bc

Behind Closed Door

book_age16+
1.0K
FOLLOW
11.5K
READ
billionaire
love-triangle
escape while being pregnant
comedy
sweet
humorous
first love
friendship
secrets
friends with benefits
like
intro-logo
Blurb

Ano ba ang dapat na maging reaksyon kapag nakita mo ang isang hot at gwapong lalaki na kalalabas lang ng banyo sa loob ng iyong bagong bahay? Matakot? Mabahala? O maglaway dahil sa nakatutukso nitong gray eyes at kumakaway na six pack abs? Or all of the above?

---

Noon pa lamang ay nais na ni Felicidad Sarmiento na bumukod at maging independent kahit na nag-aaral pa lamang ito. Sa kagustuhang mapag-isa ay tinulungan ito ng mga magulang na bumili ng sariling bahay, kapalit ay ang pangakong mag-aaral ng mabuti at magtatapos ito ng kursong medisina.

Palaban, prangka, at marunong dumiskarte sa buhay, ngunit sa kabila ng mga katangiang ito ay nakuha pa rin siyang lokohin at ma-scam ng seller ng kanyang bagong bahay na si Mr. Harold Orteza. It was one hell of a surprise for her nang malaman na ang nabili niyang bahay ay hindi lamang siya ang nagmamay-ari, kundi ay kahati niya rito si Xavier Kio Monteamor na biktima rin ng pinsan niyang si Harold.

Gwapo, charismatic, at pa-fall— iyan ang mga katangian ni Kio na magiging dahilan ng pagkalito, pagkahulog ng loob, at pagbabago ng buhay ng ating bida. Anong mangyayari sa pag-ibig na unti-unting namumuo kung una pa lang ay alam niya nang hindi maaari?

---

The battle of house rights and ownership between Fely and Kio that will lead them into knowing each other. . . deeper and harder.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
FELICIDAD RUSHEL SARMIENTO "Doktora, may isisingit tayong pasyente, ha?" Napakunot 'yong noo ko dahil sa sinabi ni Hazel. Ano 'to, enrollment para may sumingit sa pila? "At bakit?" taas kilay na tanong ko sa kanya, itinigil ko saglit ang pagsusulat. "High profile daw po, eh. Si Dra. Burado rin ang nagpasabi," sagot nito at isang alanganing ngiti ang binigay sa ’kin. Mariin akong napapikit. Iniisip kung pang-ilang beses niya nang ipinasa ang trabaho sa akin. Talagang Burado ka sa ’king animal ka. "Bakit hindi siya ang mag-check do’n?" Bakas ang inis sa tono ng boses ko pero nagpatuloy pa rin ako sa pagsusulat. I still have lots of patients to check, mabubuwisit lang ako kapag inisip ko pa ang animal na 'yon. "Puno raw po kasi ang schedule niya ngayon at saka may operation din daw po siya mamaya," sagot nito, mabilis akong napalingon sa kaniya. "Kaya sa ’kin niya ipapasa ’yong trabaho niya?" iritado at hindi makapaniwalang tanong ko. Disappointed but not surprised. Expert 'yan sa ganito, kukuha ng dagdag na load ng pasyente para kunwari ay hardworking at dedicated sa trabaho pero pagdating ng oras ay ipapasa rin lang naman sa ibang doktor. . . sa akin. "Parang gano'n na nga po." Napakamot ito sa ulo at tila ba hindi alam ang gagawin, lalo na't nakikita niya akong naiinis ngayon. Napasentido ako, ramdam ko ang pagkibot ng ulo ko dahil sa pagpigil ng inis. Sinusubukan talaga ng doktorang 'yan ang pasensya ko. Kukuha-kuha siya ng pasyente tapos ipapasa niya na naman sa ’kin? Alam kong bago lang ako dito pero damn, is this how this hospital works? Kapag high profile, isisingit na agad? First come, first serve basis ako. Unless emergency 'yon at walang ibang doktor na available. Sakto lang talaga na naka-assign ako sa OPD ngayon dahil hindi available si Dr. Jimenez. Out of town siya for 4 days, may conference meeting siya na kelangan niyang daluhan. Dapat by now, nagra-rounds na ako sa mga pasyente ko sa itaas na floor. Pero ipinagkatiwala ko na 'yon sa mga nurse. "Nandyan na ba ’yong pasyente?" tanong ko sakanya habang inaayos ang mga gamit para sa susunod na pasyente. Pabagsak at padabog ko itong inayos para doon ibaling ang inis na nararamdaman ko. Gusto kong itapon itong mga gamit kung saan! Pero ako rin lang naman ang pupulot nito kaya huwag na lang. "Wala pa po. Mamayang 5pm pa 'yong schedule." Scheduled naman pala, eh. Ba't hindi siya ang humarap do’n? I glanced at the wall clock, 12:37pm. Halos limang oras pa. "I see, may mga pasyente pa ba sa labas?" I asked my secretary while massaging my head. Nagkanda-leche leche na ang schedule ko nang dahil sa doktorang iyan! "Meron pa po, Doktora," sagot niya na nakasilip sa labas ng pinto. "Sige, papasukin mo na ’yong sunod," I sighed. Alas otso ng umaga ’yong duty ko pero alas sais pa lang ay nandito na ako sa ospital. Inayos ko kasi ’yong mga records ko dahil nagkagulo-gulo ’yon noong may isingit si Dra. Burado na pasyente, hanggang sa nagpaulit-ulit na. "Pero hindi pa po kayo kumakain," aniya. Right. Kanina pa ako nagugutom pero gusto ko muna ubusin yung mga pasyente para diretso na yung break. Kahit na nangangalay na ang likod ko at parang mabibiyak ang ulo sa sakit, wala akong magagawa. "Mamaya na, tapusin ko na muna 'to." Bumaling ako sa kanya. "Ikaw? Kumain ka na muna, ako na bahala rito." "Pero wala po kayong katulong, Doktora," sabi niya na parang nagdadalawang-isip pa. Napailing na lang ako. Hindi magandang magtrabaho ng gutom. Pero in my case, sanay na ako. May mga araw na hindi ako nakakakain dahil sunod sunod ang emergency. O kaya ay pila-pila ang mga pasyente na nagpapatingin. San Lucas Medical Hospital. Isa sa mga nangungunang ospital sa bansa. Bukod sa kumpleto ang kagamitan at well-trained ang empleyado, from the Chief Doctor hanggang sa utility, ay open din ito sa mga taong kapos sa pera. Kaya halos araw-araw ay dagsa ang tao para magpatingin. Pero hindi talaga maiiwasan magkaro'n ng doktor na inuuna ang pera kesa