Ten

1812 Words
⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️ "YAYA!" NAGULAT ANG lahat ng kasambahay sa biglang pagsigaw ni Yuka. Tuwang-tuwa ang dalaga na tumakbo palapit sa nananahi ng damit na si Pen. Napatayo at sinalubong ni Pen ang yakap ng alaga. "Miss na miss ka ni Yuka." hinalikan ni Yuka sa buong mukha si Pen kaya tuwang-tuwa ito. "Ay, talagang na-miss ako ng alaga ko." "Yaya, ganda puntahan namin. Daming rides. Tapos kain kami madaming foods. Hihihi.." Hinaplos ni Pen ang buhok ni Yuka at napatingin kay William. "William," Gulat niyang sabi, "magkasama kayo ni Yuka?" Ngumiti at lumapit si William na nasaksihan ang sobrang saya na si Yuka na yakapin ang Yaya nito. "Oho. Hindi ko po ba nasabi sa inyo?" Hindi naman akalain ni Pen na tama nga ang hinala ng nobya ni William na magkasama nga ang dalawa. Ngunit mabuti na ring hindi niya sinabi, baka mapahamak pa sa babaeng 'yon ang alaga niya. "Yaya, I have a pasalubong. Daming toys akong uwi. Laro tayo." Natawa si Yaya Pen at tumango, "Oo ba, alaga kong maganda. Tara sa room mo. Naku, sino ba nag-ayos ng buhok mo at gulo-gulo." "Si Kuya William po. Hindi po siya marunong, e." Habang palayo ang mag-yaya ay napangiti na lang si William na pumamulsa habang pinapanood ang mga ito at pinapakinggan ang sinasabi ni Yuka tungkol sa kanya. "So, kasama mo pala si Yuka." Napalingon siya kay Yvo. Ngumisi ito na lumapit sa kanya. Na-white sando at ripped jeans ito. "Ano naman?" Ngumisi ito lalo, "Wala, naniniguro lang." Nakiba't balikat si William at iniwan na ito. Naiwan naman si Yvo na agad kinuha ang susi ng kotse niya. Ngayong araw ay makukuha niya ang nobya nito na walang kaalam-alam. Mabuti pang mag-focus na lang ito kay Yuka, para matagal niyang magamit ang nobya nito. Umalis si Yvo at sa kabilang banda ay bumaba ng hagdan si Yuri habang nakahalukipkip na napatingin sa kabilang wings ng bahay---kung saan ang buong space ni Yuka at William. Hindi pala nawawala ang abnormal niyang kapatid. Buong akala niya ay magtutuloy-tuloy na ang katahimikan at kapayapaan niya sa pagkawala nito, pero hindi pala, narito pa rin ang salot sa buhay nila. "Babe, sinong tinitignan mo?" tanong ng kalalabas pa lang sa kwarto niya na nobyo niyang si Paul. Sa kwarto niya natulog ang binata at magdamag na nagpakasaya siya sa feeling nito dahil sa kasiyahang nararamdaman niya sa pagkawala ni Yuka, ngunit mali pala siya, dahil bumalik na naman ang bangungot niya. "Si Yuka, nakabalik na siya." "Talaga?" nasa mukha ni Paul ang tuwa. Hindi nakita ni Yuri 'yon, dahil nasa likuran niya ito. "Oo.. Bwisit!" Umalis si Yuri para bumalik sa kwarto. Naiwan naman si Paul na ngumisi habang nakatingin sa kabilang parte ng bahay kung saan ang kwarto ni Yuka. - "YUKA, ANONG GINAWA niyo ni William sa japan?" tanong ni Pen habang sinusuklay ang buhok si Yuka, habang nilalaro naman nito ang manikang si Lily. "Hmm.. Nag-play po kami." Tinigil sandali ni Pen ang pagsuklay para maayos na matanong ang alaga. "Bukod doon?" Nakita niyang napaisip ito at biglang ngumiti ng malaki at nilingon siya. "Kita ko rin si Daddy doon. Tapos call namin kayo." bigla naman itong nalungkot, "miss ko ulit si Daddy." Napahinga siya ng malalim at hinaplos ang buhok nito na kay ganda. "Sigurado akong miss ka rin ng Daddy mo. Kaya 'wag ka nang malungkot. Hindi ba't nagkita naman kayo doon at nagka-bonding? O, ayos na 'yon." Tumango ito at tumalon-talon sa kinauupuan tila natutuwa. "Okay pooooo!" Natawa siya at pinagpatuloy ang pagsuklay rito. Pagkatapos masuklay ng mabuti ang buhok nito ay tinigil na niya. "O, sige, higa ka na sa bed mo. Sleep ka na. But before you sleep, anong dapat gawin?" Tumayo ito at tumakbo sa kama nito. Agad na sumampa ito sa kama at lumusot sa kumot nito. "Pray, Yaya!" Natawa siya at tumango. Nag-pray nga ito habang nakaipit si Lily sa braso nito. Nakakatuwa talagang pagmasdan si Yuka. Kaya nang mawala ito ng dalawang araw ay sobra niyang na-miss. Tumayo siya at nilapitan ito. Tapos na itong mag-pray kaya pinahiga na niya ito. Inayos niya ang kumot nito pero napatigil siya ng makitang may suot itong singsing. "Yuka, saang galing 'tong singsing?" Dumilat ito at napatingin sa singsing nito. Bigla itong napangiti at napahagikhik tila kinikilig. "Bigay po ni Kuya William. Ang bait niya po, no?" Napaisip naman si Pen pero niwala na rin niya ang iniisip dahil baka nga regalo lang ni William ito sa alaga. "Oh, sige, matulog ka na.." Pumikit na muli ito kaya naman ay pinatay na niya ang ilaw sa kwarto nito at binuhay lamp shade sa tabi. Hinintay muna niyang makatulog ito bago siya lumabas ng kwarto. Napahikab siya at inaantok na rin kaya dumeretso na siya sa kwarto niya na may ilang pagitan ang layo sa kwarto ni Yuka. - SAMANTALA, PATAY NA ang lahat ng ilaw sa mansyon ng may isang taong pumasok sa kwarto ni Yuka. Maingat ito sa ginagawang pagpasok para hindi makalikha ng ingay.. Lumapit ito sa natutulog na si Yuka at tinignan niya ito. Marahang ginising niya at nang magising si Yuka ay sinenyasan niya ito na huwag mag-iingay. "Sumama ka sa akin." "Inaantok pa po ako." Napalatak naman siya sa isip, "Sumama ka sa akin, maglalaro tayo ng tagu-taguan." "Ayaw.. Madilim na po at ayaw ko gabi laro tagu-taguan." Naupo ito sa kama ni Yuka, "O, sige, iba na lang.. Gusto mo bang makakita ng maraming laruan?" Tila naman nangislap ang mga mata ni Yuka at maraming beses na tumango sa kausap. Napangiti naman ang mapangahas na tao at inalalayan si Yuka na tumayo. Sinenyasan niya ito na takpan ang bibig nito kaya napahagikhik na tinakpan naman ni Yuka ang bibig niya, sa pagkakaakala na kasama 'yon sa laro nila. Lumabas sila ng mansyon ng walang nakakakita sa kanila. Pinasakay niya ng kotse si Yuka at umalis ng mansyon. "Saan po toys niyo?" "Makikita mo rin.. Mahiga ka." Tinuro ng estranghero ang kama kung saang gusali niya dinala si Yuka. "Ayaw ko. Gusto ko makita manika niyo." Nainis naman ang estranghero sa pagtanggi ni Yuka, kaya pwersahan niyang tinulak ito sa kama. Nabigla ang inosenteng si Yuka at natakot ng makaramdam ng takot sa kumuha sa kanya. "Sumunod ka sa sasabihin ko, kung ayaw mong patayin kita." Nagsimulang manginig sa takot at umiyak si Yuka. Binalak niyang umalis ng kama pero agad na pinigilan siya nito at pinahiga. Pumapalag siya ng pwersahang halikan siya nito. "'Wag po! Bad ka! Bad ka!" "Shut up!" sinuntok nito si Yuka sa tiyan kaya ang pobreng dalaga ay nawalan ng lakas. Nang hindi na makapalag ang pobreng si Yuka ay sinimulan na ng lalake ang mga binabalak sa dalaga. Nanginginig sa takot at panay iyak ni Yuka habang pilit na kumakawala sa lalake. Iyak ito ng iyak lalo nang hubaran siya nito at gawin ang bagay na hindi naaabot ng kaisipan ni Yuka na gagawin sa kanya ng isang tao. "Bibigay ka rin pala, dami mo pang arteng abnormal ka." Nagsusumiksik si Yuka sa isang sulok ng kama habang yakap-yakap ang sarili at nanginginig sa takot na umiiyak. "Magbihis ka, dali!" Takot na takot si Yuka na sinuot ang damit niya. Hindi ito makagalaw ng maayos dahil sa sakit ng katawan na natamo mula sa lalake. Hinatak ng lalake si Yuka palabas sa pinagdalhan sa kanya. At hinatid sa mansyon at binalaan na 'wag magsasalita kung ayaw nitong saktan ang mga mahal niya sa buhay. Iyak na iyak si Yuka habang nakatayo sa pinto ng bahay ng makapasok siya. "Yuka!" Nagmamadaling bumaba si William na sana ay iinom lang ng tubig, ngunit ng makita si Yuka na umiiyak sa tabi ng pinto ay agad niya itong nilapitan. "Yuka.." napahinto siya ng makitang tulala ito at nanginginig. Hinawakan niya ito pero agad na napaatras ito at umiling-iling, "Yuka, anong nangyayari sa 'yo?" Hindi ito nagsasalita kaya kinutuban siya na may nangyari kay Yuka. Nilapitan niya ito pero agad na umiyak ito ng malakas at tinutulak-tulak siya. "'Wag po! 'Wag po!" "Yuka, si Kuya William mo ito.. Anong nangyari sa 'yo?" Patuloy lang ito sa pagtulak sa kanya pero agad na hinawakan niya ito sa ulo at niyakap para pakalmahin. "Ayaw ko.. Sakit katawan ko.." Binitawan niya ito at hinawakan sa balikat. Pinagmasdan niya ito at napatingin siya sa mga hita nito ng may umaagos na dugo. Napamaang siya. Tila siya hindi makapag-isip. Napatingala siya at napasuntok siya sa pinto na kinasasandalan ni Yuka. "Walang hiya!" Hindi niya mapigilan mapaluha at niyakap si Yuka. Nanginginig ang kalamnan niya sa galit. Sa sobrang galit ay napahigpit ang yakap niya kay Yuka kaya natakot ang dalaga na tinutulak siya. "Sabihin mo kung sino ang may gawa sa 'yo nito? Sabihin mo, Yuka." naiiyak niyang tanong rito. "Ayaw ko. Saktan niya ako. Patay daw niya ako.." umiling-iling ito. "Please, sabihin mo. . .sabihin mo kay Kuya." Kahit anong kumbinsi niya ay ayaw nitong mag-salita. Nanghihina si William pero ang unang naisip niya ay akayin si Yuka sa kwarto nito. Lumabas siya ng kwarto nito at tinungo ang kwarto ni Yaya Pen. "Yaya Pen! Yaya Pen!" Sunod-sunod ang malakas na katok na ginawa ni William upang magising lang ang matanda. Humahangos na bumangon naman ito at pinagbuksan siya. Nagulat pa ito ng makita ang anyo niya at pag-iyak niya. "Bakit, William? At bakit ka umiiyak?" Napapisil sa ilong si William at napahilot sa noo. Napasuklay din siya sa buhok sa sobrang galit. Tinuro niya ang kwarto ni Yuka. "P-pakitulungan niyo nga ho si Yuka na magbihis." "Huh? Anong ibig mong sabihin? Kabibihis lang no'n ng patulugin ko." Hindi makapagsalita si William kaya kinutuban si Pen at agad na sinugod ang kwarto ni Yuka para tignan ang alaga. "Diyos ko!" Dali-daling nilapitan ni Pen si Yuka na nagsusumiksik sa isang sulok. Agad na dinaluhan niya ito at halos hindi niya mahawakan ng makitang tulala ito, nanginginig, at may dugo sa mga hita nito. Napatakip siya ng bibig. "Y-Yuka anak, anong nangyari sa 'yo?" Hindi ito sumasagot kaya napaiyak siya at napahawak sa dibdib. "Yuka, tumayo ka.." Inalalayan niya ito sa pagtayo at halos hindi niya makayanan ang nakikita niya ngayon kay Yuka. Inalalayan niya ito sa banyo at panay ang iyak ng makumpirma na nahalay si Yuka. Halos magbigay sa kanya ng sakit sa dibdib ang nangyari. Parang nanghihina siya habang nililinisan ang dalaga na tulala at hindi nagsasalita. Iniwan muna niya ito saglit sa bathtub at lumapit siya sa lababo bago napahawak doon. Napahagulgol siya dahil hindi niya talaga kaya. Narinig niya ang iyak ni Yuka kaya nilingon niya ito. Muli itong makikitaan ng takot sa mukha habang tulalang napapailing. Bakit? Bakit ang inosenteng katulad pa ni Yuka ang gagawan ng ganitong kahalayan? Nagsisisi na iniwan niya ito at sana natulog na lang siya sa tabi nito. Pakiramdam niya ay kasalanan niya ang nangyari kay Yuka. Nagpahid siya ng luha at lumapit muli rito. Inaya niya ito na umahon na at dinala niya sa shower para mas malinisan pa ito. Awang-awa siya sa dalaga. Kada maiisip niya ang sinapit nito ay parang dinudurog ang puso niya. Inaya na niya ito palabas ng banyo matapos malinisan. Binihisan niya rin ng pantulog at pinahiga muli sa kama nito. Hinaplos niya ang buhok nito at nakita niya ang pagpikit nito. Napatakip siya ng bibig at napahagulgol. Hindi niya alam ang sasabihin ngayon kay Eduardo. Oras na malaman nito ang nangyari kay Yuka, tiyak na hindi nito kakayanin. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD