️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️
SINUGOD NAMAN NI Priyanka ang management ni William. Dalawang araw na kasing hindi nagpapakita sa kanya ang nobyo. At hindi nito sinasagot ang tawag niya kaya naman ay nagkaroon agad siya ng hinala na may ginagawa ito behind her back.
"Oh, sweetie, what are you doing here?" si Charlie na nakaupo sa swivel chair nito habang nagso-social media para makalanghap ng news about sa alaga niya. Baka mamaya ay may nag-link na kung nasaan ito at magkaroon pa ng issue.
"Where's William?"
Binaba niya ang Iphone tablet at tinignan ang tila tigreng nobya ng alaga. Noon pa man pansin na niya na may pagka-maldita ito, pero dahil nakikinabang siya sa team up nito sa alaga niya ay sinasakyan na lang niya ang ugali nito.
"Well, he has a private bussiness in other country."
"Ano? Bakit siya nagibang bansa ng hindi pinapaalam sa akin? Bakit hindi mo agad sinasabi sa akin?"
Nakiba't balikat si Charlie, "Well it's private. Gusto ni William na 'wag ipaalam kahit kanino."
"Even me?"
Tumango siya kaya kita niya ang inis sa mukha nito..
"Hindi ba't ako ang girlfriend niya? Hindi ba ako kasama sa private life niya para hindi sabihin sa akin kung nasaan siya?"
Napahinga ng malalim si Charlie at tumayo, "Sweetie, girlfriend ka pa lang niya, hindi asawa."
Tumalim ang tingin ni Priyanka kay Charlie dahil sa sinabi nito..
"How dare you to say that! Manager ka lang din niya kaya wala kang karapatang sabihin sa akin 'yan."
"Well, manager niya ako pero mas alam ko kung nasaan siya. E, ikaw? Girlfriend ka pero wala kang alam."
Kumuyom ang mga kamay ni Priyanka at inirapan nito si Charlie bago niya ito talikuran. Imbes na makipagplastikan sa manager ni William ay pupuntahan na lang niya ang binata sa bahay nito.
Sa Laxama's mansion ay may doorbell ng doorbell, kaya nilabas ito ni Pen dahil kanina pa siya natutulig sa ingay. Busy naman ang mga kasambahay dahil nais niyang malinis ang kwarto nina Yuka at William pagbalik ng mga ito.
Nagtaka naman siya ng makita ang magandang babae sa harap ng gate. Tinitignan niya ang mukha kung pamilyar ba ito sa kanya.
"Sino ho sila?"
"I'm Priyanka, William's girlfriend."
Nang makilala ito ay agad na pinagbuksan niya ng pinto. Pumasok naman ito at nilibot ang tingin sa paligid ng mansion.
"Anong kailangan mo?"
Pang-iistorbo ni Pen kay Priyanka na hindi maalis ang tingin sa mansion ng mga Laxamana. Bakas sa mukha nito ang paghanga.
"Nais kong makita si William. Nariyan ba siya?"
Ambang maglalakad si Priyanka ng pigilan siya ni Pen.
"Wala rito si William. Pasensya na ngunit hindi basta-basta nagpapasok kapag wala rito ang sadya mo."
Hinawi ni Priyanka ang kamay ni Pen at hinarap ito.
"Kung gano'n, si Yuka, nariyan ba siya?"
Oras lang na malaman niyang magkasama ang dalawa ay hindi niya alam ang gagawin. Baka mapatulan na niya talaga si Yuka.
Napakuno't noo naman si Pen dahil bakit nito hinahanap ang alaga niya.
"Wala rito si Yuka."
"I knew it. Sabi na nga ba at si Yuka na naman! Argh!"
Tinignan niya ang babae na nanggagalaiti sa galit..
"Hindi sila magkasama kung 'yan ang inaakala mo. Hindi ko alam kung nasaan si William, pero sinisiguro ko sa iyo na hindi sila magkasama ni Yuka."
"At paano ka nakakasiguro?"
"Dahil nakausap ko si Yuka, at kasama ito ng kanyang ama."
Umayos si Priyanka ng tayo at humalukipkip, "Kung gano'n, saang bansa naroroon si Yuka?"
Hindi niya alam pero hindi niya akalain ganito ang ugali ng nobya ni William. Tila nagkamali siyang payuhan ang binata na magpakasal na rito.
"Private information na ni Yuka ang nais mong malaman. Pasensya na ngunit hindi ko maaaring sabihin sa 'yo. Kung wala ka nang kailangan ay makakaalis ka na."
"Bakit ayaw mong sabihin? Kasi magkasama talaga 'yung dalawa. Hindi ko alam kung sisinto-sinto si Yuka, pero mukhang ginagamit niya lang ang pagka-abnormal niya para agawin sa akin si William."
Tila naman nagpanting ang tenga ni Pen sa matalas na dila ng nobya ni William.
"'Wag na 'wag mong iinsultuhin ang alaga ko, kung ayaw mong sabihin ko kay William ang lahat ng sinabi mo."
Tumaas ang kilay Priyanka at tinignan si Pen mula ulo hanggang paa.
"As if matatakot mo ako. Katulong ka lang naman nila William, kaya anong karapatan mo para takutin ako?"
Inayos ni Pen ang suot na salamin at tinignan ng maigi ang babae.
"Katulong man ako pero kaya kang iwan ni William kung sasabihin ko sa kanya lahat ng sinabi mo. Sa bahay na ito ay hindi ako basta katulong, dahil bahagi na ako ng buhay nina Yuka at William. Kaya kung ayaw mong magsumbong ako, umalis ka na hangga't nakakapagtimpi pa ako."
Umirap si Priyanka at agad na tinalikuran si Pen. Napahinga ng malalim si Pen at napahawak sa dibdib. Kung hindi siya nakapagpigil ay baka nasampal na niya ang babae. Hindi kailanman niya makakaya na marinig na may umi-insulto kay Yuka. Sobrang awang-awa na siya sa alaga. Kung ang ibang tao ay ganyan ang nakikita kay Yuka, ay mas natatakot siya na iwanan ito.
-
"IS THAT WILLIAM's girlfriend?" tanong ni Yvo kay Yuri habang nakasakay sila ng kabayo.
"I think so.."
Hindi pinansin ni Yuri ang tanong ng kapatid at nagpatuloy sa pamamasyal sa buong lupain. Agad na pinatakbo naman ni Yvo ang kabayo palapit sa isang gate at biniswitan ang babae.
Napalingon si Priyanka at nakita niya ang isang lalakeng nakasakay sa kabayo. Bumaba ito sa kabayo kaya nakita niyang medyo matangkad ito, maputi, nahihilera sa itsura ni Shawn Mendez. Hindi man ka-level sa itsura ni William na isang greek god, masasabi niyang malakas ang appeal ng lalake.
"Ikaw ang girlfriend ni William, 'di ba?"
Humalukipkip siya at tinignan ang lalake. Napakagat siya ng labi.
"Yes."
Tinignan siya nito na parang hinuhubaran. Sino ba naman hindi mapapatingin, dahil halos bakat na bakat ang kurba ng katawan niya sa suot na fit red dress na may slit sa gilid at halos lumuwa ang dibdib. Nakadagdag pa sa nakakaakit na itsura ang mahaba't itim na itim na kinulot na buhok niya.
"Tama nga ang nakikita ko sa larawan. Napakaganda at napaka-sexy mo."
Napangiti naman siya sa compliment nito. Lumapit siya at humawak sa dibdib nito na kitang-kita dahil bukas ang tatlong butones ng suot nitong long sleeve na puti habang nakaitim na pantalon na fit rito. Para talaga itong senyoritong nangangabayo sa outfit nito.
"Thanks for the compliment." bulong niya at mapang-akit na tinignan ito.
Hindi naman na nag-alangan pa si Yvo at sinunggaban niya ang labi ng girlfriend ni William na pinagpapantasyahan niya. At lalo siyang nasiyahan ng tumugon sa kanya pabalik ang babae.
Para namang walang pakialam ang dalawa kung magpalitan ng halik. Agad na kinabig ni Yvo ang baywang ni Priyanka at hinawakan na ito sa maseselang nitong katawan.
"Opps!" pinigil ni Priyanka ang lalake at nginitian ito. Humawak siya sa leeg nito at hinaplos ang batok nito, "gusto mo ba akong matikman?"
"Of course.. Walang tatanggi kung kagaya mo ang titikman ko."
Humalik si Yvo sa leeg ni Priyanka kaya napangiti na napatingala ang babae sa pagiging mapusok ng lalake.
"Kung gano'n, may nais akong ipagawa sa 'yo." pinigil muna niya ito na ambang bababa na sana ang labi sa dibdib niya.
"Ano 'yon?" atat na atat na si Yvo na matikman ang babae. Tiyak niyang nagpapakipot lang ito. Sabi na nga ba niya at may kakaiba sa girlfriend ni William, hindi niya akalaing makakahalik agad siya.
"Gusto kong malaman kung sino ang kasama ni William sa ibang bansa?" Napikon naman si Yvo dahil si William pala ang pinag-uutos nito, "kapag nalaman mo kung sino, pagbibigyan kita."
Kumagat ng labi si Priyanka tila nang-aakit at pinalandas ang daliri sa pisngi ni Yvo bago makarating sa labi nito. Nilapit niya ang mukha sa lalake at pinakatitigan.
"Hihintayin kita sa condo ko.."
Matapos sabihin ni Priyanka 'yon ay tumalikod siya at ngumiti. Hindi na masama na patulan ang katulad ng lalake. Masarap itong humalik at tila magaling sa kama. Pero syempre, hinding-hindi niya ipagpapalit si William. Oras lang na malaman niyang si Yuka ang kasama nito, sisiguraduhin niyang aalisin niya sa landas nila ni William ang abnormal na si Yuka.
To be continued...