sa pangangailangan ng mga tao. "Ako na bahala dito, sige na kumain ka na. Bumalik ka na lang after 1 hour," ani ko habang nagsusulat. Magsasalita pa sana siya pero tinaboy ko na siya paalis. I can work alone. Hindi ko naman talaga kelangan ng secretary o kaya asisstant, eh, kaso ang board of directors na mismo ang nag-assign sa kanya kaya wala na rin akong magagawa. Malaking tulong na rin sa ’kin si Hazel dahil nababawasan kahit papa’no ang aking trabaho. Lumipas ang oras at paunti-unting nauubos ang pasyente sa labas. Kadalasang sakit nila ay ubo, sipon, o kaya ay highblood dahil sa pabago-bagong panahon ngayon. Summer season pero may mga araw na sobrang lakas ng ulan at malamig ang panahon kaya nabibigla ang temperature ng tao. "Kain na kayo, Doc. Baka tumimbawag ka na dyan sa gutom, eh," sabi nito bago tumawa, "andami pa naman ng pasyente niyo kanina." "Eh, 'di dalhin mo na lang ako sa emergency room," biro ko sakanya habang nagliligpit ng gamit. "Call me kapag may naghanap sa ’kin," ani ko habang naglalakad palabas ng pinto. "Ay, Doc! May appointment po pala kayong 5pm, baka makalimutan niyo," pahabol niya. Saglit na napatigil sa doorknob ’yong kamay ko pero dumiretso na rin lang ako sa labas. Oo nga pala, may isa pa akong pasyente mamaya. I should have asked for the details para naman ready ako kahit papa’no. At naalala ko, hindi ko pala nakuha ’yong previous record or referral nito. Hmm, high profile raw, eh. Mabilisang kain lang ang ginawa ko. Nakipagkwentuhan din muna ako sa mga nakasabay kong doktor sa pagkain. Halos lahat sila pagod at puyat, including me, of course. Napag-usapan din nila ’yong tungkol sa isang maimpluwensya at mayamang pamilya na kababalik lang sa bansa last week. I didn't go into details at kunwari'y nakinig na lang sa kanila, pero ’yong isip ko ay lumilipad. Nabaling ang atensyon ko sa nurses na aligaga sa paglalakad at pag-assist sa mga doktor kung sa'n sila naka-assign. I remember being just like them years ago. Iyong maiiyak ka na lang sa pagod at minsan gusto mo nang sumuko dahil sa toxic na environment. Iyong sukdulan na ang sakit na nararamdaman mo, both mentally and emotionally, pero wala kang magagawa dahil gusto mong makapagtapos. At iyong kahit ang sarili mong buhay ay muntik mo nang sukuan, pero hinihila ka ng pride mo na magpatuloy. And now here I am, still struggling with work pero hindi na katulad ng dati. I already built my name, and people now call me Dra. Fely Sarmiento. Ahh. It feels surreal. "Doc Fely, ikaw ba, eh, wala pang asawa?" biglaang tanong ni Dr. Hidalgo dahilan para mabulunan ako sa kinakain kong salad. Napalingon ako sa kanila at nakitang lahat sila ay nakangiti at nag-aabang ng sagot. Asawa? Ano ba ang pinag-uusapan nila at pati ako tinatanong nila? Nananahimik ako, eh. Napilitan akong ngumiti. "Wala pa po, eh. Walang balak," magalang na sagot ko. Ilang taon din ang tanda niya sa akin at hindi ko naman siya basta-basta nakakausap noon, pwera na lang kung tungkol sa pasyente. Kaya hindi ko alam kung pa'no dapat makitungo sa kanya. Isa siya sa mga neuro-surgeon dito. Grabe awkward, ha! "Hindi na tayo bumabata, Doktora. Sayang ang ganda kung walang mag-aalaga panghabang-buhay," biro naman ni Dra. De Leon. Palibhasa'y may asawa na kaya ganyan kung makapagbiro. Napaismid ako. Sayang ang ganda kung walang mag-aalaga habang-buhay? Jusko naman! Ano ako baldado? I'm fine, thank you. "I can take care of myself, Doc," nakangiting sagot ko. Hindi naman ako ilag sa mga lalake. I've dated lots of guys before, pero lahat ay pang-short-term lang. I don't need someone na full-time girlfriend/housewife ang hanap, I have work and other life too. Being a doctor takes most of my time. And I'm too lazy to fall in love again, para lang akong nagpapakilala ulit sa bagong kaklase. Kinuha ko 'yong cellphone ko sa bulsa nang magring 'yon bigla. Hazel's calling. "Yes, Hazel?" "Ah, Doc, on the way na daw po 'yong pasyente. Tumawag po kanina," sagot nito sa kabilang linya. I glanced at my wrist watch. 4:13pm. Ang aga naman? Akala ko 5pm pa. Inayos ko na yung sarili ko at nagpaalam na sa kanila. "Uy, balita ko nilipat daw dito yung batang Monteamor? Nakabalik na daw sa Pilipinas, eh." "Hindi ko rin alam. Sino naman kaya kinuhang doktor nun? Sana si Dr. Sanchez na lang, para kasama ako palagi kapag may appointment, hihi." I stopped on my tracks and stared at the nurses chitchatting in the middle of the hallway. Annoying. "Excuse me, ladies." Napapitlag sila at takot na lumingon sa gawi ko. At sa gitna pa talaga sila nagkwentuhan? "A-ah, Doc, sorry po." Yumuko 'yong isa na sinundan naman ng pangalawa. "Get back to work," ani ko at naglakad na ulit, "and mind your own business." Monteamor, huh? Bumungad ang isang aligagang Hazel pagpasok ko ng opisina. Abala siyang mag-ayos ng mga magazines na nakalagay sa isang shelf, tapos may hawak na basahan sa isang kamay. Ipinagsawalang-bahala ko na lang 'yon at naupo na sa swivelling chair ko. I stared at the picture frame displayed on top of my table. I miss you.. Maya-maya ay may kumatok sa pinto na mabilis namang pinagbuksan ni Hazel. Pumasok ang isang batang lalake at kasunod niya ay isang magandang babae na sa tingin ko ay kaedad ko lamang. "Good afternoon, Doktora," nakangiting bati niya pagpasok, sinuklian ko rin ito ng ngiti. "Good afternoon. Have a seat." I motioned the chair in front of my desk. I stared at the little boy. Curly hair, almond-shaped eyes, and rosy cheeks. Mukhang hindi sanay sa initan ang isang 'to. Pero agad na nangunot ang noo ko nung pakatitigan ko ang kanyang mata. Gray eyes. "Doc, ito po 'yong record ng bata." Inabot niya sa ’kin ’yong plastic envelope, mabilis ko 'yon binuksan at binasa ang laman. Xavier Kaden Monteamor Monteamor? Napaawang ang labi ko pagkabasa ng pangalan. Is he related to the Monteamor I know? I felt a slight pang in my chest and a surge of emotions inside. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa dalawa. Siya ba ang mommy ng bata? Ang dami kong gustong itanong. I have this urge to ask questions about his relationship with a certain man I knew before. Pero pinigilan ko 'yon. We proceeded with the check-up and finished after almost an hour. "Mom, aren't we done yet?" tanong ng bata. Pinagpatuloy ko lang 'yong pagsulat ng results habang pilit na pinapakalma ang sarili. Ang lamig na ng kamay ko at feeling ko ay namumuo na yung pawis ko sa noo kahit na de-aircon naman ang opisina. Tahimik lang akong nakikinig sa pag-uusap ng dalawa. "Almost done, baby. Your dad will pick us up," malambing na tugon no’ng ina ng bata. Lalong hindi ako mapakali dahil sa sinabi niya. Maya-maya ay may kumatok ulit sa pinto. Gustong-gusto kong lingunin 'yon pero mas pinili kong tapusin ang ginagawa ko. May kung anong humihila sa akin para tingnan ang bagong dating. "Are you done?" My heart almost froze when I heard a familiar voice. Very f*cking familiar. Nagtama ang paningin namin nang lingunin ko siya. His smile faded when he saw me, he looked shocked and out of words. Para bang may gustong sabihin pero hindi alam kung ano. "Here's the result," ani ko at inabot yung envelope sa ina ng bata. "Nandyan na lahat ng gamot na kelangan niyang i-take. Iyong mga do's and don't's, pati 'yong instructions ay nakasulat na rin d’yan," seryoso ngunit nakangiting sabi ko. My heart doubled in beat when I felt his stares from the corner of the room. Nanatili akong nakangiti kahit na pilit lang 'yon. "Thank you so much, Doc!" nakangiting sagot ng ina. Nagpaalam na sila at umalis pero nanatili akong nakatayo habang nakatingin sa pinto. Wow. Sampung taon na ang nakalipas pero bakit gano'n? Bakit ganito pa rin ang epekto niya sa ’kin? Napatitig ako sa picture ng isang batang babae na nakangiti at may yakap-yakap na teddy bear. Tuluyan nang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. 'I'm sorry, anak. Mukhang may sariling pamilya na ang daddy mo.'

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Writer's Block (TAGALOG)

read
50.8K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
57.9K
bc

Married to a Cold Billionaire

read
131.3K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
77.9K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
444.9K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook