1: The Playboy

1187 Words
TRIGGER "Psst!" tawag ko kay Blessie. Kita ko ang paghigpit ng hawak niya sa papel, halos malukot na iyon dahil tila ba bigla siyang nanggigil. Napangisi ako. "Kape nga." At tuluyan nang nalukot iyong hawak niya, bahagya pang nanginig ang kanyang kamay na para bang pinipigilang punitin ang papel. Mahina akong natawa. Kinausap ko kasi iyong iba kung pwede ay dito na lang sa loob ng opisina ko ang table niya sa halip na sa labas. Halos durugin niya ako gamit ang tingin nang sabihin ko iyon kanina pero wala naman siyang magagawa. Ako ang boss dito, she needs to follow my orders. Ayun, masyado yatang natuwa. Makasama mo ba naman ang ubod ng hot mong boss, ewan ko na lang kung hindi ka mangisay sa kilig. Kaya siguro hindi man lang ako tinatapunan ng tingin ng babaeng ito, nahihiya siguro. Tsk. Pero nakakainis din, ha! Konti na lang at mangangasim na ang tiyan ko sa kakainom ng kape, kanina ko pa ito inuutusan para man lang makausap siya kahit saglit. Pabagsak niyang inilapag ang mga papel sa mesa at agarang tumayo dahilan para mapa-atras ang upuan niya at bumangga sa pader. "Hala siya." Napasinghap ako at umaktong nagulat, napahawak pa ako sa dibdib na parang gulat na gulat sa ginawa niya. "Nagdadabog?" Ngumiti ito ng pagkalaki-laki. "Ay hindi po, Sir! Tuwang-tuwa nga ako dahil inutusan mo na naman ako ngayon!" Pero bakit siya sumisigaw? "Ahh. Akala ko nagdadabog ka, eh." Tumango-tango pa ako. Hindi ko mapigilang ngumiti nang makitang salubong na naman ang mga kilay nito. Pfft. In love lang ang isang 'to sa akin, eh. Dinadaan pa ako sa arte. Bakit ba ganito ang mga babae? Dinadaan sa pagmamaldita ang pagpapa-cute? Kunwari ay galit, pero ang totoo ay naghahanap lang ng lambing. Kunwari ay wala lang pero ang totoo ay kinikilig na. "Gago." Rinig kong bulong nito sa sarili. "Ano ulit 'yon?" Inilapit ko ang tenga sa kanya, kunwari ay hindi narinig pero ang totoo ay sobrang linaw nito sa pandinig ko. Gwapo raw ako. Muli siyang ngumiti, pero ang talim talim ng titig sa akin. "Sabi ko, ang gwapo niyo, Sir! Tapos ang bait niyo pa! Nako, sana kunin ka na ni Lord!" Napahalakhak ako ng malakas. Gwapong-gwapo talaga ang babaeng ito sa akin. Kaya siguro tinanggap ang alok ng matandang ulyanin na iyon para maging babysitter ko. Hindi siguro matanggihan ang kagwapuhan ko. Well, sino ba naman ang tatanggi? Baka hindi niya alam, eh, nasa listahan ako ng Most Desired Man ng latest cover ng isang magazine. Hindi sa pagmamayabang, ha? Pero gano'n ako ka-lupit. "Itimpla mo na ako ng kape," utos ko sa kanya. "Sarapan mo, ha?" pahabol ko pa. "Iyong abot langit ba ang sarap, Sir?" tanong nito habang taas-baba ang kanyang kilay dahilan para saglit akong matigilan. Kinindatan ko ito. "Oo, iyong tipong titirik ang mata ko sa sobrang sarap." Hayun at tinalikuran ako. Ni hindi na pinatapos ang banat ko. Gagatong-gatong tapos mapipikon din lang naman. Napapailing na lang ako at kinuha na ang papeles na kailangan ko pang pirmahan. Pero agad ko rin iyong ibinaba at bumalik ang tingin kung saan siya lumabas. Umaasa na babalik din siya kaagad. "Eh, bakit ang saya ko?" tanong ko sa sarili at tinapik-tapik pa ang dibdib. "Ba't ang lakas ng t***k mo dyan sa loob, ha?" Pagkausap ko sa puso ko na walang ka-malay malay sa nangyayari. Kasalanan 'to ni Blessie. Umabot na yata sa puso ko ang pangangasim ng tiyan ko kaya ganito na lang kalakas ang t***k nito. Nasobrahan lang siguro ako sa kape, 'no? "Oo, wala lang 'to, mga pare." "Who are you talking to, honey?" Mabilis na pumaling ang ulo ko kung saan nanggaling ang tinig. At doon ay nakasandal sa pinto ang isang napaka-sexy na babae. Suot ay isang kulay itim na dress na kulang-kulang sa tela. May butas sa bandang tiyan at mahaba ang slit sa binti na konting lipad lang ng hangin ay masisilip na ang kanyang garden. Garden of Eve. Naks. Muntik na akong mapa-sipol. "Baby Jessica!" masiglang bati ko at ini-unat pa ang mga braso para mayakap siya habang naglalakad papunta sa kanya. Kay lapad ng ngiti ko dahil sa nakaka-akit na dilag sa harap ko. "Who is Jessica?" Mabilis akong napa-preno. Oo nga, sino nga ba 'yun? Mukha kasing Jessica ang pangalan niya. Napaisip ako. Takte. Ano nga ba ulit pangalan nito? Jenny? Jenifer? Basta letter J ang simula! "Did I say Jessica? I said.. uhm, Janice?" usal ko at ngumiti pa ng matamis. "And who the hell is Janice?" Bakas na ngayon ang inis sa kanyang tinig kaya nakagat ko ang aking labi. Last chance, Trigger. Halughugin mo na ang utak mo kung ayaw mong masampal nang wala sa oras. Baka mag-strike 3 ka at literal na ma-homerun kapag nainis ang isang 'to. Humalakhak ako. "Mukhang humihina na ang pandinig mo, baby," malambing kong usal. "Halika at lilinisan natin 'yan." Abort mission. Huli na ang lahat dahil nag-landing na ang palad niya sa kaliwang pisngi ko. Panandalian akong nabingi sa lakas ng impact no'n. May masama ba sa sinabi ko? Ayaw niya ba ng proper hygiene? "Fvck you!" Malakas na sigaw nito at mabilis akong iniwan. Napahawak na lang ako sa pisngi habang tinatanaw ang likod niyang kekembot-kembot palayo. Napabuntong-hininga ako. "Kamusta, Sir? Strike 3 ba ulit?" Bungad sa akin ni Blessie, hawak-hawak ang kape at ngiting-ngiti sa akin. "Ba't ka naka-ngiti, ha?" Inis kong tanong sa kanya. Napasinghap ito at napahawak pa sa dibdib, mabilis nitong nilapag ang kape sa table bago lumapit sa akin. "Hala, hindi, ah!" Depensa nito sarili pero ang lawak pa rin ng ngiti. Niloloko ba ako ng babaeng 'to? "Sigurado ka na ba dyan? Hindi ka talaga naka-ngiti?" tanong ko ulit dito. "Sure na sure, Sir!" At tumawa pa siya. Huminga ako ng malalim bago humakbang palapit sa kanya. Nawala iyong ngiti sa kanyang labi at mabilis ding umatras hanggang sa tumama na siya sa pader. Naging malikot ang kanyang mata at hindi alam kung anong gagawin. Itinukod ko ang dalawa kong kamay at mataman siyang tinitigan. Saglit akong napatulala sa maamo niyang mukha. I smirked. "Gusto mo bang lumuhod ulit?" "L-Luhod po, Sir? Magpe-pray ba ulit ako?" Napapikit ako. Nagtagis ang ngipin para pigilan ang sarili. "Hindi na pray ang ipapagawa ko sa'yo," bulong ko sa kanyang tenga. "A-Ano na po?" Yumuko pa ako, ilang metro na lang ang pagitan ng aming labi. Para akong hinihila ng malambot at mala-rosas na labing iyon. Parang gusto kong... tikman. Bigla akong natauhan. "Papaluhurin kita sa asin habang tuma-tumbling." Inis kong usal at lumayo na sa kanya. Ilang beses akong bumuga ng hangin dahil sa sobrang bilis at kabog ng puso ko. Tinapik-tapik ko pa ang dibdib ko saka paulit-ulit na umiling. Gago ka, Trigger. Huwag kang ganyan, pare. Maghunus dili ka! "Pero, Sir-" Napalingon ulit ako kay Blessie na hindi na maipinta ang mukha. "Ano?" "Hindi po ako marunong mag-tumbling.." Hangal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD