SUMMER’S POV SAGLIT akong natulala sa gawi nila. Nakatalikod sa akin ang babaeng kausap niya ngunit kilalang-kilala ko ang kulay brunette niyang buhok. That is definitely Suzette, that freaking b*tch. “I know someone from your past. And he’s important to me.” Nag-echo bigla sa tenga ko ang sinabi ni Suzette no’ng isang araw. So she’s referring to Kiefer? Ang sinasabi niyang someone from the past ay walang iba kung ʼdi ang ex ko? The fact na alam niya ang tungkol sa relasyon namin noon ay naiinis na ako. Ano pa ba ang naikuwento niya sa babaeng ʼto? Don’t tell me sinabi niya rin ang tungkol sa panlolokong ginawa niya sa akin noon? My gosh! Nai-imagine ko ang nang-aasar na tingin ng hitad na ʼyon! “Alam mo ba ang tungkol sa kanila?” Napaiwas ako nang nagtama ang paningin namin ni K

