Five

1377 Words
⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️ SINUNDO NIYA SI Priyanka sa pad nito. Hindi siya iniimikan ng nobya na nauunawaan niya. Maging siya ay walang imik kaya lalong nainis si Priyanka. "Mabuti at nagbago ang isip mo at sinamahan mo pa ako?" Hindi na mapigilan ang inis ni Priyanka. Bukang bibig kasi ni William si Yuka palagi. Naiinis siya dahil mas maraming atensyon ang binibigay nito kay Yuka kesa sa kanya na nobya nito. Kung hindi lang masama ay pinatulan na niya ang abnormal na si Yuka. Hindi niya matanggap na nalalamangan siya ng atensyon ni William nang isang isip bata lang. Ano pa bang kulang sa kanya? Alam niyang naglalaway rin si William sa kanya kaya nga ito narito ngayon at hindi nakatanggi sa nais niya. Kung ano man ang dahilan ng pagbabago ng isip nito at sumama sa kanya ay pinagpapasalamatan niya. Ngayon ay gagawin niya ang lahat para makuha ng buo ang atensyon nito at mawala na sa landas nila si Yuka. Pagdating sa family gatherings ng pamilya ni Priyanka ay agad na pinagkaguluhan si William, dahil nga isa itong sikat na matinee idol. Pinagkaguluhan din ng kamag-anak nito si Priyanka pero mas pinagkaguluhan si William dahil  ngayon lamang nakita ng personal ng mga ito ang binata. "Gosh, P! Ang hot ng boyfie mo. Isang William Dela Torre ba naman." Ngumiti naman si Priyanka habang nakahalukipkip ang braso at pinapanood na pinagkakaguluhan ng mga bisita at kamag-anak niya si William. Inggit ang namumutawi sa labi at mukha ng mga kababaihang nasa gathering ng pamilya nila. Kaya natutuwa siya dahil kinaiinggitan siya dahil nobyo niya si William Dela Torre. "Of course, Abie. Hindi ako papatol kahit kanino kung hindi isang William Dela Torre ang papatol sa akin." Naunang mag-artista si William kesa sa kanya. Baguhan pa lang siya ay lihim na hinahangaan niya ang binata dahil sa lakas na taglay ng kakisigan nito at karisma sa kababaihan. Hindi lang din mukha ang maipagmamalaki rito dahil nag-uumapaw sa kasexyhan ang katawan nito na pinapangarap niya lang noon na mahawakan at damhin. Mahirap makapasok sa pagiging isang artista. Kung walang backer ay mahihirapan talaga. Kaya nga para makarating kung nasaang antas noon si William ay ginawa niya ang lahat kahit katawan pa ang kapalit. Nagtagumpay siya at nakamit ang hinahangad. Nag-click sila ni William ng maging leading lady siya nito sa isang short film. Ginalingan at inakit niya talaga sa film si William para mapaganda ang film at sumikat siya, at bonus pa dahil bumigay sa kanya si William at may nangyari sa kanila pagkatapos nilang kuhanan ng eksena. Naging nobyo niya ito pagtagal ng pagsasama nila sa film. Sila ang hinahanga ngayon at siyempre kinaiingitan sila, siya, dahil sa kagandahang tagal nila at kasikatan. "Sabagay, kung ako man ay hindi na papakawalan ang isang William Dela Torre kung ganyan ka-gentleman at ka-hunk ang nobyo ko." Matalim na tinignan ni Priyanka si Abie dahil sa sinabi at tingin nito sa nobyo niya na tila naaakit kay William. "Sorry ka na lang, Abie, wala ng katulad ni William. At ang isang katulad niya ay sa akin lamang nababagay. Huwag na huwag mong pagpapantasyahan at aakitin ang boyfriend ko kung ayaw mong magkagalit tayo. William is mine. At kahit sino mang babae ang lumandi sa kanya, makakatikim sa akin, naiintindihan mo?" Natahimik naman si Abie at tumango sa banta ni Priyanka. Pinsan niya si Priyanka pero dahil ngayon lang ulit sila nagkita ay hindi niya akalaing tumaas pala ang tingin nito sa sarili at sobrang selosa. "Hijo, kailan niyo balak magpakasal ng anak ko?" Tila naman nasamid si William pero hindi niya pinahalata. Ngayon ay kausap niya ang parents ni Priyanka habang kaharap ang mayamang kamag-anak ng mga ito na kanina pa binibida ang pagiging artista nila at ang swerteng hatid niya ng dumating siya sa buhay ni Priyanka. Kung maaari lang ay nais na niyang umuwi. Hindi siya nasisiyahan sa pagdumog at pagyayabang ng ama ni Priyanka sa mga kamag-anak nito. Kung kasama niya siguro si Yuka ay baka mawala ang bagot niya at kawalan ng interest sa gatherings ng pamilya ni Priyanka. "Hindi pa ho namin pinag-uusapan 'yan, Sir. Nakasaad din sa kontrata na hindi kami pwede pang magpakasal dahil din sa endorsement at mga company na nais ay manatili lamang kaming magkasintahan." It's true. Pero kaya niyang i-terminate ang contract kung nais man niya. Wala pa sa isip niya ang magpakasal lalo't marami siyang iniisip. Wala pa nga siyang maisip kung paano si Yuka kung mawala siya sa tabi nito. Lalo pa ngayon na nagkasakit ang Yaya Pen nito. "William naman, alam natin pareho na kaya mong gawan ng paraan 'yon. Isa kang pinakamayamang artista sa bansa. Hindi ka ba natatakot na kung hindi mo agad itatali sa 'yo ang anak ko ay baka maagaw pa ito ng iba? Maganda at sexy ang anak ko, maraming nagkakandarapa kahit nga mga anak ng mga kakilala ko." Hindi na siya umimik lalo na ng makita si Priyanka na sumingit sa kanilang usapan. "Papa, 'wag niyo munang pilitin si William. Pareho naming gusto na manatili muna sa pagiging magnobyo at magnobya. Dadating din tayo doon.. Hindi naman ako ipagpapalit ni William dahil mahal namin ang isa't-isa." Nakahinga siya ng maluwag at tila naunawaan ni Priyanka na naiipit siya sa pagtatanong ng Papa nito. "O siya, kung 'yan ang nais n'yo ay wala na akong magagawa pa.. Pero bilis-bilis niyo ang lahat at gusto ko nang makita ang apo ko sa inyo." Tumango na lang siya at lihim na napabuga ng hangin. Tumagal din ang selebrasyon at dahil gabi na ay sa hotel kung saan ginanap ang gatherings sila tumuloy ni Priyanka. "William, aminin mo na nakahinga ka ng maluwag ng sagipin kita sa katanungan ni Papa." Yumakap sa kanya si Priyanka habang nasa ilalim sila ng kumot at parehong walang saplot matapos nilang ipagpatuloy ang naudlot na p********k. Dumilat siya at tumingin sa kasintahan na hinahaplos ang dibdib niya. "Natigilan lang ako dahil marami siyang tanong. Sasagutin ko sana siya, pero salamat at nasagip mo ako sa katanungang 'yon." "Kung gano'n, ano sana ang isasagot mo dapat kay Papa?" Tumingin siya sa kisame at pumikit bago sinagot ang katanungan ni Priyanka. "Sasabihin ko ang totoo na wala pa sa isip ko ang kasal. Gaya ng sabi ko ay may kontrata tayong sinusunod. At alam mo rin sa sarili mo na pareho tayong hindi pa handa." Tinigil ni Priyanka ang paghaplos sa dibdib ni William at naupo siya bago isandal sa head board ng kama ang likod. Kinuha niya ang sigarilyo at lighter at sinindihan. "Handa ako, William. Pero alam ko na ikaw ang hindi pa. At huhulaan ko na dahil kay Yuka kaya ayaw mo pa. Wala ng ginawa si Yuka kundi ang agawin ang atensyon na dapat ay sa akin. Hindi mo siguro ako mahal kaya ganyan ka sa akin." Tinignan naman ni William ang kasintahan at napahinga siya ng malalim. Naupo rin siya at gamit ang braso ay inunan niya ito sa ulo habang nakasandal din ang likod sa head board ng kama. "P, hindi totoo 'yan. Mahal naman kita pero alam mong special si Yuka. At matagal ko na siyang kakilala at ako lamang ang nasasandalan niya." Hinarap siya ni P, "Kung mahal mo ako ay mag-singapore tayo. Ihanap mo ng masasandalan si Yuka at tapos ang problema mo. Hindi mo siya obligasyon, Wil. May mayaman siyang pamilya na kayang ikuha siya ng mag-aalaga at masasandalan na sinasabi mo." "Hindi gano'n kadali 'yon, P. Paano kung ang mag-alaga sa kanya ay saktan lamang siya? Akala mo ba makakaya ng konsensya ko na iwan na lang siya na walang kasiguraduhan." Napaiyak si Priyanka kaya natigilan si William. Napahinga siya ng malalim at hinawakan sa mukha ang kasintahan ngunit umiwas ito. "Alam ko na ngayon na mas mahalaga si Yuka kesa sa akin. Na mas mahalagang masaktan ako kesa sa kanya. Hindi mo ako mahal, Wil. Kung mahal mo ako ay makikinig ka sa akin. Ako ang pipiliin mo. Ako ang sasamahan mo." "P, mahal kita.. Mahal kita, okay?" Napatitig sila sa isa't-isa at yumakap si Priyanka sa leeg ni William bago sinagot ang sinabi nito. "Kung ganoon ay patunayan mo, Wil. Let's go in singapore." Hinalikan ni Priyanka si William at tumugon ang binata na kinangiti niya. Alam niyang siya ang pipiliin ni William. Sorry na lang kay Yuka, pero kahit kailan hindi ito mananalo sa kanya kung puso ni William ang pag-uusapan. Sino ba naman ang magkakagusto sa isip-batang katulad ni Yuka? Higit siyang nakakalamang kesa rito. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD