KIEFER'S POV “HE'S none of your business.” Aba’t—sinabi ko bang business ko ang lalaking iyon? May sinabi ba ako? Wala naman akong pakialam sa lalaking iyon, ang gusto ko lang malaman ay kung sino ba siya sa buhay ni Summer. Hindi ko mapigilang mapailing. Maganda sana 'tong si Summer, eh, medyo tagilid nga lang kung minsan. “You have a boyfriend na?” hindi makapaniwalang tanong ng kaibigan niyang si Hannie. Muntik na akong matawa dahil halatang wala silang ideya sa lovelife ng kaibigan nila. Oo nga pala, wala nga pala silang kaalam-alam na nagkaroon na rin ng karelasyon si Summer noon. It was a secret. A secret that we both promised to keep kahit na magkahiwalay na kami. “Bakit?” naguguluhang tanong ko sa kaibigan ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nakatingin sa akin si Maxim ng

