Six

3033 Words
⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️ NAKASIMANGOT SI YUKA habang dinuduyan ang mga paa at nakaupo. Nasa hospital pa rin ito at binabantayan ang Yaya Pen niya. Nakasimangot siya dahil hindi pa dumadating si William. Sabi nito ay sandali lang ito, pero hindi pa rin bumabalik kahit nakatulog na siya. "Hala! Baka kinain nang monster si Kuya William. Waaah! Ayoko mawala si Kuya! Ayaw ko!" "Oh, Yuka! Anong nangyari sa 'yo? Bakit ka umiiyak?" Napatingin siya kay Doc Geoff. Tumayo siya at hinawakan ito sa dulo doctor uniform nito. "Kinain na si Kuya William ng monster! Hanapin natin si Kuya William." Napangiti naman si Geoff at agad na inalo si Yuka na umiiyak. Napakamaalahanin pala ng dalaga. Naiinggit siya kay William at meron itong Yuka na nag-aalala kahit na mayroon itong kapansanan. "Hindi, Yuka, walang monster. Nagpunta lang si William sa girlfriend niya para makasama. Baka mamaya pa bumalik 'yon o bukas." Napahinto naman si Yuka sa pag-iyak at sumimangot. Natawa na lang si Geoff at napangiti ng may naisip para malibang sa hospital si Yuka. "Yuka, maraming palaruan rito para sa mga batang may sakit. Gusto mo bang dalhin kita doon?" Tila naman nagkislapan at natuwa ang mga mata nito sa sinabi niya. "Laro tayo? Yehey! Sige, laro tayo. Tapos isali natin si Lily!" Tumango siya at inaya ito. Tinignan muna niya ang kanyang nanay na ngumiti sa kanya. Napansin niyang gising na ito ngunit hindi ni Yuka. Na-check up na niya ito at pati ni Doctor Mundo ang lagay ng kanyang ina. Bumuti na ang pakiramdam nito kaya tiyak na makakauwi din ito agad. "Yehey! Duyan! Gusto ko sumakay ng duyan!" Nagtatalon at masayang lumapit si Yuka sa duyan. Nasa labas ito ng hospital sa pinaka-garden kung saan ay makakalanghap ng hangin ang mga pasyente. "Teka, Yuka, iduduyan kita at baka mahulog ka." "Yehey! Duyan mo ako, Doctor Pogi!" Natuwa siya sa tinawag nito sa kanya, "Doctor Pogi?" "Opo! Doctor pogi po tawag sa doctor, 'di ba po?" "E, bakit pogi?" "Kasi kasing pogi niyo po si Pogi." Napakuno't noo siya at mahinang dinuyan ito, "Sino naman si Pogi?" "Aso ko po. Malaking aso po." Napahinga siya ng malalim at napailing dahil bakit ba pinutulan niya ang sinabi nito. Akala pa naman niya. . .. Umiling muli siya at napangiti na lang. "Yuka, anong ginagawa mo sa araw-araw?" curious siya kung ano nga ba ang ginagawa ng mga tulad nito. Pero siguro isa na ang pagnanais na maglaro. "Ginagawa po?" nakita niyang napaisip ito at ngumiti, "ginagawa ko po mag-duyan." Natawa siya, "I mean ano 'yung kahapon mong ginawa hindi ngayon." "Ahhh.." napaisip muli ito at sumaya ang mukha, "kasama ko po si Kuya William. Tapos ganito gawa niya sa trabaho niya." bumaba ito sa duyan kaya tinigil niya sa bigla. Nagulat siya ng lumapit sa kanya si Yuka at hinalikan siya na kinalaki ng mata niya, "kinain nung babae labi niya habang madaming tao.. Tapos takbo ako labas kasi may monster sa tummy ko. Iyak ako tapos aya ako ni Kuya William kumain sa maraming spaghetti, fried, at ice cream!" Habang nagsasalita si Yuka ay tila nagulantang ang buong pagkatao ni Geoff dahil sa halik nito. Tumikhim siya ng biglang hatakin ni Yuka ang doctor's coat niyang suot. "Hala! Anong nangyari sa 'yo, Doc! Waaahhh! Bad ko! Bad! Ayaw mo rin salita kasi kain ko lips mo!" Umiyak ito kaya lalong natauhan si Geoff at agad na inalo ito. "Hindi, ayos lang ako, Yuka. Nabigla lang ako.." Napatigil naman ito sa pag-iyak at humawak sa braso niya bago niyugyog. "Akala ko ay bingi ka na rin kagaya Kuya William. Huhu ayaw ko gano'n." Napangiti siya at tinapik-tapik ang ulo nito. Napakainosente ni Yuka para malaman ang gano'ng bagay. Dapat ay hindi sinasama ni William ito sa trabaho nito. Alam niyang sikat na artista si William dahil embassador ito ng isang brand ng gamot sa hospital kung saan siya nagtatrabaho. "Hindi. 'Wag ka nang umiyak. Gusto mo ay kumain na lang tayo tapos bumalik na rin tayo kay Nanay." Napangiti ito, "Yehey! Kain ulit ako! Gusto ko ulit kain!" Natawa siya at inakay na ito. Panay ang talon nito habang naglalakad sila tila masayang-masaya. Napakamasiyahin nga nito gaya ng paglalarawan ng kanyang Nanay rito. Nadulas ito kaya nagulat siya at agad na dinaluhan ito ng mapaupo ito. "Waaah! Ang sakit! Huhu.." "Ayos ka lang, Yuka? May sumakit ba sa 'yo?" nag-alala siya na baka napilay ito sa lakas ng pagbagsak nito. "Hindi na po!" bigla itong tumayo at tumalon-talon, "naalala ko sabi ni Yaya Pen pangit ako kapag umiiyak. Kaya hindi ako iiyak." Napahinga siya ng malalim at tumayo mula sa pagkakaluhod. Napailing siya dahil tila lahat ng sinasabi rito ay naalala nito at sinusunod. Masunuring bata gaya ng sabi ng kanyang Nanay. "Ganyan ka ba talaga? Sumusunod sa sinasabi ng iba?" Lumingon ito at nabigla siya ng magseryoso ito. Pero bigla itong ngumiti na kinalunok siya. "Bad po ba kapag hindi sunod?" Napahinga siya ng malalim, "Hindi. I mean palagi ka bang sumusunod sa sinasabi ng iba?" "Opo! Good girl po ako kasi ayaw ko po magalit sa akin lahat ng tao. Saka ayaw ko po iwan nila ako kasi hindi ko alam gagawin ko." Tila siya natigilan at napatitig dito. Kahit sa isip bata na isip nito ay nalalaman nito ang kahihinatnan nito oras na iwan siya ng mga taong nasa paligid nito. Yuka deserved a person who will stay with her forever. Dahil kung hindi, kawawa ito. "Yuka, 'wag kang mag-alala.. Kapag walang natira sa 'yo, ako ang puntahan mo at lapitan, okay?" Nasa isip naman ni Yuka ay ang sinabi ni Geoff na walang matitira rito. "Bakit po? Mauubos po ba ako? Waaah! Mapuputol po katawan ko? Huhu.. Ayoko po gano'n!" Natawa si Geoff at napailing bago guluhin ang buhok nito. Ang cute nito. Kanina pa siya natatawa sa bawat sabihin at gawin nito. Kaya hindi niya masisisi ang ina kung bakit mas pinili nitong alagaan ang tulad ni Yuka. At sa nakikita niya ay si Yuka ang nagbibigay kasiyahan sa nanay niya. "'Wag mo nang intindihin ang sinabi ko. Basta katulad ni William ay narito ako para sa 'yo." - NALAMAN NI WILLIAM na na-discharge na si Yaya Pen. Kaya sa mansion na siya tumuloy pagkauwi niya mula sa tagaytay sa family gatherings ng pamilya ni Priyanka. Hindi niya akalain na aabot ng dalawang araw ang pag-stay niya doon. Halos bagot na bagot siya at nais ng umuwi, ngunit inaalala niya si Priyanka na tiyak na magtatampo na naman kung uuwi siya agad. Pero nauwi din naman sa pag-aaway ang pag-stay nila dahil sa pagiging makasarili ni Priyanka. "Welcome back, Sir William." Ngumiti siya sa mga kasambahay na pinagbuksan siya ng gate. Bumaba siya ng motor habang inaalis ang gloves sa kamay. "Nasaan si Yuka?" Si Yuka agad ang hinanap niya dahil may pasalubong din siya para rito. "Naku, wala po.." Napakuno't noo siya sa sinabi nito, "Huh? Paanong wala? Saan siya nagpunta?" Hindi kaya ay nawawala ito? Bigla ay kinabahan siya. Bakit wala man lang nagsabi sa kanya kung nawawala nga ito? "Kasama po ni Doctor Geoff, 'yung anak po ni Manang Pen." Napakuno't noo siya lalo, "Saan sila nagpunta?" Ang pananabik na makauwi at makita ito ay nawala. Wala naman pala sa bahay ito na inaakala dadatnan niya. "Hindi ko po alam.. Pinasyal po dahil nalulungkot si Ma'am Yuka. Kanina pa po, baka pauwi na rin ang mga 'yon." Tumango siya at hindi na umimik. Pumasok siya at umakyat sa taas para kamustahin si Yaya Pen. "Oh, William, mabuti at nakauwi ka na pala." Hinawakan niya ito sa kamay at inalalayan na maupo mula sa pagkakahiga nito. "Oho. Pasensya na at hindi na ako nakadalaw sa inyo muli sa hospital." Ngumiti ito at tinapik ang kamay niya, "Ayos lang 'yon." "Kumusta na nga po pala kayo? Anong sabi ni Geoff sa lagay niyo?" "Ayos na ako, Hijo. Nanikip lang ang dibdib ko dahil sa init na rin ng panahon. Magpahinga na lang daw muna ako at huwag ng masyadong gumalaw muna." Nakahinga naman siya ng maluwag at ngumiti rito. "Natagalan ka ata sa iyong pag-alis. Alam mo ba na ang haba nang nguso ni Yuka dahil inis daw siya sa 'yo dahil hindi ka pa daw umuuwi. Sabi mo raw ay sandali ka lang pero ang tagal mo raw pala umalis." Napangiti naman siya ng pag-usapan nila ang kinatatampo sa kanya ni Yuka. "Talagang si Yuka. Matandain sa lahat ng sinasabi sa kanya. Gusto ko na ho sanang umuwi din agad noong araw na 'yon, kaso ayaw pa umuwi ni Priyanka." "'Yung girlfriend mo ba na 'yon ay 'yung artistang maganda?" "Oho." "Mahal mo ba?" Nagtaka naman siya sa tanong nito pero natawa na tumango siya. "Opo naman." "Kung gano'n ay may balak na ba kayong magpakasal? Kung sakali pala ay aalis ka rito, dahil hindi naman papayag 'yon kung hindi." Umiling siya, "Wala pa ho sa isip ko ang bagay na 'yon, Yaya Pen." "At bakit naman? Nasa wastong edad ka na at kumikita naman ng malaki at gano'n din ang nobya mo. Anong pumipigil sa 'yo para gawin 'yon?" Natigilan naman siya at hindi masagot ang katanungan nito. Ano nga ba ang pumipigil sa kanya? Tama ito na nasa wastong edad siya at maging si Priyanka. Kaya rin niyang buhayin ang isang pamilya kung sakali. Anong pumipigil sa kanya para magpatali kung mahal naman niya si Priyanka? "Dahil ba kay Yuka?" Napatingin siya kay Yaya Pen mula sa lalim ng pag-iisip niya ay natagalan pala siya na tugunan ang katanungan nito. "Ho?" Ngumiti ito ng mapait, "William, alam kong masyado kang nag-aalala kay Yuka na iwanan ito dahil sa ',yo nakasandal ang bata. Pero kung palaging gano'n ay baka kaligayahan mo ang masakripisyo. Ako man ay natatakot iwan si Yuka, lalo na nung ma-ospital ako. Akala ko mawawala na ako. Alam mo ba na hiniling ko na sana 'wag muna akong kunin ng diyos, dahil inaalala ko si Yuka. Kawawa ang bata dahil kung mawawala ako ay iniisip ko kung sino ang magpapatuloy ng ginagawa ko na hindi ito sasaktan. Alam nating pareho na ang pamilya niya sa step mother side niya ay malupit sa kanya. Matanda na rin si Eduardo. Paano kung maiwan sa kamay ng stepmother niya ang pangangalaga sa kanya? Iyon ang kinatatakot ko. Kaya nga nais kong kausapin si Eduardo. Hihilingin kong pumayag siya na pakasalan ng anak ko si Yuka. Nakita kong naging panatag ang loob ni Yuka kay Geoff. At wala namang maipipintas sa anak ko dahil pinalaki ko itong mabuti. At hiniling ko 'yon kay Geoff, at sabi niya ay kung ano ang makakabuti kay Yuka ay tatanggapin niya. Sumaya ako dahil kung mawala man ako ay alam kong si Geoff ang titingin kay Yuka.. Kaya kung ano man ang plano mo sa buhay, William, gawin mo ng hindi inaalala si Yuka. Nakita kong napakalaki nang sinakripisyo mo para sa kanya. At alam ko na kahit gano'n si Yuka ay mauunawaan niya na aalis ka rin balang araw sa tabi niya." Halos hindi maproseso ni William ang sinabi ni Yaya Pen. Nahirapan siyang makalunok at makapagsalita sa sinabi nito. 'Yun nga ang isa sa iniisip niya, 'di ba? Kung sino ang titingin kay Yuka oras na umalis siya sa tabi nito. Ngayon ay nagkaroon ng kasagutan lahat, maaaari na siyang sumama kay Priyanka ano mang oras. Pero bakit parang isang bombang sumabog sa dibdib niya ang lahat ng bubulaga sa kanya? Bakit ayaw niya ng idea'ng ikakasal si Yuka kay Geoff upang sa hinaharap ay may titingin at mag-aalaga rito? "Kuya William!" Nawal siya sa iniisip at agad na napalingon sa pinto ng marinig ang boses ni Yuka. Napatayo siya at agad na tumakbo ito palapit sa kanya at yumakap. Hindi niya mapigilan na tugunan ang yakap nito at sobrang higpit ng yakap niya rito na parang ayaw niyang pakawalan ito. Napapikit siya at pinakiramdaman ang idea'ng bibitawan niya ito at ibibigay sa iba. Lalong nanikip ang dibdib niya kaya mas humigpit ang yakap niya rito. "K-kuya, hindi po ako makahinga." Napamulat siya at agad na niluwagan ang yakap rito. Hinawakan niya sa balikat si Yuka at pinagmasdan ito. Sa ilang araw niya sa tagaytay ay naiisip niya parati ang mukha nito. Ang bawat expression nito tuwing magsasalita o may gagawin ito. Hindi mawaglit ni minsan sa isip niya si Yuka. At ngayon ay iba ang kabog ng puso niya sa takot na baka hindi niya makita araw-araw ang mukha nito, ang expression nito, lahat ng ginagawa nito, at ang palagi nitong pagsalubong sa kanya na walang katumbas na saya. "Kuya, ayos ka lang ba? Hindi mo ba ako kilala? Ako si Yuka. Huhu.. Doc Geoff, nakalimutan na ako ni Kuya. Tagal niya kasing nawala, baka nakalimutan na niya ako." Napatingin siya kay Geoff na ngumiti na lumapit sa kanila. Napahigpit ang hawak niya kay Yuka at hinawakan niya ito sa pulso. "Natigilan lang siguro siya kasi nagulat sa 'yo," sabi nito kay Yuka at tumingin sa kanya, "kamusta na nga pala, William?" Tumango siya, "Ayos lang." Bigla ay parang gusto niyang ilayo rito si Yuka. Napahinga siya ng malalim at tumingin kay Yuka. "Yuka, may pasalubong ako sa 'yo. Kung gusto mong malaman ay halika sa kubo, doon ko ipapakita sa 'yo." Mula sa paglalaro sa manika nitong Lily at pagsubo sa lollipop na kinakain nito ay napangiti ito na tumingin sa kanya. "Talaga? Yehey! Penge pasalubong. Gusto ko pasalubong." Napangiti siya, "Oo, ibibigay ko. Tara." Agaran itong tumango kaya tumingin siya kay Geoff na ngumiti at tumango. Kaya inakay na niya si Yuka palabas ng kwarto ni Yaya Pen. "Kuya William, ano pasalubong mo sa akin? Gusto ko nang makita." Tinignan niya si Yuka habang inaakay niya itong maglakad palabas ng mansyon para pumunta sila motor niya dahil nakasabit pa ang pasalubong niya doon. "Mamaya nga. Huwag makulit." pinisil niya ito sa ilong kaya sumimangot ito na kinatawa niya. "Aray ko! Huhu! Bad ka!" Nang bitawan niya ang ilong nito ay agad itong napahawak sa ilong nito. "Ang kulit mo kasi." "Kapag makulit pipisilin sa ilong?" Natawa siya sa tanong nito. "Oo. Pero ako lang pipisil sa 'yo." "Hindi pwede kahit si Doc?" Nagsalubong ang kilay niya sa pagbanggit nito kay Geoff. "Bakit mo naman nabanggit si Doc Geoff?" "E, kasi ang bait-bait ni Doc Geoff. Lagi niya akong pinapasaya nung wala ka. Tapos kinukurot din niya ako sa ilong kasi cute daw ako." Napatiim-bagang siya at huminto ng makalapit sila sa motor. "Uy, Kuya? Hindi mo ba ako naririnig? Bingi ka ulit?" Napahinga siya ng malalim at ngumiti na inilingan ito. "Hindi, may iniisip lang. Anyway, gusto mo bang kumain sa labas?" Agad na umiling ito, "Kumain na ako. Busog na busog ako kasi daming order ni Doc Geoff na pagkain para sa akin." Tila napatagal ang pagkawala niya para makagaangan ng loob ni Yuka si Geoff. Inis na inis siya kung bakit hindi siya umuwi agad. Kung umuwi siguro siya agad ay hindi mababaling sa iba ang atensyon ni Yuka. "Kung gano'n ay ipapasyal na lang kita. Tapos doon ko ibibigay ang gift ko sa 'yo sa pupuntahan natin." Nakita niyang napaisip ito at ngumuso, "Nakapasyal na ako, Kuya. Pagod na ako kasi dami din naming pinuntahan. Hihihi. Ang saya-saya sa pinuntahan namin, kasi daming laruan at sakayan." Napahinga siya ng malalim at inaya na lang ito sa kubo. Pagkaupo sa swing ng kubo ay inabot niya rito ang pasalubong niya na agad naman nitong kinuha. "Wow! Ano 'to, Kuya?" Natawa siya sa reaksyon nito. Akala niya ay alam na nito ang nakita dahil sa tuwa sa reaksyon nito, 'yun pala ay hindi. "Bonnet strawberry. Hindi ba't favorite mo ang strawberry?" "Opo. I love strawberry." Hinaplos niya ang buhok nito, "Ikaw ang naisip ko ng makita ko 'yan sa isang pamilihan doon. Isuot mo 'yan kapag mamasyal ka sa malamig na lugar." Sinuot nito ang bigay niya pero halos matawa siya dahil baliktad. Inayos niya ang pagkakasuot nito sa ulo at nang tumingala ito sa kanya ay napatitig siya rito. Bagay na bagay rito ang pink na strawberry bonnet. Lalo itong gumanda. "Kuya, bakit po?" Umiwas siya ng tingin at hinalikan ito sa noo. Pumikit siya at niyakap ito. "Yuka.." may nais siyang sabihin ngunit hindi niya masabi rito. "Kuya, inaantok ako.." Napadilat siya at agad na tinignan ito. Napahikab ito habang napapatakip sa bibig ang kamay. Ngumiti siya at pinasandal ito sa kanya. "Sige, matulog ka, akong bahala sa 'yo." Tila naman magic words ang sinabi niya at agad na pumikit ito at yumakap sa kanya. Pinagmasdan niya ito at habang tinitignan niya ito ay bumibilis ang t***k ng puso niya. Bakit napaka-unfair ng buhay? Bakit kay Yuka binigay ang kapansanang hindi nito nararapat? Sa kabutihan nitong tinataglay ay deserve nitong maging normal. "Hmm, Kuya, 'wag mo akong iwan.." Tumingala siya at bumuga ng hangin. Gusto niyang isigaw ang lahat ng iniisip niya para gumaang ang loob niya, pero hindi niya magawa dahil baka lumabas sa bibig niya ang mismong katotohanan. Tumingin siya kay Yuka at maingat na binuhat ito. Buhat-buhat niya ito para ipasok sa mansion at dalhin sa kwarto nito. Napahinto siya ng masalubong ang nobyo ni Yuri. Tinanguan niya ito at nilagpasan.. "Bro, magkatabi lang ba ang kwarto ni Yuri at ni Yuka?" Napahinto siya sa tanong nito. Nilingon niya ito at tinignang mabuti. "Hindi. Dadaan ka muna sa kwarto ko bago mo mapuntahan ang kwarto ni Yuka. Kung hanap mo ang kwarto ni Yuri, nasa kabilang parte ng mansion." Tumawa ito, "Chill ka lang, Bro. Nagtatanong lang ako, dahil hindi ko alam ang kwarto ni Yuri o Yuka. Baka mali pa ang mapasukan kong kwarto," pagkaraa'y ngumisi ito. "Sa tagal mong paparito't paparoon, hindi mo pa rin kabisado ang kwarto ng nobya mo? Sinong niloko mo?" Nawala ang ngisi nito kaya tinalikuran na niya ito dahil baka magising pa si Yuka. Hindi niya alam ang intensyon ng nobyo ni Yuri, pero malakas ang kutob niya na may binabalak ito kay Yuka. Hindi niya pahihintulutang mangyari 'yon. Poprotektahan niya si Yuka sa abot ng makakaya niya. Hiniga niya si Yuka sa kama nito ng makarating sila room nito. Maingat na kinumutan niya ito bago siya maupo sa gilid nito at pinagmasdan si Yuka. "Yuka, ayokong may iba kang sasandalan. Parang gusto kong ipagdamot ka pero paano ko gagawin?" Nabigla siya ng magising si Yuka. Ngumiti ito habang pikit-pikit ang mga mata. Hinawakan siya nito sa kamay. "Kuya, bantay mo ako, ha? Antok na ako.." Ngumiti siya rito at tumango, "Oo, babantayan kita hanggang makatulog ka. Hindi ako aalis sa tabi mo." Nakatulog na muli ito ng marinig ang sinabi niya. Gusto niyang mapangiti ng may mapagtanto siya. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok nito na humaharang sa maganda't maamong mukha nito habang suot pa rin ang bonnet na bigay niya. At nang mahawi ay saka niya inayos ang kumot nito bago siya tumayo. May dapat siyang kausapin. Ang isa ay para tapusin ang bagay na mayroon sa kanila at ang isa ay marami siyang nais sabihin sa taong 'yon. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD