Chapter 5

1868 Words
Wala ng nagawa si Davis kay Ysabelle dahil hindi naman siya yung tipong babae na kahit na guwapong nilalang ang lalaking kaharap niya ay hindi basta basta ito bibigay. Huminto na ang sasakyan ni Davis tanda na nakarating na sila sa bahay ng kaniyang lola. Bumaba na si Ysabelle at bumaba na din si Davis. "Salamat sa paghatid sir," ngiti kong sabi. "May kapalit niyan Ysabelle." Nangunot ang aking noo at napangiwi. "Ano?! Ikaw itong pilit akong pasakayin sa sasakyan mo tapos may kapalit din pala. Ano ito sir, budol?" "May utang ka na hindi mo naibigay kanina. So you better to do is to kiss me." Lumapit ng lumapit si Davis kay Ysabelle at wala ni isang hakbang man lang na ginawa si Ysabelle para layuan itong si Davis. Nag aantay lang ito ng tiyempo para kumilos agad. "Siguraduhin mo lang na makakahalik ka sa akin sir, pero kapag hindi mo ako nahalikan ikaw ang may bad breath sa ating dalawa," na may ngisi sa aking labi. Deal?" "Okay lets make a deal," seryosong sabi niya. Pero kailangan ko lang siya sakyan kung ano ang nais niya. "Anong deal naman ang sa iyo?" Confident kong tanong. "Kung nagawa ko ang deal mo, I want to kiss you everyday." "Every day, seryoso?" Gulat kong tanong. Hindi ako makapaniwalang two timer ang kumag na ito. May girlfriend na nga at bakit kailangan pang humalik siya sa 'kin. Hindi pala honest sa girlfriend nito eh. Siguro hindi siya satisfied sa naganap na halikan nilang dalawa. Natawa ako sa aking iniisip. "Wala namang seryosohan to ha, sa tingin mo ba kapag hinalikan kita magkakaroon na tayo ng ugnayan sa isat't-isa" diretsahang sabi niya. Galit ko siyang tinignan at halos umusok na ang aking ilong. Naikuyom ko ang aking dalawang kamao. Hindi ako papayag na ganunin na lang niya ko basta basta. Im not easy to get Mr. Davis kahit guwapo ka pa. "Ok, kiss me sir para matapos na at siguraduhin mong makakahalik ka sa akin," panghahamon ko. "Why me?" Kunot noo niyang tanong. Napangiwi na lang ako dahil sa inasal niya na parang bata. "Ikaw ang may kailangan ng halik di ba sir, so ikaw dapat ang humalik sa akin," reklamo ko. Huminto ang dalawa sa pagbabangayan at napatingin ito sa may gate nang bumukas 'yon at si lola nga na halatang nag aalala sa kan'yang mukha. "Ano ba nangyayari dito at ang ingay niyong dalawa. Ikaw pala yan sir Davis," sabi ng aking lola. "Magandang gabi po lola. Hinatid ko lang po si Ysabelle," magalang na sabi ni Davis. "Ay salamat sir Davis, kanina pa ako alalang alala sa apo kong yan, alas otso na ng gabi na kasi. Pumasok ka na Ysabelle at magpahinga ka na," parang ayaw ng kumilos ang dalawa kong mga paa at tila nabato na ko sa kinatatayuan ko. "Tuloy na po muna kayo sir at ng makapag kape naman po kayo," pag aya ng aking lola. "Huwag na po lola, salamat na lang po. Uuwe na din po ako," ngiti niyang sabi. "Oh siya sige, pero sa susunod huwag ka ng tumanggi ha." "Sure po," sabay tingin niya sa 'kin. "Bukas na lang ulit Ysabelle," bulong nito sa 'kin. Kumindat pa ito sa 'kin at buti na lang ay hindi nakatingin ang aking lola. Kinabukasan maagang nagbukas ng shop ang lola ni Ysabelle dahil marami silang mga orders ngayon at pati din si Ysabelle ay nataranta din ito. "Ysabelle apo, si Lando na ang bahala magdeliver ng ibang mga bulaklak at ikaw na lang ang pumunta sa bahay ni Lester," sabi ni lola. "Hindi ko po alam doon lola," agad kong sagot habang inaayos ang mga ibang bulaklak. "May magsusundo sayo dito apo. Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sayo kahapon. Ikaw na din ang magdedecorate ng theme birthday ng kapatid niya," umiling ako dahil hindi ako sang-ayon. "Makakaya ko ba iyon lola kung mag isa lang po ako?" Simangot kong tanong. "May kasama ka naman daw mag aayos dun at saka mamayang gabi pa naman idadaos ang birthday eh. Sige na larga ka na at nariyan na yung magsusundo sa iyo. Heto kunin mo itong susuotin mo dahil invited ka din." "Nakakahiya po lola saka wala akong mga kilala doon, si kuya Lester lang," pilit kong sabi. "Naku bata ka para kang hindi nag aral," turan ng aking lola. Nagpaalam na ko kay lola at sumunod na lang sa lalaking kakalabas lang. Nasa tapat na ng shop ang sasakyan kung saan sasakay si Ysabelle at naroon na ang mga bulaklak sa loob ng sasakyan para ihatid sa bahay nila Lester. Natakot pa sa una si Ysabelle dahil sa katabi nito ang driver na panay ang tingin nito sa kaniya. Kinuha ni Ysabelle ang headset nito sa bag saka nilagay sa tenga at nagpatugtog ito sa kaniyang cp. Hindi namalayan ni Ysabelle na nakatulog na ito agad dahil napuyat siya sa kakaisip kay Davis dahil sa naganap na pangyayari sa kanila kagabi. Napamulat na lang siya ng kan'yang dalawang mata nang maramdaman niya na nakahinto na ang sasakyan. Nagulat na lang ito ng may taong nakatitig sa kaniya at iyon ay si Lester. "Oh nagising ba kita?" Bungad nitong tanong nang magising ako. "Ah hindi naman, kanina pa ba ako natutulog?" Hiya kong tanong. Tumingin pa ko sa may front mirror dito sa loob ng kan'yang sasakyan kung may muta pa kong naiwan. "Hindi naman, nasa kalahating oras lang naman. Halika na, pumasok ka na sa loob." Pagkababa ni Ysabelle ay namangha ito nang makita niya ang malaking bahay nila Lester. Hindi lang ito bahay dahil isa itong mansion. May malawak din itong bakuran at may dalawang pool din ito. Nag uumpisa ng mag ayos ang mga tao dito. "Halika muna Ysa ipapakilala muna kita sa kapatid ko," pag aya niya sa 'kin. "Naku huwag na po kuya, nakakahiya naman. Mag aayos pa pala ako ng mga bulaklak," pagtatanggi kp dahil sa nahihiya pa ko. "Hayaan mo na sila. Ayaw ko namang mapagod ang magandang binibini sa harapan ko." Namula agad ang pisngi ni Ysabelle dahil sa tinuran ni Lester. Hindi siya sanay sa mga ganito dahil umiiwas talaga siya sa mga lalaki noong nag aaral pa lang siya. Pero ngayon kailangan niya ng masanay para sa mission niya. Tinungo namin sa may likurang bahagi ng kanilang mansion dahil naroon ang kapatid ni kuya Lester. May pool din ito at mukhang private place ito ng kan'yang kapatid. "Hey Ashley, are you busy with your boyfriend? Huwag mo na lang siya papuntahin dito kung ayaw naman niya," pang aasar nitong sabi. Nakaupo lamang ito sa may gilid ng pool habang kachat niya ang boyfriend nito. Sa paglingon nito ay nakita niya agad sa likurang bahagi ni Lester si Ysabelle at bigla na lang ito napaahon ang dalawang paa nito at tumayo at lumapit sa gawi nila. "Siya na ba kuya yung sinasabi mong bisita mo?" Tanong nito sa kan'yang kuya. "Yeah, she is Ysabelle at siya naman ang spoiled brat kong kapatid si Ashley," pakilala niya sa 'kin. "Hi Ysabelle" inabot niya ang kamay niya at inabot ko din ang kamay ko saka kami nag shakehands . "Hi din sayo Ashley," ngiti kong sabi. "Naku huwag kang naniniwala diyan kay kuya, sinungaling yan. Huwag ka ng umangal kuya. Birthday ko ngayon." "Porket ba birthday mo hindi na kita puwedeng asarin," "Ewan ko sayo kuya kahit ngayon man lang itigil mo muna ang pang aasar sa akin." "Ayoko hanggat hindi mo hinihiwalayan yang boyfriend mong maangas." "Wala ka ng pakialam kuya dahil mahal ko siya." "Hay ewan ko sayo. Mas gusto mo pa sa mas maliit ang ano." Kunot noong napatingin ito sa kan'yang kuya. "Anong ano kuya?" Halos nabibingi na si Ysabelle sa bangayan nilang dalawa at nakakatuwa silang tignan. Ang cute nilang tignan. "Ashley, maliit daw yung ano ng boyfriend mo." singit na ni Ysabelle. Naningkit tuloy ang mata ni Ashley tila naunawaan na niya ang ibig sabihin ng kuya niya. "Walang hiya ka talaga kuya." Humalagpak ng tawa si kuya Lester at naghabulan silang dalawa paikot ikot lang sila sa pool. Tumigil na din sila sa paghahabulan at humihingal na nakatingin lang sila banda sa akin. Lumapit silang dalawa at mukhang mga pagod na dahil sa paghahabulan nila na parang bata. "Hey dude, aga natin ngayon ha," puna ni Lester. "Yeah, dumaan na muna ako rito para maagang batiin si Ashley," agad na sagot ni Davis. Napalingon ako dahil narinig kong andito siya at hindi ko alam na may tao na pala sa likuran ko. Nagulat na lang ako dahil si Davis pala ito. Ang guwapo niya ngayon at bagong gupit na ito. Naka polo ito na kulay puti at nakabukas pa ang ilang butones nito sa pang itaas ng kaniyang suot. Bakat na bakat din sa suot niya ang namimintig na mga muscle nito. "Ang guwapo natin ngayon ha kuya," wika ni Ashley. "Dati na Ashley. Happy birthday sa spoiled brat kong kapatid," bati niya kay Ashley. "Isa ka din kuya, babatiin mo na nga lang ako. Pareho lang kayo ni kuya," inis niyang turan. Nag walk out tuloy si Ashley at naiwan kaming tatlo sa may pool. Biglang may tumunog na cp at nanggagaling iyon kay kuya Lester. "Dude ikaw na muna ang bahala kay Ysa, sagutin ko lang ang tawag," tumango si Davis bilang tugon at naiwan kaming dalawa rito sa may pool. Naasiwa ako kapag siya ang kasama ko dito. Tinalikuran ko siya at lumayo pero nakasunod lang ito sa akin. "Puwede bang huwag mo akong sundan," inis kong sabi. "Hindi mo ba narinig na ako na muna ang bahala sayo. Why? You don't like me to follow you?" Seryosong tanong niya. "Hindi kita kailangan," mataray kong sabi at naglakad sa hindi malaman kung saan ako patungo. "Saan ka naman pupunta? May mga malalaking alagang aso sila rito, kung ayaw mong malapa bumalik ka rito." Tawag niya sa 'kin. "Hindi ako naniniwala sayo," agad kong sagot. "Bakit ba ganyan ka makitungo sa akin, wala naman akong ginagawang hindi maganda sayo ha. May regla ka ba kaya mainit ang ulo mo?" Huminto ako sa pahlalakad at hinrap ko siya. "Ayaw ko lang sayo. Bakit ang kulit mo," galit kong tugon. "The more you hate the more you love. So it means you love me. Right?" Nanlaki ang dalawa kong mga mata sa sinabi niya. Wala akong maisagaot sa tanong niya kaya agad ang pagtalikod ko sa kan'ya at nagpatuloy muli sa paglakad. "Bumalik ka rito may mga aso talaga diyan," sigaw pa niya ngunit hinfi ako nakinig. Nanlaki at napahinto ang dalawang mga mata ni Ysa nang makita niyang may mga aso nga talaga dito at malalaki pa ang mga ito. Nag umpisa ng magalit ang mga ito. Natakot siya kaya lumayo siya ng paurong. "Maygad ayaw kong malapa ng aso. Sir Davis asan ka na ba?" Tanong ko nang paurong. "Sabi mo hindi mo ko kailangan," dinig kong sabi niya ay nasa likuran ko lang siya. "Please tulungan mo na ako," sabi nito na may takot dahil ano mang oras ay makakagat na ito ng aso. "Okay, marunong ka pala makiusap eh. Tumakbo ka narito ako sa likuran mo," utos niya sa 'kin.Tumakbo ako at nagpabuhat sa kan'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD