SUMMER’S POV NAKAKAGIGIL ngang tunay! Ano na naman ba ang ginagawa ng epal na ʼto rito? May kasalanan ba ako ginawa para mangyari sa akin ang mga ito? Gosh! Kotang-kota na ang lalaking ʼto sa akin! Mariin akong napapikit. Humugot ako ng isang napakalalim na buntonghininga bago muling ibinalik ang tingin kay Hiro na ngayon ay gulong-gulo sa nangyayari. Napabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa. Matamis ko siyang nginitian. “Do you know him, Summer?” nagtatakang tanong nito na ang tinutukoy ay si Kiefer. “Ehem,” rinig kong tahol no’ng isa na pasipol-sipol pa sa tabi. Sunod-sunod ang naging pag-iling ko. “No, of course not,” turan ko. Tiningnan ko pa si Kiefer para mang-asar bago magsalita. “Wala akong kilalang pangit.” Tuluyan nang nagsalubong ang dalawang kilay ni Hiro dahil sa

