⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️
PINUTOL NA NI Eduardo ang video chat mula kay Pen. Tumingin siya kay Yuka na nakaupo sa hita niya at nakayakap tila miss na miss siya.
"William, tuparin mo sana ang sinabi mo. Dahil ikaw na lang ang inaasahan kong titingin kay Yuka oras na mawala na ako."
Kaya siya nasa Japan ay upang magpagamot. Malubha na ang kanyang sakit sa puso at palala nang palala ang sakit niya, kaya hangga't nabubuhay siya ay inaayos na niya ang lahat, pati ang kinabukasan ni Yuka.
"Pangako, Tito." tumango si William kaya nakahinga na siya ng maluwag at makakatulog ng payapa ang isip.
"Daddy, aalis ka po?"
Hinatak-hatak ni Yuka ang necktie niya kaya pinigil niya ito at pinisil sa pisngi.
"Hindi, Anak."
"Bakit po sabi niyo mawawala kayo? Magtatago po ba kayo? Maglalaro po tayo."
Umiling siya at niyakap ang anak dahil hindi niya mapigilan na mapaiyak.
"Mahal na mahal ka ni Daddy, Yuka. Kung na-protektahan ko lamang ang ina mo noon, sana ay hindi ka nagkaganito. Sana ay maayos ka niyang pinagbuntis."
"Wala po akong maintindihan. Huhuhu.. Bakit kayo iyak? Nabibigatan po kayo sa akin?"
Umalis siya ng yakap at tinignan ito. Hinawakan niya ito sa mukha at pinahid ang luha nito.
"Hindi, Anak. Kahit buhatin pa kita at kandungin magdamag ay hindi nabibigatan si Daddy. Masaya lang ako na makita ka."
Ngumuso ito, "Masaya po pero umiiyak po kayo."
Natawa siya sa pagkapilosopo nito kahit hindi naman nito sinasadya.
"Tears of joy, Anak."
Nakita niyang napaisip ito kaya tumingin siya kay William.
"Ikaw na ang bahala sa anak ko."
Tumango si William at tumingin kay Yuka na iniisip ang sinabi ni Eduardo.
"Tara na, Yuka." aya ni William rito kaya napatingin ito sa kanya.
"Aalis tayo, Kuya? Mamamasyal na tayo?"
Tumayo ito at tumalon sa tuwa dahil naalala ang pinangako niya.
"Yes, kaya tara na."
Agad na kumapit ito sa braso niya kaya natawa siya at tumingin kay Eduardo na tumango para ibigay ang pahiwatig na iuwi na niya si Yuka.
Inakay na niya ito palabas sa rest house ni Eduardo sa japan.
"Yuka, saan mo gustong pumunta?"
Ngumiti ito at humawak sa kamay niya, "Gusto ko kahit saan."
Napangiti siya at hinaplos ang ulo nito, "Okay. Kahit saan gusto ni Yuka, kaya dadalhin kita doon."
Masaya siyang hinatak nito kaya nagpahila siya. Gamit ang sasakyan ni Eduardo ay nagpunta sila sa alam niyang magugustuhan ni Yuka. Dinala niya rin ito sa disneyland. At nakita niya ang walang katumbas na kasiyahan sa mukha ng dalaga habang nililibot nila ang buong disneyland.
"Yuka, dito ka muna, bibili lang ako ng food natin."
Pinaupo muna niya ito sa bench dahil sa tagal ng nilakad nila ay baka pagod na ito. Pero sa klase ng energy nito ay mukhang hindi ito pagod, siya ata itong pagod sa kanilang dalawa.
"Okay!"
Umiling-iling siya at naglakad palapit doon sa nakita niyang bilihan ng pagkain. Umorder siya ng japanese noodles at baka magustuhan nito 'yon. Pagkabili ay bumalik agad siya pero nagtaka siya at kinabahan ng makitang wala si Yuka sa bench kung saan niya ito iniwan. Dali-dali niyang nilapag sa bench ang biniling noodles at agad na nilibot ang tingin sa buong paligid.
"Yuka!"
Hindi niya alam kung saan hahanapin si Yuka. Malaki ang disneyland at natatakot siya dahil hindi alam ni Yuka ang pasikot-sikot sa lugar.
Halos panlamigan siya sa takot at mabilis na hinahanap sa paligid si Yuka. Hindi niya alam ang gagawin. Nangako pa siya sa ama nito na iingatan at babantayan niya si Yuka, pero ngayon pa lang ay naiwala na niya ito.
"Huhuhu!"
Napahinto siya ng marinig ang iyak na 'yon. Agad na napatingin siya sa fountain at tila siya nakahinga ng maluwag ng makita si Yuka na umiiyak habang nakasilip sa tumatapong tubig ng fountain. Agad na nilapitan niya ito at hinawakan sa balikat.
"Kuya! Huhuhu.."
Agad na yumakap ito sa kanya kaya hinaplos niya ang buhok nito at likod para pakalmahin.
"Sshh. . .bakit umiiyak si Yuka?" marahan niyang tanong.
Umiling ito, "Ayaw ko. Magagalit ka sa akin."
"Hindi. Bakit naman ako magagalit sa 'yo?"
Suminghot-singhot na tinignan siya nito. Hindi niya mapigilan na titigan ito dahil kahit ata umiiyak ay maganda pa rin ito.
"Talaga? Hindi mo ako aawayin?"
Ngumiti na tumango siya, "Of course. Kailan ba kita inaway?"
Napaisip ito at ngumuso, "Nawala ko singsing."
Agad na bumitaw ito ng yakap sa kanya at tinago ang mga kamay sa likod nito.
"Ano?"
Agad na tinignan niya ang kaliwang kamay nito at wala nga itong suot. Napahinga siya ng malalim dahil kakasuot pa lang nito ng singsing ay naiwala na agad nito.
"Saan mo nawala? 'Di ba sabi ko 'wag mong huhubarin."
Sumimangot ito, "Sabi mo hindi mo ako away."
"Hindi kita inaaway, sinesermonan lang. Ngayon, saan mo naiwala ang singsing?"
Ginamitan niya ito ng maawtoridad na boses dahil kapag hindi niya gagawin 'yon ay magkakalakas ito ng loob na baliktarin ang sitwasyon at siya ang bibigay sa huli.
Ngumuso lalo ito at tinuro ang fountain. Napabuga siya ng hangin at lumapit sa fountain. Sinilip niya kung makikita niya ang singsing sa tubig.
"Sige, d'yan ka lang, lulusungin ko ito para hanapin ang singsing. 'Wag na 'wag kang aalis, kundi magagalit ako, okay?"
Tumango ito ng maraming beses kaya naupo siya para alisin ang sapatos at medyas. Pagkatapos ay tinaas niya ang dulo ng pantalon bago siya lumusong sa tubig. Yumuko siya para hanapin ang singsing. Hindi naman mahirap maghanap dahil steady lang ang tubig. Pero nangangamba siya na baka nahulog na sa butas ang singsing. Importante 'yon para sa kanya. Bigay niya 'yon kay Yuka.
"Kuya, nahanap mo na po?"
Tinignan niya ito at nagulat siya na nakaupo ito sa pader ng fountain. At ang kinagulat niya ay nakalagay sa magkabilang tainga nito ang medyas niya.
"Alisin mo nga ang medyas ko sa tenga mo."
"Bakit? Masama po ba?"
Lumapit siya rito para kunin ang medyas niya. Kahihiyan para sa kanya ang ginawa nito. Mamaya ay mabaho 'yon.
"Akin na."
Ambang kukunin niya ay agad na tumayo ito at bumaba sa tubig.
"Yuka!" nanlaki ang mata niya sa ginawa nito. Nabasa tuloy ang suot nitong sapatos na kulay puti.
"Bakit po ba? Hiram ko lang po, e."
Napahinga siya ng malalim at nilapitan ito, pero agad na lumayo ito at napahagikhik na nilayuan siya para hindi niya makuha. Kaya binilisan niya ang paghabol rito at panay ang tili nito kaya natawa siya.
"Waaah!"
Nag-alala siya at agad na nilapitan ito ng madulas ito at mapaupo. Agad na dinaluhan niya ito.
"Are you okay?" agad na tinignan niya ang katawan nito dahil baka napilay.
"Nawiwi ako."
"Huh?" tila namutla siya sa sinabi nito pero agad na tumawa ito.
"Joke lang! Hahaha! Takot si Kuya!"
Napahinga siya ng malalim at kinurot ito sa pisngi.
"Talaga naman. Tara na nga at baka lamigin ka pa."
Inalalayan niya itong tumayo at napatigil siya ng mapatingin sa kanang kamay nito.
"Heto ang singsing, ah."
"Hala! Paano po napunta sa kamay ko 'yan?"
Nagdikit ang mga labi niya at hinawakan niya ang pisngi nito bago pisilin sa sobrang gigil niya sa kapilyahan nito.
"Niloloko mo ako, ha."
"Hindi po." natawa siya dahil hirap 'tong magsalita dahil sa pagpisil niya sa pisngi nito.
"Don't do that again, okay?" tukoy niya sa pagwawala nito sa singsing. Tumango ito kaya binitawan niya ang pisngi nito. Namula agad ang balat nito kaya hindi niya mapigilang haplusin.
"Kuya, na-wiwiwi ako."
Napatigil siya sa ginagawa dahil sa sinabi nito. Agad na hinawakan niya ito sa balikat.
"Hindi na ba kaya?"
Umiling ito kaya luminga siya sa paligid para maghanap ng comfort room. Sa may building ay nakita niya ang nakapaskil na comfort room, kaya agad na inaya niya roon si Yuka.
"Sige, pumasok ka na, hihintayin kita rito."
Umiling ito, "Samahan mo ako. Si Yaya Pen palaging sama sa akin wiwi."
Namula naman siya at natawa, "Yuka, lalake ako, kaya hindi ako pwedeng pumasok at samahan kang mag-banyo. Sige na, kaya mo na 'yan. Baka ma-wiwi ka pa rito kapag hindi ka pa pumasok."
Ngumuso ito pero agad na tumakbo papasok ng comfort room. Napangiti na lang siya at napailing.. Pinagpag niya ang basang pantalon at pinatuyo muna ang paa bago sinuot ang sapatos na hinubad. Kung bakit ba kasi lumusong pa siya, hindi muna niya tinignang mabuti kung nasa kabilang kamay ba nito ang singsing.
"Idiot! Can't you see I'm still using this cubicle?"
Napabaling si William ng tingin sa comfort room ng makarinig ng sigaw. Napatigil siya pero agad na tumalima ng marinig ang iyak ni Yuka. Kahit nag-aalangan na pumasok ay wala siyang choice. Kailangan niyang malaman ang dahilan kung bakit umiiyak si Yuka.
Pagpasok niya ay nakita niya ang isang american na dinuduro-duro si Yuka, kaya agad na lumapit siya kahit na napapasinghap ang mga babae sa pagpasok niya.
"What's your problem to her?"
Agad na hinawakan niya si Yuka at dinala sa likod niya. Hinarap niya ang american na masama ang timpla ng mukha.
"She's so idiot! She don't have manners. What a abnormal girl."
Tumigas lalo ang mukha niya sa pinagsasabi nito kay Yuka.
"Don't insult her. I can sue you for insulting her."
"As if I'm scared! Go, sue me! After all it's her fault." mayabang na sabi ng american.
"Kuya, 'wag ka na away sa kanya. Alis na tayo."
Humihikbi-hikbi ito habang binabatak ang damit niya. Hinawakan niya ito sa kamay at tinignan ang american.
"We're not yet done."
Pagkasabi niya no'n ay hinila na niya si Yuka. Mabigat ang loob niya dahil kung sana sinamahan na lang niya si Yuka ay hindi ito makakatikim ng insulto at p*******t sa ibang lahi.
Pinaupo muna niya sa bench si Yuka at naupo siya para mapantayan ang mukha nito. Nakayuko ito kaya hinawakan niya ito sa baba at pinatingin sa kanya.
"I'm sorry," huminga siya ng malalim, "hindi ka na-protektahan ni Kuya."
Umiling-iling ito, "Ayaw ko na dito, Kuya. Uwi na tayo kay Daddy."
"Pero uuwi na rin tayo sa pilipinas. Maiiwan Daddy mo rito."
"Iiwan natin si Daddy? Ayaw ko. Gusto ko kasama si Daddy."
Lalo itong umiyak kaya inalo niya ito at pinunasan ang luha sa mukha nito.
"May gagawin pa kasi ang Daddy mo rito. Saka hindi mo ba nami-miss sila Lily at Yaya Pen? Sila, miss na miss ka na."
Napatigil ito sa pag-iyak, "Miss ko na silang lahat. Uwi na tayo."
Natawa siya sa mabilis nitong pagpapalit ng desisyon. Hinawakan niya ito sa ulo at ginulo ang buhok.
"Okay, uuwi na tayo." tumayo siya at tumayo na rin ito. Agad na kumapit ito sa braso niya kaya napangiti siya, "Let's go.."
To be continued...