Umahon na ko sa pool at nakaramdam ng panlalamig sa buong katawan ko dahil sa suot kong damit. Lumapit si Ashley sa akin at nag aalala dahil sa ginawang pagtulak sa akin ni Charisse.
"Are you okay?" Pag aalalang tanong ni Ashley sa akin.
"Im really really fine Ashley and dont worry hindi naman ako nalunod diba."
Pumunta ako sa may table namin at may nakahanda na namang alak sa lamesa namin. Agad naman akong naglagay sa baso at pinuno ko iyon.
"Ang lakas mong uminom ha."
Lumingon ako kung sino iyon pero si kuya Nicolas naman pala iyon.
"Pampalakas ng loob lang kuya saka huwag kang mag aalala kuya, kaya ko ang sarili ko. Kaya kong tapatan yang Charisse na yan."
"Ha? What do you mean?"
Ininom ko muna ang naglalaman ng isang basong alak at inisang lagok ko lang iyon.
"Hinay hinay ka lang baka malasing ka agad."
Hindi ko siya pinansin bagkus ay naglagay ulit ako sa isang basong alak at diretso kong ininom iyon.
"Wtf, tama na yan." Inagaw sa akin ni kuya Nicolas ang alak. Lumapit na din si kuya Lester at Ashley para awatin ako sa pag inom.
Nakaramdam na ko ng konting hilo lang naman at nag init na din ang buong katawan ko. Tumingin ako sa pool kung saan naroroon si Charisse ngunit si Davis ang nasulyapan ko na nakatingin lang ito sa akin.
"Ashley naiinitan ako. Kailangan ko ulit magbabad sa tubig," sabi ko dala ng naparami ang pag inom ko ng alak. Hindi ako mapakali sa aking sarili kapag ako'y nakakainom at tiyak na papagalitan ako ni lola pag nagkataong malaman niya.
"Ha? Oh sige kung gusto mo doon tayo sa kabilang pool. Pero kailangan mong tanggalin yang dress mo. Okay lang ba sayo?"
"Oo naman," tipid kong sagot.
"Hindi ka na ba nahihiya? Sabihin mo lang at puwede ka naman doon ka na lang sa bath tub magbabad," dagdag niya pang sabi.
"Ano ka ba okay lang ako dito."
"Naku tinamaan ka na ng alak," singit ni kuya Lester. May lumapit sa amin na isang lalaki at guwapo din ito. Bagong dating lang ito at nakasuot ng pang company attire.
"Hey akala ko hindi ka na makakarating."
"Ako pa ba, hindi ko palalagpasin ang birthday girl na si Ashley."
"Sana hindi ka na lang dumating," sabat ni Ashley.
Iniwan ko na lamang silang nag uusap at tinanggal ko na agad ang suot suot kong dress.
"Sino siya?" Tanong ng bagong dating dahil naririnig ko pa sila na nag uusap at nasa malapit ko lang sila. Tumingin sila sa kinaroroonan ko habang unti unti kong binababa ang suot kong basang damit.
"Wow she's so damn hot and sexy," anas ng bagong dating na lalaking kausap nila kanina.
Nang malaglag na ang damit ko sa lupa agad namang lumapit si Ashley sa akin.
"Nakakainggit ka naman Ysa, nakakahiya naman itapat ang dibdib ko sayo. Tunay ba talaga yan," turo niya sa dibdib kong bilog na bilog."
"Oo naman kahit hawakan mo pa."
"Ako na lang hahawak," singit ni kuya Lester.
"Ewww ang manyak mo kuya. Usapang babae lang ito noh. Doon ka nga," pagtataboy niya sa kan'yang kuya.
"Nagbibiro lang naman ako baka sakali lang naman. Oh narito na si Kael."
Nakabihis pangligo na din ang bagong dating na lalaki at Kael pala ang pangalan nito. Nakatitig lang ito sa akin. Napansin kong may nakabalot na itim na tela sa kaniyang kaliwang braso at iyon na lamang ang pinagtaka ko.
Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil sa malagkit nitong pagkakatitig.
"By the way, this is Ysabelle." Inabot niya ang kamay niya sa akin at inabot ko din ang kamay ko sa kaniya.
"Hi Im Kael pagpapakilala niya. Nice to meet you Ysabelle.
"Same to you," mabilis kong tugon.
"Ah yung kamay ko," turo ko.
"Oh Im Sorry," hinging paumanhin niya. "I forgot," nginitian ko na lamang siya.
"Naku bro huwag si Ysa, ako ang makakalaban mo," banta ni kuya Lester.
"Tama na nga yan. Halina ka na Ysa," ang pag aya ni Ashley.
Hinanap ko pa si Davis ngunit wala na ito sa pool pati ang jowa niyang si Charisse. Hinahanap ko talaga ng mata ko si Davis ngunit wala na sila rito.
"Sino ba hinahanap mo?" Kunot noo niyang tanong.
"Parang may nakita lang akong multo rito" pagsisinungaling ko.
"Ha! Wala namang multo rito eh."
"Joke lang, akala ko lang pala iyon."
"Andami mo kasing nainom na alak kanina eh. Mabuti at hindi mo tinanggal yang bikini mo. Kundi nakita na nila yang ano mo," sabi pa nito. Alam ko pa naman ang ginagawa ko at kaya ko namang kontrolin ang sarili ko.
Lumusong na kaming dalawa sa pool ni Ashley ganun din sina kuya Lester at kuya Nicolas at pati na din yung Kael.
Shemay! makalaglag panty ang mga kagwapuhan nila at ang sasarap pang tignan ang mga mala adonis nilang katawan. Tilian pa ang mga babae sa pool ng lumusong ang tatlo.
"Asan ba si kuya Apollo?" Tanong ko habang nakalubog ang aming katawan sa tubig.
"Alam mo namang babaero yung isang yun kaya huwag ka ng magtaka kung wala siya rito."
"Eh si kuya Davis? bigla kong tanong."
"Bakit mo naman naitanong ang taong yun. Type mo ba siya?"
"Naku, hindi ha," agad kong sagot. Maygad bakit ko pa siya tinanong? Ang daldal ko na at baka mahuli pa ako ni Ashley na may gusto na ko kay Davis. Nasa may gilid kami ng pool ni Ashley habang nag uusap kaming dalawa. May dumaan na waiter na may dalang alak at kumuha ako ng isang wine of glass. Ganun din si Ashley. Ininom ko lang iyon ng isang lagok lang halos mahilo na ko ng ininom ko yung alak. Sobrang tapang hindi gaya ng nainom ko kanina.
Natuon ang paningin ko kay Kael dahil sa pagkakabalot ng kan'yang braso. Kaya ako napatanong kay Asley.
"Ano ba yung nakabalot sa kaliwang braso ni Kael?"
"Ah iyon, may storya kasi iyan eh. Narinig ko lang yan noong nag uusap sila ni kuya Lester at yang kaibigan niyang si Kael."
Nangunot ang aking noo sa maaring maisagot niya sa 'kin. "Dali na ikwento mo na."
Saktong sasabihin pa lang niya nang may nagsalita sa may likuran namin.
"Hey girls." Napalingon kaming dalawa sa may likuran namin ni Ashley dahil nakatalikod lang kami mula sa kan'ya dito sa may gilid ng pool.
"Can I talk you a while miss Ysa?" Tanong nito sa 'kin.
Tumingin muna sa akin si Ashley kung okay lang ba sa akin na iwan niya muna kami.
"Okay lang ba sayo Ysa?"
"Yeah sure," agad kong sagot sa kan'ya.
"Sige, aalis na muna ako. Oh kuya, mag uusap lang kayo ha."
"Sure, no problem."
Tuluyan ng umalis si Ashley at tanging dalawa na lang kami ang naiwan. Mangilan ngilan na lang din ang mga taong nasa pool. Masaya namang kausap si kuya Kael. Parang kay tito Ronan na magaling magpayo ng problema. May pagka kwela din pala siya. Naging magkaibigan na din kaming dalawa ni kuya Kael. Halos umabot na kami ng isang oras nag uusap dito sa pool.
Umahon na kaming dalawa dahil nakakaramdam na din ako ng lamig sa katawan. Mukhang malalim na din ang gabi. Nagsisi uwian na din ang mga taong bisita nila Ashley at tanging kami na lang ang naririto. Pero yung taong gusto kong makita ay wala pa rin dito. Umuwe na siguro ito kasama ang fiancee niya.
Hindi ko inaasahan na nalalapit na pala ang kasal nilang dalawa at iyon ang narinig kong usap usapan kani kanina.
Tila nakaramdam ng kirot sa puso si Ysabelle dahil sa mga nalaman niya. Hindi ba niya alam kung bakit ganun na lang kabilis na magkagusto itong si Ysabelle kay Davis.
Uminom siyang muli ng isang basong alak at mukhang may tama na nga ito.
"Tama na yan Ysa, malalasing ka na niyan. Magbihis ka na muna." Binigay niya sa kin ang puting bath robe at agad kong isinuot iyon.
"Hindi pa ako lasing Ashley, kaya ko pa." Kumuha pa ako ng isang basong alak at ininom ko ulit iyon. Tila tinamaan na ko at umiikot na din ang paningin ko.
Kinuha ko pa ang cellphone ko sa loob ng bag. Nakita kong may text messages ito at misscall. Hindi ko na binasa pa iyon dahil nahihilo na talaga ako.
"Okay ka lang ba Ysa? Kaya mo pa ba? Dumito ka na muna at bukas na lang kita ihahatid."
"No kailangan ko ng umuwe kuya Lester saka kaya ko pa naman."
"Oh sige magbihis ka na muna at si Ashley muna ang bahala sayo."
Nasa upuan lamang ako at nag iisa. Dahil busy pa itong si Ashley sa ibang mga kaibigan niya. May natitira pa pala na bisita at nasa kabilang pool lang pala ang mga ito. Tumayo na ko at lumabas na sa bakuran nila. Gusto ko na talagang umuwe para makapagpahinga na.
Eksaktong nasa may labas na ko ng gate ng may humintong sasakyan. Bumaba ang sakay nito at iniluwa doon si Davis.
Anong ginagawa niya dito at bakit siya bumalik. Kinusot ko pa ang dalawa kong mata baka namamalikmata lang ako.
"Halika na iuuwe na kita sa lola mo."
Hinawakan niya bigla ang braso ko saka hinila niya ko papasok sa loob ng kaniyang sasakyan.
Nakaramdam ako ng lamig sa aking katawan dahil naka roba lamang ako.
"Iinom inom ng marami hindi naman pala niya kaya," galit nitong sabi.
"M-Magdrive ka na nga lang diyan." Pautal utal kong sabi. P-Puwede bang pakihinaan ang aircon nilalamig ako eh." Sinisinok pa ko habang binibigkas ko iyon.
Agad naman niyang hininaan ang aircon saka ipinatong niya sa akin ang kan'yang jacket.
Tumunog ang cellphone niya sa loob ng kaniyang bag saka kinuha iyon ni Davis. Nakita niya na ang lola ni Ysa ang tumatawag kaya agad niya itong sinagot at in on ang loudspeaker nito para marinig ni Ysabelle.
"Hello Ysa, huwag kang uuwing lasing kundi mapapalo lang kita bata ka. Diyan ka na muna matulog kung gagabihin ka mang umuwe. Naiintindihan mo ba ako?"
Agad ng tinapat ni Davis ang kaniyang cellphone sa tenga ni Ysabelle kaya siya na ang nagsalita.
"Opo lola," agad kong sagot. Agad na binabaan ng tawag ni Ysabelle ang kan'yang lola.
"Ihahatid pa ba kita o hindi na?" Tanong niya sa 'kin.
"Iuwe mo na ko kahit saan Davis basta ikaw ang kasama ko." Wala sa huwisyo kong sabi. Nagulat si Davis sa sinabi ni Ysabelle dahil alam niyang lasing lang ito.