Jayzen’s POV
Its morning another day for school. So ginawa ko na ang morning rituals ko. Tapos dai dali na akong lumabas para kumain ng breakfast, for sure magagalit nanaman sa akin si Yaya Meling pag na late ako.
“Jayzen kain na.” Eto naman talaga si Yaya nagmamadali nanaman.
“Eto na po Yaya Meling, excited naman po kayo lagi eh.” Pagbibiro ko kay Yaya Meling, sabay upo na sa hapag kainan.
“Hay nako ikaw na bata ka kumain ka na lang diyan at pumasok ka na pagkatapos.” Mga matatanda talaga napakamot na lang ako sa ulo ko ng wala sa oras.
“Opo Yaya.” Kaya naman binilisan ko na lang kumain para makapasok na at para makaroon na rin ng improvement sa amin ni Steven.
Kaya naman pagtapos kong kumain ay mabilis naman akong sumakay sa sasakyan ko. Pagdating ko sa school panay pa rin ang tinginan ng mga estudyante sa dala kong sasakyan. Pagka park ko ng ayos ay bumaba na ako sa sasakyan. I love the attention that they giving me.
“Gosh ang gwapo niya talaga.” Narinig kong sabi ng babae.
“Oo nga girl super crush ko na siya.” Pag sang ayon naman ng isa dito.
“Shet mas lalong gwapo nung ngumiti.” Tili naman ng isang babae.
Ngumiti kase ako nung makita ako ang dalawa kong kaibigan na lumalakad papalapit sa akin.
“Good morning Zen dami mo nanamang admirer ah.” Nakangiting sabi ni Chlarisse. Mukhang good mood si Chla ah.
“Oo nga Zen parang sikat na sikat ka sa school. Parang gusto ko din.” Kinikilg na sabi naman si Sofie. Natatawa naman ako sa dalawa.
“Sino ba kasi yang dalawa na yan na laging lumalapit kay Baby Jayzen natin.” Narinig namin na bulong ng isang babae sa mga kasamahan niya.
“Oo nga tapos kung makahalik pa grr.” Sabi naman ng isa. Alam kong medyo nilalakasan nila para marinig ng dalawa kong kasama.
“Alam niyo naiinis nako diyan sa mga babaeng yan ha.” Naiinis na sabi ni Chla. Alam kong gigil na siya diyan sa mga babaeng yan.
“Op op op” pag pigil dito ni Sofie. “Hayaan mo na sila, inggit lang sila sa atin kase lagi natin kasama si Zen.” Pagpapaliwanag ni Sofie kay Chla.
“Oo nga hayaan niyo sila. Tara na!” Pag sang ayon ko kay Sofie. Ngayon lang kami nagsundo sa isang desisyon haha, puro kase kalokohan yang babae na yan.
Kaya naman umalis na kami at naglakad na papunta sa kanya kanyang building.
“Pano ba yan guys, sa kabilang way ako.” Paalam ko sa kanila, alam niyo na iba kase course ko.
“Sige Zen.” Sabay na sabi ng dalawa. At parehas ko silang kiniss sa cheeks nila. Bigla namang tumingin sa paligid si Sofie at ang mga babae eh ang sasama nanaman ng tingin sa kanila.
“Alam mo Zen wag ka na ngang kumiss sa amin, ang seselosa ng mga fangirl mo.” Natatawang sabi ni Sofie, di naman siya naiinis sa mga ito mukhang naeenjoy pa nga niya e.
“Tara na nga Sofie at parang miirita nanaman ako.” Sabi ni Chla sabay irap dun sa mga babae. Kaya si Sofie panay ang tawa.
“Sige girls!” Paalam ko at nagsimula na akong mag lakad sa Engineering building kung san nandoon ang crush ko.
Pagpasok ko sa classroom tinawag naman ako agad ni Steven, shet kilig ako. Napangiti naman agad ako sa kanya pero syempre wag tayong papahalata.
“Yow! Pareng Jayzen.” Bati niya sa akin.
Umupo naman ako sa tabi nila. Naghintay na lang kami ng prof na dadating. Mga 2 hrs naglecture ang prof namin medyo nabobored ako, mukhang nagbabawi ang prof ah dahil di sila nagklase nung first day of school. Nung natapos na ang prof agad naman kaming nakahinga ng maluwag, masyado kaseng madugo yung tinuro niya sa amin.
“Jayzen sabay ka na sa amin maglunch.” Pag aaya sa akin ni Steven. Medyo kinilig naman ako na sabay kaming maglulunch.
“Oo nga Jayzen.” Pagsang ayon naman ni Kyle. At tumango na lang sa akin si Russel.
“Sige guys.” Pagpayag ko sa kanila. Kaya naman sabay sabay na kaming lumabas ng classroom at dumiretso na kami sa cafeteria.
Papasok na kami ng cafeteria ng may tumawag sa akin. “Zen!” Sigaw ni Sofie. Kasama niya si Chla and guess what pati si Jessie. Kaya naman lumapit na sila sa amin.
“Hi babe.” Nakangiting sabi ni Steven kay Jessie. Napasimangot naman ako don at alam kong napansin iyon Chla. Observant kase siyang tao.
“Pareng Jayzen di mo naman sinabi na may mga friends ka pa lang magaganda.” Bulong sa akin ni Russel. Narinig naman iyon ni Kyle.
“Oo nga Jayzen ipakilala mo naman kami.” Dagdag pa ni Kyle.
“Osige.” Nasa iisang table na kami pumwesto at buti na lang nagkasya kaming lahat.
“Nga pala guys, ipakilala ko sa inyo mga kaibigan ko si Sofie at Chlarisse.” Pakikala ko sa dalawang tukmol haha mukha kase silang tukmol eh.
“And Sofie at Chla eto nga pala si Steven, Kyle at Russel.” Nakipagshake hands naman sina Russel at Kyle tapos panay ang pacute sa dalawa. Si Sofie naman natatawa lang.
“Kami na ni Kyle ang mag oorder ng food natin.” Volunteer na sabi ni Russel, sure ako nag papalakas at nagpapacute lang yang dalawang yan sa mga kaibigan ko. Pero okay na din di na kami tatayo pa para bumile ng food namin.
“Yun naman pala e.” Masayang sabi ni Steven. Syempre di na din siya tatayo pa eh. “Jayzen lagi mong isama yung dalawa mong kaibigan para may tagabili tayo lagi.” Bulong naman sa akin ni Steven. Medyo kinilig naman ako don hihi.
“Guys anong order niyo?” Sabay na tanong nung dalawa.
“Sakin kahit ano okay lang.” Sagot ko naman sa kanila.
“Pare parehas na lang para di na kayo mahirapan.” Suggestion naman ni Chla.
“Sige guys ha kami na bahala kung anong kakainin niyo.” Sabi naman ni Kyle kaya sabay sabay lang kaming tumango.
Pagkatapos naming kumain ay agad namang nag paalam ang dalawa kong kaibigan na parang nagmamadali.
“Guys una na muna kami ha, isama namin si Jayzen.” Paalam ni Sofie kila Steven. Nag okay sign naman sila.
Kaya ayon hila hila ako ng dalawang to palayo sa cafeteria.
“Guys bakit ba kayo nag mamadali? May race ba?” Pagbibiro ko sa kanila, pano kase bigla bigla na lang nagiging ganan.
“May dapat ka pang sabihin sa amin.” Sabi nila at sabay titig sa akin ng madiin.
“Oo nga Zen may nalilimutan ka ata.” Sabi naman ni Sofie.
“Aiish fine sige na sabihin ko na. Oo si Steven yung crush ko pero ayon may girlfriend na pala siya. Okay na?” Pagpapaliwanag ko sa kanila para di na humaba pa.
“Sabi ko na eh.” Parang tumama sa lotto na sabi ni Chla.
“Napansin mo yon? Galing mo ah.” Inosenteng sabi naman ni Sofie.
“So okay na guys? Di ko na kailangan mag explain pa?” Medyo naiinis kong sabi sa kanila.
“Haha oo na Zen wag ka na mainis.” Natatawang sabi ni Sofie.
“Pero Zen ano ng plano mo ngayong nalaman mong may girlfriend na siya.” Matalinong tanong ni Chla.
“Oo nga no.” Sabat ni Sofie.
“Simple lang guys edi aagawin ko no matter what.” Nakangising sabi ko sa dalawa.
“Sige Zen suportahan ka namin sa mga plano mo pero pag sobra na enough na ha.” Madamdaming sabi ni Chla tapos ay niyakap ako kaya niyakap ko din siya.
“Teka lang bat di ako kasali diyan? Sali ako.” At nagpumilit namang sumiksik si Sofie sa amin. Kaya natatawa na lang kami ni Chla sa kanya.
Masaya ako kase binigyan ako gantong kaibigan. Sila na kasama ko simula pa nung una. Pag may problema nag tutulungan. I’m so thankful having this girls. For keeps talaga!