Three

1325 Words
⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️ KINABUKASAN AY MASIGLA na muli si Yuka. Pinapaliguan ni Yaya Pen ngunit nangingilag ito dahil ayaw maligo. "Alaga ko huwag nang malikot. Dalaga ka na kaya dapat malinis ka sa katawan mo." Humagikhik ito, "Ayaw ko malamig, e. At nakikikiliti ako, Yaya." Napangiti naman si Yaya Pen. Napakalambing, mabait, at masunuring bata talaga si Yuka. Kaya kahit na may espesyal na katangian ito ay gustong-gusto niyang alagaan ito. Nakakalungkot lang na ang ama lang nito ang may mabuting pakikitungo kay Yuka. Kapag narito naman ang ama nito ay mabait ang trato ng magkapatid kay Yuka. Kaya nga kahit nawawalan siya ng oras sa anak niyang lalake ay mas pinipili niyang unahin si Yuka. Alam niyang nauunawaan ng anak niya ang sitwasyon, lalo pa nang i-kwento niya rito ang sitwasyon ni Yuka. "Hindi 'yan. Maligamgam lang ang tubig at malakas lang talaga ang kiliti mo kaya nakikiliti ka kapag sinasabon kita." Pati sa paliligo ay kasama nito ang manika. Nilalaro sa bulang tubig sa bathtub habang siya ay sinasamantala na sabunin ang buhok nito. "Yaya, hindi ko kita si Kuya William kanina. Iwan niya ako." Pagkatapos sabunin ang buhok ni Yuka ay hiniludan niya ang katawan nito. "May trabaho si Kuya William mo kaya wala ngayon. At Yuka, hindi naman maaari na palagi ka niyang isasama. Baka makasama sa trabaho niya 'yon." Tumingin ito sa kanya at humarap, "Trabaho? Ako po may trabaho din? Gusto ko din 'yon." Natawa siya at umiling, "Hindi na kailangan magtrabaho ng prinsesang katulad mo. Ayaw mo ba sa bahay lang? Marami kang playground rito. Maglalaro lang kayo parati ni Lily." Napanguso ito at hinipan ang bulang nahulog sa ilong nito. "Ayaw ko nang playground. Gusto ko trabaho." Napahinga naman ng malalim si Yaya Pen at hindi na lang sinakyan ang sinasabi nito. Baka mamaya ay iba na ang iniisip nito. "Oh, tara na sa shower. Magbanlaw ka na." Inakay niya ito pababa sa bathtub. Nagtatalon pa ito ng bumaba kaya pinatigil niya at baka madulas. "Lamig-lamig! Ayaw ko!" Naninigas ito sa kinatatayuan kaya napailing na lang siya at napangiti. "Sandali lang ito, Alaga ko. Oh, 'yan, tapos na." Niligpit niya ang hose ng shower at saka kinuha ang roba. Nilagyan niya rin sa ulo ito ng towel para hindi basang-basa. Nauna naman itong lumabas sa kanya. Nilapag niya ang manika nito sa lababo para doon muna ito magpatulo at patiyuin. Paglabas niya ay behave na nakaupo ito sa kama kaya napangiti na nilapitan niya ito dahil naroon na rin ang hinanda niyang damit na susuotin nito. "Tayo ka na, Yuka. Magbihis ka na." Tumayo ito at binigay niya rito ang panty nito. Kailangan na malaman rin nito ang gagawin sa mga ganitong maliliit na bagay. Gusto niyang maiyak dahil paano kung wala na siya sa mundong ito? Naaawa siyang iwanan ang bata. Kung sana wala itong kapansanan ay baka perpektong bata ito---magandang bata, mabait, masunurin, at kinagigiliwan, ngunit nakakasama rin minsan ang pagiging masunurin nito na sinasamantala ng kagaya ng mga kapatid nito. "Tapos na, Yaya." Nawala siya sa iniisip ng masiglang magsalita ito. Napangiti siya na binigay rito ang bra nito. "Alam mo na ba isuot 'yan?" Tumango ito at hinubad nito ang roba. Ginawa nito ang tinuturo niya kaya napangiti siya. "Magaling. Oh, heto, isuot mo ang dress mo. At aayusin ko lang ang blower para patuyuin ang buhok mo." Tumango ito ng maraming beses kaya lumapit na siya sa blower. Napahawak siya sa dibdib ng biglang manikip ito. Huminga siya ng malalim at agad na lumapit sa tukador. Pumikit siya ng mariin at pinakalma ang dibdib. "Yaya, hindi ko masara." "S-sige, sandali lang." Hinimas niya ang dibdib at kahit nahihirapan pa ay lumapit muli siya kay Yuka. Sinara niya ang zipper sa likod nito ngunit bigla siyang napaupo at bumagsak sa sahig ng dumilim ang paningin niya. Napalingon naman si Yuka sa Yaya niya at napakuno't ang noo. Napangiti pa ito na naupo at napahagikhik dahil tila gusto pa matulog ng Yaya niya sa sahig. "Tabi tayo, Yaya." Nahiga rin siya at niyakap ito. Pumikit siya at ang inaasahang yayakapin rin siya ng Yaya niya ay hindi nangyari. Dumilat siya at tinignan ito. "Yaya, tulog ka na po?" Hindi ito sumasagot kaya bumangon siya at hinatak ang kamay nito. "Yaya, gising ka na po. Bakit ayaw niyo magising? Yaya. . ." Napaiyak na siya dahil ayaw magising ng Yaya Pen niya. Niyugyog niya ito pero ayaw pa ring gumalaw. "Waahh! Yaya Pen!" Tumayo siya para humingi ng tulong. Tumakbo siya palabas ng kwarto niya pero nasaktan siya nang mabunggo siya sa isang pader. "Yuka, anong nangyari at narinig ko ang sigaw mo? At bakit ka umiiyak?" Napasinghap at napatalon sa galak si Yuka na si William pala ang nabunggo niya. Agad na tinuro ni Yuka ang kwarto habang binabatak ang damit ni William. Kinabahan naman si William at agad na pinasok ang kwarto ng dalaga. "Yaya Pen!" Nagulat siya ng makitang nakahalandusay sa sahig si Yaya Pen. Agad na dinaluhan niya ito at tinignan ang pulso. Nang maramdaman na may hininga pa ito ay agad na binuhat niya ito. "Yuka, stay here." Umiling si Yuka habang nakakapit sa damit niya sa likod. "Ayaw! Gusto ko sama." Napahinga ng malalim si William at walang nagawa. Humingi siya ng tulong sa mga kasambahay at nagpahanda ng sasakyan para agad na maisugod si Yaya Pen. - "Huhuhu.. Ang tagal matulog ni Yaya. Hindi siya gumigising." Nasa ospital na sila at nasa waiting area sa labas ng emergency. Hanggang ngayon ay umiiyak pa rin si Yuka. "Tahan na. . . Magigising rin si Yaya Pen." Nangangamba siyang may mangyaring hindi maganda kay Yaya Pen. Tinignan niya si Yuka at halos magbigay ng bigat sa dibdib niya nang maisip kung paano na ito kapag wala si Yaya Pen sa tabi nito? "Bakit ayaw pa magising? Kanina pa siya tulog, e." Nagdadabog ito sa kinauupuan habang nakahawak sa dulo ng dress. Sabog pa ang buhok ni Yuka na tila hindi nasuklay, ngunit hindi nakakabawas iyon kung gaano ito kaganda. "Magigising nga 'yon. Hindi ba ikaw ang tagal mo ring matulog." Napatigil naman ito at nakita niyang napaisip. Mapait na ngumiti siya at hinawakan sa ulo si Yuka. "Tahan na. . . Hindi magugustuhan ni Yaya Pen kapag umiiyak ka." Tumango ito at nagpahid ng luha, "Ayaw niya iyak ako. Pangit daw kapag iyakin ako." Napangiti naman siya, "Oo, pangit ka nga kapag umiiyak." Akala niya ay ngingiti ito ng mabigla siya nang sumimangot ito ng harapin siya. "Hindi mo ako sama kanina. Sabi Yaya trabaho ka daw." Tumango siya, "Oo. Hindi kasi kita puwedeng isama dahil madaling araw ang taping. Tulog ka pa." Kumapit naman ito sa braso niya at niyakap, "Gusto ko rin work. Gusto ko rin." Ginulo naman niya ang buhok nito na magulo naman talaga. "Hindi mo na kailangan 'yon, Honey." "Gusto ko rin! Gusto ko work!" niyugyog nito ang braso niya kaya napailing siya. "Okay. Ihahanap kita, pero kapag wala ay huwag ng makulit." Tumango ito ng maraming beses at nagalak sa kinauupuan. Napahinga siya ng malalim at hindi niya alam kung saan kaya nito nakuha ang idea'ng iyon. "Excuse me.." Napalingon siya nang may magsalita at napatayo siya ng makita ang doctor. "Kayo ba ang kamag-anak ni Mrs. Salvador?" "Hindi ho niya kami kaano-ano, pero parang nanay na rin ang turing namin sa kanya." Napatango naman ang doctor, "Base sa nakita namin ay lumalala ang paninikip ng dibdib ni Mrs. Salvador dala na rin ng sakit niya sa baga. Suhesyon ko lang ay 'wag na sana siyang magtrabaho o magbuhat ng mabibigat para hindi na maulit ito." Natigilan naman siya, "Kung gano'n ho ay hindi na siya maaaring magtrabaho pa?" "Hindi naman namin siya pinipigilan na gumalaw-galaw, pero kung maaari ay 'wag sa mabibigat na bagay." Napatango naman siya, "Kung gano'n ay tatandaan ko ho 'yan." "Reresetahan ko siya nang maintenance niya. Dumito muna kayo at may pasyente pa akong kailangang tignan." "Salamat ho, Doc." "Walang anuman. Please, excuse me." Nang makaalis ang doctor ay napatingin siya kay Yuka na inuugoy ang mga binti habang nililibot ang tingin. Kailangan nang malaman ni Eduardo ang nangyayari, at kung paano na si Yuka lalo't hindi pa maaaring kumilos si Yaya Pen. Ngunit nasa business trip pa ito sa ibang bansa kasama ang asawa nito na stepmother ni Yuka. Hindi niya alam ang susunod na mangyayari pero sisiguraduhin niyang poprotektahan niya si Yuka. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD