"Flor, I'm sorry." untag ni Anton sa halos isang oras na katahimikan mula nang iuwi nito si Flora Amor sa bahay ng dalaga. Hindi sumagot ang huli, bagkos ay nanatili lang siyang nakaupo sa sementong sahig sa sala at nakasandig ang likod sa center table habang nakayuko at yakap ang nakabaluktot na mga tuhod. Halos isang oras na siya sa ganung ayos mula nang iuwi ng kaibigan. Tahimik siyang umiyak, panay lang patak ang kanyang mga luha. Hindi niya kayang ipaliwanag ang sakit na nararamdaman ng mga sandaling yun. Pinakamamahal niya ang kanyang ama, ipinagmamalaki sa lahat ng naging kakilala niya. "Nagtitinda lang sa palengke ang Papa ko pero proud ako sa kanya kasi kahit ganun lang ang trabaho niya, napag-aaral niya kaming magkakapatid at naibibigay niya mga pangangailangan namin s

