Chapter 11

2308 Words
Chapter 11 JEANNA "G-GALIT ka?" Lakas-loob kong tanong sa kaniya. Hindi man lang ito nagpatinag sa pagkakaupo. Wala rin siyang naging sagot. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at akmang aalis nang bigla itong magsalita. "Where are you going?" tanong niya sa tonong parang inip na naiinis. "Sa CR. Bakit sasama ka ba?!" sarcastic kong sagot sa kaniya. Ewan ko ba, naiinis na rin ako sa inaasal niya. Para siyang babaeng may regla. Ang hirap spelling-in! "Mukha bang gusto kong sumama?" Mas masungit pa niyang sagot sa akin. Aba! Talagang ma-attitude. Hindi na ako sumagot pa dahil alam kong hindi rin siya magpapatalo. Nagdiretso ako sa comfort room. Pagbalik ko ay naka-ready na siya at mukhang paalis. "Let's go," sabi niya sa akin pagpasok ko sa opisina. "Saan?" takang tanong ko. Hindi pa naman kasi oras ng out namin. "We're going somewhere. Let's unwind. Gusto kong mag-relax." "Saan mo naman gustong mag-relax?" "Sa lugar kung saan puwede magpalamig at magkuwentuhan. 'Yong tayong dalawa lang sana." Eksaherada na kung eksaherada pero kinilabutan ako sa idea na pumagok sa isip ko. Naging lumutin sa isang iglap ang utak ko. "At saan naman? Hindi ka pa ba kontento sa lamig na ibinibigay sa'yo ng aircon dito sa loob ng opisina mo?" tanong ko sa kaniya upang manggaling mismo sa kaniya ang lugar na gusto niyang puntahan kasama ako. "Ako na ang bahala do'n. Basta sumama ka na lang sa akin." "No!" Pagkontra ko. Gulat itong napatingin sa akin dahil napalakas ang pagkakasabi ko. Nang ma-realize niya kung ano ang naglalaro sa isip ko ay tumawa ito. Mas tamang term pa nga, eh, hagalpak. Alam ko namang nakakatawa ang maruming naisip ko pero mabuti na rin ang nag-iingat. Hindi pa ako handang isuko ang bandera ng Bataan. "Actually, wala pa talaga akong naisip na puwede nating gawin para makapag-relax but, I like your idea. 'Yon nga lang, parang nakakapagod 'yon." Patawa-tawa niyang sabi sa akin. "Stop it, will you? Bahala kang umalis ng mag-isa!" Inis kong sabi. Napahiya rin ako sa naging reaction niya. Ano ba naman kasi itong utak ko. Masyado rin yatang transparent ang bungo kaya nabasa niya agad ang nasa isip ko. "Oh, c'mon, Jeanna. Stop being childish. I didn't know, marumi rin pala 'yang isip mo. We're going somewhere na nakaka-relax ng katawan at isip. 'Wag kang green-minded." "At saan naman tayo pupunta?" "Nature viewing ang naisip ko. Tamang-tama. Maaabutan pa natin ang sunset. At kung hindi ka naman busy ay puwede na rin nating ituloy sa star-gazing." "Saan ka naman makakapag-nature viewing dito sa Manila? Puro building at pollution. Kung sa probinsya ang gusto mo ay malayo pa ang biyahe. Pagod na rin tayong darating 'don." "Ang dami mong reklamo. Hindi kita aayain kung wala akong alam na pupuntahan. I have a friend na nag-o-operate ng mini-resto na ang theme ay nature. We can have coffee there while enjoying the view of beautiful plants in their garden. Tahimik rin doon and you know what's amazing there? Bawal ang gadgets doon. You can sit there and enjoy, pretending it's 1994." Nakaramdam ako ng excitement nang marinig ko ang description niya sa lugar na pupuntahan namin. Parang date? Kinilig ako sa idea na 'yon. Wala naman sigurong masama. This time, hindi sa akin nanggaling ang first move. Lumabas kami ng opisina niya at tinahak ang buong hallway palabas ng kompanya. Ang mga empleyadong nagkakandarapa sa kaniya ay pasimple kaming sinusulyapan at base sa mga tingin nila ay paulit-ulit na nila akong pinatay sa isip nila. Pigil na pigil ang bawat paghinga ko habang naglalakad. Sobra pala ang pressure na ibinibigay ng pagiging malapit kay Jerico. Paglabas na paglabas namin sa building ay isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Nakahinga ako nang maluwag sa paglabas namin. Tahimik lang ako habang nakasakay sa kotse niya. Wala akong maisip na itanong o ikuwento sa kaniya. Baka masabihan pa akong feeling close. Iyon naman ang totoo. We're not that close. Magkakilala lang kami since college days pero never kaming naging malapit sa isa't-isa. Isang sorpresa pa nga para sa akin ang pagbigay niya ng gift sa akin no'ng graduation namin. At dahil sa regalong iyon ay naging desperada akong mapansin niya sa hindi ko maintindihan na dahilan. "Bakit ang tahimik mo?" kalmadong tanong niya sa akin na tila ba ay totoo ang concern niya sa dahilan ng pananahimik ko. "Wala naman akong sasabihin," sagot ko sa kaniya. "Hindi mo ako tatanungin tungkol kay Marylyn?" Pagsisimula niya ng topic. Napanisan na siguro ng laway dahil sa pananahimik. "Wala ako sa tamang posisyon para magtanong tungkol sa kaniya. Labas ako sa personal life mo," mahinahon kong sagot sa kaniya. Sinungaling ako dahil itinanggi ko ang curiosity ko tungkol sa babaeng 'yon pero magmumukhang level ten na ang pagiging garapal ko kung makiki-chismis ako tungkol sa personal life niya, lalo pa at kasisimula ko lang sa trabaho ko bilang secretary niya. Diretso ang tingin niya sa daan pero hindi siya tumigil sa pagsalita sa kabila ng naging sagot ko. "She's my future wife," tipid na sabi niya. Matipid ngunit marami ang kahulugan. Umalingawngaw sa isip ko ang sinabi niyang iyon. Future wife. Nilusaw ng mga katagang iyon ang maraming imahinasyon at expectation ko tungkol sa amin. Ang excitement ko papunta sa lugar na sinasabi niya ay mabilis ring napalitan ng lungkot at sakit na ngayon ko lamang naramdaman. Kaya pala napaka-angas niya kung umasta no'ng hinahanap niya si Jerico. May karapatan naman kasi. Tanging pilit na ngiti lang ang naitugon ko sa sinabi niya. Wala na siyang sinabi pa pagtapos no'n hanggang sa makarating kami sa aming destinasyon. Totoo ngang napakaganda ng lugar. Para akong nasa isang lihim na paraiso na sa wakas ay natagpuan na. Panandaliang nawala sa isip ko ang sinabi niya tungkol sa babaeng 'yon at ayaw ko rin munang isipin ang tungkol doon. "You like it?" nakangiting tanong niya. Ngunit ang ngiting iyon sa mga labi niya ay hindi umabot sa kaniyang mga mata. "Oo. Ang ganda nga dito. Siguro mahal ang bayad dito. Balak ko pa naman sanang isama sina Twinkle dito." "Puwede naman kayong pumunta dito anytime you want. Basta sabihan niyo lang ako. Sagot ko na ang bonding niyo." Halos mapamulaga ako sa alok niya. Hindi dahil sa ayaw ko kundi hindi ko inasahan na ililibre niya kami sa ganito kagandang lugar. Siguro nga mahal ang bayad dito. Hindi naman siya magpi-presinta na ilibre kami kung afford ng sahod namin ang bayad dito. "S-sure ka? Naku! Puwede naman naming pag-ipunan kung mahal ang bayad dito. Hindi mo obligasyon na ilibre kami sa pamamasyal namin," nahihiyang tanggi ko. "No, I insist. Maliit na bagay lang ito." Lumapit siya sa counter at may kinausap na babae. Nagsalubong ang kilay ko. Babae na naman? Napakadami ko namang karibal sa kaniya at lahat 'yon ay napakagaganda at mayayaman. Samantalang ako, babae lang. Walang yaman pero may kaunting ganda naman. Napansin ko rin ang pasimpleng pagsulyap sa kinaroonan ko no'ng babaeng kausap niya at kapag nahuhuli ko ang mga tingin niya ay bigla itong ngingiti. May pakiramdam ako na ako ang pinag-uusapan nila. Maya-maya pa ay bumalik si Jerico at inaya ako sa puwestong napili niya. Maganda. Saktong-sakto sa pag-abang ng sunset habang ini-enjoy tingnan ang magagandang halaman. Fresh na fresh ang hangin na katulad ng hangin sa probinsya. Tunay ngang nakaka-relax ang ambience. Umorder siya iced coffee para sa aming dalawa at tahimik lang din na ini-enjoy ang magandang paligid. "She became my future wife without my consent," makahulugang sabi niya. Alam kong ang tinutukoy niya ay si Marylyn. Hindi pa pala siya tapos tungkol sa usapin na 'yon or should I say gusto talaga niyang pag-usapan iyon. Marahil iyon ang dahilan kaya siya nag-aya papunta rito. It looks like he needs some space and people so he can freely open up about those things. "Without your consent? You mean, set-up? Arranged marriage? Akala ko sa mga movies lang mayro'ng gano'n. I didn't mean to be sarcastic. Well, mayaman kasi kayo kaya normal ang mga ganoong scenario." Ngumiti siya. Ngiti na mababakas mo ang lungkot. "Gusto siya ng parents ko. Siya raw ang bagay sa akin. Siya raw ang makabubuti sa akin. I always wonder kung paano nila nasabi 'yon? Totoo bang parents knows best kaya sila ang dapat magdesisyon ng para sa anak nila sa lahat ng aspeto?" frustrated niyang tanong sa akin. Seriously? Bulag ba ang parents niya? Doon pa lang sa makabubuti, saan kaya nila napulot 'yong idea na 'yon? Napakamaldita at arogante umasta. Halatang mayaman sa pera pero mahirap sa manners. Baka santa-santita ang peg. Mabait at mala-anghel umasta sa harap ng parents ni Jerico kaya nagustuhan siya pero hindi nila alam na kampon talaga siya ni Satanas. "Sa totoo lang ay hindi ko rin alam. Wala pa akong naging boyfriend at hindi rin ako tinatanong ng mga magulang ko tungkol sa pagkakaroon ng boyfriend. Ayaw lang siguro ng mga magulang mo na mapunta ka sa maling tao. Isipin mo na lang na gusto lang nila ang best para sa'yo." Pagpapagaan ko sa loob niya kahit hindi ako maka-relate sa problema niyang pang-mayaman. "What if I have plans of my own? Paano kung may iba akong gusto?" "Subukan mong ipaliwanag sa kanila ang gusto mo. Maiintindihan naman siguro nila." "I already tried to explain my point but they never cared. Puro negosyo at pagpapayaman lang ang nasa isip nila. Lagi nilang sinasabi na dapat ay maging praktikal ako dahil ako ang magpapatuloy sa nasimulan nila pero hindi nila nagawang tanungin ako kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay." "Hindi naman sa chismosa ako, ano? Kailan pa nangyari 'yang soon-to-be arranged marriage ninyo?" "Since college." "Wow! Gano'n na pala katagal?! Kailan ba balak ng parents mo na ipakasal kayo?" Curious na tanong ko sa kaniya. Go, Jeanna! Kaya mo yan. Sige, plastikin mo pa ang sarili mo. Magkunwari kang concerned citizen kahit nasasaktan ka sa topic niyo. "Probably by December. They want it to happen as soon as possible," walang gana niyang sabi. December? Hindi pa nga nagsisimula ang love story namin, tapos na agad. Magiging mister na pala siya at kung ipipilit ko ang sarili ko ay magiging kerida ako. Akala ko magpupunta kami dito para mag-relax. Sumama lang pala ako para ma-stress ng bongga. "Ah, gano'n ba?" Wala akong masabi. Sumikip na lang bigla ang dibdib ko na parang napipigil ang paghinga ko. Para akong naubusan ng sasabihin. "I'm sorry to ruin the mood. Gusto ko lang talaga i-voice out ang nararamdaman ko." Hinging-paumanhin niya. Nakonsensya tuloy ako sa biglang pagkawala ko sa mood na nahalata niya rin agad. "No, don't be sorry. Hindi ko lang kasi alam kung ano ang tamang mga salita na dapat kong sabihin para pagaanin ang loob mo," pagpapagaan ko sa tensyon na kanina pa unti-unting tumataas. Kahit alam ko naman ang maaaring sagot sa tanong ko ay naglakas loob pa rin akong magtanong. "I-Itutuloy mo ba ang pagpapakasal sa kaniya?" Ilang sandali rin siyang nanahimik bago siya nagsalita. "Wala akong ibang choice kundi ang sumunod sa parents ko. I don't want to disappoint them." Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi nang sabihin niya iyon. "Masuwerte ang mga magulang mo dahil mas inuuna mo ang kagustuhan nila kaysa sa sarili mong kaligayahan," nakangiting papuri ko sa kaniya kahit mabigat ang aking kalooban. "Pero kung magugustuhan din ako ng babaeng matagal ko nang gusto ay baka magbago ang isip ko at ipaglaban ko ano ang talagang gusto ko." Karupukan 101. Ngayon ko napagtanto na isa akong marupok na nilalang. Kanina lang ay malungkot at nawalan na ng pag-asa, nang marinig ko ang sinabi niya ay nagkaroon ng sigla ang katawang-lupa ko at rumagasa sa mga ugat ko ang taglay kong karupukan. "Ibig sabihin pala ay hindi mo ipaglalaban ang nararamdaman mo para sa kaniya hangga't hindi mo nasisiguro na gusto ka rin niya? Paano mo mapatutunayan kung gaano katotoo ang nararamdaman mo?" "Let's face it. Bakit ka mag-aaksaya ng oras sa isang taong wala namang interes sa'yo?" "Ang mahalaga ay napatunayan mo na malinis ang intensyon mo. Nasa kaniya na 'yon kung sasayangin niya ang pagmamahal mo. Love is a risk. Hindi mo masasabing tunay ang nararamdaman mo kung playing safe ka lagi. Ang totoong nagmamahal ay gagawin ang lahat para sa taong minamahal niya nang walang hinihintay na kahit na anong kapalit." "Sa normal na sitwasyon ay pupuwede 'yan, pero sa gaya ko na may kailangang patunayan sa aking mga magulang ay hindi puwede. Susuwayin ko sila para sa isang tao na hindi sigurado? Ipapahiya ko lang ang sarili ko." "Eh, 'di sumunod ka na lang sa gusto ng parents mo," medyo inis kong sagot sa kaniya. Napatingin siya sa akin. "I'm sorry to say this, kaya ka sunud-sunuran sa gusto ng parents mo ay dahil wala kang lakas ng loob na ipaglaban kung ano ang gusto mo. Kalalaki mong tao ay hindi ka makatayo sa sarili mong mga paa. Ano 'yon? Kapag may sarili ka ng pamilya, parents mo pa rin ang magdedesisyon? Kailan pa rin ng approval nila? Kung gano'n nga ay kawawa lang ang pamilyang bubuuhin mo. Magiging puppet lang ng parents mo." Natahimik siya sa sinabi ko. Napaisip tuloy ako kung may mali ba sa sinabi ko o naging eksaherada lang ang naging reaksyon ko tungkol sa pananaw niya. Ngumiti siya sa akin. "Salamat sa pagbukas ng isip ko. Siguro ay panahon na upang ipaglaban ko rin ang mga bagay na talagang gusto ko." Nagulat ako sa pagpapasalamat niya pero ang sarap rin sa pakiramdam na sa ganitong paraan ay may naitulong ako sa kaniya. 'Di ko akalain na gano'n pala ang klase ng buhay niya. Malayong-malayo sa klase ng buhay na inakala ng marami pati na rin ako. Akala ko ay mas mahirap ang magpapansin sa taong gusto mo. Mas mahirap pala na pilitin ang sarili na gustuhin ang taong ipinagpipilitan sa'yo. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD