"Ibaba mo na ako sir Davis," reklamo ko.
"Nariyan pa ang mga aso, gusto mo bang malapa ng malalaking aso," concern niyang sabi.
"Gusto mo lang makachansing sa akin eh," biro ko.
"Huwag mo ngang bigyang kahulugan ang pagtulong ko sayo." Kunot noong tinignan niya ko pagkasabi niyang iyon. Binaba niya din ako agad at iniwan doon sa mga asong nakapalibot sa akin.
"Ang hilig talaga ng lalaking tong nang iiwan," anas ko. Hindi ko alam kung narinig ba niya o hindi.
Inis kong nilisan ang mga asong naroon at wala na akong pakialam kung nakasunod sila sa akin. Pero ni wala man lang ni bakas ng ingay na nakasunod ito sa akin. Mabuti na lang ay nakaalis ako ng maayos.
Kahit kailan ka talaga Davis napaka antipatiko mo. Galit kong sabi sa isip ko.
"Oh anong nangyari sa iyo Ysabelle at nakabusangot ka na naman diyan." Puna ni kuya Lester nang makita niya akong nakasunod kay Davis.
"Wala kuya, may nakita kasi akong gorilya dito ah este aso pala iyon." Napakamot tuloy ako ng ulo dahil sa paglingon sa akin ni Davis na galit at kulang na lang ay umusok na ang kaniyang ilong at nakapa meywang lang itong nakaharap sa amin ni kuya Lester.
Ganiyan nga Davis maasar ka sa akin.
"Ibang gorilya ata ang tinutukoy mo ha Ysa."
"Ha!" ako tuloy ang napaisip sa sinabi ni kuya Lester habang si Davis naman seryoso lamang itong nakikinig sa amin.
"Dude mauna na ko at may dadaanan pa akong tao," paalam niya. Parang nalungkot ako sa sinabi niya dahil aalis na siya agad.
"Si Charisse ba?"
"Yeah," at tuluyan na itong tumalikod sa amin. Naiwan na kaming dalawa ni kuya Lester sa may gilid ng pool.
"Anong nangyari dun, sabi niya dito na lang niya aantayin si Charisse at dito muna mag istay. "Is there something wrong with you and Davis habang wala kami kanina?"
"Wala naman kuya, ewan ko ba sa kaniya. Baka may dalaw." Humalagpak ng tawa si kuya Lester dahil sa sinabi ko.
"Naku Ysabelle, huwag mong iinisin yung taong 'yun dahil iba siya sa inaakala mo."
"Alam mo kuya, kahit ano pa siya o sino pa siya hindi ako natatakot sa kaniya," matapang kong sabi.
"Mahinhin ka nga pero matapang ka ha." Nginitian ko lang si kuya Lester.
...............
Kinagabihan, maagang nag umpisa ang event, iyong taong gusto kong makita pero wala pa siya. Marami na ding mga taong nagsisidatingan halos mangawit na ang leeg ko kakalingon sa paligid makita lang siya. Ewan ko ba sa sarili ko parang namiss ko agad siya. Kapag sa tuwing makikita ko siya ay kumakabog ng malakas ang dibdib ko.
Nakasuot lamang ako ng simpleng dress na nababagay sa kulay ng balat ko at 3 inches high heel.
"Are you alone?" Boses yun na nanggagaling sa may likuran ko. Lumingon ako at si kuya Nicolas iyon.
"Oh, hi po kuya. Kanina kasama ko sina kuya Lester at si Ashley kaso umalis sila dahil inaasikaso pa yung ibang mga bisita."
"Can I join in your table?" Tanong niya.
"Oo naman kuya," at ngumiti ako ng tipid.
Naupo ito sa may katabing upuan ko at nag start na ang emcee na magsalita. Malapit lang ang table namin malapit sa pool. Yung iba ay naliligo na ngunit ako wala akong balak na maligo dahil ayaw kong magsuot ng swim suit, akala kasi ni lola formal dress ang susuotin kaya heto ang binigay sa akin na dress. Night swimming party pala.
"Hindi ka ba mag swiswimming?" Tanong ni kuya Nicolas.
"Wala akong balak kuya saka iinom na lang ako."
"Oh nariyan na pala sila." Ang tinutukoy niya ay sina Davis, Charisse at Apollo na naka pang suot na pangligo. Tumingin ako kay Davis at nagtama ang mga mata namin. Kumabog ng malakas ang dibdib ko at parang kabayo na nagkaka karera sa sobrang bilis ng kabog nito.
Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kaya sabayan ang paninitig nito sa akin. Kinuha ang baso na may lamang alak at inisang lagok ko lang iyon.
"Hey baka malasing ka agad niyan. Relax ka lang at baka maaga kang malasing." Wika ni kuya Apollo.
Nginitian ko lang si kuya Apollo at nirerelax ko lang ang sarili ko.
Kainis naman kasi kung bakit ganito ko na lang nararamdaman kapag nakikita ko siya.
"Oh bakit ganiyan ang mga suot niyo, hindi ba kayo nasabihan na night swimming party ito." Wika ni Charisse na nakatingin lang sa amin ni kuya Nicolas.
"Iyon ba ang problema mo Charisse?" Agad naman tumayo si kuya Nicolas at inisa isang tinanggal ang suot nitong formal suit.
Napamulagat na lang ako sa nakikita ko dahil walang hiya niya itong tinanggal ang mga suot niya sa harapan pa mismo namin. Ganun din ang iba pang mga kaibigan nito at nagsitanggalan na din ang mga kani kanilang suot pang itaas. Naka half body nude na sila at ang hot nilang tignan dahil lahat sila ay may full pack abs sa kanilang katawan.
"Oh ikaw Ysabelle, hindi ka ba maliligo?" Tanong ni kuya Apollo.
"Ah, eh hindi na siguro kuya. Iinom na lang ako dito. Enjoy na lang kayo."
Maluluwang ang mga espasyo ng kanilang pool. May isa rito at isa sa kabila. Isa isang lumusong ang magkakaibigan ngunit ang dalawa ay narito pa din sa table namin at nagulat na lang ako na naghahalikan silang dalawa at dito pa mismo sa aking harapan.
"Huwag dito babe, later na lang okay," sabi ni Charisse habang sila ay nasa may gilid ng pool.
Grabe talaga itong dalawa kahit saan na lang walang pinipiling lugar. Pero bakit ako nakaramdam ng inggit sa kanilang dalawa. Umiwas ako ng tingin sa kanila dahil alam kong nakatingin din sa akin si Davis at kita ko sa gilid ng kaniyang mata.
Tumunog ang phone ko at tinignan ko kung sino ang tumatawag, si tito Ronan iyon. Kumuha muna ako ng isang baso na may laman na alak saka tumayo at agad na sinagot ang tawag ni tito Ronan. Tinungo ko sa may likurang bahagi ng bahay nila dahil maingay kanina sa kinaroroonan ng table namin.
"Hello tito, bakit po kayo napatawag?" Bungad kong tanong pagkasagot ko sa kan'yang tawag.
"I have a surprise with you." Kumunot ang aking noo.
"Anong sorpresa po iyan tito?"
"Guess what?" Napangiwi na lang ako dahil hindi ko alam 'yung pinapahula niya sa 'kin.
"Hay naku tito hindi naman po ako manghuhula para hulaan ko yang pinapahula mo."
"Ang hina mo naman maka gets. Dati dati ay alam mo."
"Okay tito nagbibiro lang naman ako eh. May lead ka na ba kung sino ang pumatay sa mga magulang ko?"
"Yeah, at next week na natin isasagawa ang mission natin. Hindi pa ako tapos sa mission namin dito.
"Ang bagal niyo naman tito, gusto ko na talaga gawin ang nararapat para sa kanila."
"Relax ka lang at hindi sila basta basta sa iniisip mo. Matataas na tao ang humahawak sa kanila at napakarami nila. Kakailanganin din natin ng back up Ysa."
Halos handa ng ang mga kamao ni Ysabelle at kating kati na siya na pag higantian ang mga taong pumatay sa mga magulang nito.
Nagulat na lang ako ng may magsalita sa likuran ko at iyon ay si Lester.
"Anong ginagawa mo dito at mag isa ka lang? Kanina ka pa hinahanap ni Ashley doon, halika na," pag aya niya sa 'kin.
"Sige kuya susunod na lang ako," saka ko pinatay ang tawag ni tito.
Sinundan ko siya papuntang pool at halos naliligo na ang lahat ng mga bisita nang madatnan ko ito. Ako na lang ata ang hindi pa lumulusong sa tubig.
Nadaanan ko pa si Davis at Charisse sa may gilid ng pool at nakaupo lang ito. Ngunit napaahon na lang ito ng makita niya ako.
"Hey Probinsiyana girl." Lumingon ang ibang tao pagkasabi niyang iyon sa akin. Why dont you join us? Wala ka bang maipag mamalaki na ipakita ang katawan mo kaya ayaw mong lumusong sa tubig. Ikaw na lang ang hindi naliligo," puna niya sa 'kin.
"Ah pasensiya na po kayo kasi ayaw ko lang talaga maligo diyan sa pool.
"Why? Hindi ka ba marunong lumangoy ha?" Tila naging madaldal na itong si Charise dahil sa nakainom na ito.
Lumapit si Ashley sa akin at pati ang dalawang magkakaibigan ay napaahon sa tubig. Nasa tabi ko lamang si kuya lester at maliban na lang kay Davis na nakaupo pa din ito sa may gilid ng pool at tila walang pakialam sa jowa niyang maingay.
"Ate Charisse hayaan na lang natin siya at huwag mo na siyang pilitin kung ayaw niya," dabat ni Ashley.
"Night swimming ito Ashley hindi ba niya alam iyon," mataray niyang sabi.
"Tama na Charisse, huwag mo na lang siya pilitin," sabat ni kuya Lester.
"Hindi ko naman siya pinipilit eh. Inaaya ko lang siya na mag swimming, halika na." ang pag aya nito sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko saka hinila palayo sa kanila. Agad niya akong tinulak sa pool at alam kong malalim iyon. Hindi ko inaasahan na gagawin niya 'yon sa 'kin.
Nakita ni Davis kung pa'no itulak ng fiancee si Ysabelle sa pool. Hindi niya akalain na magagawa iyon ng fiancee niya. Agad namang sinaklolohan ito ni Davis ngunit tumalon din ang tatlo. Sa pag aakala nila na hindi marunong lumangoy si Ysabelle. Nilayuan niya lamang ang mga ito dahil hindi naman niya kailangan ng tulong dahil marunong naman itong lumangoy.
Napakamot na lang ng ulo ang apat na magkakaibigan. Halos naging center of the eye si Ysabelle dahil sa husay nitong lumangoy. Naiinis si Charisse hindi dahil kay Ysabelle kundi sa fiancee nitong si Davis.