PROLOGUE
-SUMMER KIM FERNANDEZ-
“MALAPIT na ang kasal ni Fely, cleared na ba ang schedule mo?”
Napaikot ang bilog ng mga mata ko nang marinig ang nakakairitang boses ng workmate ko. Nakakabuwisit ang boses niya na pinipilit niyang patinisin para magmukhang malambing o inosente. Alam niyo ʼyon? Ugh!
“Baka best friend ako?” mataray kong sagot at itinuro ko pa ang sarili. “Baka bride’s maid ako?”
Natahimik na siya kaya ipinapagpatuloy ko na ang paglalakad palabas ng building. Malamang sa malamang ay matagal ko nang binakante ang araw ng kasal ng bestfriend ko. That’s a given. Duh?
Katatapos lang ng hearing kaya wala ako sa mood makipagbardagulan sa kaniya ngayon. Kung dati ay inaasar ko pa siya tungkol sa boses niya, ngayon ay halos itulak ko siya palayo dahil gusto kong mapag-isa. I am pissed off, I don’t know why.
F*ck. Actually, alam ko talaga kung bakit ako nagkakaganito. Isa lang naman ang nagiging dahilan kung bakit nagbabago ang mood ko. Siya lang, walang iba.
Mabilis akong natigil sa paglalakad nang makita kung gaano kalapad ang ngiti ng lalaking iyon habang kausap ang babaeng kalaban ko sa korte kanina. Kulang na lang ay yakapin niya ito sa sobrang tuwa habang kausap niya ito.
Napataas ang kilay ko naikuyom ko ang kamao dahil sa nakakarimarim na eksena sa harap ko. At sa tapat pa talaga ng kotse ko sila naghaharutan?
“ʼDi ba fiancé mo ʼyon?” Paasik kong nilingon si Niana at pinandilatan ng mata. Mabilis naman siyang napahawak sa bibig.
“Baka gusto mong tumilapon diyan sa gitna ng kalsada?” iritadong usal ko.
Ibinalik ko ang atensyon sa dalawa na hanggang ngayon ay naglalampungan pa rin. Ilang hakbang pa ang ginawa ko papunta sa kanila pero hindi talaga nila ako napansin. Hinubad ko saglit ang suot kong sunglasses at humalukipkip. Saka lang sila lumingon sa akin nang tumikhim ako.
“Ah, there she is,” rinig kong usal ng kausap niya ngunit hindi ko iyon pinansin. Ngintian ko pa sila ng matamis.
“Mind if I take my car?” Sinilip ko pa ang kotse ko na nahaharangan nila. Sabay silang napalingon roon at tila napapasong napaiwas.
“S-Summer,” utal na sagot ng talipandas na nasa harap ko na animo’y maamong tuta na nakita ang kaniyang amo. Napairap ako sa kaloob-looban ko ngunit pinilit kong ngumiti kahit na nanginginig na ang labi ko sa sobrang pilit no’n.
“Excuse me. I still have a client to meet.”
Sabay silang napaatras kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na pumasok sa kotse ko nang walang lingon-lingon. Sinamaan ko pa ng tingin ang fiancé ko na kumakatok sa bintana. Tang*na ka, ah. Sa tapat ko pa talaga ng kotse naglampungan. Buwisit!
Binuhay ko na ang makina at mabilis na pinaharurot paalis. Nasilip ko pa sa rearview mirror ang itsura niya na parang tutang iniwan at nasaktan. Nahuli ko pa ang pagtapik ng babaeng iyon sa balikat niya. Napairap ako. Magsama kayo!
ILANG ulit yata akong napairap hanggang sa makarating ako sa usual na tinatambayan namin ng mga kaibigan ko. Sinuot ko kaagad ang sunglasses ko nang makalabas ng sasakyan at taas-noong naglakad papasok ng café.
“Good afternoon, Ma’am,” bati ng isang waiter na nagpupunas ng table malapit lamang sa pinto.
“Bonne après-midi (Good afternoon),” sosyal kong sagot na ikinakunot ng kaniyang noo. Mahina akong natawa. “It means, good afternoon.”
“Ah, gano’n po ba. Arigato po,” turan naman nito at bahagya pang yumuko.
Napangiwi ako.
French iyong bati ko pero Japanese ako sinagot? Eh, kung sampigain ko kaya ʼto gamit ang mamahalin kong bag?
Ibinaling ko na lang ang atensyon sa paghahanap sa dalawang bruha kong kaibigan. Kokonti lang ang tao kaya mabilis ko lang nakita si Hannie na mukhang may kausap sa cellphone. Wala pa iyong isa, baka may pasyente pa.
“Bonjour, stupide (Hello, stupid),” bati ko nang makalapit. Mabilis siyang nagpaalam sa kausap niya sa cellphone at dali-dali iyong tinago sa bag.
“Bonne après-midi à toi, femme stupide (Good afternoon to you, dumb woman).”
“Mga tanga, bakit nag-e-alien language kayo riyan?”
Gulat at sabay kaming napalingon kay Fely na kararating lang. Busangot ang mata nito at mukhang hindi na naman maganda ang mood. Kulang na lang ay lumaylay ang balikat niya marahil ay dahil sa sobrang pagod. Inirapan ko ito at naupo na sa bakanteng upuan na nasa harap ni Hannie.
“How are you, guys?” bati ni Hannie nang makaupo na kaming tatlo. Tinawag niya na rin ang waitress para mag-order. “The usual, please.”
“Tigilan mo ako sa ka-e-english mo, Hannie, ah? Mainit ang ulo ko, baka hindi kita matantiya,” iritadong usal ko ngunit tinawanan niya lang ako.
Minsanan na lang kami magkita-kitang tatlo dahil busy na rin kami sa kaniya-kaniyang trabaho. While I’m busy with hearings in court, Fely’s also busy with her patients and Hannie’s busy with her modeling career. But still, hindi pa rin kumukupas ang pagkakaibigan namin despite everything that happened in our lives.
Naging sandigan namin ang isa’t isa. Sa lahat ng problemang dumarating sa amin, hindi namin hinahayaang mag-isa ang kahit isa sa amin. Kulang na lang ay kami na ang magpakasal sa isa’t isa, eh.
“Fely’s getting married already,” biglang sambit ni Hannie at pagkatapos ay lumingon sa akin. “And also Summer.”
Napataas ang kilay ko. “Oh, ano naman ngayon? Naiinggit ka? Sino ba kasi ang nagsabing umiwas ka sa mga kengkoy na nanliligaw sa ʼyo? Sa dami ba naman no’n, eh, ʼdi sana ay nauna ka pa sa aming magpakasal. Or baka may anak ka na rin ngayon.”
Mahinang natawa si Fely dahil sa sinabi ko. And I’m not even joking. Masiyado kasing mataas ang standard sa lalaki kaya walang nagtatagal.
“Wala akong sinabi. I’m just happy for you two,” sinserong saad nito at marahan pang hinawakan ang kamay namin ni Fely. “I’m so happy that you finally found your happily ever after. It took you how many years to finally settle down.”
Mapait akong ngumiti saka nag-iwas ng tingin. Hindi pa rin ako sigurado.
Tang*na. I’m way past doubts and trust issues para isipin pa ang simpleng bagay. Pero hindi ko maiwasan, eh. I’m getting married with a retired playboy. Ang tanong, retired nga ba? O baka undercover playboy lang siya?
But, God! Magsasampung taon na kami para mag-isip pa ako ng ganito. I already said yes, for Pete’s sake. I love him, yes, sobra pa sa sobra. But sometimes, jealousy can really ruin the moment.
There are times na I’d still question myself, seryoso na kaya ʼto?
Malalim akong napabuntonghininga.
Wala sa sariling napalingon ako sa gawing pinto nang marinig ko ang mahinang tunog ng chimes, ibig sabihin ay may pumasok na customer. Saglit na napaawang ang labi ko nang makita ang guwapong mukha ng fiancé ko na palinga-linga sa paligid na parang may hinahanap. Lumawak ang kaniyang ngiti nang magtama an gaming paningin.
Then it hit me.
Maybe I hadn’t realize his real intentions. Why do I even have to ask?
Kahit saan ako magpunta, naroon siya, nakangiti akong sinasalubong. Nakangiting naglalakad palapit sa akin. Mahahanap at mahahanap pa rin ako kahit saan man ako magpunta. Of course, he is Kiefer Kristoff Valencia.
The one who’s been chasing me for years. How can I forget?
I was chased by a playboy.