bc

Playboy's Babysitter

book_age16+
115
FOLLOW
1K
READ
billionaire
love-triangle
possessive
opposites attract
playboy
comedy
sweet
enimies to lovers
sassy
assistant
like
intro-logo
Blurb

Gwapo ngunit may pagka-antipatiko.

Mabait pero ubod ng hangin.

At maginoo na medyo bastos.

Ano ang mangyayari kay Blessie? Ang inaakalang secretarial position sa isang kumpanya ay napunta sa pagbe-babysit sa tagapagmana ng Mortel Group. Isang lalaki na punung-puno ng kapilyuhan sa katawan. Daig pa ang bata kung umasta sa kabila ng edad nito na bente-siete. Idagdag mo pa ang hindi mabilang na babae sa kanyang buhay.

Ngunit kailangan niyang tanggapin ang alok dahil kapalit nito ay ang buhay na matagal niya nang pinapangarap.

Kaya niya bang sabayan ang ugali ni Trigger Mortel?

Kayanin niya kaya ang trabaho bilang playboy's babysitter?

chap-preview
Free preview
Prologue
TRIGGER Pinaikot-ikot ko ang swivel chair na kinauupuan ko kasabay ng pagpitik ng aking daliri. Sinipat ko ang suot kong orasang pambisig. Hmm, she's 1 minute and 38 seconds late. Halos matunaw na ang pinto dahil sa sobrang pagtitig ko roon. Ugh. She's so fvcking slow. How long do I have to wait? Masyado bang mabigat ang kape para abutin siya ng ilang minuto? Teka— magtitimpla pa siya, 'di ba? Ibig sabihin, aabutin pa siya ng ilang minuto. Sige, extend natin ng isa pang minuto. Muli kong sinilip ang relos at halos maduling ako sa pagtitig at pagsunod sa galaw ng kamay nun. Nakakainip. Ang boring kapag wala siya. Nakaka-walang gana kapag walang kalaro. Pakiramdam ko ay nawawalan ng saysay ang pagpunta ko rito sa opisina kapag hindi ko man lang siya nakikita. "You are so dead, Blessie." Hindi ko alam kung ano ang pinakain mo sa akin at nagiging ganito ako. Biglang bumukas ang pinto kasunod ay ang pagpasok ng isang babae na nakasuot ng kulay maroon na bestida na siyang humuhubog sa kanyang katawan. May hawak itong kape at mabilis ang mga yabag papunta sa akin. Ngumisi ako ng magtama ang aming paningin. "You are 3 minutes and 26 seconds late," mariin kong usal na siyang ikinalaki ng kanyang mata. "Wow, in-orasan talaga? Daming time, ah? Baka naman pwede mo nang pirmahan iyang mga papeles sa harap mo para matapos na tayo rito," balewalang turan nito. Pabagsak pa na inilapag ang kape sa desk. Nagtagis ang aking ngipin. Anak ng— kay tapang na babae, ni hindi man lang natinag. "You should be punished," muling sambit ko sa isang seryosong tinig. Ngunit sinalo niya lamang ang tingin ko at nagtaas pa ng kilay. "Ikaw din, Sir. Anong silbi ng pagpunta mo rito kung puro ka lang naman kalokohan? Alam mo, kung magsasayang lang naman tayo ng oras mas mabuti pang ipasara mo na ang kumpanya—" Napapikit ako. Halos mabingi ako sa sunud-sunod niyang dada. Nang hindi pa rin siya natatapos ay sumimsim ako sa kape at ninamnam ang lasa. Lihim akong napamura. Hindi man lang nilagyan ng asukal. Ang pait! Lasang galit. Hinayaan ko lang hanggang sa maubusan siya ng sasabihin, pinanuod ko lang ito habang nagmo-monologue sa harap. Para siyang nanay na nagra-rap, nakahawak pa sa bewang ang dalawang kamay at kulang na lang ay tsinelas at hanger para certified asian mom na siya. Tsk. Mapapagod rin 'yan. Hayaan lang natin na ilabas niya kung gaano siya ka-swerte na nasilayan niya ang kagandahan kong lalaki. Napabuntong-hininga ako. Kahit kailan talaga, hindi mapigilan ang pagbunganga ng isang 'to. "—kahit pagtapon ng basura ay hindi mo magawa. Ano ka, baldado? Baka pati sa pagkain ay ako pa ang susubo sa 'yo? Aba't, katulong na yata ang trabaho ko sa kumpanyang 'to, ah?" Natigilan siya. Muntik na akong matawa dahil parang may bigla siyang napagtanto. Muli akong uminom ng kape pero agad ring napangiwi. Ang pait, pucha! Pinagalaw ko ang upuan ko papunta sa kanya, doon sa harap niya mismo. Pagkarating ay ibinuka ko ang mga binti ko. "Tapos ka na ba?" tanong ko nang tumigil ito sa pagsasalita. Saglit siyang nagtaka dahil sa ginawa ko. "Oo. B-Bakit?" Ngumisi ako. "Luhod." Lalo ko pang ibinuka ang binti ko. Pfft. Kita ko ang paglunok niya, bumaba saglit ang kanyang tingin sa bagay na nasa gitna ko bago pumikit at umiling. Pero ang hindi ko inaasahan ay lumuhod nga ito. Nagulat man ay hindi ko pinahalata. Lumakas bigla ang kabog ng dibdib ko. "Are you ready?" tanong ko rito, hindi inaalis ang paningin sa kanya. "O-Oo naman yes," turan nito na siyang ikinalawak ng ngisi ko. Nabuhay bigla ang bagay na nagtatago sa aking kaloob-looban. Para akong sinilyaban dahil sa postura niya ngayon "Then go, do it," pabulong kong usal. Pumikit ito, ilang beses na lumunok bago gumalaw ang kamay at dahan-dahang napunta sa kanyang... noo. "In the name of the Father—" Damn. "Anong ginagawa mo?" "Nagpe-pray," simpleng turan nito at itinuloy ang ginagawa. Nakapikit, tahimik, at taimtim habang nakaluhod at ang mukha ay nasa tapat mismo ng junior ko. Napatulala ako, hindi alam kung matatawa o maiinis dahil malayo ito sa aking inaasahan. Ang akala ko ay na-uto ko na at gagawin ang bagay na iyon, pero hindi. Pucha. Kakaiba. "Amen," usal nito bago dali-daling tumayo, pinagpag ang tuhod at inayos ang damit. Huminga pa ito ng malalim na para bang nakaramdam ng ginhawa, pagkuwan ay nginitian niya ako ng pagkatamis-tamis. "Tapos ka na ba?" tanong ko sa kanya. "Oo naman, Sir!" Masiglang sabi nito at may gana pa siyang tumawa. "Masarap ba sa pakiramdam?" Ngitngit kong tanong. "Yes na yes. Nagkaroon ako ng panandaliang peace of mind, Sir!" Napapikit ako, napahilot na rin ng sentido dahil para akong mawawalan ng ulirat dahil sa kanya. "Layas. At baka ano pa ang magawa ko sa 'yo." "Yes, Sir!" At sumaludo pa nga ang hangal bago tumalikod. Lintek. Kailan ko ba siya mapapa-amo? Kailan ko ba mapapa-ikot sa aking mga kamay ang babysitter kong ito?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

WAYNE CORDOVA

read
484.1K
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

Dangerously In Love

read
44.3K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
583.0K
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
182.7K
bc

A Night With My Professor

read
534.2K
bc

STEP-BROTHER (SPG)

read
2.4M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook