KNIGHT IN SHINING ARMOR

2411 Words

Alas sais na nang magising si Flora Amor. Napabalikwas siyang bangon. Tulad ng dating ginagawa'y kumaripas siyang takbo papasok sa banyo at naligo. "Papasok ka ba ngayon anak?" tanong ng inang kalalabas lang ng kwarto nito kalong ang bunsong umiiyak. Napansin agad niyang maganda ang bati nito, hindi na pinagana ang bibig kakasigaw para lang gisingin siya. "Opo Ma." sagot niya bago makapasok ng banyo. Pero hindi, nagdesisyon na siya kagabing titigil sa trabaho at tutulungan na lang itong magtinda ng isda sa palengke. Pupunta siyang City Hall ngayon at makikipagkita sa kabit ng kanyang ama. Nakapagdesisyon na siyang magpakilala sa babaeng yun bilang panganay na anak ng Mayor. Ang ina dapat ang nasa pwesto nito, ang una dapat ang kasama ng ama sa loob ng opisina ng huli at hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD