SUMMER’S POV NAGSILINGUNAN sila sa akin. Napaawang ang labi ko, hindi alam kung ano ang sasabihin. Last time na na-feel ko ang ganito ay noong muntik na akong mahuli ni Daddy na kausap si Kiefer through video call. I was scared and nervous, pakiramdam ko ay nahuli ako. Na nabunyag ang pinakatatago kong sikreto. Pero mas malala yata ʼto. “Now I get it,” mahinang usal ni Hiro na tila ngayon niya lang naintindihan. “Kaya pala parang may something sa inyo.” No. Walang something sa amin. Matagal na iyon, matagal nang tapos at kailangan nang ibaon sa limot. Why does he have to bring it up? Bakit kailangan niyang ungkatin ang nakaraan namin. Why? Ano ba ang gusto niya? Gusto niya ba akong saktan nang paulit-ulit? “Past is past. There’s no use in mentioning it now, matagal na ʼyon.” Pinilit

