Two

1640 Words
⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️ SA KABILANG BANDA ay dumating si Yuri kasama ang boyfriend na si Paul. Pagkababa nila sa motor ng binata ay agad na hinagkan ng binata si Yuki na hindi naman tinanggihan ang pagnanais ng nobyo. Galing sila sa bar at sa bar pa lang ay panay na ang haplos ng binata sa kanya. Kaya napagpasyahan nilang umuwi at nasa labas pa lang sila ay hindi na makapaghintay ang nobyo niya. "Ate! Ate!" Napatigil ang dalawa ng marinig ang boses ni Yuka. Inis namang nilingon ito ni Yuri at tumatalon pa itong lumapit sa kanila habang hawak ang manika at ang kinakain nitong fries. "Ate, binilhan ako ni Kuya William ng fries. Gusto mo? Pero konti lang, ha? Huwag mo akong ubusan." "Ano ba!" hinawi ni Yuri ang kamay ni Yuka dahilan para matapon sa lupa ang fries. Napatingin doon si Yuka at magsisimula ng umiyak ng hawakan ito ni Yuri sa panga ng mariin, "subukan mong umiyak abnormal ka! Kapag nalintikan ako kay Daddy, gagawin ko sa 'yo ang ginawa ko sa fries mo." Kahit na may special na katangian si Yuka ay nakakaintindi ito kaya natikom ang bibig nito. Marahas na binitawan ni Yuri ang panga nito kaya napaatras si Yuka at natipalok kaya napaupo ito sa lupa. "Tsss. Sa pad mo na nga lang tayo, Paul. Nasira ang mood ko kapag nakikita ang abnormal na ito." Naunang tumalikod si Yuri kaya hindi niya nakita ang paghagod ng tingin ng nobyo kay Yuka na pigil na pigil ang bibig habang umiiyak na nakasalampak sa lupa. "Yuka! Diyos ko! Anong ginagawa mo d'yan?" Agad na lumapit si Yaya Pen na kakalabas lang ng bahay at pupuntahan sana sa kubo si Yuka ngunit nakita niya itong nakasalampak sa lupa. "Bakit ka umiiyak? At anong nangyari rito?" Nakita ng matanda ang fries na tila kinakain nito na nahulog. Umiling si Yuka habang ayaw ibuka ang bibig. "Yuka, anak, magsalita ka.. Narito si Yaya. Sinong nagpaiyak sa 'yo?" Ngunit kahit anong kumbinsi ang gawin ni Yaya Pen sa alaga ay nanatiling nakatikom ang bibig nito habang umiiyak.. - "Oohh. . . I like that, Wil!" Umuungol sa kaligayahan si Priyanka habang hinahalikan ng binata ang kanyang katawan. Pagkarating pa lang ni William sa pad nito ay agad na hinatak siya ng nobya at hinalikan tila hindi na makapaghintay. Hindi lang ito ang first time na gawin 'yon ng dalawa. At palagi ay si Priyanka ang nag-i-initiate na may mangyari parati sa pagitan nila. Hindi na virgin si Priyanka ng makuha ni William pero hindi naman big deal kay William 'yon dahil alam naman niya ang kalakaran sa showbiz. Sa ganda at kasexyhan na tinataglay ni Priyanka ay hindi malabong hindi ito nagka-boyfriend bago siya. Alam niyang hindi siya ang una kaya expected niyang hindi na virgin ito. Umangat si William para sana pumosisyon na sa nobya ng mag-ring ang cellphone niya. Inis na inabot ni Priyanka 'yon at nang makita ang pangalang 'Yaya Pen' ay agad na pinatay niya ang tawag. "Istorbo." Hahawakan sana niya muli sa balikat ang binata ng umalis ito sa ibabaw niya at inabot ang cellphone nitong nilapag niya muli sa side table. "Sino ang tumawag?" tanong ni William at tinignan ang history calls. "Oh c'mon, Wil. Wala lang siguro 'yan." Pero hindi pinansin ni William ang sinasabi ng nobya at tinawagan si Yaya Pen ng makita niyang ito pala ang tumatawag.. "Yaya Pen, anong problema?" Isa lang naman ang ibig sabihin kapag tumatawag ang ginang. Patungkol lagi kay Yuka at nangamba siyang may problema muli sa alaga nito. "Naku, William, pwede bang umuwi ka rito? Si Yuka ay hindi ko makausap. Iyak ng iyak pero ayaw ibuka ang bibig. Nangangamba ako na baka may mali, e." Agad namang nag-alala siya sa binalita ng ginang. "Sige ho. Pauwi na ako." Agad na lumapit siya sa hinubarang saplot pero napatigil siya ng pigilan siya ni Priyanka. "Wil, what is it this time? Huwag mong sabihin na dahil na naman kay Yuka kaya ka parang asong hindi mapakali makauwi lang? Wil, nawawalan ka na ng oras sa akin dahil d'yan sa abnormal mong kaibigan." Nagtiim-bagang naman ang panga ni William sa sinabi ni Priyanka. "Hindi abnormal si Yuka, special siya. At hindi mo maaalis na hindi ako mag-alala sa kanya dahil baka mayroon na namang hindi magandang nangyari. Ipagpapalit ko talaga ang oras na kasama ka para sa kanya." Nakatikim ng sampal si William na kinabigla ni Priyanka. "I-I'm sorry." "I need to go." Sinara ni William ang zipper ng pants at sinuot ang t-shirt. "Will, I'm sorry. Hindi mo ako masisising mainis. Ako ang nobya mo pero mas priority mo pa si Yuka. Tama ba 'yon? Palagi na lang ba ako ang mag-a-adjust? Kailangan ko rin ng atensyon mo." Naupo si Priyanka sa kama na hindi batid ang kahubaran nito sa harap ni William. "I'm sorry, too, P. Pero hindi mo kailangan na makipagkompetensya kay Yuka patungkol sa pagtrato ko sa inyong dalawa. Hindi ba't narito ako ngayon, ginagawa ang gawain bilang nobyo mo. At hindi ibig sabihin na si Yuka lang ang priority ko ay nakakalimutan na kita. Ikaw rin ay priority ko. Babawi ako sa susunod. Pasensya na at kailangan kong putulin ang nangyayari sa atin." "Kung gano'n ay sumama ka sa akin sa singapore. May offer tayo doon para sa ikakasikat pa natin. Sumama ka sa akin doon at doon ko lang mararamdaman na ako talaga ang prority mo." Napahinga ng malalim si William at nagtatalo ang isip niya kung ano ang dapat unahin. "Tsaka na natin pag-usapan 'yan, aalis na ako." hinalikan ni William si Priyanka sa noo bago niya kinuha ang jacket at lumisan sa pad nito. - Naging mabilis ang pagpapatakbo ni William sa motor makarating lang agad sa mansyon. Lubos na pinagtataka niya kung bakit naging gano'n si Yuka kung iniwan naman niya ito ng maayos. Mas hindi siya mapalagay at sa kagustuhang makauwi agad ay nakarating siya na halos wala pang kinse minuto. Agad na bumaba siya ng motor at hinubad ang helmet. Naglakad siya papasok habang hinuhubad ang gloves. Nakita siya ng isang kasambahay na ambang isasara na sana ang pinto. "Sila Yuka?" tanong niya. "Sir, nasa room po ni Yuka sila Manang Pen." Nagpasalamat siya at agad na pinuntahan ang mga ito. Pagtapat pa lang niya sa pinto ay narinig niya ang boses ni Manang Pen na kinakausap si Yuka tila kinukumbinsing magsalita. Kaya naman ay pumasok na siya at napatingin siya sa mga ito. Nasa kama si Yuka habang nakaupo at inaalo ng ginang. "Yaya Pen, ano hong nangyari?" Tumingin siya kay Yuka pagkalapit. Umiiyak ito pero nakatikom ang bibig at walang tunog ang pag-iyak nito. "Ayaw niyang magsalita kapag tinatanong ko kung anong nangyari sa kanya." tumayo ang ginang mula sa pagkakaupo sa tabi ni Yuka para bigyan siya ng espasyo. "Yuka, narito na ako." Hinarap niya ito sa kanya at nang makita siya nito ay agad na yumakap ito sa kanya kaya inalo niya ito. "Yuka, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Ramdam niya ang pag-iling nito kaya humiwalay siya sa yakap rito at hinawakan ng mabuti sa balikat bago pagmasdang mabuti. "Yuka, ayaw mo ba sabihin sa akin? Ayaw mo akong kausapin?" Natigilan ito at pagkaraan ay may tinig na ang iyak nito. "Ate Yuri saktan ako. Ganito," ginawa sa kanya ang sinasabi nitong ginawa ng kapatid, "ang sakit ng dito ko," turo nito sa balakang, "tulak ako Ate Yuri. . . Magagalit si Ate Yuri kasi sumbong ako." Napatiim-bagang siya dahil hindi niya akalain na magagawa ni Yuri 'yon. Napahinga siya ng malalim at pinunasan ang luha ni Yuka.. "Okay, stop crying na. Hindi ka na masasaktan ng Ate Yuri mo. Akong bahala." Tumingin siya kay Yaya Pen at tumango ito nang maunawaan ang pahiwatig niya na bihisan at patulugin na ito. Siya naman ay tumayo at lumabas ng kwarto ni Yuka. "Oh! Yuka's protector." Napahinto siya sa paglalakad sa hallway ng makita si Yvo na kakaakyat lang ng makita siya. "Nasaan ang Ate Yuri mo?" "Aba, ewan ko. Bakit sa akin mo tinatanong? Tanungan ba ako ng nawawalang tao?" May pagkasutil talaga itong si Yvo pero kahit na ganoon ay hindi siya nasisindak sa mga salitang binibitawan nito. "Sabihin mo sa kapatid mo na kapag hindi siya umuwi ngayon ay malalaman ng Daddy niyo ang ginawa niya." Naguluhan naman ito pero hindi na niya pinansin at nilagpasan ito para bumaba naman siya. "Ampon ka lang din rito, William. Kaya huwag kang umastang parang amo ka na susundin namin. Tutal may pera ka naman sa pag-a-artista mo, bakit hindi ka na lang umalis at isama mo na ang abnormal na si Yuka." Tila nagdilim ang paningin niya sa sinabi nito. Hinarap niya ito at agad na hinablot ang kwelyo. "Hindi ikaw ang magpapaalis sa akin rito. At huwag na huwag mong tatawaging abnormal si Yuka dahil normal siya." Tinulak siya nito pero hindi siya natinag. Padarag na binitawan niya ang kwelyo nito. "Kung hindi ko lang alam na may nobya kang ubod ng ganda at sexy, iisipin kong may pagtingin ka kay Yuka. Well, baka naman gusto mong maka-score dahil hindi naman papalag tiyak sa 'yo si Yuka kapag nagkataon." Umiling siya sa mga pinagsasabi nito, "Alam mo kung bakit ko pinoprotektahan si Yuka," umiling ito at tumalikod tila hindi na nais marinig ang sasabihin niya, "dahil hindi niya kayang protektahan ang sarili niya. Kayo ang kapatid niya kaya dapat kayo ang nagpoprotekta, pero kabaliktaran ang pinapakita niyo. Sabihin na nating anak siya sa labas, pero kadugo niyo pa rin siya. Hindi siya ibang tao sa inyo." Lumingon sa kanya si Yvo na may seryosong tingin na binibigay. "Dahil sa nanay niya kaya nasira ang pamilya namin noon. Si Yuka lang ang sumalo ng karma ng nanay niya. At huwag mo kaming pilitin na magustuhan at i-tratong kapatid si Yuka dahil sampid lang siya rito." Pagkasabi no'n ni Yvo ay umalis na ito. Napahinga siya ng malalim at mas lalo siyang nag-alala sa sitwasyon ni Yuka. Nahihirapan siya dahil inaamin niyang hindi niya kayang protektahan sa anumang oras si Yuka. Hindi niya alam kung hanggang saan ang makakaya niya. Inaamin niyang nauudlot lahat ng dapat na gawin niya sa sarili dahil kay Yuka, pero hindi naman siya nagsisisi na ipagpalit lahat ng oras niya para lang rito. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD