Panimula

102 Words
Sa isang bansa na kung tawagin ay Fiore, naninirahan ang Walumpu't siyam na milyong bilang ng populasyon. Ito ang mundong puno ng mahika. Mahalaga ang tungkulin nito sa buhay ng mga Salamangkero. Salamangkero, ito ang tawag sa mga taong nagtataglay at gumagamit ng iba't ibang klase ng mahika. Ginagawang propesyon ng mga tao rito ang kanilang taglay na kapangyarihan. Academia, ang tawag sa isang paaralan kung saan tinuturuan ang mga batang salamangkero sa paggamit ng mahika. Sa isang bayan na kung tawagin ay Collusius, matatagpuan ang isang academia na palaging nasasangkot sa iba't ibang uri ng kaguluhan. Ang pangalan nito, Apreia Academy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD