ba kayong kasama?" Biglang tanong niya sa 'kin kahit hindi kami magkakilala. "Wala, bakit?" Agad kong sagot. "Bago lang po ba kayo dito sa lugar na ito?" Muli niyang tanong. "Ahm oo, bakit mo naman naitanong?" "Umuwe na po kayo ate, kasi po dilikado ang mga magagandang babae na katulad niyo lalo na at wala po kayong kasama." "Ha! Bakit naman?" Takang tanong ko. "Aalis na po ako ate at nariyan na po sila, umuwe na po kayo," may takot sa kan'yang pananalita. "Teka lang bata, anong pangalan mo?" Pahabol na sigaw kong tanong. "Kevin po ate, sige po." Tarantang tumakbo na ito ng mabilis papalayo kay Ysabelle. Tila takot na takot yung bata ng umalis ito. Malaking palaisipan kay Ysabelle ang tungkol sa mga sinabi ng bata. Tila nagdiwang ang kaniyang isip dahil baka ito na ang mga taong hinahanap niya na pumatay sa mga magulang niya. Kailangan niyang makausap muli ang batang kausap niya kanina pero paano niya ito hahanapin kung ngayon niya lang ito nakita at hindi niya gaanong matandaan ang itsura nito. Tumayo na si Ysabelle at pinagpag ang pang upo nito. Balak pa sana niyang mag stay ng isang oras pa kaso baka mag alala na ang kaniyang lola. Habang naglalakad si Ysabelle sa may gilid ng kalsada nang may malakas na busina ang nagpagulat sa kaniya. Huminto ito sa gilid niya at hinanda na ang kaniyang sarili para sa mga nagbabalak sa kaniya ng masama. Bumukas ang bintana at iniluwa doon ang guwapong lalaki na si Davis. "Hey, sumakay ka na dito," pag aya niya sa 'kin "Ah hindi na po sir. Maglalakad lakad lang muna ako saglit." "What?! Are you crazy woman?! Hindi ka ba natatakot na dukutin ka ng mga taong may masasama ang balak?" "Hindi po sir," confident kong sagot. "Really?! Well kung hindi ka natatakot na madukot ka, ako na lang dudukot sayo. Iuuwe na kita sa lola mo." Bumaba si Davis sa kaniyang sasakyan at binuksan niya ang kabilang pintuan ng sasakyan para doon niya papasukin si Ysabelle. "Hop in," utos nito sa akin. "No sir," pagtanggi ko. "Dont make me angry Ysabelle. So all you have to do is just follow me." "Sasakay na lang po ako ng taxi sir," ngiti kong sabi. Naiinis na si Davis dahil ayaw ni Ysabelle na pumasok sa loob ng sasakyan kaya ang ginawa niya ay binuhat niya ito na parang isang sakong bigas at pinasok sa loob ng kan'yang sasakyan. Hindi makapaniwala si Ysabelle sa ginawa ni Davis dahil hindi naman sila close sa isa't-isa. Pumasok na si Davis sa kabilang pintuan ng sasakyan at agad na nilock ang pinto nito. "Saan kita ihahatid?" Tanong niya habang nakatingin kay Ysabelle. "Hey Im talking to you. What is your address?" Kunot noo niyang tanong. Dumukot si Ysabelle ng puting papel sa bag niya at sinulat niya doon ang address saka inabot nito kay Davis. "Tsk! Bakit hindi ka nagsasalita? Do you have a bad breath?" Tanong niya habang nakangisi ang kan'yang labi. "Ano?!" Lumaki tuloy ang eyebols ng dalawang mata ni Ysabelle sa sinabi ni Davis dahil ni minsan ay hindi nagkaroon ng bad breath si Ysabelle. Alagang dentista kaya ang mga ngipin niya. "Hindi lang ako nagsasalita may bad breath na agad." May saltik ata itong CEO na ito, sabi ng isip ko. "So prove it to me." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pamimilit niya. "Ano bang klaseng patunay ang gusto mo ha sir?" Tanong ko na "Kiss me." Seryosong sabi ni Davis. Napatulala na lang si Ysabelle sa sinabi niyang iyon ni Davis sa kaniya. "Nahihibang ka na ba ha sir. Hindi ka pa ba sawa sa kissing scene ninyo ng girlfriend niyo kanina?" "Ibang usapan 'yun at ibang usapan din sayo. Pero kung ayaw mo naman, may bad breath ka nga," pilit niya ang sabi. "Wala nga akong bad breath eh, ang kulit mo naman," inis kong sabi sabay irap sa kan'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD