CHAPTER 2-LOVE SPELL
JEANNA
FIRST day namin ni Twinkle sa trabaho. Natanggap kami bilang clerk at masaya kami para doon kahit hindi iyon aligned sa natapos namin. Ang mahalaga naman ay kumita kami at makabawi kahit papano sa sakripisyo ng parents namin sa pagpapa-aral sa amin.
Mukhang mababait naman ang mga katrabaho namin. Kung may umattitude man ay keri lang dahil may kasama naman akong malapit sa akin. Mabubuhay pa rin ako ng matiwasay.
Kusang lumapit at nagpakilala sa amin ang mga matagal ng nagtatrabaho doon. Sa sandaling minuto ay nakapalagayan na namin sila ng loob.
Maganda ang palakad ng kompanya dahil kapag first day mo sa trabaho ay bibigyan ka ng isang oras para makipagkilala sa mga makakasama mo sa trabaho para maging komportable sa kanila.
Maya-maya pa ay siniko ako ni Twinkle. Busy ako sa pakikipagkilala kaya hindi ko siya masyadong pinagtutuunan ng pansin. Ang nasa isip ko ay baka may gwapong nilalang ang nahagilap na naman ng mga mata niya.
Hindi na ako makatiis sa pagkalabit niya sa akin na mas madalas pa. Tumigil ako sa pakikipag-usap sa iba naming katrabaho at bumulong sa kaniya.
"Ano ba kasi 'yon? Kanina ka pa kalabit ng kalabit sa akin?" Inis ko ng tanong sa kaniya. May mga pagkakataon talaga na nakukulitan na rin ako sa kaniya.
"Galit agad, bes? First day natin sa trabaho salubong na agad ang kilay mo."
Bahagya akong umirap. Kung hindi ko lang best friend ito ay nadagukan ko na talaga.
"Sino ba namang hindi maiinis, kanina ka pa siko nang siko at kalabit nang kalabit sa akin. Ano ba 'yong sasabihin mo?"
Ngumuso lang ito bilang tugon. Napatingin naman ako sa direksyong itinuturo ng mahaba niyang nguso.
Isang lalaki na naka-corporate attire ang itinuturo ng nguso niya.
"Sino naman 'yon? Huwag mo sabihing type mo agad?" Nagdududang tanong ko.
"Ako talaga? Bakit hindi mo subukang kilalaning mabuti ang itsura niya?"
Nagtaka ako sa gustong ipahiwatig ni Twinkle kaya itinuon kong muli ang paningin ko sa lalaking sinasabi niya.
Gwapo, matangkad, at mukhang seryoso sa buhay. Nakatitig ako ngayon sa kaniya pero wala pa rin akong kakilala na maalala sa itsura niya o sadyang hindi ko lang mamukhaan dahil nakatagilid ito at may kausap.
Nataranta ako nang humarap ito sa kinaroroonan namin ni Twinkle at mataman akong tinitigan. Nakaramdam rin ako ng hiya dahil sa pagtitig sa kaniya at nagbawi ako ng tingin dahil do'n.
Bumalik ako sa talagang puwesto namin ni Twinkle at nagkunwaring busy sa mga papel. Sakto namang tapos na rin ang isang oras na palugit para makipagkilala at makipagkaibigan.
Sinundan naman ako ni Twinkle.
"Uy! Bakit ka naman biglang nag-walk out?"
"Nahiya kasi ako dahil nahuli niyang nakatingin ako sa kaniya."
"Bakit ka naman mahihiya? Krimen na ba ngayon ang tumingin sa tao? Nasaktan ba siya no'ng tumingin ka?"
Ang lakas talaga ng tama ng babaeng ito. Kung anu-ano na lang ang katwiran sa mga bagay-bagay.
"Nakakahiya namang bago lang ako dito tapos kung makatitig na agad ako ay parang may binabalak akong masama."
"Ang tanong naman, nakilala mo ba siya?"
"Hindi. Sino ba siya? Kung kilala mo naman siya bakit hindi mo na lang sabihin sa akin, kailangan talaga may pa-hula effect pa."
"Ano?! Hindi mo siya nakilala? Napaka-slow mo naman. Sabagay malaki rin naman ang pinagbago ng itsura niya. Mas naging gwapo at yummy na siya ngayon."
Lalo akong naguluhan sa sinabi niya.
"Sabihin mo na lang kasi. Ang dami mong arte."
"Hindi mo na nakikilala ang lalaking gusto mo since our graduation day? Amnesia?" Hindi pa rin makapaniwalang turan niya sa akin.
Napaawang ang bibig ko at pasimpleng tumigin ulit sa lalaking tinutukoy niya. Siya naman ang nakatitig sa akin ngayon habang nakikinig sa kausap niya. Bumilis ang t***k ng puso ko nang makilala ko na kung sino siya. Si Jerico. Ang lalaking nagpapabilis ng t***k ng puso ko simula no'ng araw na magtapos kami sa kolehiyo. Ang laki na ng ipinagbago niya. Tama si Twinkle. Mas gumwapo, mas naging matipuno at kagalang-galang ang itsura niya.
Tila ay gumagawa na ng paraan ang tadhana. Pinaglapit kaming muli ng taong inakala kong hindi ko na makikita ulit.
"Bibig mo, bes. Baka pasukin ng langaw." Saway sa akin ni Twinkle. Bigla akong natauhan sa panandaliang pagtunganga.
Napatampal ako sa aking pisngi at nag-ayos ng sarili.
"Tutunganga ka na lang ba diyan, bes? Go na! Lapitan mo na at magpakilala ka. Malay mo maalala niya ang araw na binigyan ka niya ng chocolates. Yieeee!" Tukso sa akin ni Twinkle. Naisip ko rin na bakit nga ba hindi ko subukang lapitan siya. Maaalala naman siguro niya ako.
Inabangan kong matapos ang usapan nila ng kausap niya at nang makita kong umalis na ang kausap niya ay nagmadali akong lumapit sa kaniya.
"H-Hello!"
Cold lang siyang tumingin sa akin at sumagot. "Oh, hi!"
Napalunok ako ng ilang ulit bago nagtanong muli.
"Do you still remember me? Ako 'to si Jeanna."
"Jeanna?" tanong niya habang nakakunot ang noo na tila pilit inaalala kung sino ako.
"Schoolmate mo dati.. 'yong binigyan mo ng chocolates no'ng graduation. Hindi mo na maalala?" Kinapalan ko na talaga ang mukha ko para ipaalala sa kaniya ang huling moment namin together kahit pa may babaeng parang linta ang sumulpot at nakikinig sa usapan namin.
"That was almost two years ago. Hindi ko na masyadong maalala and if ever I gave you chocolates on our graduation day, I hope it made you happy." Tumingin ito sa kaniyang relo bago nagsalita ulit, "I have something important to attend now, may I excuse myself?"
"Y-yes. N-nice meeting you again."
Wala na siyang naging sagot at tinalikuran na lamang ako. Bago pa siya makalayo ay nagsalita muli ako.
"Gusto ko sanang itanong kung para saan ang pagbigay mo sa akin ng regalo noon."
Abot-abot ang kaba ko dahil ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para tanungin siya. Ngunit, sa halip na sumagot ay ang babaeng kabute ang sumagot para sa kaniya.
"Pang-congratulate. Graduation 'di ba? What else are you expecting, dear? Na type ka niya? Huwag masyadong ambisyosa. Two years ago na hindi ka pa rin maka-get over." Sabat ng babaeng mukhang nagsi-celebrate ng Foundation Day sa kapal ng foundation. Kung makapagtaray sa akin akala mo close kami at siya ang kausap ko.
Kinalma ko ang sarili ko kesa sa maupakan ko siya. Hinintay ko na lamang ang sagot ni Jerico pero bigo ako. Wala siyang naging reaksyon sa tinuran ng kasama niya. Nakakapanlumo. Hinayaan ko muna silang makaalis bago bumalik sa pwesto namin ni Twinkle.
First day pa lang namin sa trabaho pero mabigat agad ang pakiramdam ko. Daig ko pa ang nakatanggap ng mag-asawang sampal sa pagkakapahiya ko sa harapan ni Jerico.
Hindi pa naman ganoon katagal magmula no'ng grumaduate kami pero parang ibang tao na siya. Ang kapal pa ng mukha no'ng kasama niyang babae na mukhang coloring book ang pagmumukha sa kapal ng make-up. Kung makapagtaray sa akin akala mo ay girlfriend siya. Aminado naman akong hindi ko agad siya namukhaan dahil napakalaki ng naging improvement niya at baka gano'n din siya sa akin. Hanggang dito sa kompanya ay famous pa rin siya at maraming babae ang nagkakandarapa magpapansin sa kaniya. Parang ako lang, nagpapansin at nagpakilala pero ang ending ay napahiya lang.
Ilang buntong-hininga na rin siguro ang napakawalan ko na hindi naman lingid kay Twinkle.
"I know frustrated ka, bes, pero sa tingin ko naman ay baka busy lang siya at wrong timing lang ang paglapit mo sa kaniya. Malay mo naman sa sunod ay magkusa na siyang lumapit sa'yo. Kalma ka lang."
"Sa tingin mo puwede pa rin kaming maging friends?"
"Oo naman. Matagal rin kayong hindi nagkita kaya kahit papaano medyo awkward din para sa kaniya na makipag-usap sa'yo. Nasa iisang company lang naman tayo kaya araw-araw ay makikita mo siya. Madami pang chances." Pagpapagaan niya ng loob ko. Baka gano'n nga. Masyado lang akong nagmadali at nag-expect.
"Pero hindi ko trip ang asta no'ng kasama niya. Engineer din ba 'yon? Ang taray! Hindi naman niya ikinaganda yo'n. Daig pa ang bodyguard s***h legal wife kung makadikit at maka-guwardiya kay Jerico." Paghihimutok ko. Ngayon pa lamang ako nabubuhayan ng pag-asa na baka may chance ang naudlot kong pagtingin sa kaniya, may asungot na agad.
"Ramdam ko ang inis mo, pero kailangan mong maging santa sa ngayon. Hindi naman magandang gumawa ka ng eksena dito. Ang mas magandang gawin mo ay magpaganda ka para kusa ka niyang mapansin pero kung hindi umubra ay mayroon akong secret weapon para sa panahon ng kagipitan." Sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko. Bigla akong kinilabutan sa secret weapon na sinasabi niya.
"May secret weapon ka pang nalalaman diyan. Mag-focus na lang muna tayo sa trabaho."