Chapter 8

1621 Words
Habang pinapaandar ni Davis ang makina ng sasakyan ay nakatulog agad si Ysabelle dahil sa sobrang kalasingan nito. Hindi alam ni Davis kung saan niya idadala si Ysabelle sa mga oras na ito kaya naisipan na lang niya na idala na lang siya sa penthouse na matagal ng hindi na napupuntahan ni Davis. Malalim na ang gabi at dalawang oras na ang kanilang binabyahe dahil malayo pa ang kaniyang penthouse mula sa mansion nila Lester. Gumawa ng paraan si Davis upang mas malapit ang kanilang dadaanan ngunit sa kasamaang palad ay may mga humarang sa kanila ng mga armadong lalaki at anim sila. Ang iba ay nakabonet pa na kulay itim. Hindi na magawang lumiko pa ni Davis dahil ang akala niya sa una ay nasiraan lang ang mga ito sa daan dahil may isang babae pa sila na kasama at ganoon na lang ang modus nila para may mabiktima sila. "Labas," sigaw ng isang lalaking may hawak na baril at nakatutok pa ito sa may bintana habang ang iba ay kinakalampag ng ibang kasamahan ng mga armadong lalaki. Bigla namang nagising si Ysabelle gawa ng ingay. "Anong ingay na iyon?" Tila nahimasmasan si Ysabelle dala ng pagkagulat. "Huwag kang maingay kung gusto mo pang mabuhay. Mga armadong lalaki ang humarang sa atin. Hindi tayo makakadaan dahil nakorner na nila tayo," sabi nito. Walang bakas sa kan'yang mukha ang takot. Hanga ako sa katapangan niya. "So wala tayong gagawin?" Bubuksan sana ni Ysabelle ang pintuan ng sasakyan ngunit pinigilan lang siya ni Davis. "Dont f*****g open that door. Are you crazy Ysabelle?" Galit na sigaw ni Davis. "You think na may magagawa ka kapag nakita ka nilang ganyan ang suot mo. Sa tingin mo makakauwe ka pang buhay sa lola mo," inis niyang sabi. "Okay fine, gumawa ka ng paraan kung paano tayo makakauwing ligtas," sigaw ko. Halos lumaki na ang bilog ng mata ko dahil naiinis ako sa lalaking duwag. Huwag niya kong maliitin dahil kaya kong lumaban na walang kasama. Kinalampag nilang muli ang sasakyan at nagpaputok ng tatlong beses sa may bintana, akala ko tatagos ang bala ngunit hindi pala dahil bulletproof ang sasakyan ni Davis. "Ano ba Davis, wala ka bang gagawin ha. Huwag mong antayin na tadtarin tayo ng bala at huwag kang pakakasiguro na magiging ligtas tayo sa loob ng sasakyan mo," sigaw kong sabi sa kaniya. "Okay, kunin mo itong phone ko at kontakin mo yang numero na yan at humingi ka ng tulong. Ako lang ang lalabas at dito ka lang sa loob ng sasakyan," madiin nitong sabi. Inabot niya muna ang kaniyang cp bago ito lumabas. Agad ko namang kinontak ang sinasabi niyang numero at nagring agad ito. Agad naman niyang sinagot sa kabilang linya. Agad din niya nalocate kung saan ang lugar na kinaroroonan namin. Halatang bihasa ang taong to sa ganitong pamamaraan. Nagtaka si Ysabelle dahil alam ng kabilang linya ang kausap niya kung ano ang mga nangyayari. Tumingin si Ysabelle sa paligid ng sasakyan at may nakita itong may maliit na cctv. Sobrang high tech naman ang sasakyan na ito. Gaano kaya kayaman ang taong to? Napaigtad ako nang makita kong nakikipagpalitan na ng suntok si Davis sa apat na kalalakihan samantalang yung babaeng kasama nila ang taga kuha ng video at yung isa ay nasa likurang bahagi ng sasakyan at siya ang look out nila. Hindi ko na matiis na hindi tulungan si Davis dahil hindi niya kayang lumaban na mag isa dahil apat sila. Dumaan si Ysabelle sa backseat at tila kanina pa siya nag iinit dala ng alak na nainom niya kanina kina Lester. Dahan dahan na binuksan ni Ysabelle ang pintuan sa may backseat at hindi iyon nakita ng lalaking nakabonet na nakasandig sa may likuran ng sasakyan. Agad na tinira ni Ysabelle ang lalaking nakabonet gamit ang kaniyang kamay at agad na nawalan ng malay. May teknik si Ysabelle upang hindi na makalaban pang muli ang lalaking nakabonet. Kinuha niya ang tali ng kaniyang roba at patalikod niya nitong tinalian ang dalawang kamay. Hinayaan na lang ni Ysabelle na manatiling nakabukas ang suot nitong roba. Nakikipagsuntukun pa din si Davis sa tatlong kalalakihan at iisa pa lang ang napapatumba nito. Nakita ako ni Davis sa may likurang bahagi ng sasakyan at masama niya kong tinignan. Nakita kong bubunot na ng baril yung isang lalaki at mabilis ko itong tinakbo mula sa lalaking bubunot pa lang ng baril at agad ko itong naagaw sa kaniya saka binigay ko iyon kay Davis na nakahandusay sa semento at halos duguan na ang putok nitong labi. "Ang tigas talaga ng ulo ng mo Ysabelle. Sinabi ko bang lumabas ka. Tignan mo nga yang suot mo at bakit ganiyan halos makita na ang kaluluwa." Napahawak ako sa aking labi dahil may concern pa siya sa 'kin. "Tamang tama lang yan, hindi ba miss sexy." Sabay halakhakan ng mga tatlong lalaki habang pinapalibutan kaming tatlo ni Davis. "Oo at kanina pa ako nag iinit eh. Mas maganda siguro kung tanggalin ko na lang ang roba ko, hindi ba mas enjoy iyon," sabay kindat ko sa kanilang tatlo. "Madali ka lang pala kausap eh, ano pang inaantay mo dali. Maghubad ka na," sabi ng isang lalaking walang bonet. Bumangon si Davis at tila wala na itong lakas para makipaglaban. "Kaya mo pa bang lumaban ha Davis?" Alalang tanong ko. "Yeah kaya ko pa at sisiguraduhin ko sayong mapapatumba ko silang lahat," pagmamayabang pa niya halos hindi na nga tuwid ang tayo nito. "Huwag mong sabihin yan gawin mo," bulungan naming dalawa. "Nag iinit ako Davis, kailangan kong tanggalin ang roba ko, ang init eh." "Nababaliw ka na ba ha?" Sigaw niyang muli. "Oo nababaliw na ko at kailangan kong matanggal ang init ng katawan ko." "Kung kailangan mo ng magtatanggal ng init ng katawan mo puwede bang huwag sa kanila, ako na lang," pag aalok sa sarili niya. "Ewan ko sayo. Kung anu ano iniisip mo," sabay irap ko sa kan'ya. Tila naiinip na yung apat na lalaki at nakatayo muli ang isang lalaki na nakahandusay kanina. Nagpaputok sila ng baril sa may paanan namin at muntikan ng matamaan ang mga paa namin ni Davis. "Galit na galit na talaga ako Davis kanina pa talaga ako nag iinit eh." "Puwede bang tumigil ka na, hindi mo alam yang ginagawa mo dahil nakainom ka lang." "Ha ako nakainom," turo ko sa sarili ko. "Huwag na huwag mo kong pipigilan sa gagawin ko dahil masasapak kita." galit kong sabi habang nakapameywang sa kaniya. "Sapakin mo na lang ako kapag nagawa ko na ang bagay na iyon." "Ayaw ko sa lalaking duwag saka huwag mo kong pipigilan dahil nag iinit na talaga ako." sabay irap ko kay Davis. "Ano ito? Nag aaway na yung magsyota?" Halakhakan ng apat na lalaki. "Teka nasaan ba si Jojo?" Tanong ng isang nakabonet na may bigote. "Nariyan lang yan," sagot naman ng isa. "Ano miss, sino ba ang gusto mong mauna?" tanong ng nakabigote. "Kayong tatlo ang type ko eh." sagot ko. "No, hindi niya gagawin yan." singit ni Davis. What do you want? Sabihin niyo at ibibigay ko huwag lang siya." Nakatuwid na ng tayo si Davis at handa ng makipag bakbakan ulit. "Pareho ang gusto namin," halakhakan nilang muli. Manok na ang lumalapit bakit pa namin tatanggihan," sabi ng may bigote. "Bantayan mo yan," Utos ng kanilang leader. "Kaya mo na yan Davis at huwag mo akong bibiguin." Pinanlakihan ko ng mata si Davis. "What?" papayag ka talaga na babuyin ka lang nila?" Galit na sabi ni Davis at naningkit pa ang mga mata nito dahil naiinis na siya sa akin. "Kapag ginawa mo ang bagay na iyan, sisiguraduhin kong itutuloy ko kung ano ang sinabi ko sayo kanina." Pagbabanta niya sa akin. "Pangako, walang mangyayari sa akin at siguraduhin mo lang sa akin na mapapatumba mo na ang isang yan, ako na ang bahala sa tatlo. Ito na lang ang tanging paraan para matapos na ito. Ikaw lang ang nagpapatagal sa laban eh," matapang kong sagot sa kan'ya. "Baliw ka na talaga." Galit niyang sabi. Hindi ko na siya pinansin pa at tuloy tuloy ako sa paglalakad habang nakasunod lang ang tatlo sa akin. Pasipol sipol pa abg tatlo sa may likuran ko. Agad kong tinanggal ang aking roba dahil sa naiinitan na ko. Lumingon pa ko mula kay Davis at tila nag ngingitngit na ito sa galit. Nginisian ko lamang siya. Nasa may damuhan na kaming apat at medyo may kadiliman na. "Boss puwede ako muna ang mauna, sabi ng isa," sabi ng isa na mukhang atat na atat at agad naman siyang sinapak ng isa. "Tanga ka ba? "Sabi ng isang nanapak. "Si boss ang dapat mauna at ako ang susunod. Ikaw ang mahuhuli." Habang nagtatalo ang dalawa ay nauna ng naghubad ang boss nila at habang ako naman ay nakangisi lang. Hindi ko na inantay pang hubarin niya ang lahat ng kaniyang saplot kaya agad ko siyang sinugod. Napatumba ko agad ang boss nila at yung dalawang kumag na lang ang isusunod kong patumbahin. Dahil nasa madilim na parte kami ay hindi napansin ng dalawa ang pagsugod ko. Napasobra ata ang galawan ko kaya nawalan agad ng malay ang dalawa. Nakarinig ako ng pagsigaw at hindi lang iisang boses iyon kundi marami pa. Agad akong napalabas sa kinaroroonan ko at nasilaw sa maliliwanag na ilaw na nagmumula sa ilaw ng sasakyan. "OMG, sino yan bro? Ang sexy niya ha," sabi ng mga lalaking hindi ko kilala. "All of you, patayin niyo yang ilaw ng sasakyan niyo kundi papasabugin ko ang mga bungo niyo." Sigaw na galit na galit na si Davis at agad naman nilang sinunod ang utos nito. Kinuha ni Davis ang roba at agaran niyang itinakip ito sa aking katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD