⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️
"YURI, YOUR HOUSE is so big but there's no water in the pool?"
Nasa billiard house ng mansyon si Yuri kasama ang mga kaibigan nito at nobyong si Paul na nagpaalam na magbabanyo lang. Tutal wala siyang magawa kaya inimbitahan niya ang mga friends niya.
"Pinaalis ni Daddy ang tubig."
Nagbabasa siya ng libro habang ang mga nobyo ng friends niyang mga babae ay nagbi-billiard.
"Huh? Bakit pinaalis?" curious na tanong ni Monica habang sumisimsim ng alak.
Nilipat ni Yuri ang page ng book kahit na wala siyang maintindihan sa binabasa dahil sa pagtatanong ni Monica.
"Well, dahil sa anak sa labas ni Daddy."
Huminto naman si Jeff sa pagbi-billiard at tinignan si Yuri.
"Narito rin sa pamamahay niyo ang anak sa labas ng dad mo?"
Nilapag niya ang libro sa lamesa niya dahil nawalan na siya ng gana magbasa dahil sa pagtatanong ng friend niya. Kumuha siya ng alak at uminom. Nilagok niya ang isang baso bago siya tumayo at humarap sa malaking glass wall.
"Well, kagustuhan ni Dad 'yon. Pero kung kami ang masusunod, baka niligaw na namin ang isip batang 'yon."
"That's great idea, Yuri. Iligaw niyo ng wala na kayong problema." suhesyon ni Monica.
"Hindi gano'n kadali 'yon, Monica. Twenty-four hours atang may matang nakatingin kay Yuka. At kapag ginawa ko 'yon ay ako ang malilintikan kay Daddy."
"Edi gumawa ka ng paraan para hindi malaman na ikaw ang magliligaw sa kanya. Kung gusto mo ay tulungan ka namin?"
Ngumisi si Monica na tumingin sa boyfriend na si Troy at kabarkada nitong naglalaro ng billiard. Napaisip naman si Yuri. Matagal na siyang nagtitiis sa pagiging favorite people ni Yuka.. Ang Daddy niya ay palaging ito ang nakikita. Palagi ito ang pinapaburan. Palaging pinapagalitan sila ni Yvo kapag nasaktan lamang ito dahil sa kanila. Punong-puno na siya at hinihiling na sana ay mawala na lang ito.
"Anong meron rito?"
Napalingon sila sa dumating. Si Paul na lumapit sa kanya at yumakap.
"Nagpaplano kami na iligaw si Yuka. Hindi pa pumapayag si Yuri sa idea namin." Si Monica ang nagsalita.
Tumingin si Paul sa nobya at hinawakan ito sa baywang habang tinitignan.
"Totoo ba? Nais mong iligaw si Yuka?"
Napahinga ng malalim si Yuri sa tanong ng nobyo niya.
"Hindi pa ako makapag-decide. Dahil kapag ginawa ko 'yon ay galit ni Daddy ang magiging kapalit."
"Tutulungan ka nga namin, Yuri. Paplanuhin natin kung paano mo maaaya si Yuka na sumama sa 'yo ng walang makakakita."
"Babe, kung kailangan mo ng tulong ko para ma-dispatya ang kapatid mo, sabihan mo lang ako, tutulungan kita."
Ngumiti si Yuri at humarap kay Paul bago yumakap. Kaya mahal na mahal niya ang nobyo dahil napaka-supportive nito at never na sinaktan siya. Pumikit siya at nakapag-isip na siya. Gagawin niya ang nais ng mga kaibigan. Gusto na niyang mawala sa landas niya si Yuka. Mula ng teenager siya ay wala nang mas mahalaga sa mansyon kundi si Yuka. Puro Yuka ang bukang bibig ng mga tao sa bahay. Puro ito ang inaalala. Puro ito ang pinoprotektahan ng Daddy niya. Ni minsan hindi siya nakatanggap ng special na regalo sa Daddy niya. Mabuti pa si Yuka, lahat ng gusto nito ay binibigay, kaya nga mas lalong lumalim ang inggit na nararamdaman niya sa kapatid hanggang maging ganap siyang dalaga at mag-matured.
-
"YUKA, GUMISING KA na. . ."
Mahinang niyugyog ni William ang mahimbing na natutulog na dalaga. Naalimpungatan ito at nagkusot ng mata na dumilat at tumingin sa kanya.
"Kuya William, antok pa ako. Hindi pa oras ng play."
Ibig niyang matawa dahil akala ata nito maglalaro sila. Yumakap ito kay Lily at muling pumikit kaya napailing siya.
"Ayaw mo bang sumama kay Kuya? May pupuntahan tayo."
Dumilat naman itong muli at agad na bumangon. Tila nagising ang diwa nito nang sabihin niyang aalis sila.
"Talaga po?" kaya tumango siya sa paniniguro nito, "Yehey! Aalis tayo. Saan po tayo pupunta?"
Ngumiti siya at sinuot rito ang bonnet na binili niya na nahulog sa pagkakahiga nito.
"Basta. 'Wag ka lang maingay, okay?"
Tumango-tango ito kaya napangiti siya at inakay na ito. Natawa siya ng pilit nitong inaabot ang balikat niya tila nais na magpakarga. Ganito si Yuka kapag tinatamad. Kaya medyo bumaba siya at agad na sumampa ito sa likod niya at kumapit sa leeg niya.
"Yehey!"
"Kapit maigi at 'wag maingay, okay?"
Naramdam niya ang pagtango nito ng maraming beses kaya maiging hinawakan niya ang mga hita nito para hindi mahulog. Lumabas na sila ng silid nito at tinignan muna niya ang labas kung may tao. Nang wala siyang makita ay lumabas sila habang buhat niya si Yuka.
"Ay! Si Lily naiwan." sabi nito bigla.
"Sshh.. Hayaan muna natin iwan si Lily. Inaantok pa siya."
"Ako man antok pa."
Napangiti siya nang maghikab ito, "Sige, matulog ka muna sa balikat ko."
Agad na sinusunod siya nito at yumakap sa leeg niya bago niya maramdaman ang pagsandal ng ulo nito sa balikat niya. Kaya naman ay maingat na naglakad siya na hindi lumilikha ng anumang ingay.
May kikitain silang tao na importante para ma-protektahan niya si Yuka habang buhay. Hindi siya mapakali hanggang may mga tao sa paligid nito na handang gawan ito ng masama. Poprotektahan niya ito sa abot ng makakaya niya.
Paglabas sa gate ng mansyon ay may humintong limousine sa harap nila. Agad na pinagbuksan siya ng lalake kaya maingat na sinakay niya si Yuka bago siya sumakay.
"Ano ba 'tong binabalak mo, William?" tanong ng inaantok na manager niya na nakapantulog pa.
"Kailangan kong magpunta sa japan ngayon din. At kailangan ko ng chopper kaya alam kong kaya mong gawin na kumuha ngayon din."
"Oh my God, William! Anong oras pa lang ngayon? Hindi ba pwedeng hintayin muna nating magliwanag?"
Isang gay ang manager niya na tinuring na rin niyang kaibigan. Ito rin ang nag-alok sa kanya noon para mag-artista kaya narating niya ang kinalalagyan niya ngayon.
"Hindi pwede, Charlie. Importanteng tao ang sadya ko sa japan, kaya pakiusap tulungan mo ako."
Walang magawa ito kundi ang pumayag dahil ramdam sa boses niya ang ka-desperaduhan. Tumingin siya kay Yuka na yumakap sa kanya kaya inakbayan niya ito at inayos ang bonnet nito.
"Bakit nga pala kasama mo ang kaibigan mo?" nakataas ang kilay na tanong sa kanya ni Charlie.
"Isasama ko siya sa japan." simpleng sabi niya.
"At bakit?" umayos ito ng upo, "umamin ka nga sa akin, William, may namamagitan ba sa inyo ng kaibigan mong 'yan? Naku, William, 'wag na 'wag mong sasabihin sa akin na tama ang hinala ko, kundi, kakalbuhin talaga kita."
Natawa siya paghi-histerikal nito. Ayaw na ayaw nitong gagawa siya ng kahit na maliit lamang na problema patungkol sa showbiz, dahil kahit maliit daw ay lumalaki, kaya masyado itong paranoid na ma-issue siya.
"Calm down, Charlie." huminga siya ng malalim at tumingin kay Yuka, "sa ngayon ay wala akong masasabi d'yan, pero sana kung anong magiging desisyon ko ay suportahan mo ako. Pangako na hindi kita bibigyan ng problema."
"Naku, siguraduhin mo lang na hindi problema ang hatid niyang plano mo. Ayokong masira ang career mo."
Hindi na lang siya umimik dahil desidido na siya sa plano niya. Sana lang ay pumayag ang taong pupuntahan nila Japan para mas magkaroon ng saysay ang lahat.
-
NAGKAKAGULO NAMAN SA mansyon dahil nawawala si Yuka. Hindi mapakali si Yaya Pen na kahit na kakagaling lamang sa ospital ay tumayo para tumulong na hanapin si Yuka.
Kakalabas lamang ni Yuri at Yvo mula sa kanilang kwarto ng makitang hindi magkandaugaga ang mga kasambahay at guard.
"Anong meron?" tanong ni Yvo.
"Yvo, nawawala si Yuka. Paggising ko ay pinuntahan ko siya sa kwarto niya ngunit wala doon. Kanina pa namin siya hinahanap at tinatawag ngunit hindi siya nagpapakita."
Nagkatinginan naman ang dalawang magkapatid. Natuwa man sa kanilang nalaman ngunit si Yuri ay nagtataka. Kagabi lamang ay pinaplano niyang mawala si Yuka, ngunit hindi niya akalain na mangyayari 'yon kahit wala siyang ginagawa.
"I think this is the best day for me, Ate."
Ngumiti si Yuri, "Yeah. Same with me."
Hindi pinansin ng dalawa ang pagkakagulo ng mga kasambahay. Sinundan naman ng tingin ni Pen ang dalawang magkapatid na tila walang pakialam kung nawawala si Yuka. Nakaramdam siya ng awa sa alaga dahil wala man lang malasakit ang mga kapatid nito. Nalulungkot siya dahil wala man lang nagmamalasakit ritong kamag-anak bukod sa ama nito.
"Manang Pen, hindi po kaya kasama siya ni Sir William?"
Napatingin siya sa katulong na si Ruby. Bigla ay nagkaroon siya ng pag-asa na baka nga kasama ni William ang alaga. Pinapuntahan niya kay Ruby si William sa kwarto nito at baka nandoon lang ang binata at baka nga nandoon lamang si Yuka. Minsan ay hilig ng alaga na makitulog sa Kuya nito.
"Wala ho sa kwarto niya si Sir William, ngunit nag-iwan ho siya ng sulat."
Agad na binasa ni Pen ang sulat na galing mismo kay William.
Dear Yaya Pen,
Mawawala lang ho ako sandali dahil may business trip ako sa japan. Babalik din ako.
"Wala siya. Kung ganoon ay nasaan si Yuka?"
Halos manghina si Pen sa pag-aalala. Kaya wala na siyang choice kundi tawagan si Eduardo thru video call.
"Oh, Pen, napatawag ka?"
Nakita niya ang masayang mukha sa screen ng t.v si Eduardo. Pinabuksan niya sa katulong ang video call dahil hindi naman siya marunong gumamit no'n.
"Nawawala si Yuka. Hinanap na namin kahit saan ngunit hindi namin mahanap. Sinabi na rin namin ito sa pulisya ngunit hanggang ngayon ay wala pa silang lead."
"Relax, Pen.. Hindi nawawala si Yuka."
Nagtaka naman siya sa sinabi nito. At ang pagtataka niya ay napalitan ng gulat ng biglang bumulaga sa screen si Yuka.
"Hello, Yaya! Hihihi!"
"Surmayosep! Anong ginagawa mo d'yan bata ka?"
Para siyang aatakihin sa pinaggagawa ng mag-ama sa kanya. Buong akala niya ay nawawala ang alaga, 'yun pala ay na kay Eduardo lang pala ito nagpunta.
"Hihihi! Gulat si Yaya, Daddy."
"Pinasyal lang ako ng anak ko. Hindi ko naman alam na hindi mo pala alam."
"Hay, naku! Sana ay tinawag niyo sa akin. Aatakihin ako sa puso sa sobrang pag-aalala."
"Yaya, 'wag na po ikaw galit. Pangit po kayo kapag galit."
"Talaga namang bata ka, oh." hindi mapigilan ni Pen na mapangiti sa sinabi ni Yuka.
"Oo nga pala, tungkol sa nais mo, Pen. Patawad ngunit hindi ako pumapayag sa nais mo."
Nagtaka si Pen, "Huh? Akala ko ba pumapayag ka na? At para kay Yuka rin ang nais ko."
"Alam ko, alam ko. . . Pero may solusyon na ako tungkol doon. Kaya 'wag mo nang alalahanin kung paano si Yuka kapag oras na wala na tayo sa tabi niya."
Napahinga siya ng malalim at tumango sa desisyon ni Eduardo. Kung totoo ang sinabi nito na may solusyon na ito sa lahat ng inaaalala nila ay hindi na siya tututol pa. Mas alam pa rin ni Eduardo ang gagawin sa anak nito kesa sa kanya.
To be continued...