"Are you okay?" Agad niyang tanong kay Ysabelle at nakasuot na ng roba si Ysabelle.
"Oo, hindi naman ako napaano," agad niyang sagot.
Tinungo na nila ang sasakyan at isinakay na ni Davis si Ysabelle sa kaniyang sasakyan. Samantalang si Davis ay nanatiling nasa labas habang kinakausap pa niya ang kaniyang mga tauhan. Nagtataka ito kung bakit ganun na lang niya ito kabilis napatumba ang tatlo at hindi lang tatlo kundi apat ang kaniyang napatumba. Nahihiwagaan si Davis kung ano ang pagkatao ni Ysabelle at iyon ang kaniyang aalamin.
"Boss, mukhang hindi napuruhan yung mga apat na lalaki dahil nawalan lamang sila ng malay. " sabi ng isang tauhan ni Davis.
"May ibang ginamit na teknik yung kasama mong babae boss at bihasa na siya sa pakikipaglaban. Dahil ni wala man lang siyang galos ng lumabas sa damuhan." sabi din ng isang tauhan na si Daniel.
Agad din nilang tinipon ang mga armadong lalaki at tila sarap na sarap ito sa pagtulog. Kinuha din nila ang mga baril nila at isinakay sa kabilang sasakyan. Yung kasama nilang babae ay tila biktima lang nila ito dahil makikita naman sa mukha ang pagka inosente nito. Ngunit napansin ni Davis ang isa sa mga armadong lalaki ang pinakaboss nila dahil may nakita itong may tatoo sa kaliwang braso. Nagkaroon ng pag asa si Davis na magagamit niya ang mga ito upang mahanap kung sino ang kanilang pinaka leader.
Isinama na din nila ang babaeng kasama nila at baka isa itong kasabwat din nila at magagamit din nila ito kung sakaling hindi magsalita ang limang lalaki.
Nakatulog muli si Ysabelle ng makasakay na si Davis sa kaniyang sasakyan. Humihilik hilik pa itong si Ysabelle at napangisi na lang si Davis.
Naghiwalay ang kani kanilang mga landas at yung mga tauhan ni Davis ang bahala ng magbabantay sa tagong base nila at doon nila ikinukulong ang mga taong kanilang mga kalaban.
Nakarating na sa penthouse si Davis at himbing na himbing pa din ito sa pagtulog. Nauna ng bumaba si Davis at umikot sa kabilang pintuan ng sasakyan.
Nagdadalawang isip si Davis kung gigisingin ba niya o bubuhatin na lang niya upang hindi niya ito maistorbo sa pagtulog.
Binuhat na lang niya si Ysabelle at sinarado na ang pintuan ng sasakyan gamit ang kaniyang paa.
"Grabe ang bigat mo, ang liit mong tao at hindi ka naman mataba pero kakaiba talaga ang bigat mo," reklamo niya habang buhat buhat niya ang natutulog na si Ysabelle.
Natunton din agad ni Davis ang pintuan ng kaniyang kuwarto at binuksan niya lang ito gamit ang kaniyang boses. Agad namang bumukas ang pintuan at saka inilapag niya ng dahan dahan si Ysabelle sa may malambot niyang kama.
Kinumutan na lamang niya si Ysabelle at iniwan na lang niyang nakasindi ang lampshade saka lumabas na ng kuwarto si Davis dahil sa isang kuwarto siya matutulog.
Kinabukasan maagang nagising si Davis at nasa kusina siya upang makapagluto na ito ng pang umagahan. May kumatok sa may pintuan at agad naman niya itong pinagbukas ang taong bagong dating at iyon ang kaniyang tauhan na inutusan niyang bumili ng damit na maisusuot ni Ysabelle.
"Boss kompleto na po yan, walang labis at walang kulang."Sabay abot ang mga paper bag na may ngiti sa labi.
"Why are you happy? Tanong ni Davis na nakakunot ang kaniyang noo.
Napakamot na lang ng ulo si Iggy dahil napansin niyang masaya ito.
"Boss naman masaya lang ako kasi may good news ako sayo boss at tiyak na magiging happy din kayo kapag nalaman niyo itong sasabihin ko.
"Ok tell me at siguraduhin mo lang na maganda yang ibabalita mo. I know you Iggy dahil may ginawa ka na namang kalokohan kaya ka masaya." Nakasunod lamang si Iggy kay Davis habang naglalakad papuntang kusina dahil may niluluto itong sinangang na kanin.
"Nalocate na namin boss yung pinapahanap mo at big time nga ang kanilang leader dahil hindi siya basta basta lang. Ano ang plano boss?"
Hinarap ni Davis si Iggy na nakaupo na sa upuan at tila nag aantay ito ng makakain dahil amoy na amoy niya ang mabangong sinangag na niluluto ni Davis.
"Okay just wait my signal at doon natin uumpisahan ang plano. Gusto kong matapos na ito bago pa sumapit ang kasal namin ni Charisse.
"Sana nga boss kung mapapadali lang ang pagpapatumba natin sa kanila pero huwag kang papasiguro boss dahil malakas ang kanilang puwersa.
"You think na magpapatalo ang isang Davis na katulad ko?" Sabi nito. Sinunod na ni Davis na iprito ang hotdog, ham at itlog.
"Wow boss ha nagmayabang ka samantalang iisa lang ang napatumba mo," sabay halakhak ni Iggy na kinainis naman ni Davis. "Boss matagal pa ba yan?" Tanong ni Iggy na mukhang gutom na gutom na.
"Hindi ka kasali dito Iggy at hindi ka nakabilang dito. May bisita akong papalamunin at sa karinderya ka na lang muna kumain."
"Boss naman kahit isang hotdog lang at itlog maraming thank you na din dahil mabubusog na ko sa ganun."
"Take this," inabot ni Davis ang limang libo kay Iggy at namilog ang mga mata ni Iggy sa tuwa. Agad niya naman itong kinuha at ipinaypay pa sa mukha ni Iggy.
"Siguraduhin mo lang na may resibo kang ipapakita sa akin na dapat ay puro pagkain ang resibo mo. Magpakabusog ka ha Iggy. Kapag hindi mo ibinili lahat yan mananagot ka sa akin," ang pagbabanta ni Davis kay Iggy.
"Boss naman, maimpatcho pa ako sa ginagawa mo sa akin eh at baka ikamatay ko pa. Tama na ang tatlong daan sa pagkain kung sa karinderya ko lang ito igagastos."
"Ganyan kita kamahal Iggy dahil hindi ka nag iingat sa mga sinasabi mo sa akin.
"Sorry na boss, hindi na mauulit. I love you boss." Tumayo pa si Iggy at ngumuso ng pagkatulis tulis ang kaniyang labi upang halikan sa pisngi si Davis. Ngunit sinapak niya lang si Iggy sa may batok kaya napahinto na lang sa paghalik si Iggy kay Davis.
"Boss naman hindi lang mabiro, naglalambing lang naman ako sayo eh." Bumalik na sa pagkakaupo si Iggy at natapos na ding magluto si Davis. Aantayin na lang niyang magising si Ysabelle.
"Ah by the way, I want you to investigate the background of Ysabelle. I need your report as soon as possible. Is that clear?" Tanong ni Davis habang inaayos niya ang mga pagkain sa mesa.
"Yes boss mas maliwanag pa sa sikat ng araw ang mga sinabi niyo," sagot niya agad.
"At dahil masunirin ka sa akin, pagbibigyan kita sa kahilingan mo."
Kumuha si Davis ng isang jumbo hotdog at isang pritong itlog na sunny side up. Lumapit si Davis na hawak hawak ang malaking hotdog at pritong itlog na sunny side up. Nasa may pintuan naman ng kusina si Ysabelle at tahimik lang itong nanood at nakikinig sa dalawa.
"Open your mouth Iggy."
"Boss anong trip mo ha, nababakla ka na ba sa akin?"
"Shut up!" Sigaw ni Davis. Hindi ba gusto mong kumain ng hotdog at itlog. Oh heto na nga, bibigyan na nga kita magrereklamo ka pa.
"Boss hindi mo na ko kailangan pang subuan dahil marunong naman ako kumain ng hotdog at itlog eh," tuod niyang sagot.
"Naglalambing lang ang boss mo sayo, ikaw nga kanina gusto mo akong halikan." Napangiti naman si Iggy dahil sa kalokohan ng boss niya. Minsan lang sumakay sa biro si Davis kay Iggy kaya lulubos lubusin na niya ito.
Yumukod si Davis at dahan dahan niyang isinubo iyon kay Iggy na nakabukas ang bunganga, hindi naglaon ay bigla na lang niya itong sinagad sa bunganga ni Iggy halos umabot na ang hotdog sa lalamunan niya dahil sa jumbo hotdog na isinubo niya kay Iggy. Muntik pang mabulunan si Iggy dahil sa kalokohan ni Davis at pati itlog ay agad niya pang isinabay ng maipasok niya ng buo ang hotdog. Uminom agad ng tubig si Iggy habang tinapik tapik niya ang kaniyang dibdib.
"Masarap ba ang niluto kong hotdog ha Iggy?" Na may ngisi sa kan'yang labi.
"Opo boss, sobrang sarap at nakakamatay pa sa sobrang sarap ng hotdog at itlog na pinakain niyo sa akin boss," sagot na pilyo ni Iggy.
Hindi na makasagot si Davis dahil nakita niya si Ysabelle na parang gulat na gulat pa ito dahil sa nakita niya dahil nakahawak pa ito sa bunganga gamit ang dalawang kamay ni Ysabelle.
Napatingin na din si Iggy kung saan nakatingin si Davis at hindi sila makapagsalitang pareho dahil lamang sa kalokohan nilang dalawa.
"Kanina ka pa diyan Ysabelle?" Tanong ni Davis at tila hindi din siya makapagsalita dahil sa gulat nito sa mga nakita niya.
Sino ang bakla sa kanilang dalawa?Tanong ng isip ko. Hindi kaya si Davis ang bakla? Sagot din niya sa tanong ng kaniyang sarili.
Dahil sa kagigising lamang ni Ysabelle ay kung anu ano na lang ang pumapasok sa isip niya.
"Hey Im talking to you. Naririnig mo ba ako?" Kunot noo niyang tanong ni Davis at tila tulala pa din si Ysabelle 'gang ngayon.
"Ah boss aalis na ko. Kayo na ang bahalang magpaliwanag sa kaniya kung sino ang bakla sa atin at baka 'yun ang iniisip niya kaya natulala na lang siya," bulong ni Iggy habang kaharap niya si Davis.
"Get out Iggy!" Sigaw na galit ni Davis at tuluyan ng umalis si Iggy sabay halakhak nito nang makaalis na siya sa Penthouse niya.