My mind is clouded with imagination and fantasies I wish to spread through writing. Love and support! ❤
Wattpad: @krizzymaya
Facebook: Author Maya
Twitter: @krizzymaya
Si Caroline Ravena ay naninilbihan bilang isang katulong sa mansyon ng pamilya Montenegro, isa sa pinakasikat at mayamang pamilya sa bansa. Magalang, masiyahin, at masipag. Ngunit sa likod ng mga nakahuhumaling na ngiti at halakhak ay nakatago ang lihim na sa panahon ngayon ay hindi na pinaniniwalaan pa.
Si Elexir Montenegro, ang panganay sa tatlong magkakapatid. Isang sikat at mahusay na doktor. Ang taong palihim na nagmamasid sa baguhang katulong na si Caroline. Dahil sa kakaibang kilos at itsura ng dalaga at dahil na rin sa pagiging doctor niya, mayroong nabuong konklusyon sa kanyang utak. Konklusyong kahit siya ay hindi makapaniwala, dahil taliwas ito sa kanyang pinag-aralan— sa siyensa at sa medisina.
Tuluyan na bang gugulo ang nananahimik na buhay ni Caroline? Ang katotohanang pilit niyang tinatago ay unti-unting mabubuksan at ang mga nakaraan ay muling mabubuhay.
This is the story of Summer and Kiefer from my previous story Behind Closed Door
**
Matagal nang magkakilala si Summer at Kiefer. Bago pa man sila pagtagpuing muli ng tadhana ay nagkaroon na sila ng relasyon noon pa man. Lihim at siniguro nila noon na walang makakaalam tungkol sa kanila dahil mahigpit at strikto ang ama ni Summer. Kaya walang ideya ang mga kaibigan nila sa kanilang nakaraan.
Hanggang sa muli silang nagkatagpo ng landas nang isang araw ay nagkita sila sa bahay ng best friend niyang si Fely. And that's where it all started. Summer was skeptical about Kiefer’s plans. Countless phone calls, text messages, and even chats sa messenger. Walang palya ang pangungulit sa kaniya nito na naging sanhi ng saglit na pagyanig ng pader na ipinangharang niya sa kaniyang puso.
Ngunit paano kung hindi niya mapigilan ang sarling damdamin? Will she take the risk of giving him another chance despite what happened to them before?
Well, wala na siyang magagawa dahil mukhang walang planong tumigil ang binata. Hahabulin siya nito kahit saan man siya magpunta.
"Ako ang pinagtaksilan . . . pero ako ang sumalo ng kasalanan."
***
Ares and Yvonne used to be so in love with each other, then came their wedding day that made them realize they're not yet ready.
Hanggang sa nagising na lang si Yvonne na siya na ang kinikilalang kabit ng mga tao. She was framed up by someone who was madly in love with her husband. Siniraan siya sa mga tao at nagpakalat ng kasinungalingan para lamang makuha ang inaasam nito, ang maging legal na asawa ni Ares De Vera.
Her reputation as a loving and caring wife was tainted. At mas lalo siyang nadurog nang mismong asawa niya ang nagduda sa kanya. Ares was in doubt, mahal na mahal niya ang babae at sobrang sakit para sa kanya na malaman ang tungkol sa issue nito.
Pinagtaksilan. Naghiganti. At ngayon ay ipaglalaban ang pagiging legal na asawa sa pinakamamahal na lalaki. Will their broken vows and marriage be fixed knowing that everything was just a set-up? O mababaling ang atensyon niya sa hindi niya inaasahang tao . . . sa matalik na kaibigan ng kaniyang asawa?
Ano ba ang dapat na maging reaksyon kapag nakita mo ang isang hot at gwapong lalaki na kalalabas lang ng banyo sa loob ng iyong bagong bahay? Matakot? Mabahala? O maglaway dahil sa nakatutukso nitong gray eyes at kumakaway na six pack abs? Or all of the above?
---
Noon pa lamang ay nais na ni Felicidad Sarmiento na bumukod at maging independent kahit na nag-aaral pa lamang ito. Sa kagustuhang mapag-isa ay tinulungan ito ng mga magulang na bumili ng sariling bahay, kapalit ay ang pangakong mag-aaral ng mabuti at magtatapos ito ng kursong medisina.
Palaban, prangka, at marunong dumiskarte sa buhay, ngunit sa kabila ng mga katangiang ito ay nakuha pa rin siyang lokohin at ma-scam ng seller ng kanyang bagong bahay na si Mr. Harold Orteza. It was one hell of a surprise for her nang malaman na ang nabili niyang bahay ay hindi lamang siya ang nagmamay-ari, kundi ay kahati niya rito si Xavier Kio Monteamor na biktima rin ng pinsan niyang si Harold.
Gwapo, charismatic, at pa-fall— iyan ang mga katangian ni Kio na magiging dahilan ng pagkalito, pagkahulog ng loob, at pagbabago ng buhay ng ating bida. Anong mangyayari sa pag-ibig na unti-unting namumuo kung una pa lang ay alam niya nang hindi maaari?
---
The battle of house rights and ownership between Fely and Kio that will lead them into knowing each other. . . deeper and harder.
Gwapo ngunit may pagka-antipatiko.
Mabait pero ubod ng hangin.
At maginoo na medyo bastos.
Ano ang mangyayari kay Blessie? Ang inaakalang secretarial position sa isang kumpanya ay napunta sa pagbe-babysit sa tagapagmana ng Mortel Group. Isang lalaki na punung-puno ng kapilyuhan sa katawan. Daig pa ang bata kung umasta sa kabila ng edad nito na bente-siete. Idagdag mo pa ang hindi mabilang na babae sa kanyang buhay.
Ngunit kailangan niyang tanggapin ang alok dahil kapalit nito ay ang buhay na matagal niya nang pinapangarap.
Kaya niya bang sabayan ang ugali ni Trigger Mortel?
Kayanin niya kaya ang trabaho bilang playboy's babysitter?