"Dixal!" nangangatog ang mga tuhod na gumanti siya ng yakap sa binata at lalo pang isinubsob ang mukha sa dibdib nito upang kahit papano'y makakuha ng lakas dito. Kung di niya gagawin, baka matumba na siya sa sobrang takot sa nangyari. Hindi na niya kailangang makita ang mukha nito. Sapat na ang boses nito upang malaman niyang ito nga ang kanyang Dixal. Napaluha siya sa magkahalong takot at tuwa. Ang akala niya'y tuluyan na siyang mababangga ng sasakyang yun, na di na niya uli makikita ang kanyang mama at mga kapatid at di na niya mayayakap nang ganto kahigpit ang nobyo. Mabuti na lang naging mabilis ang binata at iniligtas na uli siya mula sa kapahamakan. "I swear Dixal, nasa gilid na ako ng daan. Wala akong balak tumawid. Pero yung sasakyan ang gumilid at---" paliwanag niya dito sa

