Jessie’s POV
Hi ako nga pala si Jessie Suarez, 18 years old. Meron akong dalawang kapatid si kuya Joseff at si ate Jennie. Si kuya Joseff ang panganay, si ate Jennie naman ang pangalawa at syempre ako ang bunso. Pinalaki naman kami ng parents namin na mababait.
Right now hinihintay ko ang boyfriend ko dito sa table namin dahil umoorder siya ng food namin. Andito nga pala ako sa cafeteria ng school namin. Napansin ko naman ang isang lalaki sa kalapit naming table na parang tinititigan ako pero ayoko naman mag assume no. Kaya minsan tinitingnan ko siya and I find him cute. Iwinaksi ko yon sa isip ko, di na dapat ako nag iisip ng ganto I have a boyfriend and his name is Steven Sy.
“Jess eto na food natin!” Narinig kong sigaw sa akin ni Steven na naglalakad papalapit sa akin.
Pagkalapag niya ng mga pagkain sa table ay bigla siya kumaway sa kabilang table. What kakilala pala ni Steven si pogi. No! Di siya pogi may bf na ko dapat sa kanya lang ako nagwagwapuhan.
“Hi Jayzen, gf ko nga pala si Jessie. Jessie si Jayzen pala classmate ko.” Jayzen pala pangalan niya hihi cute pero mas cute kung tatagiwin ko siyang Jaze.
“Hi!” Bati sa akin ni Jaze sabay ngiti. s**t ang gwapo.
“Hello.” Medyo nahihiyang pagbati ko sa kanya.
Bigla namang may lumapit na dalawang babae sa kanya. Wait parang familliar sila hmmm ahh kaklase ko pala sila. Kaibigan pala nila si Jaze.
Pagkatapos namin kumain ay umalis na rin kami agad para pumasok sa susunod naming klase.
———
Jayzen’s POV
Habang kumakain kami sa cafeteria panay tanong sa akin ng dalawang to kung sino or anong itsura daw ba nung nagugustuhan ko. Di ko naman maturo yung nasa kabilang table dahil nahihiya ako at baka asarin ako ng dalawang to na may jowa naman pala siya.
“Zen ano ngang pangalan nung crush mo?” Pangungulit sa akin ni Sofie. Ito ang isa sa pinaka ayaw ko kay Sofie bukod sa pagiging mapang asar niya. Masyado siyang chismosa na makulit. Yung di ka titigilan hanggat di mo siya nasasagot sa mga katanungan niya.
“Pwede ba Sofie mamaya mo na lang itanong yang mga tanong mo. Mabuti pa kumain na lang muna tayo.” Naiinis kong sabi sa kanya. Si Chlarisse mukhang nag eenjoy panoorin kami. Dahil nakangiti lang siya habang nakatingin sa amin.
“Zen please sabihin mo na please mga kaibigan mo naman kami diba.” Kunwaring nagtatampo na sabi niya. Sasabihin ko naman sa kanila kung sino e. Kaso nasa tabi lang naman kase namin yung taong tinutukoy niya. Sadyang makulit lang talaga siya.
“Sasabihin ko naman sa inyo pero pwede mamaya na lang pag uwi. Sabay sabay naman tayong uuwi diba.” Pagpapaliwanag ko sa kanya. Nawa’y di na siya mangulit at piliin na lang sumuko.
“Haysst! Fine later na lang after class.” Pagsukong sabi niya. Sa wakas di na siya mangungulit.
.
.
Kring!! Kiiing!! Kriing!
Isa lang ibig sabihin nan tapos na ang first day of school uwian na. Gusto ko na agad makauwi para makapagplano pa ako kung pano ko aagawin si Steven sa girlfriend niyang si Jessie.
“Guys mauna na ako ha!” Paalam ko sa tatlo.
“Sige pareng Jayzen.” Nakangiting sabi sa akon ni Stven. Shocks! Ang gwapo mga bhe. Kumaway naman sa akin sina Kyle at Russel.
Paglabas ng classroom sinalubong ko naman agad sina Sofie at Chlarisse dahil sabay nga kaming tatlo na uuwi.
“Hi Zen!” Sabay na banggit ng dalawa. For sure magiging magkamukha na yang dalawang yan, laging magkasama eh.
“Hey guys!” Sinalubong naman ako ng halik ng dalawang to. Kaya ang mga girls sa paligid namin ay ang sama nanaman ng tingin sa kanila.
“Yang mga babaeng yan naiinis na ako sa kanila ha. Ang sarap sabunutan isa isa.” Nanggagalaiting sabi ni Chlarisse. Napangisi naman ako haha.
“Ganto talaga pag gwapo hinahalikan niyo haha.” Pagyayabang na sabi ko.
“Nako Zen ang sarap mong kaltukan. Pag ako nagpagupit din ganyan din ako kagwapo for sure.” Pagmamayabang din na sabi ni Sofie. Bigla naman siyang binatukan ni Chlarisse.
“Ouch! Ano ba naman yan Chla bakit ka ba nambabatok?” Naiinis na sabi ni Sofie habang hinihimas yung part na binatukan ni Chlarisse. Buti na lang talaga sinundan ako ng dalawang to atleast diba may kakilala ako at mas maeenjoy ko pa dito.
“Puro kayabangan na lumalabas sa bunganga mo!” Sigaw dito ni Chla.
“Eh bakit si Zen nagyabang din naman ah bat di mo binatukan yan ha!” Balik na singhal sa kanya ni Sofie. Natatawa na lang ako sa dalawang to e haha.
“Eh si Zen kita mo naman na ang resulta, naging gwapo talaga siya. Eh ikaw? Di ka pa man nagpapagupit halata na ang kalalabasan, mukhang di maganda.” Natatawang pang aasar sa kanya ni Chla.
“Bakit ang sama niyo sa akin ha hmp.” Nagtatampong sabi ni Sofie.
“Ang drama mo Sofie.” Natatawang sabi ko sa kanya tapos tsaka ko siya inakbayan. Sumingit na ako at baka mag away pa ng tuluyan ang dalawang to.
Nagsimula na kaming lumakad papuntang parking lot alam ko may dala ding sasakyan ang isa sa dalawang to. May bigla naman akong naalala na itanong sa kanila.
“Nga pala guys! Saan nga pala kayo tumutuloy na dalawa?” Curious na tanong ko sa dalawa.
“Sa kalsada lang Zen huhu nakakaawa kami.” Kalokohang sabi ni Sofie. Pero bigla naman siyang binatukan ni Chla.
“Ouch! Ikaw ha nakakadalawa ka na.!” Sigaw niya kay Chla na tila kala mo’y naiinis.
“Umupa kami ng apartment Zen.” Sabi ni Chla, buti na lang matinong sumagot si Chlarisse.
“Gusto mo Zen dun muna tayo sa apartment para naman maka catch up kami sa mga plano mo sa buhay.” Nakangising sabi ni Sofie.
“Sige guys convoy ako.” Sumakay na ako sa sasakyan ko at sumakay na rin sila sa kotseng dala nila. Kay Chla pala ang dala nilang kotse.
Maigi ko naman sinundan ang dalawa, okay lang naman siguro na tumambay ako sa apartment nila kahit saglit lang. Pagkarating ng aprtment nila ay agad naman kaming pumasok sa loob. Malaki din ang apartment na nakuha ng dalawang to ah.
Pagkarating namin sa living room ay agad naman nagready ng snacks at maiinom si Chla. Hindi alak ha! Juice lang haha bawal pa kase may pasok pa bukas.
“So Zen sino nga ba talaga yung lalaking nagugustuhan mo?” Seryosong tanong ni Chla. Si Chla na ang nagtanong dapat sumagot ako ng ayos, dahil panigurado bugbog ako nito. Takot kaming dalawa ni Sofie kay Chla may pagkaseryoso kasi siya. Nakita ko namang ngumisi bigla si Sofie nung si Chla na ang nag tanong sa akin.
“His name is Steven and classmate ko siya.” Medyo kinikilig kong sabi sa dalawa pero bigla ko namang naisip yung gf niya bigla namang bumilis t***k ng puso ko. This can’t be.
“Alam mo Zen di na bagay sayo ang kiligin ng ganyan. Haha!” Pang aassr ni Sofie.
“So kailan mo siya ipapakilala sa amin?” Tanong ulit ni Chla.
“Tomorrow kapag nakita ko siya tapos kasama ko kayo.” Sagot ko para di na sila mangulit pa.
“Sige Zen ha sabi mo yan.” Naniniguradong sabi ni Sofie.
“Oo na.”
Pagkatapos naming mag bonding na magkakaibigan ay agad naman akong nagpaalam dahil baka nag aalala na sa akin si Yaya Meling.
“Guys una na ako ha baka hinihintay na ako ni Yaya.” Paalam ko sa dalawa.
“Sige Zen. Ingat sa pag uwi.” Sabay hinatid na nila ako hanggang gate.
Haysst bukas na ulit, kailangan kong magisip ng mga plano para mapasa akin na talaga si Steven. I will make you mine!