Unang araw pa lang ni Flora Amor sa trabaho pero stress na siya. Maliban kasi sa panay utos ang amo niya'y wala ring tigil sa kahihingi ng pabor ang mga kasama niya. "Flor, paki encode naman nitong forms." lumapit ang katrabaho niyang si Katelyn at iniabot ang isang folder. Bumuka ang bibig niya para tumanggi pero naisip niyang pag ganun ang kanyang ginawa,baka lalo siyang pahirapan ng mga kasama kaya napilitan siyang tumango at kinuha ang nasa kamay nito. Napapabuntunghiningang binuklat niya ang folder at binilang ang lamang forms sa loob, sampu lahat. Isang oras niya ring tatapusin yun. Inisa isa niyang pinagmasdan ang mga kasama. Si Xyrel, habang nakatitig sa computer nito'y panay subo ng Cal Cheese na wafer. Yung pinalitan naman niyang si Shanny ay busy sa kakadutdot ng ph

