Chapter 2

1573 Words
Apreia Academy ----------------- Catra Nagising na lamang ako, dahil sa mainit na sinag ng araw na tumatama sa aking balat. Pagkadilat ng aking mga mata, narito ako sa isang napakalinis na silid, na ang pader ay gawa sa puting semento. Wala kang makikitang kahit na anong bagay o palamuti sa silid na ito, maliban na lamang sa Flame Lantern na nasa itaas at lumulutang. Subalit, bukod sa liwanag na nasa loob nito, may naramdaman pa akong kakaiba. "Mahika?" manghang sambit ko habang nakatitig sa Flame Lantern. "Gising ka na pala," masayang sabi ng isang lalaki. Bagsak ang kaniyang buhok, at ang kulay nito ay asul na mas matingkad pa sa kulay ng karagatan. Mas maputi pa sa sampaguita ang kulay ng kaniyang balat, gayundin ang kulay ng kaniyang mukha. Napakaganda ng kaniyang mga mata. Kulay asul na maihahalintulad sa isang napakalawak na kalangitan. Masasabi kong matangos din ang kaniyang ilong. Hindi gano'n kapula ang kaniyang mga labi subalit, napakalambot nito at nakaaakit. Idagdag mo pa ang kaniyang ngiti na nakagagaan sa pakiramdam, at nakahahawa. Masasabi kong mas may itsura ang lalaking ito, kaysa sa lalaking mayabang na nakatagpo ko noong kinakalaban ko ang... "Sandali lang, nasaan na ang halimaw?" tanong ko sa kaniya. "Halimaw?" nagtatakang tanong niya habang nakakunot ang noo at nag-cross arm. "Halimaw, iyong nakalaban ko sa bayan ng Collusius," paglilinaw ko sa kaniya. Sa sobrang inis ko, napatayo na lamang ako ng wala sa oras, at padabog na naglakad palabas ng silid. Pagkalabas ko, isang napakalawak na pasilyo ang bumungad sa akin. "Nasaan ako?" wala sa sariling tanong ko habang namamanghang pinagmamasdan ang buong paligid. Ginto ang kulay ng mga pader, gayundin ang kulay ng sahig. Wala ka ng iba pang makikita kung 'di ang mga pinto ng bawat silid, at ang mga Flame Lantern na nakalutang sa itaas. "Maligayang pagdating sa Apreia Academy!" masigla at malakas na sigaw niya na nasa aking likuran. "Apreia Academy?" gulat na tanong ko sa kaniya. "Narito ka ngayon sa Apreia, hindi ka ba makapaniwala?" nakangiting tugon niya. "Pero paano?" naguguluhang tanong ko sa kaniya. "Dinala ka lang naman ni Flegil sa academia na ito habang walang malay," sagot niya habang nakaiwas ng tingin. "Sino si Flegil?" tanong ko ulit sa kaniya. "Ang dami mong tanong, tara na nga lang!" inis na sigaw niya sa akin bago hawakan ang aking kamay, at hinila patungo sa kung saan. "Saan mo ako dadalhin?" malakas na tanong ko sa kaniya. "Babaeng puno ng katanungan, patahimikin mo nga ang bibig mo," utos niya sa akin habang nagpipigil ng inis. "Hindi naman ako magtatanong kung..." Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang bigla na lamang siyang huminto sa paglalakad, at inis na humarap sa akin. "Hindi ka ba talaga titigil?" pasigaw na tanong niya sa akin. "May problema ba rito, Julius?" walang buhay na tanong ng isang babae na kararating lang. "Ito kasing isang 'to e!" inis na sagot niya. "Sino ka naman?" tanong niya sa malamig na boses. "Ako si Catra," pagpapakilala ko sa kaniya. "Bagong estudyante?" tanong niya bago itaas ang isang kilay. Huminga muna ako nang malalim, at iniyuko ang aking ulo bago sumagot. "Hindi po," mahinang sagot ko sa kaniya. "Anong dahilan at iniyuyuko mo ang iyong ulo? Nahihiya ka ba? Hindi ka ba komportable sa academia na ito?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. "Hindi naman po sa gano'n," nahihiyang sagot ko sa kaniya. "Pakainin mo muna siya sa Deria Restaurant," utos niya kay Julius. "Masusunod, Hera Diana," sagot ng lalaking kasama ko na nagngangalang Julius. (A/N: Hera - ang tawag sa mga babaeng tagapagbantay ng bansang Fiore o Guardians of Fiore.) Bigla na lamang ako nakaramdam nang kakaiba, at napakalakas na kapangyarihan nang bigla siyang napalingon sa akin. Tiningnan niya muna ako mula paa hanggang ulo, na tila sinusuri ang kabuuan ng aking katawan. Napalunok na lamang ako ng wala sa wala oras, nang bigla siyang naglakad patungo sa aking direksyon at nilagpasan ako. Subalit, bago pa man siya makalagpas, may isang bagay siyang ibinulong na ikinagulat ko. "Ayos ka lang?" nagtatakang tanong ni Julius na nagpatango sa akin. "Tara na," aya ko sa kaniya bago naglakad. Pansin ko ang pagtataka sa kaniyang mukha subalit, hindi ko na lamang ito pinansin. Nakapagtatakang, nalaman ng babaeng iyon ang aking lihim. Sino ka ba talaga Hera Diana? Paano mo nalaman ang tungkol sa bagay na iyon? Napahinto na lamang kami sa tapat ng isang pinto, na gawa sa pinakamatibay na pilak at tanso. Agaw-pansin din ang isang simbolong nakaguhit sa pinakagitnang bahagi ng pintuan na ito—kulay pulang ibon na tila nasusunog. "Ano ang bagay na iyan?" tanong ko sa kasama ko na si Julius, habang nakatitig sa simbolo na ito. "Iyan ang Academia's Mark," nakangiting sagot niya bago hubarin ang kaniyang damit na pang-itaas. Ipinakita niya rin sa akin ang isang simbolo, na nasa kaniyang kanang bahagi ng abs. Katulad rin nito ang simbolong nasisilayan ko sa gitna ng pinto na ito subalit, ang simbolong nakadikit sa kaniyang katawan ay kulay itim. "Academia' Mark?" naguguluhang tanong ko sa kaniya habang nakatitig sa simbolo. "Academia's Mark ang sumisimbolo sa isang academia. Phoenix ang tawag sa simbolo ng Apreia Academy. Lahat ng kasapi nitong academia na ito, ay mayroon ding simbolo gaya niyan," paliwanag niya sa akin. Nang matapos na siya sa kaniyang pagpapaliwanag, sinubukan kong hawakan ang simbolo na ito. Pagka-hawak ko rito, bigla na lamang dumilim at naglaho ang buong paligid ko. "Anong nangyayari?" gulat na tanong ko habang pinagmamasdan ang isang paligid na napakadilim. Habang pinagmamasdan ko ang paligid ko, bigla na lamang akong nakarinig nang napakalakas na atungal ng isang dragon. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata, at napaupo dahil sa labis na panghihina. "Napakaingay!" sigaw ko habang tinatakpan ko ang aking dalawang tainga, gamit ang aking mga kamay. Makalipas ang ilang minuto, tumigil na rin sa pag-atungal ang isang dragon. Dahan-dahan akong tumayo, at lumingon sa aking likuran. Pagkalingon, nakita ko ang isang napakalaking ibon na binabalutan ng apoy. "Imposible, iyan ang..." Hindi ko na natapos ang aking sasabihin at napabalik na lamang sa realidad, nang bigla na lamang akong nakaramdam ng isang napakalamig na tubig sa aking ulo. "A-Anong n-nangy-yari?" nauutal na tanong ko kay Julius. "Anong nangyayari dito?" tanong ng isang napakatangkad na lalaki. May kahabaan at kulay puti ang kaniyang buhok, gayundin ang kulay ng kaniyang mga mata. Matangos din ang kaniyang ilong, at may mahahabang mga tainga. Ang kaniyang labi ay may kagaspangan, at mas maputi pa sa mga ulap. Nakasuot din ito ng kulay pulang kasuotan na umaabot hanggang sa kaniyang mga hita. May kulay pulang kapa rin ito sa kaniyang likuran na tila, isang superhero. Mayroon din siyang mahahabang mga kuko at tila, mas matulis at mas matalim pa ito sa isang kutsilyo. "Nariyan pala kayo, Raha Fredrick," wika ni Julius bago ngumiti nang pilit. (A/N: Raha - ang tawag sa mga lalaking tagapagbantay ng bansang Fiore o Guardians of Fiore.) "Inuulit ko, anong nangyayari dito?" pag-uulit ng matangkad na lalaking tinawag ni Julius na Raha Fredrick. "N-Narinig k-ko," nanginginig na sagot ko kay Raha Fredrick. Agad silang napalingon sa akin. Ngayon ko lamang napansin, narito na pala sa aming paligid ang iba pang mag-aaral ng academia na ito. "Anong narinig mo?" nagtatakang tanong ni Raha Fredrick. Huminga muna ako nang malalim bago ipinagpatuloy ang aking sasabihin. "Nar-rinig ko, i-isang malak-kas na at-tungal ng i-isang drag-gon," nanginginig na sagot ko sa kanila habang nakayuko, at nakatitig lamang sa sahig. "Atungal ng isang dragon?" naguguluhang tanong ni Julius na nagpatango sa akin. "At s-saka..." "Raha Fredrick," sabat ng isang batang babae na kararating lang. "Ano 'yon, Wendy?" tanong sa kaniya ni Raha Fredrick. "Nagdala po ako ng Spring Vamp para sa babaeng iyan," mahinang tugon ng isang batang babae, na nagngangalang Wendy habang nakayuko. (A/N: Spring Vamp- isang kagamitan na matatagpuan lamang sa Apreia. Ginagamit ito upang matuyo kaagad ang mga basang damit at ang katawan.) Makalipas ang ilang saglit, iniabot na ni Wendy ang dala niyang Spring Vamp kay Raha Fredrick, at ibinigay sa akin. Agad ko itong kinuha, at inilagay sa aking leeg. Dahil dito, naging komportable na ako at nabawasan ang lamig na aking nararamdaman kanina. "Maaari mo na bang ipagpatuloy ang iyong sasabihin? Ano ang narinig at nakita mo kanina?" tanong ni Raha Fredrick sa akin. "Ang atungal ng dragon, napakalakas at nakabibingi. Tapos," mahinang sagot ko sa kaniya. "Tapos?" tanong niya habang nakakunot ang noo. "Tapos, isang napakalaking ibon na binabalot ng apoy. Para bang nasusunog ito," pagpapatuloy ko sa kaniya. "Malaking ibon na nasusunog? Hindi kaya..." Hindi na natapos ni Raha Fredrick ang kaniyang sasabihin, nang bigla na lamang umulan nang napakalakas. Dahil sa ulan na ito, unti-unting nalanta ang mga bulaklak at nalagas ang mga dahong nagmumula sa isang puno. "Julius," gulat na sabi ni Raha Fredrick. "Ang dragon na iyon," seryosong sambit ni Julius habang nagpipigil sa galit. Kita ko rin ang pagbabago ng kaniyang itsura. Ang kaniyang buhok ay mas lalo pang tumingkad ang kulay, gayundin ang nangyari sa kaniyang mga mata. Patuloy rin sa pagbabagsakan ang mga tubig na nagmumula sa kaniyang mga palad. "Huminahon ka lang, Julius," pagpapahinahon ni Raha Fredrick. "Paano ko gagawin 'yon?" seryosong tanong ni Julius nang bakas ang galit at pighati. "Humina..." "Ako ang papatay sa dragon!" malakas na sigaw niyang umalingawngaw sa buong paligid. Ipagpatuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD