"Devon! Hinampak kang bata ka. Ano na namang ginawa mo sa lappy ko!" Umaga pa lang ay hiyaw na niya nang makita ang kanyang laptop na naiba ang features, nabago pati ang favorite niyang wallpaper. "Hinampak talagang batang to. Lahat na lang pinapakialaman." "Ano na naman yan? Ikaw talagang nanay ka, ang ingay ng bibig mo." sita ng ina sa kanya nang makalabas na siya sa kwarto. Kagagaling lang nito sa loob ng tindahan habang ang anak ay nakita niyang naglalaro ng puzzle sa sala. "Papalitan ko yung password na yan mamaya pag di natigil kakapindot ang batang yan, Ma." banta niya sabay sulyap sa anak na napatingin din sa kanya. "Amor, yung books ko ha?" sa halip na humingi ng tawad ay paalala pa nito. "Tingnan mo, Ma. Hindi niya alam kung anong ginawa niyang kasalanan bakit ako ga

