Four

1203 Words
⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️ "YAYA, GISING KA na po?" Nasa tabi ng higaan ni Yaya Pen si Yuka. Tulog pa ang ginang ng dalhin ito sa hinandang kwarto para rito. Iko-confine muna ang ginang hanggang bumuti ang lagay nito. "Natutulog pa siya, Honey. Halika, kumain muna tayo." Inakay ni William si Yuka sa sofa para maupo sila at makakain ng maayos. "Wow! Spaghetti at Fries!" Natawa naman siya at ginulo ang buhok nito. Sabi na nga ba niya ay magugustuhan nito ang binili niya. Hindi kasi kumakain si Yuka kapag bago sa paningin nito o walang makakapukaw ng atensyon nito. "Oo. Sige, kumain ka na." Masiglang inumpisahan nito ang pagkain. Nakatingin lamang siya rito at minsan ay pinupunasan ang nguso dahil kumakalat sa labi ang sauce ng kinakain nitong spaghetti. "Yumyum." Nawala naman ang atensyon niya rito ng biglang mag-ring ang cellphone niya. Tinignan niya ang tumatawag at si Priyanka 'yon. Tumayo siya at sinagot ang tawag. "Hi, P." [Will, are you busy right now? Magpapasama sana ako sa 'yo dahil may family gatherings kami sa tagaytay.] Wala siyang mahanap na sasabihin. Tumingin siya kay Yuka at hindi niya maaaring iwan ito rito kasama lamang si Manang Pen na wala pang malay. "P, I'm sorry. May emergency kasi.." "Again, Will? Hulaan ko, si Yuka na naman?" hindi niya alam kung seryoso o sarkastiko ang tono nito ngunit hindi na niya pinansin. "Hindi si Yuka pero related sa kanya. Na-hospital ang Yaya niya kaya ako muna ang magbabantay pati na rin kay Yuka." "Okay. Hindi naman kita mapipilit dahil tiyak na si Yuka pa rin ang pipiliin mo over me." Napahinga siya ng malalim ng babaan siya nito. Napagulo siya ng buhok dahil nahahati sa dalawa ang atensyon niya. At alam niyang mas lamang ang binibigay niyang atensyon kela Yuka kaysa sa nobya niya. Mahal naman niya si Priyanka pero pakiramdam niya ay may obligasyon siya kay Yuka. "William.." Napalingon siya sa nagsalita at nagulat siya kung sino ito. "Geoff, ikaw pala." Si Geoff ay isang doctor sa ospital na pinagdalhan kay Yaya Pen. At fortunately ay anak ito ni Yaya Pen. Wala pa kanina si Geoff kaya ibang doctor ang humawak sa lagay ng ina nito. "Nabalitaan ko kay Doc Mundo ang nangyari kay Nanay." Lumapit ito kay Yaya Pen at hinawakan sa kamay ang ginang. "Pasensya ka na at hindi kita natawagan. Biglaan kasi ang nangyari at nawala na sa isip ko." Tumango ito at simpleng ngumiti, "Ayos lang, nauunawaan ko. Sabi naman ni Doc Mundo ay ayos na si Nanay. Pahinga na lang ang kailangan." Nakakapagtaka para sa iba kung bakit nagtatrabaho pa rin si Yaya Pen sa mga Laxamana, kung gayong may anak itong doctor na kaya na siyang buhayin. Hindi pa doctor si Geoff ay nagtatrabaho na si Yaya Pen sa mga laxamana bilang Yaya ni Yuka. At kahit ngayong doctor na ang anak ay pinili pa rin nitong manatili sa pag-aalaga kay Yuka. Hindi maiwan ng ginang si Yuka dahil napamahal na rin ito sa alaga. At naiintindihan ni Geoff 'yon na hindi nagkaroon ng sama ng loob. Mabuting anak si Geoff. Humarap si Geoff sa kanila lalo na kay Yuka na busy pa rin sa kinakain. "Hi, Yuka. Kamusta ka na?" Nag-angat ng tingin si Yuka at kinilala ang kausap. Nang makilala ay napaturo pa ito kay Geoff at napangiti. "Ikaw si Geoff, anak Yaya Pen." Ngumiti at tumango si Geoff, "Ako nga. Balita ko ay mabait na bata ka raw sabi ni Nanay." Napahagikhik si Yuka tila kinilig sa sinabi ni Geoff. "Nanay mo si Yaya Pen?" ulit nito. Tumango muli si Geoff, "Oo." "Wow! Dalawa na tayo anak Yaya Pen!" Natawa naman si Geoff at ngayon ay alam na niya kung bakit hindi maiwanan ng Nanay niya si Yuka. Over the phone ay palaging kinukwento ng Nanay niya si Yuka. Bakas sa boses ng kanyang nanay ang kasiyahan at kagustuhang alagaan si Yuka. Minsan nga ay nagtatampo siya sa binibigay na atensyon nito sa alaga, pero ngayon ay nakita niyang wala siyang dapat na ikatampo. Kung ito ang nagpapasaya sa kanyang Nanay ay hindi niya pipigilan. Tumingin siya kay William na nakangiting nakatingin kay Yuka. Ngumiti siya at hinarap ito. "Pasensya na kung narinig ko ang pakikipag-usap mo sa isang babae. Hindi ko na tatanungin kung sino siya, pero tila kailangan mong umalis ngunit hindi mo magawa dahil kay Yuka at Nanay." Napatingin naman si William kay Geoff. Tumango siya sa sinabi nito. Kahit sino man maririnig ang pinag-usapan nila ni Priyanka. Sa lakas ng pag-uusap nila ay dinig sa buong kwarto. "Hindi ko maaaring iwan lamang si Yuka rito mag-isa na magbantay kay Yaya Pen." Napatango si Geoff sa sinabi niya, "'Wag ka nang mag-alala. Tila importante ang kailangan mong puntahan, ako nang bahala kay Yuka at kay Nanay, tutal dito din lang ako." Mabagal na napatango si William kahit na hindi niya nais na umalis. Napahinga siya ng malalim dahil kahit ayaw niya ay kailangan pa rin. Nagtatampo na sa kanya ang nobya na si Priyanka at kapag hindi pa siya sumipot sa nais nito ay tiyak tuluyan na silang magkakalabuan. "Okay. Yuka, si Doctor Geoff muna ang bahala sa inyo ni Yaya Pen. Aalis lang ako saglit, pero babalik din agad ako." Napatayo si Yuka sa sinabi niya at agad na kumapit sa braso niya bago niyugyog ito. "Sama ako! Sama ako, Kuya. Gusto ko sama sa 'yo." Nagtatalon ito dahil akala ay papayagan niya. Umiling siya at hinawakan ang kamay nito na nakahawak sa braso niya. "Sorry, Yuka. Hindi ka pwedeng sumama dahil malayo ang pupuntahan ko. Saka kung sasama ka ay walang magbabantay kay Yaya Pen, kawawa naman siya." Napanguso ito at tinignan si Yaya Pen. Inugoy muli nito ang braso niya. "Edi sama natin siya. Gusto ko sama! Ayaw ko iwan dito." Magsasalita sana siya ng senyasan siya ni Geoff na lumapit kay Yuka. "Hmm, Yuka.. Narito naman ako. Hindi ka puwedeng sumama kay William dahil paano kung magising si nanay? Hahanapin ka niya tiyak. Saka sandali lang ang Kuya William mo, babalik din agad." Tumango siya sa sinabi ni Geoff at ngumiti na hinawakan si Yuka sa baba para makausap ito ng maayos. "Tama si Doc Geoff. Saka uuwian kita ng maraming fries at ice cream kapag nag-behave ka. Hindi ka pwede doon sa pupuntahan ko dahil maraming monster doon." Napabitaw ito sa braso niya at agad na nagtago sa likod ni Geoff. "Ayaw ko na sama sa 'yo. Ayaw ko sa monster." umiling ito. Napangiti si Geoff, "Tingin ko ay makakaalis ka na ngayon. Ako nang bahala. Pangako hindi ko siya pababayaan." Mabigat sa loob na tumango siya at ngumiti. Napahinga siya ng malalim na tumalikod na sa mga ito. Nagsisisi ba siya na sabihing may monster sa tagaytay kaya napabitaw ito sa braso niya? Parang nanghihinayang siyang bumitaw ito at sa ibang lalake naghanap ng kakapitan. Lumabas siya ng kwarto pero nakahawak pa rin siya sa pinto at sinilip sila Yuka. "Yuka, may gusto ka pang kainin? Sabihin mo lang at ibibigay ko.." Nakita niyang napangiti si Yuka kay Doc Geoff at hinawakan si Doc Geoff sa kamay bago nagtatalon sa tuwa. "Yehey! Bibigyan mo ako ng maraming pagkain. Gusto ko spaghetti, fries, ice cream!" Nakita niyang natawa si Geoff at hinaplos si Yuka sa ulo. Tuluyan na niyang sinara ng maingat ang pinto at walang imik na umalis habang iniisip ang senaryo sa pagitan ni Doc Geoff at Yuka. Hindi niya maunawaan ang sarili. Gusto niyang manatili ngunit kailangan. Nahihirapan siyang ibigay ang pangangalaga kay Yuka sa iba. At 'yon ang hindi niya maintindihan. To be continued.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD