Chapter 1

1580 Words
Babaeng Salamangkero --------------- Catra Napahinto na lamang ako sa aking paglalakad, nang masilayan ko na ang tindahang aking hinahanap. "Sa wakas, natagpuan ko na rin!" malakas na wika ko sa aking sarili nang bakas ang tuwa at pagkagalak sa aking labi. Agad na sumilay ang malawak na ngiti sa aking labi, at nagmadaling pumasok sa tindahan ng mga sandata. Noon pa man, mahilig na ako sa mga sandata, lalong lalo na kung ito'y matatalim. Pagpasok ko roon, bumungad sa akin ang iba't ibang klaseng sandata na nakasabit sa pader. May ilang kalasag din akong napansin sa bandang sulok subalit, ang mas nakaagaw ng aking atens'yon ay ang isang espadang kulay ginto. Sa aking palagay, gawa ito sa tunay na lavang pinatuyo, at mas lalo pa itong tumibay nang maibabad ito sa mga tinunaw na ginto. At pansin na pansin ko rin ang talim nito, na tila kumikinang-kinang pa dahil sa liwanag na nagmumula sa Flame Lantern na nasa itaas. (A/N: Flame Lantern ang tawag sa mahikang nagsisilbi nilang liwanag. Madalas itong inilalagay sa itaas na bahagi ng silid, upang maliwanagan ang kabuuan ng silid na iyon.) Agad kong nilapitan ang espada na ito. Dahan-dahan kong itinaas ang aking dalawang kamay, at hahawakan na sana ang espadang ito nang bigla na lamang akong pinigilan ng tindera. "Anong problema?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. Sa halip na sumagot, inilahad niya lamang sa akin ang isa niyang palad na tila nanghihingi ng cervantes. (A/N: Cervantes - pera o salapi ) "Magkano ba?" tanong ko sa kaniya. "Limampung cervantes," sagot niya sa akin. "Magkano?" gulat na tanong ko sa kaniya sa mataas na tono. "Ang sabi ko, limampung cervantes," pag-uulit niya sa akin. "T-Teka, sand-dali l-lang," nauutal na sambit ko sa kaniya. Agad akong tumalikod sa kaniya at kinuha ang lahat ng mga natira kong pera, mula sa aking bulsa. Gayon na lamang ang aking panghihina, nang makitang kulang ang aking dalang cervantes. Dahan-dahan akong umikot, at humarap sa kaniya habang nakangiwi. "Magkano nga po ulit? Ang bait-bait mo naman at ang ganda-ganda pa. Walang katulad ang iyong kagandahan. Napakapalad ng mga taong narito dahil sa, mayroon silang napakagandang binibining katulad mo," malambing na wika ko sa kaniya, habang nakangiti at pumipikit-pikit pa ang mga mata. "Magkano nga po ulit?" tanong ko sa malambing na tono, at kumindat. "Ano bang pinagsasabi mo? Hindi naman masyado," nahihiyang tugon niya. Napangiti na lamang ako nang napakalawak dahil sa kaniyang itinuran. "Sige na nga, apat na pu't siyam na cervantes na lang para sa isang malambing na babaeng kagaya mo," malambing na wika niya. "Ano?" gulat na tanong ko sa kaniya. "Magpasalamat ka na nga lang at binabaan ko pa ang presyo ng espadang ito para sa 'yo e," ani niya. "Tsk, huwag na nga lang!" nanggigigil na tugon ko sa kaniya bago lumabas ng tindahan. Pagkalabas ko, nasilayan ko ang mga tao na nagkakagulo at nagsisitakbuhan palayo sa lugar na ito. Hindi ko alam kung ano ang sanhi ng kaguluhang ito subalit, kung ano man iyon ay aalamin ko. "Anong nangyayari?" tanong ko sa isang babae. "Halimaw! Tumakbo ka na kung gusto mo pang mabuhay!" malakas na sigaw niya bago tumakbo palayo. "Halimaw?" nagtatakang tanong ko. Napangiti na lamang ako dahil sa kaniyang sinabi. Agad akong tumakbo patungo sa lugar kung saan nanggaling ang mga tao. Habang tumatakbo ako, hindi ko makalimutan ang presyong ibinawas ng tindera na iyon sa espada. "Isang cervantes lang? Ang kuripot naman ng tindera, hindi pa ginawang sampu o kalahating cervantes!" inis na sigaw ko habang patuloy sa pagtakbo. Napahinto na lamang ako sa pagtakbo, nang masilayan ko ang tila isang dambuhalang uso na mas malaki pa sa mga gusali. Winawasak nito ang lahat ng kaniyang madaanan. Napakamabalahibo nito at may tatlong sungay sa ulo. Ang balahibo nito ay kulay berde at sa aking palagay, may lason ang mga ito. Ang kaniyang mga kuko ay itim na itim, at napakatulis. Mayroon din siyang pangil na matutulis, mahahaba at magagaspang. "Humanda ka sa akin, isang cervantes lang pala ang tingin niyo sa akin!" nanggigigil na sigaw ko habang nakatitig sa napakalaking uso. "Word of Blade!" malakas na sigaw ko bago gumawa ng dalawang magic circle sa aking gilid, at pinasok roon ang aking dalawang kamay. (A/N : Magic Circle - sisidlan at pinagmumulan ng lakas, enerhiya at kapangyarihan ng mga salamangkero.) "Water Sword!" sigaw ko muli bago humugot ng espada mula sa loob ng magic circle, at tumakbo patungo sa direksyon ng halimaw. Habang tumatakbo ako, bigla na lamang napatingin sa aking direksyon ang halimaw. At buong lakas na hinampas ang lupa, na dahilan upang magkaroon nang napakalakas na pagyanig. "Isang cervantes, nakakainis!" malakas na sigaw ko bago tumalon nang napakataas, at buong lakas na hiniwa ang halimaw sa gitna subalit, hindi ito natablan. Pagkalapag ko sa lupa, bigla nitong kinuha ang isang poste ng kuryente, at buong lakas na pinaghahampas ako. Wala akong ibang nagawa kung 'di ang tumalon nang tumalon paatras. Naisip ko na kung aatras lang ako nang aatras, hindi matatapos ang laban na ito kaya, bigla na lamang akong huminto at nagpalit ng armas. "Word of Blade!" sigaw ko bago gumawa ng magic circle sa aking likuran, at lumikha ng limang kulay pula at malalaking espada na lumilipad. "Hindi pa ako bihasa sa paggamit ng mahika na ito pero, umaasa ako na sa pamamagitan nito, magwawakas na ang ating laban!" sigaw ko sa kaniya bago itaas ang aking dalawang kamay. Pinalipad ko ang mga espada na ito patungo sa itaas ng aking ulo. Tinipon ko muna ang aking mahika sa mga espada na ito, at pinaikot nang napakabilis. "Sword of Purgatory!" malakas na sigaw ko bago magpakawala nang napakalakas na enerhiya, at direktang pinatama sa halimaw na ito. Dahil sa aking ginawa, nagdulot ito nang napakalakas na pagyanig, pagsabog, at lumikha ng makapal na usok. Makalipas ang ilang sandali, nagulat na lamang ako nang makitang, hindi pa rin tinablan ang halimaw na ito. "Bakit ganoon? Bakit hindi ka tinatablan ng aking mahika?" naguguluhang tanong ko sa kaniya. "Dahil sa hindi ka marunong mag-isip. Kung iraranggo ko ang kakayahan mo, Minor F Rank ang ibibigay ko sa 'yo," seryosong saad ng lalaking nasa aking likuran. Pagkalingon ko sa kaniya, nasilayan ko ang isang lalaking matangkad at may nakaaakit na mukha. Ang kaniyang buhok ay nakatayo at tila, mas mapula pa ito sa nagliliyab na apoy. Ang kaniyang mga mata ay kulay pula na mas matingkad pa sa araw. Napakatangos din ng kaniyang ilong. At nang matitigan ko ang kaniyang mga labi, napakalambot nito at kay sarap halikan. Nakasuot din ito ng itim na damit at itim na pantalon. "Ano't tila napatigil ka na riyan? Sumusuko ka na ba?" tanong niya na nagpabalik sa akin sa realidad. "Sumusuko, sino?" painosenteng tanong ko sa kaniya. "Aaminin ko, g'wapo ka at may itsura pero hindi ko gusto ang ugali mo!" inis na sambit ko sa kaniya bago tumalikod, at muling hinarap ang halimaw. "Ipakikita ko sa 'yo, ang aking tunay na mahika," dagdag ko pa bago gumawa ng isang malaking magic circle sa aking paa. "Sige ba," aniya sa mapang-asar na tono. "Requip!" sigaw ko bago magpakawala nang napakalakas na magic power, at binalot nito ang aking katawan. (A/N : Magic Power - tawag sa mahika o kapangyarihan ng isang salamangkero.) Mula sa aking paa, binalot ito ng isang nagliliwanag na kapangyarihan. Mula sa kulay itim na sapatos, bigla na lamang itong binalot ng kulay gintong metal. Unti-unti itong umangat hanggang sa marating na nito ang aking mga binti. Itinaas ko ang aking isang kamay, at muling gumawa ng isang malaking magic circle sa itaas ng aking ulo. Unti-unti itong bumababa sa aking katawan. Kasabay nito, ay ang pagbalot ng isang napakatigas at kulay gintong metal sa kabuuan ng aking katawan. Nang mabalot na nito ang aking katawan, lumikha ulit ako ng isang napakalaking magic circle sa aking likuran. Unti-unti kong inilabas ang aking pakpak, na gawa sa kulay pilak na metal. "Golden Wings Armor," sambit ko nang matapos ko na ang pagpapalit ng aking baluti. Nang makitang kong hahampasin na ako ng halimaw, agad akong lumipad nang napakataas, at lumikha ng sampung espada. Agad ko itong kinontrol sa ere, at inatake ang halimaw subalit yumuko lamang ito, at pinangalagaan ang kaniyang sarili gamit ang kaniyang mga braso. "Word of Blade!" sigaw ko bago gumawa ulit ng panibagong Magic Circle. "Seven Highly Swords!" sigaw ko bago palutangin ang pitong malalaking espada, at inatake ang halimaw subalit hindi pa rin ito tinatablan. "Ito ang pitong espada na nagmula pa mismo sa isang bathala. Pinapahina nito, at pinalalambot ang kahit na anong bagay o salamangka. Sigurado akong tatablan ka na, sa susunod kong atake," nakangising sambit ko habang pinagmamasdan ang halimaw. Malapit ko na sanang matalo ang dambuhalang halimaw na ito, nang bigla na lamang nagliwanag ang aking baluti hanggang sa naglaho na ito nang tuluyan. Kasabay nito, ay ang paglaho ng aking mga espada, at ang aking pagkahulog paibaba. Habang nahuhulog ako, ramdam na ramdam ko ang napakalakas na hanging dumadampi sa aking mukha. Nagpasya na lamang akong ipikit ang aking mga mata, at hinintay na tumama ang aking katawan sa matigas at maruming semento. Sa halip na matigas na semento, isang matigas na braso ang aking naramdaman. Pagkadilat ng aking mga mata, muli kong nasilayan ang mukha ng lalaking kanina pa nanglalait sa aking kakayahan. "Napakahina mo talaga. Babaeng salamangkero," bulong niya sa akin bago ako mawalan ng malay. Ipagpatuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD