Chapter 38 JEANNA MAAGA akong gumising kahit masakit pa ang ulo ko dahil sa hang-over. Nag-asikaso pa rin ako papasok sa trabaho. Itinuturing ko na itong last day ko kahit hindi ako sigurado kung tatanggapin ba ni Sir Jerico ang resignation ko. Inaasahan ko na rin ang mahaba-habang paliwanagan kung bakit aalis ako. Iniwan ko si Rona na mahimbing pa ring natutulog. Kung maaprubahan ay bukas na rin ang alis ko. Wala rin akong balita kay Twinkle at ayaw ko ring magpaalam sa kaniya. Malalaman niya rin naman. Pagdating ko sa opisina ni Jerico ay inaasikaso ko ang mga trabaho ko. Inihanda ko rin nang maayos ang schedule niya. Hindi ko napansin si Twinkle magmula nang dumating ako at nasabi sa akin ng isa niyang kasamahan na hindi raw siya makakapasok dahil masama ang kaniyang pakiramdam.

