"Are you sure you're alright?" pangalawang tanong na yun ni Dixal kay Flora Amor habang nasa loob ng sasakyan at nagbibiyahe papunta sa party. Humugot siya ng isang buntunghininga bago nakangiting sumagot. "Yup. Don't worry, I'm fine." pagbibigay niya ng assurance dito pagkuwa'y inilapat ang kaliwang kamay sa hita nito. Pero ang totoo nininerbyos siya. Maraming bagay ang sumasagi sa kanyang isip. Pano kung hindi lang basta mayaman ang pamilya ni Dixal, kundi sobrang yaman? Pano kung hindi pala siya tanggap ng mga to kaya ayaw siyang ipakilala ng asawa sa mga yun? Alam niyang nagpatianod lang si Dixal na magpunta dahil sa pamimilit niya para mawala ang mga hinala niya na may itinatago nga ito sa kanya. Pero kanina pa niya napapansing apektado ito sa napanaginipan kagabi kahit ilang

