1: Home, Sweet(?) Home!

1809 Words
FELICIDAD RUSHEL SARMIENTO "House number 456-123. Eto na ba 'yon?" Nakatingala ako sa mataas na metallic gray gate na nasa harap ko, may nakadikit na house number sa katabing pader no'n. Seryoso, eto na 'yon? Tiningnan ko ulit 'yung papel kung saan nakasulat 'yung house number. 456-123. Tama naman, so meaning eto na nga. Hindi na ako nag-abalang pindutin ang doorbell dahil ako na ang may-ari ng bahay na ito. Kinuha ko 'yung binigay na susi sa'kin at binuksan ang gate. Hinila ko papasok ang dala kong dalawang maleta at binitbit iyong dalawang malaking bag at isang box. Buong buhay ko ang nasa loob ng mga bag na 'to kaya ingat na ingat akong dinala 'yon sa loob. Anak ng.. Ang laki! Literal na napa-nganga ako pagkakita sa bahay. Pucha, ang mura na pala ng mga bahay ngayon? Eh mansion na ata 'to sa laki, ah! 2-storey house painted in light gray and black, moderno ang istilo ng bahay. May dalawang terrace sa second floor na halos magkatabi lang, tatlong pinto siguro ang pagitan nila. Mukhang terrace ng dalawang kwarto na magkatabi. Malalaki ang glass windows at may nakadisplay na mga halamang nakalagay sa paso. Napakaaliwalas tingnan ng lugar. Mayroong tiled pathway mula sa gate hanggang sa main door ng mismong bahay, pero pang-outdoor 'yung tiles kaya hindi madulas kapag nababasa. Tapos may mga makinis na bato sa gilid no'n na nagsisilbing border. Siguro kapag lumampas ka do'n, deads ka na. Charot! Sa kaliwa ay isang malaking garden na may fountain sa gitna, andaming bulaklak na nakatanim at ang gaganda ng pagkakatanim dito, alagang alaga ang itsura. May daisy, dahlia, chrysanthemum, roses, at marami pang iba. May puno rin ng mangga na hitik sa bunga, iyong tipong masarap matulog sa ilalim no'n kapag hapon. Napapaisip ako kung sino ang nag-aalaga nito. Ang sabi sa'kin ng nagbenta ay ilang buwan na raw na walang nakatira dito. Kung gano'n nga, eh, 'di dapat nalanta na itong mga halaman. Unang tingin mo pa lang dito masasabi mo nang alagang-alaga ang mga 'to. Weird. Baka may kinuha siya na tagapangalaga? Binalewala ko na lang 'yon at nagpatuloy na sa loob. Nahirapan pa nga akong dalhin yung mga gamit ko sa harap ng pinto. Dalawang maleta, dalawang malaking bag, at isang box ang dala ko kaya naman dalawang beses akong bumalik para madala lahat sa loob. Buti na lang at hindi masyadong malayo ang gate sa main door. "I deserve a long bath after this," sabi ko sa sarili habang binubuksan yung pinto, "oh, bukas na?" nagtatakang tanong ko dahil hindi naka-lock 'yung pinto. Bakit pinabayaan lang 'tong hindi nakalock? Pa'no kung may magnanakaw na pumasok? Jusko! Kahit naka-lock 'yung gate ay pwede pa rin 'to pasukin ng kung sino! Mautak na ang mga magnanakaw ngayon, gagawa at gagawa sila ng paraan para makapagnakaw lalo na kung grabe ang pangangailangan. Nangilabot ako sa naisip ko pero hinayaan ko na lang. Baka kasi pumunta rin dito si Mr. Harold at alam niyang ngayon ako lilipat kaya hinayaan niya lang na nakabukas. OA lang talaga siguro ako. Tumuloy na ako sa loob, may maliit na pasilyo at dalawang step ng hagdan bago tuluyang makapasok. "Wow!" Bumungad sa'kin ang malawak at malinis na living room. May color white na 6-seater L-shape sofa, coffee table sa harap nito, at isang malaking flat screen tv na naka-attach sa pader. May malaking bintana rin sa tabi nito na may kulay orange na kurtina. "Anlambot, hihi," umupo ako sa sofa at tinaas 'yung paa sa ibabaw ng coffee table. Hindi masyadong madilim sa loob kahit nakapatay ang mga ilaw dahil bahagyang nakahawi 'yung kurtina, pumapasok ang liwanag mula sa labas. The walls were painted in white and light yellow kaya maaliwalas tingnan. Nagpalinga-linga ako sa paligid at nahagip ng mata ko yung dining area. Color black ang dining table na may apat na upuan. May bar counter din with 3 high stools. Tapos 'yung lababo? Iyon 'yung tipong sisipagin ka maghugas ng mga pinagkainan dahil malinis at maganda ang itsura. May cupboard sa ibabaw nun. At syempre 'di mawawala ang electric stove na may oven sa ilalim. Oohh, I love baking! Ang masasabi ko lang? Wow. Pang-sossy ang mga gamit dito. Hindi ako makapaniwalang nabili ko 'to sa murang halaga. Kung tutuusin ay masyadong malaki itong bahay para sa isang tao. Sobra ito sa inaasahan ko. Paalis na sana ako nang may mapansin ako, kaya napalingon ulit ako sa kitchen. May coffee mug sa ibabaw ng sink. Nagsitaasan ang mga balahibo ko bigla. Tangina, hindi kaya na-scam ako? Kunwari ay akin na itong bahay tapos pupunta ako dito para lumipat, tapos sakto namang dadating yung may-ari at mapagkakamalan akong magnanakaw at tatawag ng pulis! "Ay gago, hindi naman siguro," natatawang kontra ko sa sarili. Pano naman mangyayari 'yon, eh, binigay niya naman sa'kin lahat ng original documents ng bahay? I shook my head and proceeded to roam around the house. Lumipat ako ng bahay para maging independent. 4th year college na ako pero hindi ako mapakali kasi feeling ko ay umaasa pa rin ako sa magulang ko, though gano'n naman talaga dapat dahil hindi pa ako tapos sa pag-aaral. Hindi naman sa nagrereklamo sila sa'kin, pero ewan ko ba. Masyado lang siguro akong nasasakal sa bahay kaya I decided to move out and live alone. Kelangan ko na maging handa sa pagiging adult kapag nakagraduate na ako. Hindi habang buhay ay nasa puder ako ng magulang ko. Hindi naman sila nagreklamo at full support pa. In fact, pera pa nila ang ginamit sa pagbili ng bahay na 'to. Wala namang problema dahil barya lang 'yon para sa kanila pero nangako ako na babayaran ko lahat kapag nakapagtrabaho na ako. They really don't mind, actually. Ako yung naghanap ng bahay at nag-asikaso ng papeles tungkol sa ownership ng bahay, ni hindi sila nakialam. Hinahayaan lang nila akong magdesisyon para sa sarili ko, malaki na ako. Pero kapag nagkamali ako at nasira ang buhay ko dahil dun, hindi sila magdadalawang-isip makialam. I didn't really care, I'm not ruining my life or what. Independency! Iyon lang ang gusto ko. Umakyat ako sa taas para i-check 'yung second floor. May living room at sala set pagkaakyat ko, open lang ang second floor kaya natatanaw ang living room sa baba mula dito. Napakalinis tingnan ng paligid, maayos at maganda ang pagkakalagay ng mga gamit. Malalaki ang bintana kaya maliwanag ang paligid at kitang-kita ang kagandahan dito sa loob. May tatlong kwarto at isang bathroom sa palapag na ito. Pumasok ako sa unang kwarto, may single bed at bedside table na kung saan ay may nakapatong na lampshade. Mayroon ding maliit na closet sa loob. Simple lang siya, guest room siguro. Yung pangalawang kwarto naman ay di hamak na mas malaki kumpara sa nauna. Queen-size ang higaan at may katabing lamesa. Mayroong sofa sa gilid at coffee table. May kulay puti na pinto sa loob, binuksan ko 'yon para tingnan at walk-in closet pala. Hinawi ko 'yung malaking kurtina na nasa tabi lang ng lamesa, sliding door sa terrace. Akala ko naman bintana. Ito yung nakita ko sa labas kanina. Pagkatapos ko icheck lahat ay lumabas na ako at pumunta naman sa huling kwarto na nasa dulo ng pasilyo. Palinga-linga ako sa paligid, everything is in place. Nakakapagtaka lang kung bakit nila ibebenta ang ganito ka-gandang bahay. Abstract paintings are displayed on the walls, beautiful and eye-catching. Hindi ako magaling sa arts pero masasabi kong maganda ang pagkakapinta ng mga imahe dito. "Ano 'yon?" tanong ko sa sarili. May narinig akong mahinang kaluskos nung makalapit ako sa pinto ng ikatlong kwarto. Nagdadalawang isip ako kung papasok ba o hindi, pero no choice, kelangan ko i-check ang loob nito. Marahan kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Natigilan ako saglit dahil sa kakaibang amoy na nanuot sa aking ilong. Ba't ganon? Bakit amoy pabango ng lalake? Pucha! 'Di kaya may pumasok na magnanakaw dito? Naging alerto ako bigla sa paligid. Hanep, ang sosyal ng magnanakaw na 'to, ah. Branded ang pabango. Amoy Armani! Napakislot ako nang may marinig akong kaluskos sa isang pinto kaya basta ko na lang hinablot kung ano man ang mahawakan ko. Baseball bat! Medyo madilim dito sa loob ng kwarto dahil nakasarado ang mga bintana at nakababa ang kurtina. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at nag-abang. Nanginginig man ay naging alerto pa rin ako, tinapangan ko ang aking sarili dahil sa sitwasyon ko ngayon. It's either you kill me, or I'll kill you! Maya-maya ay narinig ko ang pagpihit ng gripo at pagtigil ng bumubuhos na tubig. "Waaahhh!" Nakapikit kong hinampas yung baseball bat sa kawalan nang biglang bumukas ang pinto. Binalot ako ng kaba nang mapagtantong hindi ako nag-iisa sa bahay na ito! "What the f**k?!" Biglang lumiwanag ang paligid at tumambad sa'kin ang lalakeng nakatapis lang ng tuwalya! "Waahhh! Magnanakaw!" Tinapon ko 'yung baseball bat kung saan at mabilis na tumakbo papunta sa gawi ng pinto, pero agad na nahawakan niya ako sa braso at tinakpan pa 'yung bibig ko! Naramdaman ko ang pagdampi ng basa at malamig na balat sa aking likuran, marahil ay kakatapos lang maligo ng kingina! Punyeta! Kinagat ko ang kamay niya dahilan para mapamura siya. "Waahhh! Ra*e! Ra*e! Help me!" natatarantang sigaw ko, pero tinakpan niya ulit ang bibig ko at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa akin. Napakapit ako sa braso nito at pinisil-pisil iyon. Teka- muscles ba 'to? "Why would I fvcking r**e you?!" inis na sigaw niya, pero nagpupumiglas lang ako. Ay, hindi ba? Aba malay ko ba! "Okay okay. I'll let you go, but promise me you'll shut your mouth. Okay?" sabi nito, tumango lang ako para makawala na. Dumagundong 'yung t***k ng puso ko sa kaba! Hindi ko kilala ang lalakeng ito! Matapos niya akong pakawalan ay mabilis ko itong hinarap. "Who are you?! / Sino ka?!" "Why the fvck are you inside my house?! / Bakit nandito ka sa loob ng bahay ko?!" "The fvck?! / Anak ng!" Anong pinagsasabe ng animal na 'to? Bakit puro fvck lang naiintindihan ko? Bumaba ang tingin ko sa katawan niya. At bakit nakatuwalya pa rin 'to hanggang ngayon? Punyeta, uminit bigla, ha? Pasimple kong pinaypay ang sarili gamit ang kamay dahil sa biglang pag-init ng aking mukha. Napako ang tingin ko sa abs niyang may tumutulo pang tubig pababa sa-- doon, basta 'yun! "What the fvck are you talking about?! This is my house and you are trespassing my privacy!" galit na sigaw nito dahilan para mabilis ako mabalik sa wisyo. Tangina, english? Kumalma ka please, baka mahulog yang tuwalya mo. Pero agad na naningkit ang mga mata ko nang ma-realize ko ang sinabi niya. Bahay niya 'to?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD